You are on page 1of 5

Alamat ng Lansones

PAANO NAALIS ANG LASON SA LANSONES?

Noong Araw, sa mga Burol ng Katimugang Luzon ay maraming puno ng Lansones. Ang mga puno ay hitik na hitik sa bungang kulay ginto, subalit ang Lansones ay karaniwang puno lamang para sa mga taga Luzon, kayat itoy hindi nila pinapansin. Minsan may sumilong sa lilim ng mga punong Lansones na isang magnanakaw ng Kalabaw. Ang magnanakaw ay pagod na pagod sa pagiwas sa mga taong humahabol sa kanya. Nang mapansin niya ang mga bunga ng Lansones ay nakaramdam siya ng gutom at pumitas siya ng bunga at kumain ito. Sumuka at bumula ang bibig ng magnanakaw ng Kalabaw. Pagkatapos kumain ng bunga ng Lansones. Bumagsak siya sa damuhan at namatay ang magnanakaw.

Nang dumating ang mga taong humahabol. Silay nagulat sa nakitang ayos ng magnanakaw. Napansin nila na kumain ng Lansones ang magnanakaw kayat ito ay namatay. Naisip nila na may lason ang Lansones. Magmula nang kumalat ang balita tungkol sa pagkamatay ng magnanakaw, ay wala nang nangahas magpunta sa burol. Kahit lumilim sa puno ng Lansones, pati mga ibon at hayop ay natakot lumapit sa puno ng Lansones. Nagkaroon ng tagtuyot sa katimugang Luzon. Dahil walang ulan natuyo ang mga pananim, ang mga sapa at nagbitak ang mga bukid. Unti-unting nagkasakit ang mga tao dahil walang makain. Walang pananim na nakaligtas at maraming hayop ang namatay, maliban sa mga puno ng Lansones na nasa burol. Isang hapon, ang mga tao ay may napansing babae na manipis at puting-puti ang kasuotan na palutang-lutang habang tumatakbo. Ngayon lang nila nakita ang babaing iyon.

Dahil mahiwaga ang anyo at kilos nito, sinundan nila ito hanggang makarating sa lugar ng mga punong Lansones. Ang mahiwagang babae ay dinatnan nilang kumakanta at palutanglutang sa hangin. Mayamaya, pumitas ito ng Lansones at kumain. Ang mga taong nanunubok ay nagulat. Naisip nilang tiyak na mamamatay ang babae, dahil ito ay kumain ng Lansones. Matutulad ang mahiwagang babae sa magnanakaw ng kalabaw. Hindi nangyari ang inaasahan ng mga tao, hindi namatay ang babae sa halip ay nagpatuloy sa pagkain ng Lansones at masigla itong kumakanta habang kumakain. Natulala ang mga tao nang humarap sa kanila ang mahiwagang babae at nagsalita. Huwag kayong matakot. Hindi bat nagugutom kayo? Hali kayo, kainin ninyo ang masarap na prutas na ito. Nang ayaw pa ring lumapit ng mga tao, muling pumitas ng lansones ang babae at kinain ito. Inalisan ko na ng lason ang mga bunga ng Lansones. Hindi dapat kayong matakot. Pagkasabi nitoy biglang nawala ang mahiwagang babae. Naghanap sila at nagtaka. Naisip nilang namatay ang mahiwagang babae, subalit wala namang bangkay silang nakita.

Isang bata ang hindi makatiis at pumitas ng Lansones. Mabilis niya itong kinain. Ang lahat ay nagulat nang walang nangyari sa bata. Narinig nila ang tinig ng mahiwagang babae, Maaari ninyong kainin ang Lansones. Ang bakas ng aking kurot sa banga ay palatandaang nawala na ang lason ng bunga niyan. Napatunayan ng mga tao na totoo ang sinabi ng babae. Magmula noon, naging isa sa mga paboritong pagkain ng mga taga-Luzon ang lansones, sa dahilang ito ang nagligtas sa kanila sa matinding gutom. Nang lumaon ang lansones, ay naging isa sa mga popular na prutas sa buong kapuluan.

WAKAS

You might also like