You are on page 1of 6

PANIMULA

Isa ang Alamat sa maraming uri ng panitikan na kilala sa bansa. Ito ay

may pagkakahawig sa maraming uri ng sulatin sapagkat tulad ng iba ay nasa

paraan din ito ng paglalahad. Ngunit, ang bawat bagay na bagama’t may

kapareho ay mayroon ding pagkakaiba. Kilala ang Alamat bilang uri ng panitikan

na naglalayong malaman ng mambabasa ang pinagmulan ng isang bagay. Sa

pamamagitan ng Alamat, mas pinapalutang nito ang natatanging kultura ng lugar

na pinagmulan nito. Hindi tulad ng ibang panitikan, ang Alamat ay walang

konkretong tagapagtaguyod na nagmula sa Pilipinas. Ang iilang Alamat din sa

Pilipinas ay walang awtor o kung sino mismo ang eksaktong nag-limbag nito. Isa

ring katangian ng Alamat ay walang eksaktong panahon o taon kung kailan ito

nailathala.

Ang pamagat ng kritikong papel na ito ay Alamat ng Siargao na nagmula

sa Rehiyon XIII. Ang Surigao ay isang lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa

rehiyon ng Caraga sa Mindanao. Ang Alamat ng Surigao ay naglalahad ng

pinagmulan ng ngalan ng lalawigan. Sinasabing sa akdang ito unang umusbong

ang kilalang pangalan ngayon ng Surigao. Ang mga pangunahing karakter sa

alamat ay sina Bem at Cham. Mag-pinsan na noong mga araw na ‘yon ay

dinatnan ng masamang panahon habang pumapalaot.


Sa pamamagitan ng kwento, itinatampok nito ang pagtutulungan at

tunggalian ng dalawang pangunahing karakter na sina Bem at Cham. Ang pag-

usbong ng kwento ay nagbibigay diin sa mga pagsubok na kanilang hinaharap,

na naglalarawan ng masalimuot na realidad ng buhay.

Sa paglalakbay ng dalawang karakter, isang makahulugang bahagi ng

kwento ang pagtatagpo ng kanilang bangka sa malakas na alon. Ang malalaking

hampas ng alon ay nagdudulot ng panganib sa kanilang sasakyan, isang

sitwasyon na naglalantad ng mga hamon sa buhay. Ang mga alon, sa konteksto

ng kwento, ay nagiging simbolo ng mga pagsubok at unos na maaring dumating

sa ating buhay.
KATAWAN

BUOD

Sa isang lugar sa Mindanao nakatira ang dalawang mag-pinsan na sina

Bem at Cham. Sa kasamaang palad, inabutan ng masamang panahon sa gitna

ng karagatan ang mag-pinsan. Sumalubong sa kanila ang malalakas na alon

dahilan upang tumaob ang kanilang bangka na noong araw na iyon ay may

iisang katig lamang. Sa gitna ng malawak na karagatan, nagpalutang-lutang ang

mag-pinsan, nakakapit lamang sila sa isa’t-isa noong mga oras na iyon. Ilang

minuto pa ang lumipas at natanaw din nila ang dalampasigan kung saan

nakasadsad ang kanilang bangkang tumaob kanina lamang. Itinihaya nila ang

kanilang bangka ngunit laking gulat nila ng may makita silang napaka lakings

sisidlan na naglalaman ng isang bata sa loob nito, mayroong nakapalibot na

lampin sa paligid ng katawan ng bata na may nakasulat na “RA”. Laking tuwa ni

Bem nang makita ang bata sumalit taliwas naman ito sa naramdaman ng

kaniyang pinsan na si Cham. Sa pananaw ni Cham, ang batang kanilang nakita

ay demonyo. Nagtalo ang mag-pinsan tungkol sa misteryosong bata nang

biglang may tinig silang narinig na mula sa itaas, sinasabi ng tinig na anak nito

ang bata at ito ang tagapagligtas. Tuloy ang pagtatalo ng mag-pinsan, sa

kalagitnaan nito ay biglang tumama ang ulo ni Cham sa bato kung kaya’t

nawalan ito ng malay. Nang magkaroon ng malay si Cham, nakita na lamang

niya si Bem na nansa bangka


kasama ang bata. Doon din ay muling nagngitngit ang panahon, nilulon ng

malaking alon si Bem kasama ang sanggol na nasa gitna ng karagatan. Kasabay

ng pagkawala ni Bem ay ang pagbigkas ni Cham ng “sori gaw” na ang ibig

sabihin ay sa bisaya ng salitang “gaw” ay pinsan.

TAUHAN

Ang mga tauhan sa panitikang Alamat ng Surigao ay sina Bem at Cham.

Walang eksaktong pagkakakilanlan ang dalawang tauhan maliban sa nailahad

na sila ay mag-pinsan sa akda.


WAKAS

Sa huli, ang aral na maaaring makuhang itinatampok ng akdang ito ay ang

kahalagahan ng determinasyon, pagtitiwala sa isa't isa, at pagharap sa mga

pagsubok ng buhay nang may tapang. Ang pagtatangkang lampasan ang

malalaking alon, bagamat puno ng panganib, ay nagpapahayag ng mensaheng

hindi dapat sumuko sa harap ng mga hamon, at sa halip, dapat nating yakapin

ang mga ito nang may buong lakas at tapang.

Ang Alamat ng Surigao ay isa lamang sa maraming alamat sa ating bansa

na naglalayong ilahad sa atin ang pinagmulan ng isang bagay o kaya naman ay

pook. Bagama’t ang isang Alamat ay walang konkretong tagapagtaguyod o

eksaktong awtor at taon ng pagkakalathala nito, nabibigyang diin pa rin ng

Alamat ang mayamang kultura ng lugar na pinagmulan nito. Sa pagsusuri ng

Alamat ng Surigao mula sa perspektibang istrukturalismo, masusing nailantad

ang mga kahulugan na itinatago ng Alamat ng Surigao na higit na nakatulong sa

mas malalim na pag-unawa ng kultura at kasaysayan ng naturang rehiyon.

SANGGUNIAN

https://tl.wikipedia.org/wiki/Maikling_kuwento
PROFAYL NG TAGA-SURI

 Rosales, Eunice Anne Naungayan

19 taong gulang

Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon, English-2A

 Esguerra, Guenevere Sapiera

21 taong gulang

Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon, English-2A

You might also like