You are on page 1of 7

3rd Quarter AP 10

Mga Isyu at Hamong Pangkasarian

Sa kasaysayan, sa anumang lipunan sa daigdig, lalaki ang karaniwang inaasahang


bumuhay sa kaniyang mag-anak.
Mauugat ito sa Panahong Paleolitiko na lalaki ang nangangaso at nangangalap ng pagkain
para sa ikabubuhay ng pamilya. Nakakabit naman sa kababaihan ang tungkulin na alagaan ang
mga anak at maging abala sa mga gawaing-bahay. Samakatuwid, noon, ang mga lalaki ay
nagtatrabaho sa labas ng bahay at ang mga babae ay inaasahang manatili sa loob.
Sa kasalukuyan, bunsod na marahil ng pag-unlad at paglaganap ng ideya ng feminismo,
nagkaroon na ng malaking pagbabago sa gampanin ng babae. Sa ating bansa, masasabing sa
kasalukuyan ay hindi na mahigpit ang lipunan sa pagtatakda ng gampanin ng babae at sa lipunan.

Pag-iiba ng Sex at Gender


• Dati ay walang pinagkaiba ang kahulugan ng sex at kasarian
• Nagsimula noong 1950s sa mga sikolohista sa Estados Unidos at Inglatera
• Sex ay tumutukoy sa katangiang pisikal; kasarian sa katangiang sikolohikal o pagkilos
• Sex ay biyolohiya; ang kasarian ay impluwensya ng kultura

SEX GENDER
Panlahat (universal) Kultural/nakatali sa kultura
Hindi nababago Nababago
Kategorya - babae o lalaki Kategorya - feminine o masculine
Katangiang pantay na pinahahalagahan Katangiang may tatak ng inekwalidad o di-
Ang babae ay may buwanang regla pagkakapantay-pantay
May bayag ang lalaki Sa Estados Unidos, mas mababa ang kita ng
Ang babae ay lumalaki ang dibdib tuwing babae kaysa lalaki
nagdadalaga Sa Vietnam, mas maraming lalaki ang
Mas malaki ang buto ng lalaki naninigarilyo
Sa Saudi Arabia, hindi maaaring magmaneho
ang babae
Sa maraming bansa, ang gawaing bahay ay
ginagawa ng babae

Pagkakaiba ng Sexual Orientation at Gender Identity (SOGI)

Ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na


makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o
kasariang higit sa isa.

ORYENTASYONG SEKSUWAL (SEXUAL ORIENTATION)


HETEROSEXUAL HOMOSEXUAL BISEXUAL
Mga taong nagkakanasang Mga taong nagkakaroon ng Mga taong nagkakanasang
seksuwal sa miyembro ng seksuwal na pagnanasa sa seksuwal sa dalawang
kabilang kasarian, mga lalaki mga taong nabibilang sa kasarian.
na ang gustong makatalik ay katulad na kasarian, mga
babae at mga babaeng gusto lalaking mas gustong lalaki ang
naman ay lalaki makakatalik at mga babaeng
mas gusto ang babae bilang
sekswal na kapareha
Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang malalim na damdamin
at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi
nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa
sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano
ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba
pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.

sila ang mga babae na ang kilos at


damdamin ay panlalaki; mga babaeng
LESBIAN O
may pusong lalaki at umiibig sa kapwa
TOMBOY
babae

mga lalaking nakararamdam ng


atraksyon sa kanilang kapwa lalaki;
GAY O BAKLA may iilang bakla ang nagdadamit at
kumikilos na parang babae

mga taong nakararamdam ng


PAGKAKAKILANLANG
BISEXUAL atraksyon sa dalawang kasarian
PANGKASARIAN
(GENDER IDENTITY)
mga taong walang nararamdamang
atraksiyong seksuwal sa anumang
ASEXUAL
kasarian

kung ang isang tao ay nakararamdam


na siya ay nabubuhay sa maling
katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang
TRANSGENDER pangangatawan ay hindi magkatugma,
siya ay maaaring may transgender na
katauhan

PEMENISMO/ FEMINISM
• Ang organisadong pagkilos upang itaguyod ang pagkakapantay pantay ng mga babae at lalaki
sa pulitikal, ekonomik, at kultural na larangan
• Layunin ng pemenismo ay ang pantay na karapatang pantao ng lahat at proteksyon sa ilalim
ng batas para sa mga kababaihan
• Ito ay batay sa paniniwalang ang pang-aapi sa kababaihan sa lipunan ay dulot ng patriyarka.
Layunin ng peminismo na wakasan ang patriyarka upang palayain ang mga kababaihan,
kalalakihan, at mga minorya (LGBT, PWD, IPs, etc.)

MGA NILALABANAN NG PEMENISMO


• Tutol sa biological determinism o ang kaisipang ang gawi o kilos ng tao ay likas at ipinapasiya
ng kanyang genes, sukat at laki ng utak, o iba pang katangiang biyolohikal
• Geddes at Thompson (1889) – ang mga babae ay nagiimbak ng enerhiya (anabolic) habang
ang mga lalaki ay gumagamit ng enerhiya (katabolic) kaya’t mas angkop sa pulitika at
pagtugon sa isyung panlipunan
• 1970s, dahil sa buwanang regla, nagiging emosyonal ang mga babae; hindi sila maaring
maging piloto
• Dahil sa mas malaki ang corpus callosum ng babae, mas mahina siya sa gawaing visual-
spatial katulad ng pagbasa ng mapa

PATRIYARKA
• Isang hirarkikal na panlipunang sistema ng pag-iisip kung saan ang dominasyon o
pangingibabaw ng kalalakihan sa kababaihan sa lipunan ay nagdudulot ng lantarang di
pagkakapantay-pantay sa pulitikal, ekonomik, at kultural na aspeto ng buhay.
• Nasa kamay ng mga kalalakihan ang kapangyarihan sa lahat ng mahahalagang institusyong
panlipunan at mahirap itong makamtan ng mga kababihan. Hindi ibig sabihin nito na ang mga
kababaihan ay lubos na walang kapangyarihan, o lubos na walang karapatan, impluwensya o
pagkukunang yaman.

PEMENISMO SA IBA’T IBANG PANAHON

Panahon Adhikain
First Wave huling bahagi ng ika- pantay na kontrata; karapatan sa ari-
19 siglo at simula ng arian; paglaban sa pag-aari sa babae
ika-20 siglo; bilang asawa; karapatan sa pagboto o
industriyalismo Women’s Suffrage Movement.
Second Wave 1960s – 1990s kalayaan ng kababaihan o Women’s
Liberation; pagwakas sa
diskriminasyon at sexismo;
pagtaguyod ng karapatang sibil at
pulitikal ng kababaihan; CEDAW;
karapatang reproduktibo.
Third Wave Gitnang bahagi ng postmodern o kritikal at interseksyunal
1990s na pagtingin sa kasarian at
sekswalidad at ang kaugnayan nito sa
lahi, uri, sexual orientation, at iba pa.
Fourth Wave Huling bahagi ng pagwakas sa karahasang sekswal, di-
1990s pataas pantay na sahod, iba’t-ibang uri ng
opresyong panlipunan, at iba pa.

GENDER ROLES SA PILIPINAS

Panahon Lalaki Babae


Pre-kolonyal Maraming asawa; maaaring Pagmamayari ng lalaki; maaaring patayin
(Boxer Codex) makipag hiwalay pag sumama sa ibang lalaki; maaaring
makipag hiwalay
Espanyol Mas malawak ang mga Limitado ang mga karapatan; maaaring
karapatan sumama sa pag-aalsa
Amerikano Pareho sa itaas Hindi lang para sa bahay at simbahan;
karapatang bumoto (plebesito noong Abril
30, 1937) at makapag-aral
Hapones Pareho sa itaas Bahagi ng pag-aalsa
Kasalukuyan Pareho sa itaas Maybahay o may karera; mas malawak
ang mga karapatan

GENDER ROLES SA IBANG PARTE NG MUNDO

Rehiyon Bansa Babae


Kanlurang Asya Lebanon (1952) Nito lamang ikalawang bahagi ng ika-
Syria (1949, 1953) 20 siglo nang payagang makaboto
Yemen (1967)
Iraq (1980)
Oman (1994)
Kuwait (1985, 2005)
Saudi Arabia Walang karapatang bumoto; hindi
maaaring magmaneho, magbanko,
makipagkita sa mga lalaking di
kapamilya, at lumabas ng di takip ang
buong katawan maliban sa mata’t
kamay
Afrika Egypt (1956) Nito lamang ikalawang bahagi ng ika-
Tunisia (1959) 20 siglo nang payagang makaboto;
Mauritania (1961) maraming nabibiktima ng female
Algeria (1962) genital mutilation o ang pagbabago sa
Morocco (1963) ari ng babae na walang benepisyong
Libya (1964) medikal
Sudan (1964)

Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas

Mga babaylan noong ika-16 hanggang ika-17 siglo.

Ang babaylan ay isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa


mga sinaunang priestess at shaman.

Ang salitang babaylan ay sinasabing tumutukoy sa babae, mayroon ding lalaking babaylan
– halimbawa ay ang mga asog sa Visayas noong ika-17 siglo - na hindi lamang nagbibihis-babae
kundi nagbabalat-kayo ring babae upang ang kanilang mga panalangin umano ay pakinggan ng
mga espiritu.

Ang mga lalaking ito, gayunman, ay hindi lamang nagsusuot ng kaugaliang kasuotan ng
mga babae, ginagaya rin nila ang mismong kilos ng mga babae, sila rin ay pinagkakalooban ng
panlipunang pagkilalang simboliko bilang “tila-babae

Ilan din sa mga babaylang ito ay kasal sa lalaki, kung saan sila ay may relasyong seksuwal.

Dekada 60 ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang Philippine gay culture
sa bansa.

Ladlad, isang antolohiya ng panulat ng mga Pilipinong miyembro ng gay community na


inedit nina Danton Remoto at J. Neil Garcia noong 1993

Maidaragdag din ang sinulat ni Margarita Go-Singco Holmes na A Different Love: Being
Gay in the Philippines noong 1994.

Isang malaking yugto para sa lesbian activism sa Pilipinas ang naganap nang sumali ang
di-kilalang samahan na Lesbian Collective sa martsa ng International Women’s Day noong Marso
1992. Ito ang kauna-unahang demonstrasyon na nilahukan ng isang organisadong sektor ng
LGBT sa Pilipinas.
Dekada 90
ProGay Philippines noong 1993
Metropolitan Community Church noong 1992
UP Babaylan (pinakamatandang organisasyon ng mga mag-aaral na LGBT sa UP) noong 1992
CLIC (Cannot Live in a Closet)
Lesbian Advocates Philippines (LeAP)

Partidong Akbayan Citizen’s Action Party


- Unang partidong politikal na kumonsulta sa LGBT community

Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network o LAGABLAB


- unang LGBT lobby group na nabuo noong 1999.

Ang Ladlad – political party na itinatag ni Danton Remoto, propesor sa Ateneo de Manila
University noong Setyembre 21, 2003
Noong 2004 naman, ginanap sa Maynila ang ika-10 anibersaryo ng LGBT pride sa Pilipinas
bilang bahagi ng Gay Pride March. Ang pagdiriwang na ito ay dinaluhan ng mga indibidwal na
kinikilala ang sarili bilang bahagi ng pamayanan ng LGBT.
Ano ang reaksiyon o sa mga nalaman mong impormasyon?

Gender Roles sa Iba’t Ibang Lipunan sa Mundo


Africa at Kanlurang Asya

Ikalawang bahagi ng ika-20 siglo lamang pinayagan ng ilang bansa sa Africa at Kanlurang
Asya ang mga babae na makaboto.
Ang kaharian ng Saudi Arabia sa paghihigpit sa mga kababaihan. Hanggang ngayon sila ay
hindi pa maaaring bumoto (ayon sa pangako ni Haring Saud, sa taong 2015 pa lamang sila
makakaboto sa halalan).
May pagbabawal din sa mga babae na magmaneho ng sasakyan nang walang pahintulot
sa kamag- anak na lalaki (asawa, magulang, o kapatid).
Ang paglalakbay rin ng mga babae ay napipigilan sapagkat may ilang bansa na hindi pinapayagan
ang mga babae na maglakbay nang mag-isa o kung payagan man ay nahaharap sa malaking
banta ng pang-aabuso (seksuwal at pisikal).

Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan (bata at
matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa africa at Kanlurang
Asya.
Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng
kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medikal.
Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae
hanggang siya ay maikasal. Walang basehang-panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na
nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan.
Ang ganitong gawain ay maituturing na paglabag sa karapatang pantao ng kababaihan.
May mabuti bang dulot ang Female Genital Mutilation o FGM sa mga babae?
Ano sa palagay mo ang epekto sa:
a) emosyonal,
b) sosyal,
c) sikolohikal na kalagayan ng mga babaeng sumailalim dito?
Sa pag-aaral na isinagawa ni Margaret Mead,

Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret Mead at ang kanyang asawa na si Reo
Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea upang pag-aralan ang mga
pangkultura pangkat sa lugar na ito.
Sa kanilang pananatili roon nakatagpo nila ang tatlong (3) pangkulturang pangkat; Arapesh,
Mundugamur, at Tchambuli.
Ang Arapesh (na nangangahulugang “tao”)
Walang mga pangalan ang mga tao rito. Napansin nila na ang mga babae at mga lalaki ay
kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa
kanilang pamilya at pangkat.
Pangkat ng Mundugumur
(o kilala rin sa tawag na biwat)
Ang mga mga babae at mga lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng
kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat

Ang Tchambuli o tinatawag din na chambri


Ang mga babae at mga lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga
bababe ay inilarawan nina Mead at Fortune bilang dominante kaysa sa mga lalaki, sila rin ang
naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay inilarawan
bilang abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento.

Mga Isyu sa Kasarian At Lipunan


Hindi lamang ang mga kababaihan ang nahaharap sa diskriminasyon at karahasan, maging
ang lalaki din ay biktima nito. Ang tinawag ni hillary clinton (2011) na “invisible minority” Ay ang
mga LGBT, ang kanilang mga kwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang nanahimik dahil
sa takot.
Ang diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng
kanilang mga karapatan o kalayaan.
Si Malala Yousafzai at ang Laban sa Edukasyon ng Kababaihan sa Pakistan

GLOSSARY
Anti-Violence Against Women and Their Children Act - Isang batas na nagsasaad ng mga
karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga
biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.

Bakla – Lalaking nakaramdam ng atraksiyon sa kapwa lalaki, may iilang bakla ang nagdadamit at
kumikilos na parang babae.

Babaylan – Isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga


sinaunang priestess at shaman.

Bisexual – Taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit


nakararamdam din ng kaparehong atraksiyon sa katulad niya ng kasarian

Female Genital Mutilation – Isang prosesong pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda)
nang walang anumang benepisyong medikal.

Foot Binding - Ito ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga
babaeng ito ay pinapaliit hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o
bubog sa talampakan.

GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms Integrity, Leadership and
Action) – Isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng karahasang nararanasan
ng kababaihan na tinaguriang bilang Seven Deadly Sins Against Women.
Gender – Tumutukoy sa panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinakda ng lipunan para sa
mga babae at lalaki.

Marginalized Women - Mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan. Sila ang mga
wala o may limitadong kakayahan namatamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo.

Lesbian– Tinatawag ding tomboy, mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; babaeng
may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae.

LGBTQ - Isang inisyal na tumutukoy sa lesbiyan, bakla, bi-sexual, transgender, at mga di tiyak.

Oryentasyong Seksuwal – Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na


atraksiyong apeksyonal, emosyonal, seksuwal; at malalim na pakikipagrelasyong seksuwal sa
taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kaniya , iba sa kaniya, o kasariang higit sa isa.

Queer o Questioning - mga taong hindi pa tiyak o hindi pa sigurado ang kanilang sekswal na
pagkakakilanlan.

Purdah – Pagsasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu sa India ng pagtatabing ng tela sa


kababaihan upang maitago ang kanilang mukha at maging ang hubog ng kanilang katawan.

Sex – Tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng


pagkakaiba ng babae at lalaki.

Transgender - kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan,
ang kanyang pag-iisip ang pangangatawan ay hindi magkatugma , siya ay maaring may
transgender na katauhan.

Women in Especially Difficult Circumstances - Babaeng nasa mapanganib na kalagayan o


masikip na katayuan tulad ng mga biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot,
mga biktima ng prostitusyon, “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng nakakulong.

You might also like