You are on page 1of 19

NOLI ME TANGERE

KABANATA 6
– SI KAPITAN TIYAGO
TALASALITAAN

• Bugtong – nag-iisa • Magsing-irog –


magkasintahan
• Ganid -sakim
• Nagkubli – nagtago
• Kapus-palad – salat
• Tinutuligsa – pinupuna
• Kawaksi – katulong
• Tiwasay – tahimik
• Umaalipusta – umaapi
• Si Kapitan Tiyago ay nag-iisang anak ng
isang negosyante ng asukal sa bayan ng
Malabon. Siya ay mahigit kumulang
tatlumpu’t limang taong gulang.
Datapwat hindi nakapag-aral ay
naturuan naman siya ng isang paring
dominiko.
• Nang mamatay ang ama ay itunuloy pa
rin niya ang pangangalakal. Nakilala niya
si Pia Alba na taga-Sta. Cruz at sila ay
nagpakasal. Napabilang ang mag-asawa
sa mataas na antas ng lipunan dahil sa
pagiging mayaman at mahusay
magpalakad ng negosyo.
• Mailalarawan si Kapitan Tiyago bilang
isang magandang lalaki na may moreno,
pandak, at bilugan ang mukha. Sinira ng
pananabako at pagnganganga ang
kanyang hitsura.
• Siya ay naninilbihan bilang
gobernadorcillo. Kasama sa kanyang
paglilingkod ang paghamak sa mga
Pilipino at hayaan ang mga Kastila sa
ganitong gawain.
• Kastila na rin ang turing ng Kapitan sa
kanyang sarili samantalang ang turing
naman niya sa mga Pilipino ay Indio.
Pinaniniwalaan ng Kapitan na ang mga
Kastila ay mararangal at karapat-dapat
pag-ukulan ng paggalang at
pagpapahalaga.
• Ang Kapitan ay kaibigan ng lahat ng
mga may kapangyarihan lalo’t higit ng
mga pari. Kaya naman hindi mawawala
ang kanyang pangalan sa misa at
padasal para bilhin ang langit.
• Ang mga maibigan niyang santo maging ang
kabanalan ay nabibili nito. Punong-puno ng mga
dinadasalan ang silid ni Kapitan Tiyago katulad
nina Sta, Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio De
Padua, San Francisco De Asis, San Antonio Abad,
San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo, at ang
larawan ng Banal na Mag-anak (Hesus, Maria at
Hosep).
• Maraming ari-arian ang nabibili ng Kapitan
dahil sa pagnenegosyo. Kabilang na diyan
ang pagbili niya ng lupain sa San Diego. Siya
namang naging daan upang makilala niya
ang kura doon na si Padre Damaso at ang
pinakamayaman sa bayang iyon na si Don
Rafael Ibarra.
• Sa loob ng anim na taon na pagsasama ng mag-
asawang Kapitan Tiyago at Pia Alba, at sa kabila ng
magandang buhay na tinatamasa nila ay hindi
naman magka-anak ang dalawa. Walang humpay
sa pamamanata ang mag-asawa. Sa payo naman ni
Padre Damaso ay namanata ang dalawa sa
Obando at sumayaw sa kapistahan ng San Pascual
Bailon at Sta. Clara sa Nuestra Senora De Salambao
si Pia Alba.
• Nagdalantao nga si Pia Alba makalipas
ang kaunting panahon (lingid sa
kaalaman ni Kapitan Tiyago ay hinalay
pala ni Padre Damaso ang kanyang
asawa at ang katotohanan ay nailantad
rin kalaunan).
• Ngunit si Pia Alba ay naging masasakitin
na siya namang naging dahilan upang
tuluyang mamatay pagkatapos nitong
manganak.
• Maria Clara ang ipinangalan sa bata na
inalagaan ni Tiya Isabel. Siya’y busog din
sa pagmamahal nina Kapitan Tiyago at
ng mga pari.
• Sina Maria Clara at Crisostomo Ibarra ay
lumaking magkababata. Sa udyok ng mga
pari ay ipinasok ng kanyang ama si Maria
Clara sa kumbento ng Sta. Catalina ng ito ay
maging katorse anyos samantalang si Ibarra
naman ay nagtungo sa Europa upang mag-
aral ng medisina.
• Sina Kapitan Tiyago naman at Don
Rafael ay nagkasundong ipakasal sina
Maria Clara at Ibarra sa takdang
panahon. Hindi naman ito tinutulan ng
dalawa sapagkat sila ay kapwa nag-
iibigan.
SAGUTIN!

1. Sino ang asawa ni Kapitan Tiyago?


2. Ilang taon si Maria Clara nang ipasok sa
kumbento?
3. Sino ang nag-alaga kay Maria Clara?
4. Ano ang trabaho ni Kapitan Tiyago?
5. Ano ang pinag-aralan ni Ibarra sa Europa?
ISYUNG PANLIPUNAN

• Anong pangyayari sa akda o sa


kabanatang ito ang masasalamin pa rin
hanggang sa kasalukuyan?

You might also like