You are on page 1of 7

ILOILO CITY COMMUNITY COLLEGE

M.H del Pilar Street, Molo Iloilo City Philippines

GEE-1 MIDTERM EXAMINATION


IST SEMESTER, 2023-2024

Pangalan:______________________________ Taon at Seksyon:__________ Petsa:________

I.Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang na nakalaan bago ang bilang.

_______1.Ito ay ang petsa kung kailan nilagdaan at pormal na pinagtibay ang Saligang Batas ng
Biyak-na-Bato. Sa pamamagitan ng konstitusyong ito, itinakdang gamitin ang wikang Tagalog
bilang opisyal na wika ng Republika.
A. Hulyo 4, 1946
B. Nobyembre 1,1897
C. Agosto 13, 1959
D. Marso 26,1954

_______2.Ito ay ang petsa kung kailan nilagdaan ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Batas
Komonwelt Blg. 184. Alinsunud sa batas na ito, ititatag ang Surian ng Wikang Pambansa na
naglalayong piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at
pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas.
A. Nobyembre13,1936
B. Disyembre 30,1937
C. Disyembre 13,1939
D. Hunyo 7, 1940

_________3.Ito ay ang taon na kung saan iminungkahi ni Bise Gobernador George C. Butte,
kalihim ng pampublikong Edukasyon, sa kanyang panayam na gamitin ang bernakular ng
iba’t-ibang lugar sa pagtuturo sa primaryang antas.
A. 1931
B. 1901
C. 1935
D. 1973

_________4.Ito ay ang taon na kung saan ipinatupad ayon sa Seksyon 6, Artikulo XIV ng saligang
batas ng 1987:
“ Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino, Samantalang nalilinang ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga
wika”
A. 1987
B. 1935
C. 1901
D. 1973

_________5.Ito ay ang petsa na kung saan binigyang bisa nag batas republika nlg. 7104 at
nalikha ang komisyon sa wikang filipino na naglalayong mapaglinang ang wikang filipino at iba
pang wika ng pilipinas.
A. Agosto 14,1991
B. Enero 30, 1987
C. Setyembre 23,1955
D. Oktubre 27,1936

_________6.Ito ay teorya ng wika na pinaniniwalaang galing sa pilosopo at siyentista na ayon sa


teoryang ito ang wika ay mula sa panggagaya ng tunog na nalilikha ng mga hayop ata ng
kalikasan.
A. Teoryang Ding-dong
B. Teoryang Bow-wow
C. Teoryang Pooh-pooh
D. Teoryang Yo-he-ho

_________7.Ito aya ang pinaniniwalaang teorya galing sa bibliya na kung saan batay sa teoryang
ito noong unang panahon, hindi naging mahirap para sa mga tao ang pakikipagtalastasan
sapagkat iisa lamang ang kanilang m usika. Sa kagustuhan ng mga taong mas hihigitan ang
kapangyarihan ng Diyos, nagkaisa ang lahat upang makapagtayo ng pagkataas-taas na tore.
Upang mapatunayan ng Diyos na higit syang makapangyarihan, ginuho niya ang tore at
ginaweang magkaiba-iba ang wika ng bawat tao upang mahirapan silang magkaintindihan at
magkaisa.
A.Tore ng Babel
B.Teorya ni Gat. Jose Rizal
C.Teoryang Ding-dong
D. Teoryang Bow-wow

_________8.Ito ay teoryang ng wika na pinaniniwalaang ang tao ay natutong magsalita dahil sa


mga tunog na nililikha nila sa mga ginagawang ritwal sa pakikidigma, pag-aani o pagtatanim na
kalauna’y nagpabagu-bago at binigyan ng ibang kahulugan.
A. Teoryang Mama
B. Teoryang Sing-song
C. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
D. Teoryang Ta-ta

_________9.Ito ay ang teorya ng wika na pinaniniwalaang ang isang tao ay natuto magsalita dahil
sa kumpas o galaw ng kamay ng tao ay ginawa at siyang naging dahilan. At ang pangalan ng
teoryang ito ay nanggaling sa salitang Pranses na ibig sabihin ay paalam.
A.Teoryang Mama
B.Teroyang Coo-coo
C.Teoryang Yum-yum
D.Teoryang Ta-ta

__________10.Ang teoryang ito ay naniniwalang ang wika ay nagmula sa mga walang


kahulugang bulalas ng tao at kalaunan ay naiuugnay s mga bagay sa paligid dahilan upang
maging pangalan ng mga iyon.
A.Teoryang la-la
B.Teoryang Hocus-pocus
C.Teoryang Bubble Lucky
D.Teoryang Eureka

__________11.Kapag naririnig natin ang mga katagang “Ang buhay ay weather-weather lang”,
naiisip natin ang sikat na TV host na si Kim Atienza dahil sa kanyan g kakaibang istilo ng
pagkakasabi nito.Ito ay isang halimbawa ng anong barayti ng wika?
A.Ekolek
B.Dayolek
C.Register
D.Idyolek

__________12.Anong gamit ng wika ang isinasaad sa pangungusap na “Malaki ang nagagawa ng


isang boto. Naniniwala akong mas magiging maunlad ang bansa kung magiging matalino tayo sa
pagboto ng mga taong may paninindigan, sapat na kaalaman, at may tunay na malasakit sa
kanyang nasasakupan.”?
A.Phatic
B.Expressive
C.Emotive
D. Informative

__________13.“Kung hindi tayo ang kikilos, sino? Kung hindi ngayon , kailan pa? Anong tayutay
ang ginamit sa pahayag na ito?
A.Tanong rhetorikal
B.Pagpapalit-tawag
C.Pagtawag
D.Pagtatambis

__________14.Nagpabili________ ng damit si Jenny sa kanyang nanay matapos niyang makita


ang bagong damit ni Lisa.
A.Raw
B.Daw
C.Rin
D.Din

__________15.Sa aling salita magkakaroon ng saglit na paghinto kung nais ipahiwatig ng


pangungusap na ang tagapagsalita ay si Rosetta?
Judge Rosetta po pala ang pangalan ko.
A.Pala
B.Rosetta
C.Ko
D.Judge

__________16.Ano ang ibig sabihin ng salitang balbal na nakasalungguhit sa pahayag na


“ Drawing na naman ang planong pagpunta ng magkakaibigan sa Enchanteed Kingfom.”?
A.Hindi magkakatotoo
B.Maantala
C.Matutupad
D.Maguguhitan

__________17.Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap?


A.Agad na lumihis ng daan si kardo nang makita niyang pupunta sa
kanyang direksyon ang kanyang kaaway.
B.Agad na lumihis nang daan si Kardo ng makita niyang papunta sa
kanyang direksyon ang kanyang kaaway.
C.Agad na lumihis ng daan si Kardo nang makita niyang papunta sa
kanyang direksyon ang kanyang kaaway.
D.Agad na lumihis ng daan si Kardo ng makita niyang pupunta sa
kanyang dreksyon ang kan yang kaaway.

__________18.Sino ang tinaguriang “ Ama ng Balarilang Pilipino”?


A. Lope K. Santos
B. Manuel L. Quezon
C. Francisco Balagtas
D. Jose Corazon De Jesus

__________19.Sa aling salita magkakaroon ng saglit na paghinto kung nais ipahiwatig ng


pangungusap na hindi si Crecensio bang bumaril kay Felipe.
A.Hindi
B.Cresencio
C.Bumaril
D.Felipe

__________20.Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pangungusap na mayroonng salitang


sosyolek, MALIBAN sa isa:
A.Charot lang naman yung sinabi ko.
B.Akala ko matsutsugi na ako ng lespu.
C.Kumusta tayo mga repapipz?
D.Ano nga ba ang ulam natin ngayon mamzy?

__________21.Anong gamit ng wika ang sinasaad ng pahayag na “ Basta’t kung kailangan mo ng


kausap, tawagan mo lang ako.”
A.Conate
B.Phatic
C.Emotive
D.Expressive

__________22.Anong uri ng pangungusap ayon sa kayarian ang pahayag na ito?


“Tataas ang iyong marka sa pagsusulit kung pag-aaralan mong mabuti ang mga araling
ibinigay ng iyong guro.”
A. Payak na pangungusap
B. Tambalang Pangungusap
C. Hugnayang Pangungusap
D. Langkapang Pangungusap

__________23.Ano ang pokus sa pandiwa sa pahayag na “Ipinaghanda ni Inay ng masarap na


ulam ang aking itay”?
A. Pokus sa Layon
B. Pokus sa tagapagtanggap
C. Pokus sa Aktor
D. Pokus sa Direksyon

__________24.Piliin a ng tamang sagot.

I. ”Walang hiya ka! Isa kang ahas! Inahas mo ang asawa ko!”Ang konotasyon nng salitang
“ahas” sa pahayag na ito ay mang-aagaw.
II. “Nagdulot ng malalim na sugat ang pagtakwil sa kanya ng kanyang ina.” Ang
konotasyon ng pariralang “ malalim na sugat” sa pahayag na ito ay pagrerebelde.
III. “Binigyan ni Daniell si Ana ng pulang rosas upang ipahiwatig ang kanyang paghanga sa
dalaga.
‘Ang denotasyon ng “pulang rosas” ay uri ng rosas na kulay pula.

A. Tama ang lahat ng pan gungusap


B. Pangungusap I lamang ang tama.
C. Tama ang pangungusap I at III.
D. Mali ang pangungusap IIat III.

__________25.”Kahit na mayabang si Jikrus, marami pa rin ang gustong makipagkaibigan sa


kanya dahil kilala siyang bulang-gugo .” Ano ang ibig sabihin ng salitang nakasalungguhit.
A.Mahilig magpatawa
B.Gastador o galante
C.Magaling sa suntukan
D.Ayaw patalo

___________26.”Si Dok Kevin na muna ang bahala sa’yo.” Anong uri ng pang-abay ang salitang
nakasalungguhit.
A. Pamitagan
B. Pang-agam
C. Ingklitik
D. Pangatnig

___________27.Ito ay isang paraan ng pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig


upang manghikayat, magbahagi ng impormasyon, magbigay ng opinion o paniniwala.
A.Talumpati
B.Sanaysay
C.Talambuhay
D.Dula

___________28.”Napakagaling magturo ni Gng. Sarem dahil marami akong natututunan sa


kanya.”Ang pahayag na ito ay nagsasaad ng isang:
A. Opinion’
B. Katotohanan
C. Impormasyon
D. Bunga

___________29.Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahiwatig na masipag si


Roberto?
A. Tunay nang mabilis ang kamay ni Roberto dahil marami siya ng pitakang nakuha sa
palengke.
B. Araw-gabi ay nagbabatak ng buto si Roberto matugunan lamang ang pangangailangan ng
kanyang mga kapatid.
C. Kinakailangang maghigpit ng sinturon si Roberto dahil kapos sila sa pera.
D. Walang masyadong kita ngayon g araw si Roberto dahil mabigat ang kanyang kamay.

____________30.”Namuti ang mata ni Jenny sa kotse dahil mabagal mag-ayos si Annika.” Ano
ang ibig sabihin ng “namuti ang mata”?
A. Nakatulog
B. Nainip sa kahihintay
C. Nadismaya
D. Nahimatay

____________31.Ilan sa kasalukuyan ang ponema sa wikang Filipino?


A. 22
B. 20
C. 26
D. 21

____________32.Ano ang ibig sabihin ng “ makating dila”?


A. Nagkakatotoo ang sinabi
B. Madaldal
C. Masakit magsalita
D. Mahinhin magsalita

____________33.Ano ang ib ig sabihin ng “pagputi ng uwak”?


A. Imposibleng mangyari
B. Mahirap abutin
C. Masamang pangitain
D. Pagdating ng panahon

____________34.”Kahanga-hanga talaga ang aking anak, nagagawa paring maglaro kahit bagsak
sa kanilang pagsusulit.” Anon g uri ng tayutay ang ginamit sa pahayag na ito?
A. Pagpapalit-saklaw
B. Pag-uyam
C. Pagsalungat
D. Pagtanggi

____________35.Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pahayag na, “Nakangiti ang buwan sa akin
ngayong gabi.?
A. Pagtutulad
B. Pagsasatao
C. Pagwawangis
D. Pag-uyam

____________36.Anong uri ng pangungusap ayon sa kayarian ang pahayag na ito?


“Hindi permanente ang buhay sa mundo kaya’t dapat na sulitin ang bawat pagkakataon
upang abutin ang mga pangarap at lakbayin ang mga magagandang tanawin.”
A. Payak
B. Tambalan
C. Hugnayan
D. Langkapan
____________37.Anong uri ng impormal na antas ng wika ang salitang nakasalungguhit sa
pahayag na “ Dadalo kami ng mga kaibigan ko sa pista sa kabilang bayan.”
A. Balbal
B. Lalawiganin
C. Pambansa
D. Kolokyal

____________38.Ang sumusunod na pares ng mga salita ay mga halimbawa ng______________.


Pare-pari
Mesa -misa

A. Pares minimal
B. Arkiponem
C. Klaster
D. Kambal Katinig

____________39.Sino an g tinaguriang “ Ama ng Wikang Pambansa”?


A. Lope k. Santos
B. Manuel L. Quezon
C. Francisco Balagtas
D. Jose Corazon De Jesu

____________4O.Ito ay isang pangungusap na nagpapahayag ng kabuuuan ng ideya sa


gagawing sulating pananliksik.
A. Kongklusyon
B. Tesis na Pangungusap
C. Balangkas
D. Rasyonal

_____________41.Ang “ Ang Pagong at ang Unggoy?” ay isang halimbawa ng?


A. Anekdota
B. Alamat
C. Parabula
D. Pabula

____________42.“Hindi ba’t mas maganda kung ang naluluklok sa senado ay ang mga taong may
sapat na kaalaman sa iba’t ibang aspeto sa pamamalakad ng bansa, lalo na sa larangan ng batas,
ekonomiks, edukasyon, kalusugan, employment at maging sa pakikipagp-ugnayan sa iba’t ibang
bansa?” Anong paraan ng pagpapahayag ang ginamit ng tagapagsalita?
A. Pangangatwiran
B. Paglalahad
C. Paglalarawan
D. Pagsasalaysay

_____________43.Ang mga pangngalan, pang-uri o pang-abay ay nabibilang sa_____________.


A. Salitang nominal
B. Salitang pangnilalaman
C. Salitang Pangkayarian
D. Salitang Panuring

_____________44.“Aanhin ko ang bahay na bato kung ang nakatira ay kuwago.” Ano ang ibig
sabihin ng salawikaing ito?
A. Walang silbi ang bahay na maganda kung lagi namang umaalis ang nakatira.
B. Hindi mapapantayan ng karangyaan ang masayang pamilya.
C. Hindi kinakailangang maging maganda ang bahay kung pangit ang nakatira
D. Wala paring katuturan ang mamuhay sa karangyaan kung hindi ka naman marunong
makipag-kapwa o magpakita ng magandang-asal sa kapwa tao.
___________45.Ano ang pokus ng pandiwa sa pahayag na “ Ipinatapon ni Gng. Ma. Bella kay Aya
ang basura sa kanilang silid-aralan”?
A. Pokus sa layon
B. Pokus sa tagapagtanggap
C. Pokus sa aktor
D. Pokus sa Direksyon

____________46.Ayon kay Betty, umaray________ang kanyang kaklase nang pinalo ng kanilang


guro.
A. Raw
B. Daw
C. Rin
D. Din

____________47.Ang sumusunod na pares nng mga salita ay mga halimbawa ng ____________.


Sampo-sampu
Mantekilya-mantitkilya
A. Pares minimal
B. Arkiponem
C. Klaster
D. Kambal katinig

____________48.Ano ang pokus ng pandiwa sa pahayag na “Ikinasiya ng mga mamamayan ng


San Pedro ang pagpapatayo ng Brgy. Health Center sa kanilang baranggay”?
A. Pokus sa resiprokal
B. Pokus sa ganapan o lokatib
C. Pokus sa sanhi o kawsatibong pokus
D. Pokus sa gamit

_____________49.“ Kahit marami nang ebidensya laban sa korupsyon ni Sen. Marlon, marami
parin ang naghahalukipkip ng kamay.” Ano ang ibig sabihin ng salitang nakasalungguhit?
A. Sumusuporta
B. Nabubulag o nalilinlang
C. Nagpapabaya o nagwawalang bahala
D. Natutuwa o sasang-ayon

_____________50.Ito ay tumutukoy sa palaktaw-laktaw na pagbabasa na isinasagawa ng


mambabasa upang mabilis na matagpuan ang isang tiyak na impormasyon.
A. Skimming
B. Scanning
C. Study speed na pagbasa
D. Tahimik na pagbasa

Inihanda ni : GNG. MARY HYACINTH TAMON-SERNEO,MEd.


GEE-1, TAGAPAGTURO

You might also like