You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Negros Occidental
BIAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Biao, Binalbagan, Negros Occidental

FILIPINO 10
MODYUL 2. ACTIVITY TASK NO. 1
4th QUARTER
Name : ____________________________________________________________________Score: _______________
Year & Section: _________________________Date: __________________Parent’s Signature: __________________

PAKSA: PLAGIARISM
LUNES: MODYUL 1. GAWAIN 1 Panuto: Tukuyin kung may naganap na paglabag sa etikal na
pamantayan sa pananaliksik. Pangatuwiranan ang inyong sagot sa bawat kaso.
1. Nanaliksik si Brian tungkol sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas at naisip niyang basahin ang aklat ni
Paulo Freire na Pedagogy of the Opressed upang makatulong sa kaniyang pagsusuri, ngunit
nahihirapan siyang maghanap ng kopya. Nabasa niya sa isang pananaliksik ni Dr. Laura Sy na ginamit
na tala ang isa sa mahalagang bahagi ng libro ni Freire. Ginamit niya ang sipi ni Dr. Laura Sy at
binanggit ang dalawang awtor sa tala. Sa sanggunian, kapuwa rin niya binanggit ang libro ni Freire at
artikulo ni Dr. Sy.
SAGOT:___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Pinag-aralan ni Joel ang nasyonalismo sa mga piling kanta ng Eraserheads. Natanggap ito para sa
publikasyon sa isang journal ng mga pananaliksik sa kulturang popular. Hindi na niya ipinagpaalam sa
bandang Eraserheads ang paggamit niya ng mga kanta nito sa kaniyang pananaliksik. Ang katuwiran
niya ay matagal na itong isinapubliko at nagkawatak-watak na ang banda.
SAGOT:___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PAKSA: DISENYO NG PANANALIKSIK


BIYERNES: GAWAIN 2 Panuto: Magsaliksik mula sa internet o tesis ng mga halimbawa ng
instrumento o kasangkapang ginagamit sa pangangalap ng datos sa pananaliksik.
 Magbigay ng tig-iisang halimbawa sa kwalitatibo at kwantitatibo.
Halimbawa: isang halimbawa ng mga Survey o Questionnaire para sa kwantitab na pananaliksik
 Isulat ito sa isang buong papel o maari niyong itong iprint.
Republic of the Philippines
Department of Education
Division of Negros Occidental
BIAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Biao, Binalbagan, Negros Occidental

FILIPINO 10
MODYUL 2. ACTIVITY TASK NO. 1
4th QUARTER
Name : ____________________________________________________________________Score: _______________
Year & Section: _________________________Date: __________________Parent’s Signature: __________________

PAKSA: MGA BAHAGI AT PROSESO NG PANANALIKSIK


LUNES: GAWAIN 1 Panuto: Tukuyin kung sa anong bahagi ng proseso ng pananaliksik ang
sumusunod na hakbang. Titik lamang ang isulat
A. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
B. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
C. Pangangalap ng Datos
D. Pagsusuri ng Datos
E. Pagbabahagi ng Pananaliksik
1. _______Presentasyon at interpretasyon ng datos
2. _______Paglalathala ng pananaliksik sa isang publikasyon.
3. _______Presentasyon ng pananaliksik sa isang pambansa o pandaigdigang kumperensiya.
4. _______Pagbuo ng tanong ng pananaliksik
5. _______Pagtatakda ng disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.
6. _______Paglalatag ng mga haypotesis ng pag-aaral.
7. _______Pagbabasa ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura.
8. _______Paglilimita ng paksa.
9. _______Pamimili ng lokal at populasyon ng pananaliksik.
10. _______Pagbuo ng instrumento sa pananaliksik.
11. _______Pakikisalamuha at pakikipanayam sa mga kalahok ng pananaliksik.
12. _______Paglulunsad ng sarbey.
13. _______Pagsasaayos at paghahanda ng datos para sa presentasyon.
14. _______Pagpapaikli ng nabuong pananaliksik.
15. _______Rebisyon ng pananaliksik.

You might also like