You are on page 1of 1

Camarines Sur National High School

Araling Panlipunan
PAG- IIMPOK AT PAMUMUHUNAN

Name: ___________________________ Section: _____________ Date: _________ Score: ________

I. Panuto: Isulat ang given name ng crush mo kung wasto ang ideyang ipinahahayag ng pangungusap
tungkol sa pag- iimpok at pamumuhunan. Kung mali ang pahayag, isulat ang iyong given name.

________________1. Ang pera, katulad ng ating ibang pinagkukunang – yaman, ay maaaring maubos.
________________2. Dapat ang tanging pinaglalaanan lamang ng kita ng tao ay para sa gastusin nito.
________________3. Mas mainam na ang halagang dapat na iimpok ay ang perang natira pagkatapos na
mabili at mabayaran ang mga gastusin.
________________4. Mabuti ang pag- iimpok dahil may mahuhugot kang pera sa hinaharap at nalalabanan pa
nito ang negatibong epekto ng implasyon o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
________________5. Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ay naglalayon na pataasin ang
pag- iimpok sa bansa at pinoprotektahan rin nito ang depositors sa bangko kung sakali mang malugi ito.
________________6. Sa pamumuhunan tulad ng sa stocks o bonds, hinahayaan mo na ang pera ang
magtrabaho para sa iyo dahil kahit wala ka nang gawin, mataas ang posibilidad na kikita ka pa rin.
________________7. Ang pag- iimpok at pamumuhunan ay may personal na kabutihang dulot sa buhay ng
tao at kahalagahan sa ekonomiya ng bansa.
________________8. Kung mag-iimpok o mag- iinvest, inirerekomenda na sa mga lehitimong financial
intermediaries ilagak ang pera tulad ng mga bangko at mga rehistradong kompanya o institusyon para sa
mutual funds, stocks, at iba pang investments.
________________9. Ang pagsali sa mga ‘paluwagan’ ay isang sigurado at magandang paraan upang
makapag-ipon ng pera.
________________10. Ang mga perang idineposito sa bangko ay ipinahihiram sa mga negosyante na
dadagdag sa kapital ng kanilang negosyo dahilan upang maging sapat pa rin ang dami ng salapi ekonomiya.

II. Panuto: Basahin ang sitwasyong nagpapakita ng ugnayan ng pag- iimpok at pamumuhunan. Isulat sa
patlang ng bawat bilang ang angkop na salita mula sa pagpipiliang nasa loob ng panaklong upang mabuo
ang kwento.

Si Jinky ay mahusay sa paghawak ng pera at ngayon ay bagong


sahod siya.

Samantala, Si Manny ‘The Money’ ay ang pera na itinabi at hindi


ginastos ni Jinky na kilala sa tawag na 1. _____________ (ipon,
pambayad utang, panggastos)

Si Manny ‘The Money’ ay inilagak niya sa isang legal at rehistradong


financial intermediary partikular sa 2. _____________ (paluwagan,
bangko, pyramiding scam)

Hindi lang basta namalagi si Manny ‘The Money’ sa naturang


financial intermediary, bagkus ay ipinautang siya sa isang kompanya
bilang 3. _____________ (luho, ipon, puhunan)

Dahil pumayag si Jinky na ilagay ang kaniyang pera na si Manny ‘The


Money’ sa isang financial intermediary, tumaas ang halaga nito dahil
sa 4. _____________ (premyo, buwis, interes)

Hindi lang si Jinky ang nanginabang sa pag- iimpok pero pati na rin
ang ekonomiya dahil 5. _______________ (tumaas, bumaba,
napanatili) ang supply ng pera sa sirkulasyon.

@AST2223

You might also like