You are on page 1of 2

NANGCA, Marjeth V.

1BSA-1

KASARAY DUMA: Mga Supling ng Sigwa (Buod)

Ang kwentong ito ay tumatalakay sa buhay ng mga Kasaray Duma, isang tribo na
naninirahan sa isla na kung tawagin ay Sapang Kawayan. Ipinakita dito kung anong klaseng buhay
ang mayroon sila at kung paano nila ginagawan ng solusyon ang bawat pagsubok na kanilang
kinahaharap.

Ipinakita kung paano nagkakaisa ang bawat isang kasapi ng tribo Kasaray Duma, sa mga
ritwal na ginagawa, at sa mga tradisyunal nilang gawain. Maayos silang namumuhay sa isla
hanggang sa dumating sa buhay nila ang pinakamalaking problema – ang panghihimasok ng
gobyerno. Pinipilit silang paalisin sa isla kapalit ng marangyang buhay sa Maynila dahil nais itong
gawing lupain kung saan tinatapon ang mga basura “sanitary landfill”. Dahil dito, nagsimulang
maging magulo ang pamumuhay ng mga Kasaray Duma. Si Labang Biwas, pinuno ng tribo, ay di
inaasahang pumanig sa tabi ng mga gobyerno kapalit ng pangako nitong relocation site at
suportang pinansyal. Sa kabilang banda, si Pinak, isa sa matanda sa tribo ay sumalungat sa
kagustuhan ng gobyerno at pilit ipinaglalaban ang karapatan nila sa isla. Sa gitna ng kaguluhan na
nangyayari sa isla, si Pakawakaw naman na isang babaylan ay patuloy na nagdarasal sa pagdating
ng bagyo.

Dahil dito, lalong tumindi ang hidwaan sa pagitan ng tribo Kasaray Duma at gobyerno
hanggang sa dumating na ang sensyales ng paparating na delubyo. Ang di pangkaraniwang
paglabas ng mga ibon sa isla, ang di inaasahang pagwawala ng mga isda sa dagat, at ang
nakakabahalang paglakas ng hangin, lahat ng ito ay nagbigay ng matinding pangamba sa bawat
isa na nasa isla dahilan upang sama sama silang nagdasal. Ngunit tila ba ay mas lalong tumindi
ang delubyo na nagresulta sa pagkamatay ng lahat ng nasa tribo, at hanggang sa huli, ay nanatiling
nasa karapatan pa din ng mga Kasaray Duma ang isla.
KASARAY DUMA: Mga Supling ng Sigwa (Reaksyong Papel)

Mula sa teatrong Kasaray Duma: Mga Supling ng Sigwa na ginanap noong ika-27 at 28 ng
Pebrero at ika-1 ng Marso, nag-iwan ito ng malaking marka sa puso at isip ng bawat manunuod.
Binigyang pansin dito kung gaano kalaking pagsubok ang kinaharap ng mga kasaray duma upang
maipaglaban ang karapatan nila sa isla laban sa mga mapang-abusong gobyerno. Ang kwentong
ito ay tumatalakay sa isyung pang-politika kung saan ipinapakita ang maduming hangarin ng mga
sakim na gobyerno sa lupaing nasasakupan. Lahat ay gagawin upang makuha lamang ang
kagustuhan para sa pangsariling benebisyo kahit pa may masira o masagasaang buhay ng ibang
tao.

Kahanga-hangang pyesa ang ginawa ni ginoong Elmer Rufo na siyang direktor ng kwento,
dahil dito binigyan niyang kamalayan ang bawat isa sa mga nangyayari sa mundo ng politika.
Lingid sa kaalaman ng marami, sa bawat panandaliang mabubulaklak na pangako na lumalabas sa
bibig ng mga politiko, kapalit ay ang panghabang buhay na pagdurusa ng mga nasasakupan nitong
tao. Nakakadismayang isipin na ipinagkakatiwala ng mga tao ang kanilang ikagaganda ng buhay
sa gobyerno ngunit tila kabaligtaran ang ginagawa ng mga ito. Tulad nga ng ipinakita sa kwento,
higit na mas naaapektuhan ang mga katutubo sa maruming ginagawa ng gobyerno sapagkat ang
tangi lamang pinagkukunan nilang kabuhayan ay ang islang kanilang tinitirahan ngunit ito pa ang
kukunin sa kanila. Malaking kawalan sa mga taong ito ang isla kung ito ay tuluyang nanakawin
ng mga sakim na gobyerno na ginagawa lamang para sa pang sariling benepisyo.

Ang kwentong ito ay kapupulutan natin ng magandang aral. Nais nitong imulat natin ang
ating mga mata sa mapait na katotohanan na nagtatago sa mapaglarong maskara. Huwag nating
hayaan na matangay tayo sa bawat mabubulaklak na pangakong lumalabas sa bibig ng mga
politiko dahil ang kapalit nito ay ang pang-habangbuhay nating pagsasakripsyo. Maging matalino
tayo, piliin natin ang tamang tao, at matuto tayong igalang buhay ng ibang tao.

You might also like