You are on page 1of 1

A.

Tekstong Naratibo
➢ Ay ang pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa
isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula
simula hanggang katapusan. Dahil pagsasalaysay ang pangunahing ginagawa ng tekstong
naratibo, nabibigyan ng pagkakataon ang mambabasa na makabuo ng imahe sa kaniyang isip.
Katangian
1 Impormal na pagsasalaysay.
2. Magaan itong basahin. Maaaring magtaglay ng anekdotang naglalarawan ng mga
tauhan, eksena, at mga detalye ng mga pangyayari.
3. Nagtataglay ito ng panimula na nagsasaad kung anong uri ito ng tesktong naratibo at
ng isang matibay na kongklusyon.
Kalikasan
1. Nagbibigay ng pagkakataon sa mambabasa na makabuo ng imahe sa kaniyang isip.
2. Nagsasalaysay ng mga pangyayari sa isang tao, lugar at panahon na may
pagkasunod-sunod.
Halimbawa
1. maikling kuwento, nobela, mito
2. anekdota
3. paglalakbay
4. buod ng kuwento
5. report tungkol sa nabasang libro/nobela

B. Tekstong Deskriptibo
➢ Isang uri ng naglalarawang babasahin ang tekstong deskriptibo. Ito ay nagtataglay ng mga
impormasyong may kaugnayan sa katangian ng mga tao, hayop, bagay, lugar, at mga
pangyayari. Mayaman sa mga pang-uri at pang-abay ang tekstong ito. Ito rin ay isang paraan
ng masining na pagpapahayag ng paghanga sa ilang bagay.
Katangian
1. May isang malinaw at pangunahing impresyon na nilikha sa mga mambabasa.
2. Maaaring obhetibo o subhetibo na paglalarawan.
• Obhetibong paglalarawan - direktang pagpapakita ng katangiang
makatotohanan at di mapasusubalian.
• Subhetibong paglalarawan - kinapapalooban ng matatalinghagang
paglalarawan at naglalaman ng personal na persepsiyon o ang nararamdaman ng
manunulat sa inilalarwan.
3. Espisipiko at naglalaman ng kongkretong detalye.
Kalikasan
1. Nagbibigay ng karagdagang kaalaman.
2. Naglalarawan sa tiyak na bagay, hayop, lugar, tao at pangyayari.
Halimbawa
1. Mga akdang pampanitikan
2. talaarawan
3. talambuhay
4. sanaysay
5. obserbasyon

You might also like