You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X – Northern Mindanao
Schools Division of Misamis Oriental
District of Manticao
MANTICAO NATIONAL HIGH SCHOOL

FILIPINO SA PILING LARANG (TECH-VOC)


Ikaapat Markahan
Ikalawang Semestre, T.A. 2022-2023

Pangalan: _______________________________ Seksyon: ________________ Iskor: __________

I. Maraming Pagpipilian. Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga pahayag. Isulat lamang
ang titik ng tamang sagot sa papel.

1. Ito ay tinatawag ding circular handbill.


A. flyer B. liham C. leaflet D. letter head
2. Madalas na mas maganda ang disenyo nito kaysa sa flyer.
A. liham B. babala C. leaflet D. deskripsyon ng produkto
3. Ito ay estrakturang anyo ng paglalahad ng impormasyon tungkol sa proyektong produkto.
A. feasibility study B. deskripsyon ng produkto C. flyer D. leaflet
4. Isa itong obhetibo at rasyonal na tumutuklas ng kakayahan at kahinaan ng isang kalakal o
mungkahing gagawin, mga pagkakataon at panganib na nasa kapaligiran, at iba pa.
A. deskripsyon ng produkto B. liham C. feasibility study D. leaflet
5. Ginagamit ito sa mga negosyo upang manghikayat ng bagong kostumer, bumuo ng magandang
relasyon sa mga dating kostumer, magpakilala ng bagong produkto, at iba pa.
A. flyer B. leaflet C. feasibility study D. promo materials
6. Isinusulat ito ng kumpanya upang ilarawan ang produktong kanilang ginagawa.
A. liham B. flyer C. dokumento ng produkto D. leaflet
7. Layunin nitong magbigay ng maikli ngunit malamang paglalarawan ng pangunahing kontribusyon
at mahahalagang natamo.
A. feasibility study B. promo materials C. naratibong ulat D. flyer
8. Ito ay pagpapahiwatig, pananakot, at pananda ng paparating na panganib. Maaari ring maging payo
na mag-ingat.
A. paunawa B. babala C. anunsyo D. menu ng pagkain
9. Ito ay legal na kaisipan kung saan ang partido ay ginagawang maalam sa legal na proseso na
nakaaapekto sa kanyang karapatan, obligasyon, o tungkulin.
A. paunawa B. babala C. anunsyo D. menu ng pagkain
10. Ito ay perpekto para sa mga restoran at produktong pagkain.
A. babala B. menu ng pagkain C. anunsyo D. paunawa

II. Tama-Mali. Sagutin ng Tama o Mali ang sumusunod na mga pahayag tungkol sa teknikal-bokasyunal na
pagsulat. Isulat sa papel ang sagot.

1. Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay napakahalaga sa paraan ng pagsulat at komunikasyon para


sa propesyonal na pagsulat tulad ng ulat panlaboratoryo at iba pa.
2. Ang teknikal na pagsulat ay mahalagang bahagi ng industriya dahil ito ay nagbibigay ng
mahalagang dokumentasyon sa gamit at aplikasyon ng mga produkto at paglilingkod sa bawat
industriya.
3. Ang pokus ng teknikal-bokasyunal na pagsulat ay ang introduksyon ng mag-aaral sa iba’t ibang uri
ng pagsulat na kailangan sa mga gawaing may teknikal na oryentasyon.

Address: Pagawan, Manticao, Misamis Oriental


Telephone: (088) 881-0587 (PLDT)
E-mail: manticaonhs@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region X – Northern Mindanao
Schools Division of Misamis Oriental
District of Manticao
MANTICAO NATIONAL HIGH SCHOOL

4. Maraming klase ang pagsulat at ang bawat uri ay may layunin.


5. Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay naglalahad at nagpapaliwanag ng paksang-aralin sa
malinaw, obhetibo, tumpak, at di-emosyonal na paraan.
6. Ang mahusay na teknikal na sulatin ay tiyak, may tuon, at walang mga mali.
7. Ang manunulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin ay tinitiyak na ang mga dokumento ay malinaw.
8. Ang teknikal na pagsulat ay sumasaklaw sa maraming uri o anyo at estilo ng pagsulat depende sa
impormasyon at mambabasa.
9. Ang teknikal na pagsulat ay isang siyentipikong proseso.
10. Gumagamit ng teknikal na bokabularyo ang teknikal-bokasyunal na sulatin.

III. Pagkilala. Piliin mula sa loob ang kahon ang sagot sa mga pahayag na mababasa sa ibaba. Isulat lamang
ang titik ng sagot sa papel.

A. Manwal C. Flyer E. Deskripsyon ng Produkto


B. Liham Aplikasyon D. Leaflet

1. Ito ay kinakailangang maikli, simple, at madaling maunawaan at matandaan.


2. Ito ay sales letter na kung saan ay ibinebenta mo ang iyong kasanayan, kakayahan, at kaalaman.
3. Ito ay tinatawag ding circular handbill. Ito ay uri ng papel na patalastas na naglalayong ibahagi sa
maraming tao.
4. Ito ay mas maganda ang disenyo kaysa flyer. Ito ay printed, makulay, at higit na may mabuting
kalidad.
5. Ito ay estrakturang anyo ng paglalahad ng impormasyon tungkol sa proyektong produkto.

IV. Enyumerasyon. Ibigay ang hinihingi sa mga sumusunod na bilang.

A. Mga Uri ng Feasibility Study (5)


B. Mga Dapat Taglayin ng Isang Maayos na Feasibility Study (9)

Address: Pagawan, Manticao, Misamis Oriental


Telephone: (088) 881-0587 (PLDT)
E-mail: manticaonhs@gmail.com

You might also like