You are on page 1of 1

ERIC C.

MOLINA Gender and Development


1 BSA 1 Ms. Opulencia

KASARAY DUMA
(Reaction Paper)

Matatagpuan sa sapang kawayan ang mga katutubong di kilala, ang mga Kasaray Duma.
Ang lugar ay nanatiling mayaman sa kamay ng mga katutubo hanggang sa dumating ang mga
sunod sunod na senyales: mga hudyat sa paparating na sigwa na siyang pinaniniwalaan ng
Amurikat(babaylan) na magliligtas sa mga katutubo.

Huwad na binuksan ng munisipyo sa ilalalim ng pamumuno ng kanilang mayor ang mga


kamay nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng lahat ng kailangan ng mga kasaray kapalit ang
paglisan ng mga katutubo sa sapang kawayan na sa kalaunan ay pinagpaplanuhang pagtayuan ng
sanitary landfill. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, tahasan na pinangunahan ni Pinak ang pagtutol
sa balak ng munisipyo. Pinanghawakan niya na ang sapang kawayan ay nararapat na kanila
lamang sapagkat ang lupang kanilang tinatayuan ay siya ring lupang libingan at pinagusbungan
ng kanilang kultura at tradisyon. Handa siyang ipaglaban ang karapatan ng mga kasaray kahit pa
ang kapalit nito'y pagdanak ng dugo.

Lumipas ang lahat ng alitan. Kahit maging ang sariling anak ni Pinak na si Diliwariw ay
ninais nang tumira sa mas sibilisadong lugar, ipinagpatuloy pa rin niya ang laban. Nagkaroon
sana ng pag asang maligtas ang katutubo sa tulong ng estudyanteng researcher at ang mga
kasama nito, ngunit sadyang hindi na nga mapipigilan ang mga hudyat ng sigwa. Dumating ang
napakalakas na bagyo. Ang bagyong pinaniniwalaan ng Amurikat na si Pakawakaw na
magliligtas sa mga kasaray duma. Dumaan ang bagyo at isa-isang pinatumba ang bawat
miyembro ng katutubo kasama sina Pinak, maging si Diliwariw at ang iba pang matatapang na
kasaray. Natupad na ang sigwa. At ang mga naging supling nito ang naghatid kina Pakawakaw at
si Jopet sa panibagong yugto ng kanilang tribo.

"Kasaray Duma: Mga supling ng sigwa" - Pinatunayan ng mga katutubo na walang sino
man ang makakaagaw sa kanilang lupang sinilangan. Sapagkat ang tunay na nagmamahal sa
kanyang lugar na pinagbibilangan ay handang idilig maging ang sarili niyang dugo sa
pagpapaigting ng katatagan ng mga lupang dating bitak bitak at pagpapasibol ng panibagong pag
asa: ang kalayaan. Marami nang kwento ng buhay kapalit ang kalayaan, ngunit bilang isang mag
aaral at bilang isang miyembro ng modernong panahon natuto akong palakasin ang aking
pagmamahal sa sarili kong bayan dulot ng panonood ng dulaan.

Sa pagpapakita kung gaano kahirap ipinaglaban ng mga kasaray ang kanilang lupa, labis
akong nadismaya sa mga mamamayan ng sarili nating lupa. Ang mga mamayan ng Pilipinas.
Ang kalayaang tahimik sa sarili nitong pangalan ay pinapalooban ng mga unti unting
nalilimutang sakripisyo ng mga bayani upang atin itong makamtan. Ang tuluyang pagsakop ng
pagsasarili, at pagmanipula sa mga isipan ng mga namumuno pati ang mga tagasunod ay
nagsisilbing hudyat ng panibagong sigwa. Nakakatakot mang isipin ngunit bukas o sa makalawa,
ang kalayaang ating tinatamasa ay tuluyan nang maglaho at maaaring magdulot namang muli ng
panibagong sigwa. Tayo ba ay handa?

You might also like