You are on page 1of 3

BIUAG AT MALANA, EPIKO NG CAGAYAN

Norma S. Miguel

 Ang epiko ng Cagayan ay ang alamat ng dalawang bundok na matatagpuan sa

tabing ilog ng Matalag. Ito ang kuwento na tanyag sa mga Ibanag at ito ay

tungkol sa dalawanf matitikas na binata noong unang panahon- sila Biuag at

Malana.

 Sa "Nangalautan," doon makikita hanggang sa ngayon ang dalawang bundok

kung saan naglaban ang dalawa dahil sa pagmamahal ng isang magandang

dalaga.

LUMALINDAW Isang Epikong Ga'dang

Si Lumalindaw, ang bayani ng Ga'dang na anak ng pinuno ng Nabbobawan na si

Kumalibac at kabiyak niyong si Caricagwat. May kakaibang kapangyarihan siya

sapagkat ilang araw lamang pamatapos siyang ipinanganak, naging isa siyang malakas

na tao. Sa kanyang sigaw napababagsak niya ang puno ng niyog at nagagawang

mapabagsak din ang anumang iblng lumilipad sa himpapawid. Mayroon din siyang

makapangyarihang kasangkapan at agimat- ang ayoding, isamg uri ng instrumentong

kawayan, na kapag tinugtig ang mga kuwerdas sa magkabilang dulo ay naghahayag ng

mga niloloob ng sinumang tumugtugtog.

Unang naging asawa nu Lumalindaw si Menalam at nagkaanak sila ng kambal,

sina Yadan at Busilelaw. Sa kanyang pangalawang asawa, kambal din ang naging

anak, at pinangalanan din na Yadan ang lalaki at Imugan ang babae. Nagkaroon pa ng

tatlong asawa si Lumalindaw, sina Carinuwan, Caligayan at Guimbangun at nagkaanak

da mga ito ng lalaki na pinangalanan din niyang Yadan. Sa pagtatapos ng epiko,

magtitipun-tipon ang kanyang mga anak na pare-pareho ang ngalan at makikilala nila

ang isa't isa bilang magkakapatid.

TULA

 Ito ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito

ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.

 Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang


diwa at sining ng kariktan.

Dumheb Ako Dumanis

Itinatago ko ang aking mukha at umiiyak tuwing makita ko

Ang aking mga kababata

Lahat sila'y tumatangkad at mas malaki pa

Sa mga halamang chipuhu at nunuk

Subalit ako, ang kawawang ako, di man lang tumangkad

Gaya ng damo sa pastula

Ngayon para akong ligaw

Na kahoy na di man lang tinangkang hanapin

Ng aking mga pinsan at ibalik sa tahanan.

MEDIKO ni Benigno Ramos

May isang medikong natapos mamatay

Nagtangkang umakyat sa sangkalangitan,

Siya, na sa lupa ay iginagalang,

Walang salang doo'y may sadyang luklukan.

Yang kaluluwang ngayo'y naglalakad

Walang automobil at resetang hawak,

Sa gitna ng ilang ay iiyak-iyak

Na animo'y batang nat'yanak sa gubat

Nag-iisa siyang bumangon sa hukay

At wakang aliping sa kanya'y nagbantay

Walang konsulteryong siksikan sa dalaw

Walang telepono na nananawagan

Walang taning damit sa kanyang paglakad

Kung hindi ang lambong ng maputing ulap.

Wala ni isa mang taong makausap,

Ang lahat sa kanya ay kasindak-sindak

Tumuktok sa ointo, pagdating sa kangit,


'Huwag kang tumuloy!" ang sigaw ng tinig.

Sa bayan ng Diyos ay walang may sakit,

Dito ay wala kang kwartang mahahapit.

You might also like