You are on page 1of 11

NOLI ME

TANGERE
KABANATA 6 :
SI KAPITAN TIAGO

Inihanda ni:
Loraine P. Rodrigueza
9-Chromium
Ipinahanda ni:
Mrs. May P. Quinto
Guro sa Filipino
BUOD
• Si Kapitan Tiyago ay nag-iisang anak ng isang
negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon. Siya ay
mahigit kumulang tatlumpu’t limang taong gulang.
Datapwat hindi nakapag-aral ay naturuan naman siya
ng isang paring dominiko.
• Nang mamatay ang ama ay itunuloy pa rin niya ang
pangangalakal. Nakilala niya si Pia Alba na taga-Sta.
Cruz at sila ay nagpakasal. Napabilang ang mag-asawa
sa mataas na antas ng lipunan dahil sa pagiging
mayaman at mahusay magpalakad ng negosyo.
• Mailalarawan si Kapitan Tiyago bilang isang
magandang lalaki na may moreno, pandak, at
bilugan ang mukha. Sinira ng pananabako at
pagnganganga ang kanyang hitsura.
• Siya ay naninilbihan bilang gobernadorcillo.
Kasama sa kanyang paglilingkod ang paghamak
sa mga Pilipino at hayaan ang mga Kastila sa
ganitong gawain.
• Kastila na rin ang turing ng Kapitan sa kanyang
sarili samantalang ang turing naman niya sa mga
Pilipino ay Indio. Pinaniniwalaan ng Kapitan na ang
mga Kastila ay mararangal at karapat-dapat pag-
ukulan ng paggalang at pagpapahalaga.
• Ang Kapitan ay kaibigan ng lahat ng mga may
kapangyarihan lalo’t higit ng mga pari. Kaya
naman hindi mawawala ang kanyang pangalan sa
misa at padasal para bilhin ang langit.
• Ang mga maibigan niyang santo maging ang
kabanalan ay nabibili nito. Punong-puno ng mga
dinadasalan ang silid ni Kapitan Tiyago katulad nina
Sta. Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio De Padua,
San Francisco De Asis, San Antonio Abad, San Miguel,
Sto. Domingo, Hesukristo, at ang larawan ng Banal na
Mag-anak (Hesus, Maria at Hosep).
• Maraming ari-arian ang nabibili ng Kapitan dahil sa
pagnenegosyo. Kabilang na diyan ang pagbili niya ng
lupain sa San Diego. Siya namang naging daan upang
makilala niya ang kura doon na si Padre Damaso at
ang pinakamayaman sa bayang iyon na si Don Rafael
Ibarra.
• Sa loob ng anim na taon na pagsasama ng mag-
asawang Kapitan Tiyago at Pia Alba, at sa kabila
ng magandang buhay na tinatamasa nila ay hindi
naman magka-anak ang dalawa. Walang humpay
sa pamamanata ang mag-asawa. Sa payo naman
ni Padre Damaso ay namanata ang dalawa sa
Obando at sumayaw sa kapistahan ng San Pascual
Bailon at Sta. Clara sa Nuestra Senora De
Salambao si Pia Alba.
• Nagdalantao nga si Pia Alba makalipas ang
kaunting panahon (lingid sa kaalaman ni Kapitan
Tiyago ay hinalay pala ni Padre Damaso ang
kanyang asawa at ang katotohanan ay nailantad
rin kalunan).
• Ngunit si Pia Alba ay naging masasakitin na siya
namang naging dahilan upang tuluyang mamatay
pagkatapos nitong manganak.
• Maria Clara ang ipinangalan sa bata na inalagaan
ni Tiya Isabel. Siya’y busog din sa pagmamahal
nina Kapitan Tiyago at ng mga pari.
• Sina Maria Clara at Crisostomo Ibarra ay lumaking
magkababata. Sa udyok ng mga pari ay ipinasok
ng kanyang ama si Maria Clara sa kumbento ng
Sta. Catalina ng ito ay maging katorse anyos
samantalang si Ibarra naman ay nagtungo sa
Europa upang mag-aral ng medisina.
• Sina Kapitan Tiyago naman at Don Rafael ay
nagkasundong ipakasal sina Maria Clara at Ibarra
sa takdang panahon. Hindi naman ito tinutulan ng
dalawa sapagkat sila ay kapwa nag-iibigan.
TALASALITAAN
• Bugtong – nag-iisa
• Ganid -sakim
• Kapus-palad – salat
• Kawaksi – katulong
• Magsing-irog – magkasintahan
• Nagkubli – nagtago
• Tinutuligsa – pinupuna
• Tiwasay – tahimik
• Umaalipusta – umaapi
ARAL
Huwag kang maging mapagmataas.
Ipagtanggol mo ang kapwa mong
Pilipino. Dahil lang mayaman ka at gusto
ka ng mga "matataas na tao" ay hindi
mo na irerespeto ang mga nasa baba
mo.
PAGSASANAY

You might also like