You are on page 1of 1

Pangalan: _________________________ Baitang at Seksyon: __________________

Subject: ARPAN 6 Guro: _______________________ Iskor: ________________


_____________________________________________________________________
Aralin : Ikatlong Markahan 3, Pangatlong Linggo, LAS 1
Pamagat ng Gawain : Estado, bansa at mga elemento ng estado
Layunin : Natutukoy ang Estado, Bansa at Mga Elemento ng Estado
Sanggunian : MELCs/Tuklas Lahi 6 p.151-152
Manunulat : Imran P. Acop

Ang Estado ay binubuo ng mga mamamayang nagkakaisa at permanenting naninirahan sa


isang tiyak na teritoryo na may sariling pamahalaan at ipanatutupad na batas.
Ang bansa ay isang komunidad ng mga taong mayroong iisa o pare-pareho ng lahi,
kasaysayan, wika, kultura at mapamahalaan.
Apat na elemento ng isang estado:
1. Mamamayan - pinakamahalagang elemento na namamahala sa nagsasagawa ng mga
gawain sa estado.
2. Teritoryo - lupaing nasasakupan ng isang estado na siyang pinaninirahan at
pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mamamayan.
3. Pamahalaan - Nagpapatupad ng batas at mga kautusan ng estado.
4. Soberanya - pinakamataas na kapangyarihang pamahalaan ang mga mamamayan at
lahat ng sakop ng isang teritoryo.

Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat pangungusap.

1. Isang komunidad ng mga taong mayroong isa o pare-parehong lahi.

a. estado b. soberanya c. bansa d. mamamayan

2. Pinakamahalagang Elemento ng estado.

a. soberanya b. mamamayan c. teritoryo d. pamahalaan

3. Binubuo ng mga mamamayang nagkakaisa at permanenteng teritoryo.

a. estado b. bansa c. soberanya d. pamahalaan

4. Lupaing nasasakupan ng isang estado.

a. mamamayan b. soberanya c. pamahalaan d. teritoryo

5. Nagpapatupad ng mga batas at mga kautusan.

a. teritoryo b. pamahalaan c. bansa d. estado

You might also like