You are on page 1of 2

Name: Class Schedule:

Year and Section:

Panuto: Kumalap ng isang balita tungkol sa napapanahong isyu na kinakaharap ng bansa pagkatapos ay
kopyahin ito at sa ibaba ng artikulo ay gumawa ng isang reaksiyong papel mula sa iyong binasa.
Siguraduhing isinaalang-alang ang mga elemento sa pagsulat sa paggawa ng iyong reaksiyong papel.

Reaksyon:

Ang artikulo sa itaas ay tungkol sa kumakalat na balita kumakailan na


#CancelKorea. Ang balita ay pumapatungkol sa pagpuna ng mga
Koreano sa Tiktok bidyo ng isang Filipino-American tiktoker na si Bella
Poarch kung saan napansin ng mga netizens ang tattoo sa kaniyang
braso na puso na may disensyo ng Rising Sun ng Japan na
dinipensahan naman ng mga Pinoy.

Hindi na ako nabigla sa artikulong nabasa ko, lamang dahil ang social
media ay napakapapular sa panahon natin ngayon at hindi ko masisisi ang mga tao para doon. Ngunit,
dahil doon ay malinaw nating nakikita kung paano binago ng social media ang mga tao sa ating lipunan
ngayon, napakabilis nating manghusga nang hindi naman nalalaman ang kwento sa likod nito.

Bago natin sabihing #CancelKorea, sa tingin ko ay dapat munang nating alamin ang lahat kung
ano nga ba ang pinagmulan ng hashtag na kumakalat. At base nga sa artikulong aking nabasa, ang tattoo
ng babae na may disenyo ng Rising Sun ay ang watawat na ginamit ng Imperial Japannese Military noong
panahon ng World War II na nagdulot ng matinding hirap hindi lamang sa mga taga South Korea at
Pilipinas.

Gayunpaman, sa tingin ko ang problema dito ay ang pagkakaiba ng kultura ng dalawang bansa.
Sapagkat, marami sa ating mga Pilipino ay hindi mulat sa kung ano ang sumisimbolo sa Rising Sun na
simbolo nga ng pang-aapi. Oo, pinag-aaralan nating mga Pilipino ang tungkol sa WWII at sa pananakop
ng mga Hapon, alam natin kung gaano tayo pinagmalupitan ng mga Hapon, ngunit hindi ang
implikasyong pampulitika ng ibang mga bansa tulad ng South Korea. Lamang, lalong lumala ang
sitwasyon dahil sa kung paano ang naging reaksyon ng mga Koreano sa naturang sitwasyon. May mga
Koreano na pinangaralan tayo, samantalang ang iba naman ay gumamit ng mga panlalait at paninirang
lahi na labis na nakasakit sa ating mga Pilipino.

Nararapat lamang na ang parehong bansa ay dapat magkaroon ng maayos na pagkakaintindihan.


Para sa aking mga kapwa Pilipino, dapat nating maintindihan na ang sugat na natamo ng mga Koreano ay
iba sa kung anong sugat ang ibinigay sa atin noong sinakop tayo ng mga Hapon. Sa mga Koreano naman,
hindi nararapat na bastusin nila ang ating pagka-Pilipino.
Ang ating mundo ngayon ay punong-puno ng galit at negatibiti, magkaroon tayo ng matinding
pang-unawa’t kooperasyon at wag na tayong dumagdag pa sa krisis na dinaranas ng ating mundo
ngayon. Sa halip, dapat tayong magtulungan at magmahalan ng sa gayon ay patuloy nang matuldukan
ang pandemyang lumalaganap para makabalik na tayo sa mundong dati nating ginagalawan.

You might also like