You are on page 1of 1

ALAMAT NG LANSONES

Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa


Luzon. Gayunman, walang gaanong pumapansin dito. Isang araw,
isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga
tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na
gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng
lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong patay
at may bakas pa ng bula sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang
lansones. Walang nangahas kumain nito.

Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa


may lansonesan. Pakanta-kanta ang babae kaya marami ang
nakatingin sa kanya pero nangangamba namang makipag-usap.
Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng lansones ang babae at
nagsimulang kumain. Inasahan ng mga nanonood na mamamatay
siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan niya ang mga tao
para lumapit. "Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng
lason. Maaari na ninyong kainin." Takot pa rin ang mga tao.
Pero inabutan sila ng babae ng lansones. "Makikita ninyong may
bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng
lason. Kumain na kayo." At nawala ang babae.

Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat


ang prutas. At naroon nga ang bakas ng
kurot, wari’y lalong nagpalinamnam sa lansones.

SEBASTIAN A. ELLIOTT

7-HYDROGEN

You might also like