You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Grade-V Sampaguita

Inihanda ni: Jo-ann F. Lasay

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

a. Nakikilala ang ibat-ibang katangian ng Pilipinas bilang arkipelago sa


pamamagitan ng mga larawan;

b. Magkaroon ng kamalayan sa ibat-ibang katangian ng arkipelago sa


pamamagitan ng pagbibigay halimbawa; at

c. Isulat kung ang mga detalye ng katangian ng arkipelago ay wasto


sa pamamagitan ng tama o mali.

II. Paksang aralin

Paksa: Pilipinas bilang arkipelago

Sanggunian: Curiculum Guide at Quipper study guide pahina 4-11

Kagamitan: Laptop at Power Point Presentation

Pagpapahalaga: Mabigyang halaga ang katangian ng Pilipinas

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pambungad na panalangin

2. Pagtatala ng liban

B. Balik-aral

a. Hindi ba noong nakaraan ay tinalakay ninyo ang klima at panahon


sa Pilipinas?

b. Ano-Ano nga ang apat na uri o tipo ng klima sa Pilipinas?

C. Pagganyak

Magtatanong ang guro ng mga sumusunod na tanong


1. Sino naba sa inyo ang naka pasyal sa ibat-ibang lugar sa
Pilipinas?

2. Ano-ano ang inyong nakita at naramdam ng bumisita kayo


doon?

D. Paglalahad

Tutukuyin at magpapakita ang guro ng ibat- ibang larawan ng katangian


ng arkipelago.
E. Indibidwal na gawain

Panuto: Pilin ang wastong salita sa bawat patlang. Pumili ng sagot sa


kahon na nasa ibaba.

Ang Pilipinas ay isang arkipelago sapagkat ito ay binubuo ng mga (1)________.Sa


katunayan ang kasalukuyang bilang ng mga pulo sa Pilipinas ay (2)________. Mas
marami sa alam nating bilang na (3)________noon. Dahil sa ang Pilipinas ay
napapaligiran ng katubigan at (4)________.Ito ay tinawag na (5)________.

Perlas ng Silangan 7,641 Pulo

7,107 Likas na yaman

F. Pagsusuri

Magtatanong ang guro ng mga sumusunod na tanong

a. Meron bang kahalagahan ang pagiging arkipelago ng Pilipinas?

b. Bakit kailangan nating magkaroon ng kamalayan sa katangian ng


arkipelago ng Pilipinas?

G. Paghahalaw

Ang guro ay magpapakita ng mga bagong larawan at katangian ng


arkipelago.
Magtatanong ang guro ng mga katanungan

1. Meron bang pagkakatulad at pagkakaiba ang mga pulo sa Pilpinas?

2. Ang Pilipinas lang ba ang arkipelagong bansa sa mundo?

H. Paglalapat

Magpapakita ang guro ng mga larawan ng mga pulo sa Pilipinas at


kanilang isusulat kung anong pulo ito. Pagkatapos ng 5 minuto. Magtatawag ang
guro ng ilang estudyante upang ipakita ang kanilang sagot sa harap ng klase.

1 2. 3.

1. Visayas

2. Mindanao

3. Luzon

4. Cebu

IV. Ebalwasyon

Ang guro ay magbibigay ng 5 minutong pagsusulit.


Panuto: Basahin ang pangungusap at isulat ang Tama kung ang

pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at Mali kung hindi.

1. Ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong pulo.


2. Ang Mindanao ang Pinalamalaking pulo.
3. Ang bagong bilang ng pulo sa Pilipinas ay 7,641.
4. Nasa 2.2 milyong kilomerto kwadrado ang kabuoang sukat ng
katubigan sa Pilipinas.
5. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Hilagang asya.
6. Ang Pilipinas ay kilala rin sa tawag na Perlas ng Silangan.

7. Ang Pilipinas ay hindi binubuo ng kalat-kalat na pulo.


8. Ang dating bilang ng mga pulo sa Pilipinas ay 7,107.
9. Ang kabuoang baybayin ng Pilipinas 36,289.
10. Ang coral reef ng Pilipinas ay pang-apat sa pinakamalaking coral
reef area sa mundo.

V. Takdang aralin

Bilang paghahanda sa babong leksyon. Basahin ang Paksa na Hangganan at


teritoryo ng Pilipinas bilang isang Arkipelago Pahina 12-19.

VI. Remarks

Dahil sa marami sa mga estudyante ang hindi nakatapos sa pagsusulit.


Magbibigay ang guro ng palugit upang makahabol ang ibang estuyante at maipasa
ito sa email ng guro.

VII. Reflection

Magbibigay ang guro ng homeroom remediation sa mga estuyanteng


nahihirapan sa klase at maraming liban upang matulungan silang makahabol sa mga
aralin.

You might also like