You are on page 1of 12

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

(IKALAWANG MARKAHAN)

A. MULTILINGGWAL AT MULTIKULTURAL ANG PILIPINAS


● Arkipelago ang ating bansa at ang katangiang heograpikal ang dahilan kaya
magkakaiba ang wika at kultura.
● McFarland (2004) - may lagpas 100 magkaibang wika ang bansa
● Nolasco (2008) - 170 iba’t-ibang wika sa iba’t-ibang pulo ng bansa
● Nolasco (2008) - batay sa sensus (2000), Tagalog (21.5 milyon) ang
pinakalaganap na wika sa Pilipinas
● Mga gamit na wika: Tagalog > Cebuano > Ilocano > Hiligayon > Bicol > Waray >
Kapampangan > Pangasinan > Kinaray-a > Tausog > Maranao > Maguindanao
● Laganap ang paggamit ng Filipino bilang lingua franca ng bansa
● Gonzales (1998) - 65 milyon mula sa 76 milyong mga Pilipino (85.5%) ay may
kakayahang magsalita ng pambansang wika
● Ingles - pangunahing pangalawang wika
● Social Weather Station (sa Gonzales) (1994) - 74% ang nakakaintindi ng
Ingles

B. LEHITIMONG WIKA SA PILIPINAS


● Social Weather Station (sa Nolasco) (2008)
- 76%: na nasa sapat na gulang ang nakapagbabasa sa wikang Ingles
- 61%: nakapagsusulat
- 38%: nag-iisip gamit ang wikang Ingles
● Ingles - pinakamakapangyarihang wika sa mundo
● Macaro (2014) - nag-aaral ng Ingles sa akademiko para makasabay sa
internasyonal na istandard
● Mas ginagamit ang Ingles kaysa sa Filipino sa sistema ng edukasyon at print
media.
● Gonzales (2003) - nararapat na paunlarin ang paggamit ng Filipino sa mga
paaralan kaso ‘di nangyari
● Language and Symbolic Power (Bourdieu, 1991) - pinag-iisa at pinatatatag ng
lehitimong wika ang ekonomiya at politika ng isang bansa
● Lehitimong wika - wikang ginagamit sa pag-unlad ng sistema ng edukasyon at
paggawa

C. MGA HAMON SA POLISIYANG PANGWIKA SA EDUKASYON


● Executive Order 210 (2003)
- Establishing the Policy to Strengthen the Use of English in the
Educational System
- palakasin ang pagtuturo at pagkatuto gamit ang Ingles
- nilagdaan ni Pang. Gloria Macapagal Arroyo no’ng Mayo 17, 2003
- MAHAHALAGANG PROBISYON:
a. Pagtuturo sa Ingles bilang ikalawang wika, simula grade 1
b. Paggamit ng Ingles sa English, Math, and Science, mula grade 3
c. Ingles ang magiging pangunahing wika sa high school, ‘di
maaaring bumaba sa 70% ang kabuuang oras ng pagtuturo gamit
ang Ingles
d. Filipino ang panturo sa Filipino at AP
● House Bill No. 4701
- An Act Providing for the Use of English as a Medium of Instruction in the
Philippine Schools o English Bill na ipinamukha ni Rep. Eduardo Gullas
a. Ingles, Filipino o anumang katutubong wika ang maaaring gamitin
bilang panturo mula preschool - grade 2
b. Ituturo ang English at Filipino bilang magkahiwalay na subject sa
antas primary at sekondarya
c. Ingles ang magiging wikang panturo sa lahat ng subject mula
grade 3 - grade 6 at paaralang sekondarya
● Commission on Higher Education (CHED)
- Memorandum Order 20, s. 2013: listahan ng mga kurso sa General
Education Curriculum (GEC) sa kolehiyo. From 60 units na kurso,
ginawang 36 na lang.

Type Courses

Course 1. Understanding the Self

● 8 courses 2. Readings in Philippine History

● 3 units each 3. The Contemporary World

● 24 units each 4. Mathematics in the Modern World

5. Purposive Communication

6. Art Appreciation

7. Science, Technology and Society

8. Ethics

Electives Choices on:

● 3 courses 1. Arts & Humanities

● 9 units total 2. Social Sciences & Philosophy

3. Mathematics, Science & Technology

Mandated Life & Works of Rizal (3 units)


D. WIKANG GLOBAL ANG WIKANG FILIPINO
● Index of Survey on Overseas Filipinos (2014) - nasa 2.3 milyong OFW ang
nasa iba’t-ibang panig ng mundo
● American Community Survey (2013)
- pangatlo ang Filipino sa mga wikang may pinakamaraming nagsasalita sa
Estados Unidos
- pangatlo ang Filipino na may 1.6 milyong gumagamit sa Espanyol ng 38.4
tagapagsalita at Chinese na may 3 milyong tagapagsalita

E. WIKANG FILIPINO SA SOCIAL MEDIA


● Social Media Capital of the World ang Pilipinas
● Wearesocial.com (2015)
- mula sa 100.8 milyon na populasyon, 44.2 milyon o 44% ang aktibong
account sa iba’t-ibang social media sites
- 30 milyon o 30% ang may aktibong social media mobile accounts
- 18% na pagtaas sa bilang ng aktibong gumagamit ng internet (2013 -
2015)
● Social Media - grupo ng internet-based applications na ginawa batay sa Web 2.0
● Code switching - pagpapalit-palit ng wika

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
● Ayon kay Dell Hymes (1972), hindi lang dapat tungkol sa pagiging tama ng pagkakabuo
ng mga pangungusap, kundi ang pagiging angkop nito, depende sa sitwasyon.
● Naniniwala si Noam Chomsky na isinilang ang tao na may language acquisition device
o LAD na responsable sa natural na paggamit ng wika.
● Dahil sa LAD nagagawa ng taong masagap, maintindihan at magamit ang wika.

KAKAYAHANG LINGGWISTIKO
● Ayon kay Chomsky, ito ay ang natural na kaalaman ng tao sa sistema ng kaniyang wika
kaya nagagamit niya ito nang tama at mabisa
● Pundasyon ng kanyang generative grammar — generate: “lumikha”, “bumuo”, o
“magbigay” at grammar: “sistema ng isang wika”
● Dahil dito, nagagawa ng isang taong makalikha o makabuo ng pahayag na may wastong
pagbuo at pagkakasunod-sunod ng mga salita at angkop na kahulugan

KAKAYAHANG GRAMATIKAL
● Savignon (1997) - kakayahang gramatikal ay tinatawag ring kakayahang linggwistik
● Tumutukoy sa anyong gramatikal ng wika sa lebel ng pangungusap
● Nahahanay ang kakayahang umunawa sa mga morpolohikal, ponolohikal, at sintaktik at
magamit ito sa pagbuo ng mga pahayag.
● Kaalamang Ponolohikal - pamilyaridad sa tunog ng wika
● Kaalamang Morpolohikal - kakayahan sa pagbuo ng mga salita
● Kaalamang Sintaktik - kakayahan na makabuo ng mga makabuluhang pahayag mula
sa pag-uugnay sa mga salita

Morpema - pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan


1. Morpemang Leksikal - may tiyak na kahulugan (pangngalan, pandiwa, pang-uri,
pang-abay)
2. Morpemang Pangkayarian - walang tiyak na kahulugan
Uri ng morpema sa wikang Filipino
1. Morpemang Ponema - nagbabago ang kahulugan (kasarian) dahil sa pagdagdag ng
ponemang /a/ o /o/ (abogado at abogada)
2. Morpemang Salitang-ugat - morpemang walang panlapi
3. Morpemang Panlapi - morpemang idinudugtong sa salitang-ugat na maaaring
makapagpabago sa kahulugan ng salita

Ponema - pinakamaliit na yunit ng tunog


2 mahalagang uri ng ponema sa Filipino (Gonzales, 1992)
1. Ponemang segmental - indibidwal na tunog ng wikang Filipino
● Patinig - a, e, i, o, u
● Katinig - 19 na katinig (alam niyo na ‘yan)
● Diptonggo - mga tunog na nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga
patinig at malapatinig na w at y (ex. aw, iw, ay, ey, iy, oy, uy)
● Digrapo - dalawang katinig na may iisang tunog (ex. ts, sh)
● Klaster - magkasunod na katinig sa isang pantig at naririnig pa rin pareho ang
tunog (ex. pw, bl, br)
● Pares Minimal - paghihiwalay ng mga salita na magkaiba ng kahulugan ngunit
magkapareho ang kapaligiran maliban sa isang ponema (ex. p at b, t at d, k at g)
2. Ponemang Suprasegmental
● Tono - taas baba na inuukol natin sa pagbigkas ng pantig
● Diin - bigat ng pagbigkas ng pantig (ex. HApon - afternoon; haPON - Japanese)
● Haba - haba o ikli ng bigkas sa pantig ng salita
ʔ - simbolo ng impit na tunog o glottal na pasara
● Hinto o Antala - saglit na pagtigil sa pagsasalita

Bahagi ng Pananalita: Mga Salitang Pangnilalaman


1. Mga Nominal
a. Pangngalan
b. Panghalip - panghalili
- panao o personal: ako, ikaw
- pamatlig o demonstratibo: ito, iyan
- pananong o interogatibo: sino, kanino
- panaklaw o indefinite: sino man, ano man

2. Pandiwa
a. Aktor - pokus sa tagaganap; sumasagot sa tanong na “sino?”
b. Layon - paksa o binibigyang diin sa pangungusap; “ano?”
c. Benepaktibo - pokus sa tagatanggap; “para kanino?”
d. Direksyonal - direksyon; “tungo saan o kanino?”
e. Lokatibo - pokus sa kaganapan; “saan?”
f. Instrumental - pokus sa gamit; “sa pamamagitan ng ano?”
g. Kosatibo - pokus sa sanhi; “bakit?”
h. Resiprokal - pokus ay tagaganap pa rin ngunit may kahulugang resiprokal ang
pandiwa sapagkat ang kilos ay ginaganap nang tugunan ng mga tagaganap

3. Mga Panuring
a. Pang-uri
- lantay: dakila, matalino
- pahambing: simbango, mas matarik
- pasukdol: lubhang mahirap, napakatanyag

b. Pang-abay
- pamanahon: bukas
- panlunan: sa ibabaw ng mesa
- pamamaraan: patalikod
- panggaano: katamtamang kumain

Bahagi ng Pananalita: Mga Salitang Pangkayarian


1. Mga Pang-ugnay
a. Pangatnig - salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay (ex. at,
pati, ngunit, subalit)
b. Pang-angkop - katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (-na,
-ng, -g)
c. Pang-ukol - inuugnay ang isang pangngalan sa iba pang salita (ex. sa, ng)

2. Pananda
a. Pantukoy - salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip (ex. si, sina)
b. Pangawing - salitang nagkakawing ng simuno at panaguri (ex. ay)

Pagbuo ng mga Salita


1. Paglalapi - paggamit ng panlapi upang makabuo ng mga bagong salita
a. Pag-uunlapi
b. Paggigitlapi
c. Paghuhulapi
d. Paglalaping kabilaan
e. Paglalaping laguhan

2. Pag-uulit - pag-uulit sa salita o bahagi ng salita


a. Pag-uulit na ‘di ganap - inuulit lamang ang bahagi ng salita na karaniwang ang
unang pantig nito (ex. sasayaw)
b. Pag-uulit na ganap - buong salita ay inuulit (ex. damay-damay)
c. Haluang Pag-uulit - buong salita at bahagi ay inuulit (ex. sasayaw-sayaw)

3. Pagtatambal - pagbubuo ng bagong salita mula sa dalawang magkaibang salita


a. Pagtatambal na walang linker - hampaslupa, bahaghari
b. Pagtatambal na may linker - dalagang-bukid, dugong-bughaw

4. Pagpapalitan ng Ponema/Grafema - pagpapalit ng d at r


- din/daw: sumusunod sa salitang nagtatapos sa katinig maliban sa w at y
- rin/raw: sumusunod sa salitang nagtatapos sa vowels o malapatinig na w at y
- kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa ri-ra-raw o ray, ang din o daw ay
hindi nagiging rin o raw

5. Pagbabaybay - isang pagbigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga letrang


bumubuo sa salita

Kaalamang Sintaktik
● Tumutukoy sa pagbubuo ng mga parirala, sugnay at pangungusap na may kabuluhan.
● Dalawang bahagi ng pangungusap: simuno at panaguri
● Karaniwang Ayos: nauuna ang panaguri kaysa sa simuno
● Di-Karaniwang Ayos: simuno ang nauuna

Iba’t-ibang Parirala
1. Pariralang Nominal
- Pangngalan
- Panghalip
2. Pariralang Pang-uri
3. Pariralang Pang-abay
4. Pariralang Pandiwa
5. Pariralang Pang-ukol
6. Pariralang Eksistensyal

Layunin ng Pangungusap
1. Pasalaysay
2. Patanong
3. Pautos

KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIK
● Kakayahang gamitin nang angkop ang wika depende sa sitwasyon.
● Hindi lang dapat nakatuon sa pagiging tama ng kayarian ng pahayag kundi sa pagiging
nararapat nito, depende sa kausap, saan naganap ang usapan, ano ang gamit, at kailan
naganap.
● Savignon (1997)- kakayahan na gumagamit ng wika na nangangailangan ng
pag-unawa sa konteksto ng lipunan kung saan niya ito ginagamit.
Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon ni Dell Hymes 1974
1. Setting - saan
2. Participants - sino-sino ang mga kalahok
3. Ends - layunin ng usapan
4. Act Sequence - takbo ng usapan
5. Keys - tono ng pag-uusap, pormal o di-pormal?
6. Instrumentalities - channel na ginamit, pasalita o pasulat?
7. Norms - paksa ng usapan
8. Genre - diskursong ginamit, nagsasalaysay, nangangatwiran, o nakikipagtalo?

Ayon kina Jocson, et.al (2014), upang mas maging epektibo sa pakikipag-ugnayan, dapat na:
1. Pahalagahan ang lugar ng usapa, igalang ang kausap, maging konsistent sa paksang
pinag-uusapan, isaalang-alang ang genre at layunin, at linawing mabuti ang mensahe;
at
2. Kapag ang mga ito ay magagawa, hindi magiging mahirap ang ganap na pag-unawa.

KAKAYAHANG PRAGMATIK
● Tumutukoy sa abilidad na ipabatid ang mensahe nang may sensibilidad sa kontekstong
sosyo-kultural at mabigyang-kahulugan ang mga mensahe nagmumula sa iba (Fraser,
2010).
● Pag-aaral ng kahulugang ibinabahagi ng pinagmulan ng mensahe (Yule, 1996 & 2003).

Speech Act Theory


● Sinimulan ng pilosopong si John Austin (1962) at ipinagpatuloy nina Searle (1969) at
Grice (1975).
● (Clark, 2007) - nagagamit ang wika sa pagganap sa mga kilos at kung paanong ang
kahulugan at kilos at maiuugnay sa wika
● Yule (1996 & 2003) - mga kilos na ginanap sa pamamagitan ng mga pagpapahayag
(paghingi ng sorry, papuri, pagrereklamo, o pangako)
● Austin (sa Clark 2007) - tinawag niyang speech act ang berbal na komunikasyon at
may 3 magkakaibang akto na nagaganap nang sabay-sabay.
● Yule (1996) sa kaniyang aklat na Pragmatics, inilahad niya na:
1. Locutionary act - batayang akto ng pahayag o paggawa ng makabuluhan na
linggwistikong pahayag
2. Illocutionary act - intensyon at gamit ng pahayag
3. Perlocutionary act - epekto ng mismong pahayag

Cooperative Principle (Grice, 1975)


● Ang mga sangkot sa komunikasyon ay inaasahang makikiisa para sa isang
makabuluhang pag-uugnayan.
● 4 na prinsipyong magagamit bilang gabay sa pakikisangkot sa interaksyong
interpersonal (Maxims of Conversation)
1. Prinsipyo ng kantidad ay naiuugnay sa dami ng impormasyong kailangang ibigay.
2. Prinsipyo ng kalidad ay naiuugnay sa katotohanan ng ibinibigay na
impormasyon.
3. Prinsipyo ng relasyon ay naiuugnay sa halaga ng ibinibigay na impormasyon.
4. Prinsipyong pamaraan ay naiuugnay sa paraan ng pagbibigay sa impormasyon.

Di-Berbal na Komunikasyon
● mga senyas na hindi gumagamit ng salita
● 70% ng mga pakikipagtalastasang interpersonal ay binubuo nito

1. Chronemics - oras
2. Proxemics - espasyo
3. Kinesics - katawan (body language)
4. Haptics - paggamit ng sense of touch
5. Iconics - simbolo o icons
6. Colorics - kulay
7. Paralanguage - paraan ng pagbigkas sa isang salita
8. Oculesics - paggamit ng mata sa paghahatid ng mensahe
9. Objectics - paggamit ng mga bagay sa paghahatid ng mensahe
10. Olfactories - pang-amoy
11. Pictics - mukha
12. Vocalics - paggamit ng tunog

Presupposition - isang bagay na ipinapalagay ng nagsasalita na totoo at ipinagpapalagay rin


niyang nalalaman ng nakikinig
Ex. Nagkukunwari siyang may sakit. (Ipinagpapalagay na wala talaga siyang sakit.)

Kailangan ding matutunan ang konsepto ng pagkamagalan o politeness. Sabi ni George Yule
(2003), ang mukha ng tao ay ang kanyang imaheng pampubliko. Ang pagkamagalang, sa
gayon, ay ang pagpapakita ng pagpapahalaga sa mukha ng ibang tao.

KAKAYAHANG DISKORSAL
● Diskurso - pang-araw-araw na pakikipagtalastasan
● Tumutuon sa koneksyon ng magkakasunod na mga pangungusap (Savignon, 2007)
● Kasam rito ang kakayahang lohikal na maisaayos ang mga pahayag para makalikha ng
isang pahayag na may kaisahan (Saez & Martin, 2010)

2 Aspeto ng Kakayahang Diskorsal


1. Kakayahang Tekstwal - pagbasa at pag-unawa
2. Kakayahang Retorikal - makabahagi sa conversation at unawain ang iba’t-ibang
tagapagsalita

Kohisyon at Kohirens
1. Kohisyon
● Halliday at Hassan (1976) - ugnayan ng kahulugan sa loob ng teksto
● Cohesive links - may mga elementong nag-uugnay sa bawat pahayag
● Semantikong kohisyon - may koneksyon pa rin ang 2 pahayag dahil sa
relasyong semantiko ng mga ito
2. Kohirens
● kaisahan ng lahat ng pahayag sa isang sentral na ideya
● Yule (2003) - ang kohirens ay ‘di talaga nag-eexist sa wika kundi sa mga taong
gumagamit

Pagpapahaba sa mga Pangungusap


1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng mga kataga (pa, ba, naman, nga)
2. Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring (na at ng)
3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento - bahagi ng panaguri na nagbibigay ng
kahulugan sa pandiwa
a. Komplementong Aktor - gumanap sa kilos
b. Komplementong Layon - bagay na ipinapahayag ng pandiwa
c. Komplementong Benepaktibo - sino ang makikinabang
d. Komplementong Lokatibo - ginanapan ng kilos
e. Komplementong Direksyonal - patutunguhan ng kilos
f. Komplementong Instrumental - instrumentong ginamit
g. Komplementong Kosatibo - dahilan ng kilos
4. Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal

PANANALIKSIK

Mga Kahulugan ng Pananaliksik


● Good (1963) - isang maingat, kritikal, disiplinadong inkwiri sa pamamagitan ng
iba’t-ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin.
● Atanacio, et.al. (2009) - mapanuring pagsisiyasat ng mga ideya, isyu, konsepto, o
anumang bagay na nangangailangan ng ganap na paglilinaw. Ito ay aktibong pakikilahok
sa mga talakayan upang makabuo ng panibagong kaalaman.
● Aquino (1974) - sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon
hinggil sa isang tiyak na paksa. Matapos ang paghahanap ng datos, mahaharap siya sa
isang espesyal na gawain — paghahanda ng kanyang ulat pananaliksik.
● Manuel at Medel (1976) - proseso ng pangangalap ng mga datos upang malutas ang
isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan.
● Parel (1966) - sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning
masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
● E. Trece at J. W Trece (1973) - pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga
suliranin. Pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon.
Layunin ng Pananaliksik
● Atanacio, et al. (2009) - bumuo ng isang pag-aaral gamit ang mga datos ng mga
naunang pag-aaral
● Tumuklas ng bagong datos at impormasyon
● Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya
● Maglinaw sa isang pinagtatalunang isyu
● Magpatunay na makatotohanan o valid ang isang ideya, interpretasyon, paniniwala, o
pahayag.
● Pangunahing layunin - preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao.
● Good at Scates (1972) - The purpose of research is to serve man and the goal is the
good life.
● Calderon at Gonzales (1993)
a. Makadiskubre ng mga bagong kaalaman
b. Makakita ng mga sagot sa mga suliraning ‘di pa nalulutas
c. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik
d. Makatuklas ng bagong elements or substance
e. Makalikha ng mga batayan
f. Ma-satisfy ang kuryosidad
g. Mapalawak at maverify ang kasalukuyang kaalaman

Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik


a. Sistematiko - may sinusunod na proseso
b. Kontrolado - lahat ng variable na sinusuri ay kailangang mapanatiling constant
c. Empirikal - katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit
d. Mapanuri - kailangan suriin nang kritikal ang mga datos
e. Obhektibo, lohikal at walang pagkiling
f. Kwantiteytiv o istatistikal na metodo - mga datos ay nasa paraang numerical
g. Orihinal na akda - sariling tuklas
h. Isang accurate na imbestigasyon, obserbasyon, at deskripsyon
i. Matiyaga at hindi minamadali
j. Pinagsisikapan - paglalaanan ng panahon, talino at sipag
k. Nangangailangan ng tapang - dahil maaaring makaranas ng hazards
l. Maingat na pagtatala at pag-uulat - iulat sa paasulat na paraan sa anyo ng isang
papel-pampanaliksik

Mga Uri ng Pananaliksik


a. Analisis - pinag-aaralan ang iba’t-ibang uri ng datos upang hanapan ng pattern as guide
b. Case Study - inoobserbahan ang mga gawi ng subject
c. Komparison - 2 o higit pang subject ang pinag-aaralan
d. Korelasyon-Prediksyon - sinusuri anf estadistikal na datos upang mapakita ang
uganayan
e. Ebalwasyon - inaalam kung nasunod nang wasto ang mga pamamaraan
f. Disenyo-Demonstrasyon - isinasagawa sa mga tuklas ng nakaraang pananaliksik para
subukin ang validity at reability
g. Sarbey-Kwestyoner - sa pamamagitan ng talatanungan
h. Istatus - sinusuri ang sampol para matukoy ang mga natatanging katangian at
kakayahan
i. Konstruksyon ng Teorya - pagtatangkang makahanp ng mga prinsipyo
j. Trend Analisis - hinuhulaan ang maaaring kahihinatnan ng mga bagay batay sa trends

Mga Pananagutan ng Isang Mananaliksik


● Bernales et al (2016) - katapatan ang pangunahing pananagutan at kailangan itong
maipamalas sa pagkilala ng pinagkunan ng kanyang mga datos at ideya.
a. Kinikilala ng mananaliksik ang lahat ng pinagkukunan ng datos
b. Bawat hiram na termino at ideya at ginagawan ng karapatang tala
c. ‘Di nagnanakaw ng mga salita ng iba kundi sinisipi ito
d. ‘Di siya nagkukubli ng datos para lamang palakasin ang argumento o para ikiling
ang pag-aaral sa isang pananaw (Atienza, et.al., 1996)
● Atienza, et. al (1996) - pagtiyak na mapanindigan ng mananaliksik ang lahat ng
interpretasyon na kanyang binuo batay sa kanyang masinop at maingat na pagsusuri ng
mga datos

Isyu ng Plagyarismo
● Atienza et. al (1996) - pangongopya ng datos, ideya, pangungusap, at buod ng isang
akda, himig, atbp. nang hindi kinikilala ang pinagmulan.
● Isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling.
● Atanacio et. al (2009) - bumuo ng mga dapat isaalang-alang sa pananaliksik:
a. Plagiarism
b. Recycling - paggamit muli ng mga nailathalang materyal na naipasa na sa ibang
kurso
c. Premature Cognitive Commitment - pagbuo ng akademikong papel nang
madalian (‘di pinagtutuunan ng masusing pag-aaral ang mga materyales)
● Atienza, et. al (1994) - Walang nagtitwala sa isang magnanakaw at sinungaling…

Bahagi ng Pananaliksik
A. PAHINANG PRELIMINARI
1. Pahina ng pamagat - nakasaad ang pamagat, kanino ipapasa, at sino ang mga
bumuo
2. Talaan ng Nilalaman - pagkakasunod-sunod na pagkakaayos ng mga chapter
kasama ang bilang ng pahina kung sa’n ‘to makikita
3. Talaan ng Talahanayan - mga pamagat ng mga talahanayan kasama ang bilang
ng pahina kung sa’n ‘to makikita

B. KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO


1. Kaligiran ng Pag-aaral - naglalatag ng mga panimulang impormasyon tungkol
sa paksa, ano ang pinanggalingan ng saliksik
2. Katwiran/Layunin ng Pag-aaral - ano ang nag-udyok sa mananaliksik
3. Mahahalagang Tanong - pangunahing suliraning sasagutin ng pag-aaral
4. Kahalagahan ng Pag-aaral - kapakinabangang idudulot ng pananaliksik
5. Batayang Teoritikal at Konseptwal
● Teoritikal: teoryang gagamitin sa pagsusuri ng datos
● Konseptwal: diagram na nagpapaliwanag sa magiging takbo ng
pananaliksik
6. Saklaw at Limitasyon
● Saklaw - naglalatag ng mga pamantayan na gagamiting bayayan kung
alin ang isasama sa pananaliksik at hindi
● Limitasyon - sitwasyong kinakaharap ng mga mananaliksik na maaaring
makaapekto sa resulta ng pag-aaral
7. Depinisyon ng mga Termino - iniisa-isa ang mahalagang terminong ginamit
● Term - salitang binigyang depinisyon
● Genus - uri o classification ng salitang iyon
● Differentia - aktuwal na katangian o kahulugan
8. Kaugnay na Pag-aaral at Literatura - tumitingin sa mga akdang una nang
naisulat tungkol sa paksa
9. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
● 2 uri ng disenyo ayon kay Newman (1998):
a. Qualitative - inoobserbahan at sinusuri ang realidad sa layuning
makabuo ng teoryang makapagpapaliwanag sa realidad na ‘yon
b. Quantitative - may teorya o hypothesis nang nabuo sa pag-aaral;
pag-aaral na eksperimental o estadistikal
9.1. Respondente - ipinapaliwanag kung ilan ang mga respondent, bakit sila
napili at papaanong paraan sila napili
9.2. Instrumento ng Pananaliksik - pinapaliwanag ang paraang ginagamit ng
pananaliksik sa pangangalap ng mga datos
9.3. Tritment ng mga Datos - inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang
ginamit; nasa anyong talata

C. KABANATA II: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS


● dito inilahad ang mga resultang natuklasan ng pag-aaral

D. KABANATA III: LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON


● Lagom - nag-iisa sa mahalagang datos na nakalap ng saliksik
● Konklusyon - paglalahat na nabuo ng mga mananaliksik matapos gawin ang
pag-aaral
● Rekomendasyon - kilos o hakbang na iminungkahi ng mga mananaliksik

You might also like