You are on page 1of 1

Bago ko simulan ang aking talumpati, nais ko munang ibahagi sa inyo ang isang bersikulo sa

bibliya sa lumang tipan ng Bibliya, kung saan natin matatagpuan ang higit na patunay na ang buhay ay
mahalaga sa mata ng Diyos. Sa Jeremias 1:5, binanggit ang salita ng Panginoon kay Jeremias: "Bago kita
iluwal sa sinapupunan, ay aking nakilala ka; at bago ka mabuo sa tiyan, ay aking nilinis ka, at aking
itinakda kang propeta sa mga bansa."

Sa aking kagalanggalang na guro sa Komunikasyon at Pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino,


Bb. Danilyn Cabarlor Abilende, at sa mga mapagmahal at makukulit kong kamag-aral, isang mainit na
pagtanggap at magandang umaga sa ating lahat.

Para sa inyo, tama ba o mali ang pagpapalaglag? Sang-ayon ba kayo sa aborsyon? Ano ang inyong
opinyon ‘pag dating sa isyung aborsyon?

Ang aborsyon ay isang mahirap at kontrobersyal na isyung nagdudulot ng malalim na pagtatalo


sa iba't ibang bahagi ng lipunan. Maraming mga aspeto at pananaw hinggil dito, at sa konteksto ng
relihiyon, ang Bibliya ay isang mahalagang aklat na pinag-uusapan kung paano ito nauugma o lumalabag
sa mga moralidad at paniniwala ng mga tao.

Isang biyayang walang kapantay ang pagkakaroon ng buhay. Ito'y pagkakataon na magmahal,
magbigay, at mag-ambag sa mundo. Sa mata ng Panginoon, ang aborsyon ay hindi makatarungan at hindi
kailanman magiging tama. Ito ay isang malaking kasalanan sapagkat tinatanggalan mo ng karapatang
mabuhay ay sanggol at para na rin itong paraan ng pagpatay. Ito ay lumalabag sa ikalimang utos ng Diyos
na nagsasabing, “Huwag kang pumatay.” Sa pagsusuri ng aborsyon, ito'y sumasalungat sa utos ng Diyos
na magmahalan, magkalinga, at igalang ang buhay. Tayo ay naninirahan sa isang “Christian Country” kaya
nararapat lamang na tayo ay sumunod sa mga bilin ng May Kapal.

Maaaring may mga argumento na hindi lahat ng tao ay Kristiyano at hindi lahat ng lipunan ay
nakabatay sa mga aral ng Bibliya. Gayunpaman, ang aborsyon ay isang isyu na may malalim na moral at
etikal na dimensyon. Hindi ito lamang isang relihiyosong kaisipan, kundi isang prinsipyong
nagpapahalaga sa bawat buhay. Ito ay may malawak na epekto sa buhay ng mga tao, at ang mga
desisyon ukol dito ay hindi laging makikita sa isang konteksto ng relihiyon.

Sa huli, ang aborsyon ay isang napakakomplikadong isyu na may mga magkaibang pananaw. Sa harap ng
pag-aalinlangan, mahalaga ang masusing pag-aaral hinggil dito. Kaya kung ikaw ang tatanungin, at nasa
sitwasyon kang hindi planado ang pagkakaroon ng anak, pipiliin mo ba itong buhayin o patayin?

You might also like