You are on page 1of 2

Noong 3000 B.C.

E, isang masagang kalakalan ang umunlan sa pagitan ng Hilagang


Africa at kanlurang Sudan, ang rehiyon sa timog ng Sahara, Tinawag na Trans-Sahara
ang kalakalang naganap dito. Ito ay tumgal hanggang ika-16 na siglo. Tinawag itong
kalakalang Trans-Sahara dahil tinawid ng nomadikong mangangalakal ang Sahara sa
pamamagitan ng caravan, Dala dala ang iba’t ibang uri ng kalakal.

Ang mga mangangalakal mula sa Carthage ay pumupunta sa Sahara upang mamili ng


mga hayop tulad ng unggoy, leon, elepante, at mga mamahalig hiyas. Sinasabi na ang
mga elepante na ginamit ni Hannibal sa digmaang Punic laban sa Rome ay nanggaling
sa kanlurang Africa.

Ang Trans-Saharan trade routes ay nag-ambag ng malaking impluwensiya sa ekonomiya,


kultura, at pulitika ng Africa sa loob ng mga siglo. Ginamit ang mga ruta na ito upang
mag-transporta ng ginto, iborya, asin, at iba pang kalakal mula sa baybayin ng
Mediterranean patungo sa Kanlurang African savannah at sub-Saharan na rehiyon.
Bukod sa kalakal, nagdala rin ang mga ruta ng mga ideya, kultura, at teknolohiya, nag-
uugnay ng iba't ibang sibilisasyon at tribu. Mahalagang bahagi rin ang Trans-Saharan
trade routes sa pagkalat ng Islam sa Kanlurang Africa, nagbubukas ng mga daang pang-
ekonomiya at pangkultura para sa rehiyon. Gayundin, kilala ang lider na si Mansa Musa
na nagtaguyod ng ruta at nagbigay ng suporta sa kolarship at kultura. Subalit, kasama
rin ang ruta sa malupit na epekto ng Islamic slave trade, na nagdulot ng depopulasyon at
pagkasira sa tradisyunal na istraktura ng lipunan. Bagamat ito'y natapos sa huling
bahagi ng ika-19 na siglo, nananatili ang epekto nito sa Kanlurang Africa hanggang sa
kasalukuyan.

You might also like