You are on page 1of 1

Kgg. Nelia R.

Cuenca,

Magandang araw po pagpalain kayo ng Diyos, mahal na Kapitana.

Sumusulat po ako sa inyo upang ipabatid sa inyo na hindi po ako makakadalo sa ating susunod
na regular na sesyon ng barangay sa ika-17 ng Marso dahil ako ay dadalo sa seminar/training na
itinataguyod ng Sangguniang Kabataan Federation – Lipa City Chapter. Ang seminar na may temang
"Progressive Youth for Progressive Barangays: A Continuing Capacity Development Program for SK
Officials" ay gaganapin sa La Carmela de Boracay Resort Hotel mula Marso 17 hanggang 19, 2024.
Layunin ng aktibidad na ito na muling ituro sa mga SK Officials ang SK Reform Law at dynamics ng
pamamahala, ipasa ang papel na dapat gampanan ng SKs sa pagtatayo ng bansa, suriin at balangkasin
ang Barangay Youth Development Plan at Annual Barangay Youth Investment Program ng SKs, bumuo ng
isang pangmatagalan at positibong epekto sa kabataan ng kanilang mga komunidad, at magbuo ng
matibay na samahan sa lahat ng SK Officials ng Lipa City.

Pasensya na at hindi ako makakadalo, ngunit nais kong tiyakin sa inyo na ang aking paglahok sa nasabing
seminar ay magbibigay ng dagdag kaalaman at kakayahan sa akin bilang miyembro ng Sangguniang
Kabataan. Sa aking pagbabalik, handa akong makipagtulungan at bumawi sa mga responsibilidad na
aking naipagpabukas.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pagbibigay pansin.


Taos-pusong sumusulat,

John Cedric C. Macalindong

You might also like