You are on page 1of 5

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 4

Taong Panuruan 2022-2023

Panuto: Basahing mabuti ang nilalaman ng bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot sa papel.
1. Ang Pilipinas ay kabilang sa 200 bansa sa mundo, alin pa sa mga sumusunod ang maituturing na
pangkat ng mga bansa?
A. Manila, Taiwan, Singapore C. Singapore, Quezon, United Kingdom
B. China, Australia, Canada D. Saudi Arabia, Indonesia, Nueva Ecija

2. Bawat grupo ng tao ay naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng sibilisadong


lipunan. Ano ang samahan o organisayong politikal ang kanilang itinataguyod?
A. tao C. teritoryo
B. bansa D. pamahalaan

2. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng Pilipinas upang ituring itong bansa, alin ang
HINDI?
A. tao C. soberanya
B. teritoryo D. kayamanan

4. Paano nabubuo ang isang bansa?


A. May teritoryo na binubuo ng mga mamamayan na may magkakatulad na kultura.
B. Pinakikialaman ng ibang bansa at walang sariling pamahalaan.
C. Tumutukoy sa lupain at katubigan ng bansa.
D. May mga kalapit na bansa.

5. Bakit maituturing na ang Pilipinas ay isang bansa? Dahil may:


A. malawak na teritoryo.
B. pamahalaan at ganap na kalayaan.
C. mamamayang naninirahan sa bansa.
D. mga tao na naninirahan sa sariling teritoryo, may pamahalaan at soberanya.

6. Kung pangunahing direksyon ang pagbabatayan, anong bansa ang nasa hilaga ng Pilipinas?
A. Taiwan C. China
B. Indonesia D. Vietnam

7. Kung pagbabatayan ang pangunahing direksyon, ano ano ang mga anyong tubig na nakapaligid
sa Pilipinas?
A. Bashi Chanel, Pasipiko, Celebes, Timog China
B. Ilog Nile, Paracel, Borneo, Kanlurang China
C. Timog China, Celebes, Paracel, Ilog Nile
D. Pasipiko, Paracel, Taiwan, Ilog Nile

8. Saang bahagi ng Pilipinas makikita ang bansang Malaysia kung pangalawang direksyon ang
pagbabatayan?
A. Hilagang Kanluran C. Timog Kanluran
B. Hilagang Silangan D. Timog Silangan

9. Bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang pinagbabasehan natin ng hangganan at lawak ng
teritoryo ng PIlipiinas?
A. Artikulo 1 ng Saligang Batas ng 1987
B. Artikulo 2 ng Saligang Batas ng 1987
C. Artikulo 3 ng Saligang Batas ng 1987
D. Artikulo 4 ng Saligang Batas ng 1987

10. Ano ang tiyak na lokasyon ng bansa?


A. 4° – 19⁰ H latitud at 113⁰ – 127⁰ S longhitud
B. 4⁰ – 20⁰ H latitud at 114⁰ – 127⁰ S longhitud
C. 4⁰ – 20⁰ H latitud at 115⁰ – 127⁰ S longhitud
D. 4⁰ – 21⁰ H latitud at 116⁰ – 127⁰ S longhitud
11. Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang Pilipinas?
A. Timog Kanlurang Asya C. Hilagang Kanlurang Asya
B. Timog Silangang Asya D. Hilagang Silangang Asya

12. Alin ang maaaring gamitin upang makuha ng aktwal na sukat ng mga lugar sa mapa at layo nito
sa isat isa?
A. ruler C. meter stick
B. iskala D. North Arrow

13. Kung ang 1 sentimetro sa iskala ay katumbas ng 50 kilometro, ano ang magiging katumbas ng
3 sentimetro?
A. 300 kilometro C. 150 kilometro
B. 250 kilometro D. 100 kilometro

14. Alin sa sumusunod sa sumusunod na pangungusap ang angkop na paglalarawan sa Pilipinas?


A. Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng lupa.
B. Sa Pilipinas matatagpuan ang lahat ng uri ng hayop.
C. Ang Pilipinas ang may pinakamataas na populasyon.
D. Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng tubig.

15. Humigit kumulang ilang kilometro kuwadrado ang kabuuang lawak ng Pilipinas?
A. 100 000 C. 300 000
B. 200 000 D. 400 00

16. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na ang ang Pilipinas ay may klimang tropikal,?
A. Malayo ang bansa sa ekwador C. Nakakaranas ng apat na klima ang bansa
B. Nasa mataas na latitud ang bansa. D. Direktang nakatatanggap ng sikat ng araw

17. Alin ang hindi nakaaapekto sa pagbabago ng klima ng bansa?


A. dami ng ulan C. halumigmig
B. lindol D. dami ng ulan

18. Ano ang posibleng dahilan ng pagkakaroon ng maraming iba’t ibang hayop at halaman sa
Pilipinas?
A. Mahilig ang mga Pilipino sa halaman.
B. Mahilig mag-alaga ng mga hayop ang mga Pilipino.
C. Mahaba ang tag-araw sa bansa at angkop sila dito.
D. Mainam o angkop ang klimang tropikal upang mabuhay ang halaman at hayop sa bansa.

19. Anong pulo ang nasa pinakadulo sa hilaga ng bansa?


A. Y’ami C. Salauag
B. Sulu D. Batanes

20. Ano ang tawag sa pag-aaral o paglalarawan ng anyo ng isang lugar at ng pamumuhay rito?
A. Lokasyon C. Kapuluan
B. Heograpiya D. Insular

21. Alin sa sumusunod ang kahalagahan ng pagiging insular o maritime ng bansang Pilipinas?
A. Nakakatulong sa pag-unlad ng bansa.
B. Nakakapagpatayo ng maraming daungan.
C. Nagsisilbing pang-akit sa mga turista ang dagat at baybayin nito.
D. Lahat ng nabanggit ay mahalaga.

22. Alin ang hindi kapakinabangan ng pagiging maritime o insular ng bansa?


A. Nagbibigay ito ng hanapbuhay sa mga mangingisda.
B. Madaling masasakop ng ibang bansa ang ating bansa.
C. Nagsisilbi daanan ito ng mga kalakal mula sa ibang bansa.
D. Nagsisilbing pang akit sa mga turista ang ganda ng dagat at baybayin nito.
23. Bakit itinuturing ang Pilipinas bilang isang maritime o insular na bansa?
A. napapaligiran ng lupa
B. maraming tao ang naninirahan dito
C. binubuo ng maliliit at malalaking pulo
D. mayaman ang bansa sa likas na yaman

24. Ang kapatagan ay malawak at patag na lupa, ano naman ang pinakamataas na anyong lupa?
A. bundok C. lambak
B. burol D. talampas
.
25. Alin ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas at tahanan din ng ibong agila?
A. Chocolate Hills C. Bundok Banahaw
B. Bulkang Mayon D. Bundok Apo

26. Anong anyong tubig ang bumabagsak mula sa ilog na karaniwang nasa isang mataas na lugar
gaya ng bundok?
A. talon C. ilog
B. tsanel D. bukal

27. Ano ang mga bagay na nagmumula sa kalikasan kung saan nanggagaling ang mga
pangunahing pangangailangan ng tao?
A. yamang lupa C. yamang mineral
B. yamang tubig D. likas na yaman

28. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa National Capital Region o NCR?


A. Napapalibutan ng mga dagat at ilog.
B. Napapalibutan ng mga bulubundukin.
C. Binubuo ng mga bundok, lambak burol at baybayin.
D. Malawak na kapatagan an sentro ng pamahalaan, edukasyon at industriya.

29. Bakit marami ang naninirahan sa Maynila o NCR na nagiging salik mabilis na paglaki ng
populasyon nito?
A. May oportunidad at pagkakataon dito upang makapag aral at kumita.
B. Maaraming magagandang gusali at pasyalan rito.
C. Dito nakatira at makikita ang mga artista.
D. Madali ang pamumuhay rito.

30. Ano ang tawag sa mapa kung saan ipinapakita nito ang lugar na nasa panganib sa mga
kalamidad?
A. Climate Map C. Hazard Map
B. Physical Map D. World Map

31. Bakit kabilang ang Pilipinas sa “Pacific Ring of Fire"?


A. Maraming tayong magagandang tanawin.
B. Napapalibutan tayo ng mga anyong tubig.
C. Mayaman ang bansa sa likas na yaman.
D. Maraming aktibong bulkan na matatagpuan sa bansa.

32. Ano ang pambansang ahensya sa Pilipinas na nakatutok para magbigay-alam sa mga kilos at
kalagayan ng mga bulkan, lindol at tsunami sa bansa?
A. DRRMC C. PAGASA
B. PHIVOLCS D. DOST

33. Kailan dapat isagawa ang duck, cover and hold?


A. Tsunami C. Storm Surge
B. Bagyo D. Lindol

34. Ano ang maaaring maranasan ng mga lugar na malapit sa dagat o karagatan sa panahon nang
may malakas na paglindol?
A. Tsunami C. Storm Surge
B. Landslide D. Volcanic Eruption
35. Alin sa sumusunod ang maaaring gawin ng batang katulad mo upang mabawasan ang
masamang epekto ng kalamidad?
A. Ugaliin ang wastong pagtatapon ng basura at pagrerecycle.
B. Linisin ang mga ilog at dagat at magtanim sa mga kabundukan.
C. Maglinis ng paligid at sunugin ang basura upang hindi bumara sa kanal.
D. Makiisa sa programa ng pamahalaan tulad ng hindi paninigarilyo sa pampublikong lugar.

36. Naglabas ng anunsiyo ang pamahalaan hinggil sa mga lugar na nasa daanan ng fault line.
Ano ang dapat gawin ng mamamayang apektado rito?
A. Gawing mas matibay ang mga pinatayong bahay.
B. Bumili pa ng lupa sa mga lugar na daanan ng fault line.
C. Humanap ng paraan upang makalipat ng ibang lugar na ligtas.
D. Manatili sa kanilang lugar at hayaan ang na lamang ang anunsiyo.

37. Ang sumusunod ay paraan sa pahahanda upang maging ligtas tayo sa mga sakuna
at kalamidad na nagyayari sa ating bansa, maliban sa isa.
A. Paghahanda ng mga evacuation center sa mga lugar na may banta ng panganib.
B. Pagsasagawa ng earthquake drill sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
C. Pagsasawalang bahala sa mga anunsiyo o paalala ng pamahalaan.
D. Palaging mag imbak ng pagkain, gamut at malinis na tubig.

38. Sa paanong paraan nakatutulong ang mahabang bulubundukin sa mga taong nakatira malapit
dito?
A. Taguan kapag may dumarating na kalaban
B. Tirahan ng mga taong walang matirikan ng bahay.
C. Panangga sa mga bagyo ang mahabang bulubundukin.
D. Taguan ng mga tao laban sa mga mababangis na hayop.

39. Piliin ang mga pangunahing dahilan kung bakit naaakit ang mga turista na pumunta at
manirahan sa ating bansa?
A. May natural na kagandahan at mayamang kultura ng Pilipinas.
B. Maraming likas na yaman ang ating bansa.
C. Maganda ang katangiang pisikal ng Pilipinas.
D. Ang lahat ng nabanggit ay tama.

40. Bakit mahalaga ang katangiang pisikal ng bansa sa pag-unlad nito?


A. Nakatutulong sa kalusugan ng mga mamamayan.
B. Nakakapagbigay seguridad sa bawat mamamayan.
C. Nakakapagpaunlad ng edukasyon ng mga Pilipino.
D. Nagsusulong sa pag-unlad ng turismo at ekonomiya ng bansa.
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 4
Susi sa Pagwawasto

1. C 11. B 21. D 31. D


2. D 12. B 22. B 32. B
3. D 13. C 23. C 33. D
4. A 14. D 24. A 34. A
5. D 15. C 25. D 35. A
6. A 16. D 26. A 36. C
7. A 17. B 27. D 37. C
8. A 18. D 28. D 38. C
9. A 19. A 29. A 39. D
10. D 20. B 30. C 40. D

TALAAN NG ISPISIPIKASYON

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 4

ITEM PLACEMENT
No. of
INDEX LEARNING COMPETENCIES Days Total
Taught Reme Unders no. of
Apply Analyze Evaluate Create
mber tand Ques
tions

Nakapagbibigay ng halimbawa ng bansa. 1 1

1 Naiisa-isa ang mga katangian ng bansa. 5 2 1


Natatalakay ang konsepto ng bansa. (Q1 -
3 1
MELC 1)
Nakapagbubuo ng kahulugan ng bansa. 4 1
Naipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang
5 1
bansa.
2 Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative 5
location) ng Pilipinas batay sa mga 7
6 3
nakapaligid dito gamit ang pangunahin at 8
pangalawang direksyon. (Q1 - MELC 2)
Natutukoy sa mapa ang kinalalagyan ng 10
9 3
bansa sa rehiyong Asya at mundo. 11
Nakapagsasagawa ng interpretasyon tungkol
sa kinalalagyan ng bansa gamit ang mga
3 5 12 13 2
batayang heograpiya tulad ng iskala,
distansya at direksyon.
Natutukoy ang mga hangganan at lawak ng
14
teritoryo ng Pilipinas gamit ang mapa. (Q1 - 2
15
MELC 3)
Naiuugnay ang klima at panahon sa lokasyon
16 1
ng bansa sa mundo.

4 Nakikilala na ang Pilipinas ay isang bansang 5 17 18 2


tropical.
Nasusuri ang ugnayan ng lokasyon ng 19
2
Pilipinas sa heograpiya nito. (Q1 - MELC 4) 20
Naipaliliwanag ang katangian ng Pilipinas
21 22 23 3
bilang bansang maritime o insular.
Nailalarawan ang pagkakakilanlang
5 heograpikal ng Pilipinas: 10 24
a. Heograpiyang Pisikal (klima, panahon, 27
25 29 6
anyong lupa at anyong tubig) 28
26
b. Heograpiyang Pantao (populasyon,
agrikultural at industriya (Q1 - MELC 5)
Nailalarawan ang kalagayan ng Pilipinas na
nasa “Pacific Ring of Fire” at ang implikasyon 30 31 2
nito.
6 5
Nakakapagmungkahi ng mga paraan upang
33,
mabawasan ang epekto ng kalamidad. (Q1- 32 35 36 5
34
MELC 6)
Nakapagbibigay konklusyon tungkol sa
7 kahalagahan ng mga katangiang pisikal sa 5 37 38 39 40 4
pag-unlad ng bansa. (Q1 - MELC 7)

KABUUAN 40 15 13 3 5 2 2 40

You might also like