You are on page 1of 26

12

x3
0

Inihanda ni:
Bb. Judy Ann T. Capalla
MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral sa ikalawa
baitang ay inaasahang: 
 natutukoy ang magagalang at di-magagalang
na pananalita;
 nagagamit ang magagalang na pananalita sa
pagbati, paghingi ng pahintulot, pagtanggap ng
paumanhin, at pagbigay ng reaksiyon; at
 napapahalagahan ang paggamit ng
magagalang na salita.
Halina at Ating Pakinggan!
Mga Tanong

Ano-ano ang mga


Saan tungkol ang kanta? magagalang na salita na
nabanggit sa Kanta?

Ano ba ang batang


Gumagamit ka ba ng mga
magalang?
ito?

Mahalaga bang gumamit ng


magagalang na salita kapag
may kausap? Bakit?
Talasalitaan

makikiraan makalipas

5
Ang Umaga ni Lea

6
Isang araw, maagang pumasok si
Lea sa paaralan. Nakasalubong niya
sa daan ang kaniyang kamag-aral na
si Mico.

7
“Magandang umaga, Mico!”
masayang bati ni Lea.

8
“Magandang umaga rin, Lea!”
nakangiting tugon ni Mico.

9
Pagkatapos, sabay na silang
pumasok sa paaralan. Habang sila ay
papunta sa kanilang silid-aralan,
nakita ni Lea ang kaniyang
dalawang guro na nag-uusap malapit
sa pinto.

10
“Makikiraan po,” sabi ni Lea habang
dumaraan sa pagitan ng dalawang
guro.

11
Habang naglalakad si Lea papunta sa
kaniyang upuan, aksidenteng niyang
natapakan ang bag ni Mario na
nakalapag sa sahig.

12
“Naku! Pasensiya ka na, Mario.
Hindi ko sinasadya,” nahihiyang
sabi ni Lea.

“Ayos lang, Lea. Nakaharang din


naman ang bag ko sa daanan,”
tugon ni Mario.

13
Makalipas ang ilang minuto ay
dumating na ang kanilang guro at
nagsimula na ang kanilang klase.

14
● Ano ang ginawa ni Lea nang matapakan niya ang bag ng
kaniyang kamag-aral?
● Sa palagay ninyo, ano ang mararamdaman ng kaniyang
kamag-aral kung hindi siya humingi ng paumanhin?

15
Ano-anong magagalang na salita ang ginamit sa kuwento?

16
● Magandang umaga!
Magagalang na Pananalitang ● Magandang tanghali!
Ginagamit sa Pagbati ● Magandang gabi!
● Kumusta ka?

17
Magagalang na Pananalitang ● Maaari po ba?
Ginagamit sa Paghingi ng ● Makikiraan po.
Pahintulot ● Paki-

18
Magagalang na Pananalitang
Ginagamit ● Paumanhin.
sa Paghingi at Pagtanggap ● Pasensiya na.
ng Paumanhin ● Ayos lang po.

19
Magagalang na Pananalitang
● Tuloy po kayo.
Ginagamit
● Sino po sila?
sa Pagtanggap ng Panauhin
● Paalam.

20
Magagalang na Pananalitang ● Salamat.
Ginagamit sa Pagbibigay ng ● “po” at “opo”
Reaksiyon ● “ho” at “oho”
● Sa akin pong palagay

21
Isaisip
Mahalaga ang maging magalang sa
pakikipag-usap sapagkat nagpapakita ito ng
kabutihan at maayos na ugnayan natin sa
ating kapwa.

22
Tandaan
Dapat na iangkop sa sitwasyon ang
magagalang na pananalita na ating
gagamitin sa pakikipag-usap.

23
Tandaan
Igalang natin ang ating kapwa, mas bata
man o matanda kaysa sa atin.

24
Tandaan
Mahalaga na maging magalang sa
pakikipag-usap sa mga tao upang
magkaroon ng maayos na komunikasyon at
relasyon sa iba. Sa ganitong paraan,
maiiwasan ang pakikipag-away at
pagtatalo.

25
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG

x3

You might also like