You are on page 1of 7

9 Republic of the Philippines

Department of Education
Region V (Bicol)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LIGAO CITY
Binatagan, Ligao City

ARALING PANLIPUNAN 9
Kwarter 4 - Linggo 1

SDO LIGAO CITY LAS_2021


LAS DEVELOPMENT TEAM
Schools Division Superintendent: Nelson S. Morales, Jr.
Assistant Schools Division Superintendent: Maylani L. Galicia
Chief Education Supervisor, CID: Tita V. Agir
EPS, LRMDS: Nestor B. Bobier
EPS, AP: s Jose R. Nobela

Writers: Angelo S. Neric Ligao NHS


Chona M. Murillo Ligao NHS
Aliza Q. Arnesto DPPMHS
Isabel P. Patanao DPPMHS

Editor: Fermin Curaming Ligao NHS

Illustrator/Lay-out Artist: Daryl S. Prepotente DPPMHS

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office of Ligao City—CID, Learning Resources


Management Section
Binatagan, Ligao City

Telefax: (052) 485-24-96

Email Address: ligao.city@deped.gov.ph


GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 9
KWARTER 4, LINGGO 1

Pangalan: __________________________ Antas/Seksyon: _____________

PAMBANSANG KAUNLARAN

I. MGA KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO

Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran.

II. PANIMULANG KONSEPTO

KONSEPTO NG PAG-UNLAD

Ang Pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng


pamumuhay. (Merriam-Webster)
Ang Pag-unlad ay isang progresibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao,
gaya ng pagpapababa ng antas ng kahirapan, kawalan ng trabaho, kamangmangan,
di-pagkakapantay at pananamantala. Ang pagsulong sa kabilang banda, ay isa
lamang sa mga bunga o aspeto ng pag-unlad. Ito ay nakikita at nasusulat tulad ng
Gross Domestic Product (GDP) at Gross National Income (GNI) na kumakatawan sa
kabuuang halaga ng produkto at serbisyong nalikha sa loob at labas ng bansa.
(Feliciano R. Fajardo na Economic Development 1994)

Sa akdang “Development as Freedom” (2008) ni Amatrya Sen, kanyang ipinaliwanag


na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung” mapauunlad ang yaman ng buhay ng
tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito”.
Inilahad nina Michael P. Todaro at Stephen C. Smith sa kanilang aklat na Economic
Development (2012) May dalawang magkaibang konsepto ng pag-unlad: (1)
Tradisyonal na Pananaw – binibigyan-diin ang pag-unlad bilang pagtatamo ng
patuloy na pagtaas ng antas ng income per capita nang sa gayon ay mas mabilis na
maparami ng bansa ang kanilang output kaysa sa bilis ng paglaki ng populasyon.
(2)Makabagong Pananaw – isinasaad na ang pag-unlad ay dapat na kumakatawan
sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan.
Human Development Index
Maliban sa paggamit ng GDP at GNI, ginagamit ang Human Development Index bilang
isa sa mga panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa. Ang Human
Development Index (HDI) ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng
isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlaran pantao:

LAS Q4 W1 I PAHINA 1 ng 5
kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay. Maituturing na pangunahing sandata
ang tatlong aspektong ito upang mapaunlad ng isang tao ang kanilang sarili bilang
isang produktibong mamamayan na makikibahagi sa pag-unlad ng kanyang bansa.
Ang HDI ay nilikha upang bigyang-diin na ang tao ang tunay na kayamanan ng isang
bansa. Ang kanilang kakayahan ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa
pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa, hindi lang pagsulong ng ekonomiya nito. Ang
pag-unlad ay tunay na nasusukat lamang sa pamamagitan ng epekto sa pamamagitan
ng epekto nito sa pamumuhay ng mga tao.

PAGSASANAY 1: Ang Pambansang Kaunlaran


Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin mula sa kahon ang mga
kasagutan at isulat sa patlang.

Merriam-Webster Feliciano Fajardo


Amatrya Sen Human Development Index
Tradisyonal na pananaw Makabagong Pananaw

______________________1. Tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng


isang bans ana matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlaran pantao.
______________________2. Binibigyang-diin ang pagtatamo ng patuloy na pagtaas
ng income per capita (pagtaas ng kita).
______________________3. Ipinaliwanag niya na ang kaunlaran ay matatamo
lamang kung” mapauunlad ang yaman ng buhay ng tao kaysa sa yaman ng
ekonomiya nito.
______________________4. Isinasaad na ang pag-unlad ay dapat na kumakatawan
sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan.

______________________5. Ayon dito pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa


tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.
______________________6. Ayon sa kanya, ang pag-unlad ay isang progresibong
proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng pagpapababa ng antas ng
kahirapan, kawalan ng trabaho at pananamantala.
7-10. Magbigay ng mga katangian na dapat taglayin ng isang bansang nagtatamasa
ng totoong kaunlaran.
7._____________________________ 8. _____________________________

9. _____________________________ 10. ____________________________

LAS Q4 W1 I PAHINA 2 ng 5
Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran
Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga
mamamayan. Bawat isa ay may gampanin sap ag-unlad ng bansa. Maaaring
pagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng bansa ay sa pamamagitan ng pansariling
pagsisikap o sama-samang pagtutulungan.Kailangan ng sama-samang pagkilos ng
lahat ng mamamayan. Maaaring gawin ang sumusunod bilang ilan sa estratehiya na
makatutulong sa pag-unlad ng bansa:
MAPANAGUTAN

1. Tamang pagbabayad ng buwis. Bahagi ng pagiging mapanagutang mamamayan


ang tamang pagbabayad ng buwis. Ang nakokolektang buwis ay ginagamit ng ating
pamahalaan upang makapagbigay ng serbisyong panlipunan tulad ng libreng
edukasyon, programang pangkalusugan at iba pa.
2. Makialam. Hindi katanggap-tanggap ang pananahimik at pagsasawalang-kibo ng
mamamayan sa mga maling nagaganap sa loob ng bahay, sa komunidad, sa
paaralan, pamahalaan at sa trabaho. Anumang mali ay dapat labanan at ang tama
ay ipaglaban.
MAABILIDAD

1. Pagnenegosyo. Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat


nating sikapin na maging Negosyo upang tunay na kontrolado ng Pilipino ang
kabuhayan ng bansa at hindi ng mga dayuhan.
2. Bumuo o sumali sa kooperatiba. Ang kooperatiba ay ang pagsasama-sama ng
puhunan ng mga kasapi upang magtayo ng Negosyo na ang makikinabang at
tatangkilik ay mga kasapi rin mismo. Magbibigay ito ng pagkakataon sa mga
mamamayan na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa.
MAKABANSA

1. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa. Ang aktibongh pakikilahok sa


pamamahala ng barangay, gobyernong local at pambansang pamahalaan upang
maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino.
2. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino. Ang yaman ng bansa ay mawawala
tuwing tinatangkilik natin ang dayuhang produkto. Dapat nating tangkilikin ang mga
produktong Pilipino.

MAALAM
1. Tamang pagboto. Sagradong maituturing ang ating Karapatan na pumili ng mga
mamumuno sa ating bansa. Sa pagboto, hindi dapat tayo magpaimpluwensya sa
popularidad o katayuan ng isang kandidato bagkus sa kanyang katapatan at
kahusayan sa paglilingkod.
2. Pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa kominidad. Hindi
magkakaroon ng pag-unlad kung pamahalaan lamang ang kikilos. Maaari nating

LAS Q4 W1 I PAHINA 3 ng 5
pangunahan ang pagbuo at pagpapatupad ng programang pangkaunlaran. Upang
magawa ito, kinakailangan ang malasakit sa ating komunidad.
PAGSASANAY 2 : AKO BILANG MAG-AARAL
Suriin ang mga pagkilos o gawain sa ibaba. Pagkatapos ay tukuyin ito sa 4 na
pangunahing katangian ng aktibong mamamayan.

A. MAPANAGUTAN B. MAKABANSA C. MAABILIDAD D. MAALAM

___________________1. Tuwing bakasyon, nagtitinda ang magkaibigang Miya at


Layla ng Halo-halo upang may pambili sila ng bagong sapatos sa darating na
pasukan.

___________________2. Aktibong nakikilahok si Hannabi sa mga programang


pangkabataan sa kanilang barangay.
___________________3. Bilang pangulo ng klase, palaging pinapaalalahanan at
pinagsasabihan ni Roger ang kanyang mga kaklase na ilagay sa tamang lalagyan ng
basura ang kani-kanilang kalat.
___________________4. Paboritong bilhin ng magkaibigang Natan at Brody ang mga
sapatos na gawa sa Marikina kaysa mga imported na makikita sa mga department
store.
___________________5. Tuwing SSG Election, sinisiguro ni Amon na kilatisin muna
ang mga tumatakbong kandito bago siya bomoto.

Performance Task: IKAMPANYA MO!


Bilang isang mag-aaral, papaano ka makapag-aambag sa pag-unlad ng
bansa bilang mabuting mamamayan? Ilahad ang iyong kasagutan gamit ang isang
campaign slogan. Gamiting gabay ang rubrics sa baba sa paggawa ng PT.
s

https://www.barewalls.com/posters-art-prints/araw-
ng-kalayaan.html

LAS Q4 W1 I PAHINA 4 ng 5
IV. RUBRIC SA PAGMAMARKA

Performance Task:
Nilalaman 10pts
Pagkamalikhain 5pts
Kalinisan 5pts
20 puntos

V. MGA SANGGUNIAN

Junroy Z. Volante(2020). Araling Panlipunan EKONOMIKS Unang Markahan-Modyul 9

Ekonomiks-Araling Panlipunan-Modyul para sa Mag-aaral, pahina 343-353

VI. REPLEKSIYON/SUHESTIYON/KOMENTO

Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang mga magagawa mo para sa pag-unlad ng


ating bayan?
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________.

LAS Q4 W1 I PAHINA 5 ng 5

You might also like