You are on page 1of 3

Prologo

Sa pagbuksan ng pintuan ng pahinang ito, inaanyayahan ko kayo sa isang paglalakbay sa mundong


pinagsanib ng mga letra, salita, at damdamin. Dito sa portfolio na ito, iniuukit ko ang aking pagganap sa
asignaturang Filipino sa Piling, isang paglalakbay na sa bawat patak ng tinta, ay bumubukas ng pinto sa
masalimuot na kaharian ng wika at sining ng pagsulat. Sasalamin dito ang mga akademikong sulatin at
mga sagutang papel na naglalahad ng aking kakayahan at kaalaman sa sining ng pagsulat.

Ang portfolio na ito ay inaalay ko sa aking mga magulang. Sila ang nagbigay ng inspirasyon at gabay
sa bawat hakbang ng aking edukasyon. Ito ay isang munting regalo na nagsasalamin ng aking utang na
loob at pasasalamat. Inihahandog ko rin ito sa aking mga naunang guro na nagbigay ng sandatang pang
edukasyon sa aking kamay, lubos akong nag papasalamat sa kanilang walang sawang pagtuturo at
gabay.

Sa pagtatapos ng huling pahina, nagiging malinaw sa akin ang diwa ng pasasalamat. Sa Ama ng lahat ng
wika, nais kong magpasalamat sa pagtuturo ng mga lihim ng mga titik at simbulo. Sa mga guro kong
nagbigay gabay at inspirasyon, at sa mga magulang kong laging nariyan, ako'y nagpapasalamat. Ang
bawat patak ng tinta sa pahinang ito ay isang pagkilala sa kanilang mga pangalan, isang awit ng
pasasalamat na umaagos mula sa pusong handang itapon ang sarili para sa pag-usbong ng sariling wika.
Maraming salamat sa inyo, mga ilaw ng aking landas.

Epilogo
Sa pagtatapos ng landas sa mga pahina ng asignaturang Filipino sa Piling Larang, nakatanim ang diwa ng
paglalakbay, pagpapahayag, at paglago. Bawat titik, bawat pahina, ay nagsilbing mga hagdang-bato
patungo sa paglinang ng aking kakayahan sa pagsasalaysay at pagpapahayag.

Ang pagsusuri sa mga akademikong sulatin at sagutang papel ay nagsilbing pag-akyat sa mas mataas na
antas ng kaalaman sa wika. Nakatanim sa bawat pangungusap at pangungusap ang pagmumula ng pag-
unlad, at sa paglisan ng bawat pahina, dala ko ang mga karanasang nagbukas ng pinto tungo sa mas
malawak na kaharian ng pagsusulat.

Higit sa lahat, sa pagtatapos ng landas, narito muli ang aking diwa ng pasasalamat. Ipinapaabot ko ang
aking taos-pusong pasasalamat sa mga guro, magulang, at mga kaibigan na nagbahagi ng kanilang lihim
ng sining at nagsilbing ilaw sa madilim na bahagi ng pagsusulat. Ang aking pagsusulat ay hindi magiging
matagumpay nang walang kanilang mga pangaral at gabay.

Sa pagtatapos ng paglalakbay sa pahinang ito, nais kong ituring ang bawat titik at pahina bilang isang
makulay na bahagi ng aking akademikong paglalakbay. Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng
pagsusulat na ito.
I. Mga Sulatin Pamagat Pahina

1. Pagsulat ng Bionote 1

2. Pagsulat ng Katitikan ng Pulong Solusyon para sa mga suliranin sa 2-4


loob ng silid-aralan

3. Pagsulat ng Talumpati Wika 5

4. Pagsulat ng Sinopsis May Huklubang Ama sa Tumba- 11


tumba

5. Pagsulat ng Abstract Kasanayan sa pagsasalita ng mga 16


mag-aaral sa Ika-apat na taon

6. Pagsulat ng Organisado, Kabataan, Tahakin ang Tuwid na 17


Malikhain at Kapani-paniwalang Landas
sulatin

7. Pagsulat ng Replektibong Bad genius 18


Sanaysay

8. Pagsulat ng Lakbay Sanaysay White rock beach 19

9. Pagsulat ng Pictorial na Sanaysay Sikap at Tiyaga ang susi sa tagumpay 20-21


na inaasam-asam ng bawat isa

10. Pagsulat ng Posisyong Papel 1. Ang K-12 Program: Hamon at 22


kagandahan sa Larangan ng
Edukasyon

2. Ang Jeepney Phase-Out sa 23


Pilipinas: Nanganganib na
Pagbabago o Hakbang sa Tamang
Direksyon?

II. Mga sagutang papel sa mga 24


Pagsusulat

You might also like