You are on page 1of 35

ARALIN 5

PAGSULAT ng PROMO MATERIALS at FEASIBILITY STUDY


ISAISIP AT ISAPUSO

“Kung hanap ay katiyakan at


kasiguraduhan, Feasibility ang
maaasahan,
Kapag kulay, hugis, at
katangian naman, sa Promo
Material makikita iyan.”
LAYUNIN: Pagkatapos ng araling ito, inaasahang
maisasagawa ng mag-aaral ang mga sumusunod:
1. Nakikilala ang pagsulat ng promo materials at
feasibility study bilang teknikal-bokasyonal na sulatin
ayon sa layunin , gamit, katangian at anyo
2. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng
promo materials at feasibility study;
3. Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa promo
materials at feasibility study bilang paghahanda sa
ginawang demo at ulat.
Ang dalawang panukatan upang husgahan
ang feasibility ay ang halagang kailangan
at ang halagang kailangang matamo.
Ang mga taong may balakin na may
kinalaman sa negosyo ay dapat na
magsagawa ng feasibility study upang
matukoy ang ikatatagumpay ng kanilang
ideya bago pa man ito ipagpatuloy. Ang
pagtukoy ng maaga sa ikabibigo ng ideyang
pangnegosyo ay magdudulot ng katipiran sa
oras, salapi at hinanakit sa paglaon.
Ang Feasibility study ay nagbibigay ng
ebalwasyon ng potensyal sa tagumpay ng
proyekto.
LEGAL- Pangangailangang legal
OPERASYONAL – Husay sa paglutas sa problema
EKONOMIKS – Positibong ekonomikong benipisyo
TEKNIKAL – Kasalukuyang teknikal na resorses
SCHEDULE – Tagal makompleto bago mapakinabangan.
Ang promosyon o promo ay isang espesyal na
serbisyo na ginagawa sa larangan ng negosyo. Sa
pamamagitan nito, nakapagbibigay ang kompanya ng mas
mababang halaga ng kanilang mga produkto o serbisyo sa
itinakdang panahon. Ginagawa ang promo upang
makaakit ng mga potensiyal na kostumer. Karaniwang
takaw- tamad ang mga mamimili. Mas mababa ang
presyo, mas dinudumog ito ng mga tao. Ito ang dahilan
kung bakit ang mga kompanyang nag- aalok ng produkto o
serbisyo ay nagsasagawa ng mga promo. Sa promo,
bukod sa mababang presyo, nag- aalok din ng produkto o
serbisyo na higit kaysa sa makukuha ng mga mamimili sa
karaniwang araw.
"Mga Hakbang sa Pagbuo ng Promo
Materials"
.

1. Alamin ang target market. Mahalagang


isaalang-alang ang potensyal na kostumer sa
gagawing promo materials. Iangkop sa target
market ang tema ng gagawing promo materials.
Lagi ring tandaan na kakabit ng gagawing promo
materials ang imahen at reputasyon ng kompanya.
2. Paghandaang mabuti ang mga materyal na
gagamitin.
Kinakailangang magsagawa ng testing sa
mga promo materials na gagawin hanggang sa
maging katanggap-tanggap ito sa konsyumer at
pinakamalapit na representasyon ng kompanya.
3. Bumuo ng tema.
Ang tema ang magsisilbing inspirasyon
sa pagbuo ng promo materials. Ito kasi ang
paghuhugutan ng gagamiting desenyo at
layout ng materyal na gagawin.
4. Isaalang-alang kung paano makaaapekto
sa mga kostumer ang mga iniaalok na
produkto o serbisyo.
Alamin palagi kung ano ang
kakailanganin ng target na mamimili.
5. Ilarawan lamang ang kayang gawin ng
produkto.
Huwag maglagay ng deskripsyon na
hindi kayang gawin ng produkto o serbisyo.
Ang mga eksaherado at hindi beripikadong
nilalaman ay nilalayuan ng mga potensyal na
kostumer.
6. Maging bukas sa mga suhestyon.
Komunsulta sa mga propesyunal at
empleyado sa gagawing promo materials.
Makatutulong ang kanilang mga puna sa
paglikha ng isang mabisang promo
materials.
TANDAAN !

FEASIBILITY STUDY PROMO MATERIALS


• OBHETIBO AT RASYONAL • NAGHIHIKAYAT NG BAGONG KOSTUMER

• TUMUTUKLAS NG KALIKASAN AT KAHINAAN • NAGPAPAKILALA NG BAGONG PRODUKTO

• INAASAHANG TAGUMPAY • LUMILIKHA NG PANGALAN

• 2 INAASAHAN: HALAGA AT BALYO • HUMIHIKAYAT SA EMPLEYADO


• IPINAGDIRIWANG ANG TAGAL SA
• KREDIBILIDAD NG PAG-AARAL
LARANGAN
• MAY MGA URI
• MAY MGA DAPAT ISAALANG-ALANG
Prepared by : Tr. Dolly Almonte

You might also like