You are on page 1of 15

ARALIN 4

TEKSTONG
PROSIDYURAL
TEKSTONG
PROSIDYURAL
TEKSTONG PROSIDYURAL (TIGAS)
AY NAGBIBIGAY NG PANUTO O DIREKSYON KUNG PAANO
GAWIN ANG ISANG BAGAY.
NAGAGAMIT ANG TEKSTONG PROSIDYURAL SA TATLONG
IBA'T IBANG PAGKAKATAON.
1. PAGPAPALIWANAG KUNG PAANO PAGANAHIN ANG
ISANG
KASANGKAPAN BATAY SA IPINAPAKITA SA MANWAL.
2. SA PAGSASABI NG HAKBANG KUNG PAANO GAWIN ANG
ISANG BAGAY TULAD NG MAKIKITA SA RESIPE.
3. SA PAGLALARAWAN KUNG PAANO MAKAKAMIT ANG
NINANAIS SA KALAGAYAN SA BUHAY.
HALIMBAWA:
• MANWAL SA PAGGAMIT NG ISANG KASANGKAPAN O
MEKANISMO
• RESIPE
• GABAY SA PAGGAWA NG ISANG PROYEKTO
• MGA EKSPERIMENTONG SIYENTIPIKO
• MEKANIKS NG LARO
• MGA ALITUNTUNIN SA KALSADA
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG
PROSIDYURAL
LAYUNIN:
KADALASANG TUMUKOY SA KALALABASAN O BUNGA NA DAPAT
MATAMO PAGKATAPOS MAGAWA NG WASTO ANG LAHAT NG
HAKBANG.
KAGAMITAN:
NAKALISTA SA PINAKAUNANG BAHAGI NG TEKSTONG
PROSIDYURAL ANG MGA KAGAMITAN, KUNG MINSAN AY MGA
KASANAYAN O KAKAYAHANG GAGAMITIN SA BAWAT HAKBANG.
MGA HAKBANG:
ANG MGA HAKBANG ANG PINAKAMAHALAGANG BAHAGI NG
TEKSTONG PROSIDYURAL. SA BAHAGING ITO NAKALAHAD ANG MGA
PANUTO KUNG PAANO GAGAWIN ANG BUONG PROSESO.
NAKAKATULONG ANG PAGGAMIT NG MGA SALITANG; UNA, IKALAWA,
IKATLO AT HULI UPANG MAS MAAYOS NA IHANAY ANG MGA
SUMUSUNOD NA PANUTO
TULONG NA LARAWAN
ANG PAGLALAGAY NG TULONG NA LARAWAN
AY
NAGSISILBING GABAY SA MAMBABASA UPANG
MAGING MAS MABILIS AT MASIGURONG
WASTO ANG PAGSUNOD SA ISANG
HAKBANG DAHIL MAIKUKUMPARA NG
MAMBABASA ANG
KANYANG GINAGAWA SA TULONG NA
LARAWAN.
GABAY SA PAGBASA NG TEKSTONG PROSIDYURAL
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG PROSIDYURAL
• ANO ANG LAYUNIN NG TEKSTO?
• ANO-ANONG KAGAMITAN ANG KINAKAILANGAN SA
PAGSASAGAWA NG MGA PANUTO?
• MAY NAKASAAD BANG PAGLALARAWAN NG MGA
KAGAMITANG DAPAT GAMITIN?
• NAKATULONG BA ANG PAGLALARAWAN NG MGA KAGAMITAN
UPANG MAS MABISANG MAGAWA ANG MGA HAKBANG?
• NASA WASTONG PAGKAKASUNOD-SUNOD BA ANG MGA HAKBANG?
• MADALI BANG UNAWAIN AT SUNDAN ANG MGA PANUTO?
MGA PAALALA SA PAGSULAT NG PROSIDYURAL
SA PAGSULAT NG TEKSTONG PROSIDYURAL,
MAHALAGANG MATUKOY SA SIMULA KUNG SINO
ANG TARGET NA MAMBABASA KAUGNAY NG URI
NG TEKSTONG ISUSULAT. KAILANGANG TINGNAN
ANG WIKANG GAGAMITIN UPANG MAKAMIT ANG
LAYUNIN. ANONG URI NG TEKSTONG
PROSIDYURAL ANG ISUSULAT? ISAALANG ALANG
ANG PAGKAKAIBA NG MGA MAMBABASA AYON SA
KANILANG EDAD, PROPESYON, ANTAS NG
PAMUMUHAY, AT PERSONALIDAD.
Mga Halimbawa ng Tekstong Prosidyural

Ang Paggawa ng Parol

Mga Kakailanganin
10 patpat ng kawayan 1/4 pulgada ang lapad at 10 pulgada
ang haba. 4 na patpat na kawayan 1/4 pulgada ang lapad at
3 1/2 pulgada ang haba papel de hapon o cellophane pang
tali.
-Unang Hakbang
Bumuo ng dalawang bituin gamit ang mga patpat na kawayan

-Pangalawang Hakbang
pagkabitin ang mga dulo ng kawayan gamit ang mga inihandang tali

-ikatlong Hakbang
ilagay sa gitna ng pinagkabit na kawayan ang apat na patpat ng kawayan
para lumubo ang balangkas ng iyong parol

-ikaapat na hakbang
baluting ng papel de hapon o cellophane ang balanagkas ng parol.

-ikalimang hakbang
maaari mong palamutian ang iyong parol ng mga palara.
Resipi ng kare-kare
mga sangkap
1 buntot ng baka
2 pata ng baka
1 taling sitaw
1 taling petsay
2 talong
1/2 tasang mani
1/2 tasang bigas
atsuwete
asin
bawang
sibuyas
Paraan ng Pagluluto
-dikdikin ang bawang
-hiwain ang sibuyas panggisa
-putol-putulin ang sitaw
-hiwain ang petsay
-hiwain ng pahalang ang talong
-isangag ang mani at ang bigas.Dikdikin ito ng pinong-
pino
-sa isang mangkok lagyan ng isang kutsarang lihiya ang
atswete
-hiwain ang buntot at pata ng baka sa tamang laki at
palambutin
Paraan ng Pag-aaplay ng
LISENSYA SA
PAGMAMANIHO
Paraan ng Pag-aaplay ng Lisensiya sa Pagmamaneho

Kung nais mong magkaroon ng liensiya sa pagmamaneho, ang una mong itatanong sa iyong sarili ay
kung anong uri ng lisensiya, ang professional at ang nonprofessional. Professional divers license
ang kukunin kung kakailanganin mo ito sa yong hanapbuhay, Ito ang mga lisensiya ng mga family,
jeepney, bus, taxi, trak, o tricycle ding Nonprofessional driver's license naman kung gagamitin mo
ito sa pribade pagmamaneho.

Unang Hakbang: Pumunta sa customer service center at kumuha ng application form.


Bibigyan ka rin ng bilang para alam mo kung pang-ilan ka sa pila ng ipo-prosesong aplikasyon.

Ikalawang Hakbang: Ipasa sa evaluation counter ang nakompletong application form. Dito ay
titingnan ng evaluator kung kompleto at wasto ang mga datos na isinulat mo sa application form.

Ikatlong Hakbang: Hintaying tawagin ka para sa pagkuha ng larawan at pirma.


Ikaapat na Hakbang: Kapag muling tinawag ang pangalan ay magbayad na ng
application fee.

Ikalimang Hakbang: Pumunta sa Examination Room upang sagutan ang pasulat na


pagsusulit. Hintayin ang resulta ng pagsusulit. Kung ikaw ay pumasa, maghintay
na tawagin a para sa ikaanim na hakbang.

Ikaanim na Hakbang: Pagsusulit na aktuwal. Kasáma ng isang opisyal ng


LTO, ikaw ay aktuwal na magmamaneho upang matiyak kung karapat-dapat kang
bigyan ng lisensiya sa pagmamaneho.

Huling Hakbang: Hintaying tawagin ka para sa pagkuha ng iyong bagong


lisensiya. Ipakita ang resibo upang makuha ito.

Ang tawag sa mga salitang ito ay mga panandang pandiskurso na naghuhudyat ng


pagkakasunod-sunod. Ang ilan pang halimbawa na naghuhudyat ng
pagkakasunod-sunod ay pagkatapos, sa huli, ang susunod, kasunod.
THANK
YOU

You might also like