You are on page 1of 2

EPP 5

 Ano ang dapat gawin upang hindi malimutan ang mga bibilhin mong materyales para sa gagawing
proyeko?
gumawa ng listahan
 Ano ang katawagan para sa piraso, kilo, litro, bote at iba pa na makikita sa talaan ng materyales?
yunit
 Hindi maisara ang pintuan ng kabinet. Ano ang posibleng sira nito?
bisagra
 Hindi umiilaw ang bombilya kahit may kuryente. Ano ang sira nito?
pundido
 Puputulin ni Mario ang kahoy para sa gagawing proyekto. Anong klaseng pamutol ang gagamitin
niya?
lagare
 Kung pagdidikitin ang dalawang kahoy gamit ang pako, anong kagamitan ang gagamitin mo?
martilyo
 Ano ang ilalagay sa katawan ng pako upang dumulas ito at madaling ibaon?
sabon
 Tiyaking iskwalado ang natapos na proyekto. Anong kagamitan ang gagamitin upang malaman kung
iskwalado ang proyekto?
iskwala
 Ano ang gagawin mo sa mapurol na lagari?
Hasain
 Ang upuan ay umuuga kapag inuupuan, ano ang maaaring gawin dito?
lagyan ng brace
 Hindi bumababa ang tubig sa lababo dahil may nakabara.Ano ang maaaring gawin dito?
alisin ang tubig at buhusan ng mainit na tubig
 Magiging maginhawa at kasiya-siya ang paggawa ng proyekto kung gagamitin ang angkop na ____.
kasangkapan
 Anong kasangkapan ang ihahanda mo kung pakikinisin ang ibabaw ng tabla o kahoy?
katam
 Ito ay isang paraan upang mapakinabangan pang muli ang isang bagay na nasira. Ano ito?
pagkukumpuni
 Upang hindi mawala ang mga kasangkapan, saan mo ito ilalagay pagkatapos gamitin?
kabinet
 Kung napansin mong malapit nang masira ang kasangkapan sa gusaling pang-industriya, ano ang
gagawin mo?
sasabihin sa guro
 Anong uri ng gawaing pang-industriya ang upuang yari sa kahoy?
gawaing kahoy
 Ito ay isang gawaing industriya kung saan binigyang pansin ang paggawa ng dust pan, gadgaran,
habonera, kahon ng resipi at kuwadro. Ano ito?
gawaing metal
 Anong uri ng gawain ang paggawa ng mga proyektong madaling gawin sa mga kamay?
gawaing kamay
 Ang gawaing ito ay humihingi ng dagdag na pag-iingat upang makaiwas sa sakuna na may kaugnayan
sa kuryente. Ano ito?
gawaing elektrisidad
 Kung gagawa ka ng proyekto, saan ka hahanap ng materyales na gagamitin mo?
mula sa pamayanan
 Upang madaling matapos ang gagawing proyekto, anong disenyo ang pipiliin mo?
payak
 Wala kang pambili ng mga materyales para sa gagawing proyekto , ano ang maaari mong gawin?
mag-recycle
 Kung kukumpunihin ang sirang switch ng ilaw, ano ang dapat gawin bago magsimula?
patayin ang pangunahing switch
 Ano ang pang-ipit ng kahoy o bakal upang hindi ito gumalaw habang nilalagari?
gato
 Sukating mabuti ang kahoy upang sakto sa paglalagyan. Ano ang gagamitin sa pagsusukat?
lahat ay tama
 Alin sa mga sumusunod na proyekto ang gawaing pang-industriya?
lahat ng nababanggit
 Ano ang ginagamit na pambura kung nagkamali sa pagguhit?
pambura
 Dito iginuguhit ang mga disenyong nais gawin.
papel
 Ano ang tawag sa guhit ng plano ng proyekto?
krokis
 Upang maging tuwid ang mga linyang iguguhit, ano ang gagamitin mo?
ruler
 Sa plano ng proyekto, saang hanay ilalagay ang halaga ng ¼ kilo?
talaan ng materyales
 Aling bahagi ng proyekto ang nagpapaliwanag sa hakbang ng mga gawain?
pamamaraan
 Ang isang papel de liha ay nagkakahalaga ng P10.00. Kung gagamitin mo ang kalahati nito,
magkano ang halaga nito sa espisipikasyon mo?
P5.00
 Saan nabibilang ang sukat ng bibilhing materyales?
espisipikasyo
 Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa uri ngn kasangkapan sa paggawa ng mga bagay na
yari sa kamay?
panghukay
 Alin sa mga sumusunod na kasangkapan ang ginagamit sa pagkuha ng lapad, taas, at kapal?
panukat
 Anong kasangkapan ang pambaluktot, pamukpok ng mga metal at pambaon sa pait at pako?

martilyo

 Upang maiwasan ang pagkakuryente gumamit ng kagamitang tumitingin kung dinadaluyan na ng


kuryente ang proyekto. Ano ito?
tester
 Ano ang isusuot mo kung ikaw ay magtatrabaho at ayaw mong marumihan ang suot mong damit?
apron
 Alin ang nagpapahiwatig ng kaligtasan sa mga sumusunod?
Lahat ay tama.
 Upang hindi malito at magkamali sa paggawa ng proyekto, aling hakbang ang susundin mo?
hakbang sa paggawa
 Upang maiwasang masaktan ang mga mata habang nagtatrabaho magsuot ng pananggalang sa mga
mata. Ano ang isusuot mo?
goggles
 Alin sa mga sumusunod ang hindi kailangan sa hakbang sa paggawa ng proyekto?
wala sa nabanggit
 Sa paglalagari ng kahoy makabubuting simulan ang paglalagari sa _______ na direksyon.
pakabig
 Kung pupukpukin ang ulo ng pako, saang bahagi ng hawakan ng martilyo ka hahawak?
bandang dulo
 Tapos na ang proyekto mo, pintura o barnis na lang ang kulang. Paano ang wastong pagpahid ng
pintura o barnis gamit ang brotsa?
isang direksyon lang
 Ano ang gagawin bago pinturahan o barnisan ang proyekto?
pakinisin
 Upang mapakinabangan ang natapos na proyekto, ano ang iyong gagawin?
ibenta
 Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng wastong pagpapahalaga sa sariling proyekto?
pagwawalang-bahala saan man ito mailagay.

You might also like