You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Schools Division of Negros Oriental
Duli- Duli Elementary School
Duli-Duli,Tibyawan, Ayungon, Negros Oriental
SY 2020 – 2021
1st Quarter

LAGUMANG PAGTATAYA 2 SA FILIPINO III

Name: _______________________________ Date: ______________________________


Teacher: _____________________________ Score: _____________________________

Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Ang Halayang Ube ni Maya
Maagang gumising si Maya upang tumulong sa inang si Aling Maria na abalang abala sa pagluluto ng halayang
ube.
“Uhmm! Napakabango naman ng niluluto ninyo Inay,” wika ni Maya habang lumalakad palapit sa ina.
“Pihadong matutuwa na naman ang mga suki ko kapag natikman nila iyan, Inay, pagmamalaking wika ni Maya.
Napangiti si Aling Maria sa sinabi ni Maya.
“Salamat anak, natutuwa ako at nagugustuhan mo lahat ng niluluto ko.”
Matapos maihanda ni Aling Maria ang ilalakong halaya ni Maya, binilinan niya itong mag-ingat. Kapag naubos
nang maaga ang kaniyang paninda, umuwi siya kaagad upang makapagpahinga.
1.Ano ang uri ng kakanin ang tinutukoy sa kwento?
A. Bilo-bilo B. halayang ube C. sinukmani D. sumang yakap
2.Sino ang matutuwa kapag natikman ito?
A. Maya B. suki C. mga kalaro ni Maya D. mga kapitbahay ni Maya
3. Sino ang nagsabi? “Uhmm! Napakanango naman ng niluluto mo Inay.
A. Aling Maria B. Hana C. Maya D. Sonia
4. Maagang gumising si Maya upang tumulong sa Inang si Aling Maria. Anong panghalip ang maaaring gamiting
pamalit sa salitang Maya?
A. ako B. ibon C. kami D. siya

5. Bakit maagang gumising si Maya?


A. upang maglaro B. upang magtinda C. upang tumulong D. upang umalis
6. Ilang pantig ang salitang halaya?
A. apat B. dalawa C. isa D. tatlo
Ang Tula ni Emma
“Yehey! Ang malakas na hiyaw ni Emma. Nanalo kasi ang kaniyang entry sa paligsahan sa paggawa ng tula.
Pinamagatan niya itong Isko Palito.
Kaliwa’t kanan ang sa kanya ay bumabati.
“Ang galing mo Emma,” ang bati sa kanya ng mga kaibigan.
“Salamat, inspirado lang talaga ako habang gumagawa ng aking tula,” sagot ni Emma sa kaibigan.
Bago igawad ang medalya, tinanong si Emma ng isa sa mga hurado, “Sino si Isko Palito sa iyong buhay?”
“Siya ang superman ng aming bahay, ang aking ama. Hindi niya maalintana ang hirap ng buhay, maitaguyod
lamang ang pangangailangan naming lahat,” ang matalinong sagot ni Emma.
Labis na natuwa ang hurado sa kanyang isinagot. Buong giliw niyang isinabit ang medalya sa leeg ni
Emma.

7. Saan naganap ang kuwento?


A. bahay B. paaralan C. parke D. simbahan
8. Piliin ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kwento.
Sinabitan Sumali sa Nanalo Binati siya ng
ng paggawa ang kanyang mga
A
medalya si B
ng tula si C
kaniyang D
kaibigan
A. ABCD B. BACD C. BCAD D. BCDA
Emma Emma entry
9. Anong kategorya ng pangngalan ang inspirasyon ni Emma?
A. Tao B. lugar C. hayop D. pangyayari

10. Sa linyang, “buong giliw niyang iniabot ang medalya,” anong maaaring ipalit sa panghalip pamatlig na medalya?
A. mo B. iyan C. iyon D. diyan
11. Kung ang salitang katugma ng Lito ay palito, ano naman ang hurado?
A. barado B. kandado C. largado D. pihado
12. Anong salita ang mabubuo kapag pinalitan ang huling pantig ng salitang malakas?
A. lumakas B. magbigkas C. malasa D. natakas
13. Ano ang unang ginawa ni Emma?
A. Gumawa ng tula C. Isinumite ang tulang ginawa
B. Inalam kung kailan isasagawa ang patimpalak D.Naghintay na tawagin ang nanalo sa patimpalak
14. Ano ang pangalawa sa huling ginawa ni Emma?
A. Inabot ang medalya C. Inalam kung kalian isasagawa ang patimpalak
B. Nagpasalamat sa mga hurado D. Naghintay na tawagin ang nanalo sa patimpalak
15. Alin sa sumusunod ang hindi gamit ng diksyunaryo?
A. Paghahanap ng mapa o larawan C. Paghahanap ng tamang baybay ng salita
B. Paghahanap ng kahulugan ng mga salita D. Paghahanap ng kasalungat na kahulugan
16. Nais ni emma na malaman kung saan siya makakakuha ng iba pang sanggunian bukod sa aklat na kaniyang
ginagamit, saang bahagi niya ito makikita?
A. Indeks B. Pabalat C. Bibliograpiya D. Talaan ng nilalaman

Prepared by:
MAYET G. LAPINIG
Class Adviser

Noted by:
JELLY T. YONGCO
Schoolhead

Signature of Parent/Guardian: ______________________________________

Date of Signing: _____________________________________

You might also like