You are on page 1of 4

Department of Education

Region III
DIVISION OF PAMPANGA
High School Blvd. Brgy. Lourdes, City of San Fernando
BACOLOR NORTH DISTRICT
ELISEO-BELEN ELEMENTARY SCHOOL-ANNEX
Sta. Lucia Resettlement, Magalang, Pampanga
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 4
COT 1

I. Layunin
Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid

dito gamit ang pangunahin at pangalawang direksyon AP4AAB-Ic- 4

II. Nilalaman
Aralin 2-4: Relatibong Lokasyon ng Pilipinas

A. Sanggunian
Quarter 1 Module-2-4
Araling Panlipunan 4 MELCs

B. Iba pang Kagamitang Panturo – Larawan, laptop, Power Point Presentation/ppt, mapa at iba
pang instructional materials

III. Pamamaraan
A. Paghahanda
Pagbabalik tanaw sa nakaraang aralin
 Pagsagot sa mga katanungan upang matatas ang kaalaman sa nakaraang aralin.
 4 na elemento ng bansa
 Ibigay ang 7 kontinente sa mundo

B. Pagganyak
Magkaroon ng munting laro o pagganyak
 Gamit ang Instructional Materials, magkaroon ng game tungkol sa pangunahing
direksyon at ikalawang pangunahing direksiyon.

C. Paglalahad
- Pag-aralan ang nakasaad sa aralin
- Pagsagot sa mga pagsasanay
- Pakikinig at panonood sa power point presentation

D. Pagtatalakay
- Pag-aralan ang Kahulugan at Kahalagahan ng Relatibong Lokasyon ng Pilipinas batay sa
mga halimbawa na presentasyon ng aralin.
- Pagpapakita ng ganap na batayan ng bisinal na lokasyon at insular na lokasyon base sa
mapa ng daigdig/ mapa ng Asya o mapa ng Pilipinas.
E. Kasanayang Panggabay
Gabay na Tayahin 1
Indibidwal na Gawain
Panuto: Pagtukoy sa Bisinal at Insular na lokasyon ng Pilipinas gamit ang mga instructional
na materyales na inihanda ng guro.

Gabay na Tayahin 2
Pangkatang gawain
Panuto: Gamit ang mga inihandang mga mapa, tukuyin ang mga bansa batay sa pakilala
gamit ang mapa (degree)
F. Paglinang

Panuto: Punan ang sumusunod na talahanayan.

G. Paglalapat/Aplikasyon
Ano ang kahalagahan ng pag-aaral sa relatibong lokasyon ng Pilipinas?

H. Paglalahat
Ano ang kahulugan ng Relatibong Lokasyon?
Anu-ano ang mga kahalagahan ng inyong natutunan sa aralin?

I. Pagtataya
Panuto:Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

_____1.Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ______ rehiyon ng Asya.


A. Timog-Kanluran C. Hilagang-Kanluran
B. Timog-Silangan D. hilagang-Silangan
_____2. Ang Taiwan ay nasa _____________ ng Pilipinas.
A. Timog C. Hilaga
B. Kanluran D. Silangan
_____3. Matatagpuan sa Timog-kanluran ng Pilipinas ang bansang __________.
A. Cambodia C. Guam
B. Indonesia D. China
_____4. Tinatawag na _____ ang kinaroroonan ng isang bansa kung ito ay napapaligiran
ng tubig.
A. Bisinal C. Topograpiya
B. Insular D. Heograpiya
_____5. Ang Anyong tubig na nasa Silangan ng Pilipinas ay ___________.
A. Karagatang Atlantiko C. Karagatang Indian
B. Karagatang Pasipiko D. KaragatangArktiko

IV. Karagdagang Gawain/Takdang Aralin


Pag-aralan at balikan muli ang aralin para sa Graded recitation bukas.

Prepared by:
ROMINA M. MANINGAS
Teacher III

Noted:
ARWIN S. SILAO
Principal II

You might also like