You are on page 1of 2

DIVISION OF CITY SCHOOLS, MALABON CITY

Maya – Maya St., Kaunlaran Village, Longos


Malabon City
District of Malabon V
CATMON INTEGRATED SCHOOL

Edukasyon sa Pagpapakatao 3
SUMMATIVE TEST 2

Pangalan: ______________________________________________________ Score: ___________


Baitang at Pangkat: ________________________ Petsa: ___________

I. Basahin at suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay katangian na nagpapakita ng kakayahang harapin ang kahit anong gawain o sitwasyon nang
walang takot o alinlangan.

A. tatag ng loob B. katapangan C. pagkamatiyaga

2. Ang pahayag na “ang kailangan mo’y tibay ng loob kung mayro’ng pagsubok man” ay __________.

A. tama B. mali C. di-tiyak

3. Masasabing matatag ang iyong kalooban kung _________________.

A. nakikinig ka kapag pinagsasabihan at nagsisikap magbago

B. hindi ka humihingi ng tawad kapag nagkakamali

C. nagtatampo ka kung pinagsasabihan sa maling nagawa

4. Palatandaan ng katatagan ng kalooban ang ___________________.

A. hindi pagpapadala sa pakikipag-away

B. pag-amin sa nagawang pagkakamali

C. lahat ng nabanggit

5. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng katatagan ng kalooban, maliban kay ___________.

A. Carl, na tinaggap ang pagkatalo sa laro nang nakangiti.

B. Glen, na nakipag-usap ng mahinahon sa sumisigaw sa kaniya.

C. Claire, na nagmukmok sa silid nang nahirapang magbasa.

II. Tukuyin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang T kung ito ay Tama at M kung Mali.

_____6. Ang mga talent at kakayahan ay dapat nililinang.

_____7. Gamitin ang mga kakayahan sa tamang paraan.

_____8. Dapat tayong matakot na ipakita ang ating mga kakayahan.

_____9. Itago natin ang ating mga kakayahan dahil tayo ay mahiyain.

_____10. Maging malakas ang loob sa pagpapakita ng ating kakayahan at talent.


III. Lagyan ng tsek (/) kung ang sitwasyon ay nagpapahayag ng pagpapaunlad sa sariling kahinaan.
Lagyan naman ng ekis (X) kung hindi.

_____11. Si Janet ay hindi marunong magbasa. Tuwing walang pasok ay nagpapaturo siya sa
kanyang ate.
_____12. Mabagal tumakbo si Boyet kaya hindi siya napiling maglaro. Hindi na siya sumali sa kahit
anong laro.

_____13. Mabilis mapagod si Carlo dahil mabigat ang kaniyang timbang. Sinisikap niyang mag-
ehersisyo.

_____14. Si Mimi ay magaling umawit kaya magiliw niyang ipinaririnig ito sa ibang tao.

_____15. Magaling gumuhit si Niko pero ayaw niyang ipakita ang kanyang mga iginuhit sa mga
magulang at mga kapatid.

_____16. Pagluluto ang hilig gawin ni Sara. Tuwing araw ng Sabado ay tumutulong siya sa pagluluto
sa kanilang bahay.

IV. Iguhit ang masayang mukha kung ang pahayag ay tamang pagsasakilos ng kakayahan. Malungkot
na mukha kung hindi.

_____17. Ipagmamalaki ko ang aking kakayahan.


_____18. Ikahihiya ko ang aking mga kakayahan.
_____19. Pauunlarin ko ang aking mga kakayahan.
_____20. Ibabahagi ko ang aking mga kakayahan.
_____21. Takot akong ipakita ang aking mga kakayahan.
_____22. Palagiang paghuhugas ng kamay.
_____33. Mahabang oras ng panood sa telebisyon.
_____24. Hindi pagpupunas ng katawang basa ng pawis.
_____25. Pagtulog at paggising nang maaga.

Table of Specification
SUMMATIVE TEST 2 IN ESP 3
ESP 3
1 Quarter
st

You might also like