You are on page 1of 1

LEARNING AS ONE NATION

Expanded Project Aral.Pan.9_Q3_6

JHS LEARNING ACTIVITY


Name: Grade/Score:
Grade and Section: Date:
Subject (Check or choose from below.)
 Religion/Values Education  Filipino  TLE / ICT
 Natural Sciences  English  MAPEH
 Araling Panlipunan  Math  HGP _____________
Type of Activity (Check or choose from below.)______________________
 Concept Notes  Performance Task  Formal Theme  Others:
 Skills: Exercise / Drill  Illustration  Informal Theme
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- -------------------------------------------------

Activity Title: Kahalagahan sa Pagsukat ng Pambansang Kita


Learning Target: Nasusuri ang kahalagahan sa pagsukat ng pambansang kita
References: 1) Rillo, et al., Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad, Makabayan Serye, pp. 177-178;
(Author, Title, Pages) 2) L. I. Nolasco, et al., Ekonomiks: Mga Konsepto, Aplikasyon, at Isyu, pp. 219-220;
3) M. Bernasor-Dublin, CVIF Learning Activities

Mga Dahilan kung Bakit Mahalagang Sukatin ang Pambansang Kita:

▪ Nailalarawan ang laki at dami ng pinagkukunang-yaman ng isang ekonomiya


kung saan mahihinuha ang kakayahan ng ekonomiya na itaguyod ang mga
pangangailangan at kagustuhan ng bawat kasapi at mga pangangailangang
pang-ekonomiya na dapat maunang tugunan.
▪ Mababatid ang aktibidad ng isang bansa kung gaano kaaktibo ang bawat
sektor ng ekonomiya o “economic performance” at ang mga naiambag ng
bawat sektor o rehiyon sa pagbabago ng pambansang kita.
▪ Naaapektuhan ang mga kaganapan sa pandaigdigang kalakalan o “balance
of trade” sa larangan ng pambansang produksyon. Halimbawa, maaaring
pataasin ang gastusin ng pamahalaan upang makalikha ng maraming
trabaho sa bansa.
▪ Nakakalikha ang pamahalaan ng batayan sa pagbuo ng mga hakbangin o
“economic indicator” sa usaping pamumuhunan. Halimbawa ang
produktibidad ng paggawa (labor productivity), export at import.
▪ Napagbabatayan ng pag-angat ng isang ekonomiya ng ibang bansa o
“benchmarking” sa pamamagitan ng pagpili ng ilang datos at pagkukumpara
sa kaganapan ng pambansang ekonomiya.

Pagsasanay: Magsaliksik ng isang (1) economic indicator ng paglago ng


ekonomiya. Pumili din ng indicator sa ilang bansa sa daigdig at
ikumpara ang mga indicator sa Pilipinas. Suriin kung sa anong
aspekto ng ekonomiya matatag at mahina ang ating bansa.

You might also like