You are on page 1of 22

NOLI ME TANGERE

KABANATA 4
– EREHE AT PILIBUSTERO
TALASALITAAN

• Dalamhati – hapis • Masalimuot – magulo


• Nagningning – nagkislap
• Huwad – kinopya
• Pahapyaw – bahagya
• Inilakip – isinama • Pangangamkam – pangunguha
• Kapanalig – kaanib • Paratang – maling hinala

• Karalitaan – kahirapan • Pinasasaringan – pinariringgan


• Ulirat – kamalayan
• Kinahinatnan –
kinauwian
• Sa plasa ng Binondo ay nagpalakad-lakad si
Ibarra at napansin nito na wala man lang
pinagbago ang kanyang bayan sa kabila ng
matagal na panahon niyang pangingibang-
bansa. Tila wala man lang ipinag-unlad ang
bayang iyon.
• Habang naglalakad ay palaisipan pa rin kay
Ibarra ang sinapit ng ama. Sinundan naman
siya ni Tinyente upang kwentuhan ng
tungkol sa kanyang ama.
• Si Don Rafael na ama ng binata ay isa sa
pinaka-mayaman sa bayan ng San Diego.
Siya ay matulungin at marami ang
nagmamahal dito.
• Sa kabila ng pagiging mabait ay marami din
umano ang naiinggit dito. Kabilang na diyan
ang mga pari sa simbahan sa pangunguna ni
Padre Damaso. Dahil dito, minabuti
diumano ni Don Rafael na hindi
mangumpisal, bagay na lalong ikinagalit ng
mga pari.
• May isang Kastila noon na walang kaalam-
alam, palaboy, at pinag-kakatuwaan ng lahat
na hinirang ni Don Rafael bilang isang
kolektor.
• Isang araw ay di nakapagpigil ang kolektor
sa mga batang nagtatawa sa kanya kaya
naman inakma niyang saktan ang mga ito.
• Tumakbo ng mabilis ang mga bata ng nang hindi
niya maabutan ay ibinalibag niya ang baton at
may tinamaang isa.
• Natumba ang bata at walang awang
pinagsisipa ng artilyero. Nakita ito ni Don
Rafael kaya inawat niya ito.
• Ayon sa mga sabi-sabi, sinaktan diumano ng
Don ang Kastila hanggang sa tumama ang
ulo nito sa malaking bato.
• Natulungan ni Don Rafael ang binata
samantalang ang Kastila ay sumuka ng dugo
hanggang sa natuluyang mamatay.
• Dahil sa pangayayaring iyon ay nagkaroon
ng imbestigasyon ang mga gwardya sibil.
Ikinulong nila si Don Rafael at dito na
naglabasan ang mga lihim niyang kaaway.
• Pinaratangan siya ng pagiging erehe at
pilibustero, pangangamkam ng lupain at iba pang
ilegal na paraan sa pagpapayaman, ang pagbabasa
ng El Correo de Ultramar at iba pang
ipinagbabawal na babasahin, pagtatago diumano
ng mga sulat at larawan mula sa isang binitay na
pari, pakikipagkaibigan at pagkupkop sa mga
tulisan, at ang pagsusuot ng Barong Tagalog.
• Nangawala at tumalikod ang mga dating
kaibigan ng Don. Sa kabila ng paniniwala ng
taong bayan na si Tinyente Guevarra ay
nasisiraan ng bait, tanging siya na lamang
ang naging kakampi ni Don Rafael.
• Ayon sa pakiusap ng Don, ang Tinyente rin
ang humanap ng Kastilang abugado para
dito. Sa kabila ng kahusayan ng abogado ay
tumagal at naging masalimuot ang kaso
dahil na rin sa pagsulputan ng mga kalaban
ng Don.
• Ang masaklap pa dito, hindi pa man tapos
ang paglilitis ay nakakulong na at
nagdadanas ng hirap sa loob ng rehas si Don
Rafael.
• Dahil sa mga pangyayaring iyon ay labis na
naapektuhan ang Don kung kaya’t ito ay
nagkasakit.
• Tuluyang namatay sa bilangguan si Don
Rafael. Wala man lamang nakiramay na
kapamilya o kaibigan ang nasirang Don.
SAGUTIN!

1. Sino ang ama ni Ibarra?


2. Sino ang napikon sa mga bata?
3. Sino ang naiwang kakampi ng ama ni Crisostomo?
4. Sino ang lubos na nainggit kay Don Rafael?
5. Saan namatay ang Don?
ISYUNG PANLIPUNAN

• Anong pangyayari sa akda o sa kabanatang


ito ang masasalamin pa rin hanggang sa
kasalukuyan?

You might also like