You are on page 1of 4

Learning Activity Worksheets

Edukasyon sa Pagpapakatao
Grade 10
Pangalan: Petsa: Marka:

Mga Isyung Moral Tungkol sa Buhay


Week 2
GAWAIN 3: Payo

PANUTO: Suriin ang mga sitwasyon. Tukuyin kung anong isyu ang kinapapalooban nito at
magbigay ng angkop na payo hinggil dito. Gumamit ng hiwalay na papel.
1.Si Alden ay isang mag-aaral. Mahiyain si Alden kung kaya madalas siyang nabu-bully sa
paaralan. Isang araw napagkatuwaan siya sa Facebook ng kaniyang mga kamag-aral. Ginamit
ang kaniyang mga larawan para sa mga memes. Nakita ito ni Alden at agad siyang napanghinaan
ng loob. Naisip niyang tapusin na lang ang kaniyang buhay upang hindi na magpatuloy pa ang
panlalait sa kaniya. Tama ba ang kilos na gagawin niya?

Isyu:
Payo:
2. Grade 12 student na si Ara. Siya ay nagsusumikap upang makamit ang pinakamataas na
karangalan. Ginagawa niya ito dahil alam niyang siya lang ang pag-asa ng kaniyang pamilya.
Ngunit, sa hindi inaasahan, si Ara ay naging biktima ng panghahalay matapos siyang yayain ng
kaibigan upang sumama sa mga kalalakihang hindi nila lubos na kakilala. Ang panggagahasa na
iyon ay nagbunga. Sumagi sa isip ni Ara na ipalaglag na lamang ang bata dahil hindi niya naman
ito kagustuhan at magiging hadlang ito sa kaniyang mga pangarap. Sang-ayon ka ba sa naiisip
gawin ni Ara?

Isyu:
Payo:
3. Naging masalimuot ang buhay ni Lisa matapos sila iwan ng kaniyang ina. Samanatalang ang
kaniyang ama naman ay nakulong dahil sa isang kaso. Nakitira siya sa kaniyang kamag-anak
ngunit pinagmamalupitan naman siya ng mga ito. Isang araw may nais makipagkaibigan kay
Lisa. Nalaman nito ang pinagdadaanan niya kung kaya’t inalok siya nitong gumamit ng
ipinagbabawal na gamot. Aniya, makakatulong daw ito sa kaniya upang sumaya at makalimot sa
kaniyang mga problema. Kung ikaw si Lisa, tama bang tanggapin ang alok ng kaibigan?

Isyu:
Payo:

1
Learning Activity Worksheets
GRADE 10- Edukasyon sa Pagpapakatao

GAWAIN 4: Pagninilay

PANUTO: Magsagawa ng isang pag–uusisa sa sarili para sa isang reflection. Isa-isahin ang
mga ginagawang hakbang bilang pangangalaga sa sariling buhay. Pagkatapos isipin mo rin kung
ano ang naitulong mo o nagawa para igalang ang buhay ng iyong kapwa. Alalahanin: paggalang
sa buhay ay paggalang sa dangal at dignidad. Gumamit ng hiwalay na papel.

Mga pangangalaga sa sariling buhay Mga naitulong bilang paggalang sa buhay


ng kapuwa

Halimbawa: Halimbawa:
Natutulog nang maaga. Malusog ang pag – iisip at pangangatawan.

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Performance Task 2: Likhang Guhit

PANUTO: Ipaliwanag ang pangungusap sa pamamagitan ng pag guhit mo ng larawan. Bigyan lamang
ito ng kaunting paliwanag.
“Kung nais ninyo ng kapayapaan, ipagtanggol ninyo ang buhay.”

2
Learning Activity Worksheets
GRADE 10- Edukasyon sa Pagpapakatao

3
Learning Activity Worksheets
GRADE 10- Edukasyon sa Pagpapakatao

You might also like