You are on page 1of 11

FILIPINO 4

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


SY 2023-2024

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Blg DOMAINS
Blg.
Pamantayan sa ng Types
ng %
Content Pagkatuto Ayte R U A A E C of
Araw
m Test
Naipamamalas ang 1.Nakapagbibig
kakayahan at tatas ay ng hakbang 1, Multiple
sa pagsasalita at 2 5 2 Choices
ng isang gawain 2
pagpapahayag ng F4PS-IIIa-8.6
sariling ideya,
2. Nakasusulat
kaisipan, karanasan
at damdamin
ng simpleng
3, Multiple
resipi at 2 5 2 Choices
4
patalastas
F4PU-IIIa-2.4
Nakapagbibigay ng 3. Nagagamit
panuto, naisasakilos ang pang-abay 5,
ang katangian ng Multiple
sa paglalarawan 3 7.5 3 6, Choices
mga tauhan sa ng kilos 7
napakinggang F4WG-IIIa-c-6
kuwento
4. Nailalarawan
ang tauhan
batay sa ikinilos,
8, Multiple
ginawi, sinabi at 2 5 2 Choices
9
naging
damdamin
F4PS-IIIb-2.1
Naipamamalas ang 5. Nasasagot
kakayahan sa ang mga tanong
mapanuring sa nabasa o
pakikinig at pag- napakinggang
unawa sa editoryal,
napakinggan
argumento, 10
/nabasa. Multiple
debate, 2 5 2 ,
Naipamamalas ang Choices
kakayahan at tatas pahayagan, at 11
sa pagsasalita at ipinapahayag sa
pagpapahayag ng isang editorial
sariling ideya, cartoon
kaisipan, karanasan F4PB-IIIad-3.1
at damdamin
Makatukoy ang 6.Naisasalaysay
mahahalagang ang
detalye sa mahahalagang 12
nabasang o detalye sa 2 5 2 ,
Multiple
Choices
napakinggang napakinggang 13
editoryal o
editoryal
argumento..
F4PN-IIId-18
Nakasusuri kung 7. Nasusuri
ang pahayag ay kung opinyon o
opinyon o 15
katotohanan Multiple
katatahanan 3 7.5 3 14 , Choices
ang isang
16
pahayag
F4PB-IIIf-19
Nakasusulat ng 8. Nakasusulat
argumento/ editorialng paliwanag;
at paliwanag, usapan ; puna
usapan o puna tungkol sa isang
tungkol sa nabasa o isyu; opinion 17
napakanggin Multiple
tungkol sa isang 2 5 2 , Choices
argumento o
editoryal gamit ang isyu; ng mga 18
magagalang na isyu/argumento
salita. para sa isang
debate
F4PU-IIIe-2.1
Natutukoy ang 9. Natutukoy
kaibahan ng pang- ang kaibahan
abay at pang-uri 19
ng pang-abay at Multiple
3 7.5 3 , 21 Choices
pang-uri
20
F4WG-IIId-e-
9.1
Nagagamit ang 10. Nagagamit
pariralang pang- ang pariralang
abay at pandiwa, pang-abay at
pariralang pang- 22
pandiwa, Multiple
abay at pang-uri sa pariralang pang- 2 5 2 , Choices
paglalarawan 23
abay at pang-uri
sa paglalarawan
F4WG-IIId-e-9
Nagagamit nang 11. Nagagamit
wasto ang pang- nang wasto ang
angkop (–ng, -g at pang-angkop (–
na) sa pangungusap ng, -g at na) sa 24
Multiple
at 2 5 2 , Choices
pangunguap at
pakikipagtalastasan 25
pakikipagtalasta
san
F4WG-IIIf-g-10
Pagbibigay ng 12.Nakapagbibi
Sariling Pamagat sa gay ng angkop
Nabasa at 26
na pamagat sa Multiple
Napakinggang 2 5 2 , Choices
napakinggang
Teksto 27
teksto
F4PN-IIIg-17
13. Nabibigyan
ng angkop na 28
Multiple
pamagat ang 2 5 2 , Choices
talatang binasa 29
F4PB-IIIg-8
Nagagamit nang 14. Nagagamit 3 7.5 3 30 Multiple
Choices
wasto at angkop nang wasto at ,
ang pangatnig angkop ang 31
pangatnig 32
- o, ni, maging,
man
- kung, kapag,
pag, atbp.
- ngunit, subalit,
atbp.
- dahil sa,
sapagkat, atbp.
- sa wakas,
atbp.
- kung gayon,
atbp.
- daw, raw,
atbp.
-kung sino, kung
ano, siya rin
atbp.
F4WG-IIIh-11
Paggamit ng 15. Nagagamit
Simuno at Panaguri nang wasto at
sa Pangungusap angkop ang 33
Multiple
simuno at 2 5 3 , 35 Choices
panaguri sa 34
pangungusap
F4WG-IIIi-j-8
Napauunlad ang 16. Nakasusulat
kasanayan sa ng talata na 36
pagsulat ng iba’t Multiple
may sanhi at 2 5 3 , 38 Choices
ibang uri ng sulatin bunga** 37
F4PU-IIIi-2.1
Naipamamalas ang 17.Napagsusun
kakayahan sa od-sunod ang
mapanuring mga pangyayari
pakikinig at pag- sa tekstong
unawa sa napakinggan sa
napakinggan Multiple
pamamagitan 1 2.5 1 39 Choices
ng paggamit ng
una, pangalawa,
sumunod at
panghuli
F4PN-IIIj-8.4
Napauunlad ang 18. Nakasusulat
kasanayan sa ng balita na may
pagsulat ng iba’t huwaran/
ibang uri ng sulatin padron/
balangkas nang
Multiple
may 1 2.5 1 40 Choices
wastong
pagkakasunod-
sunod ng mga
pangyayari**
F4PU-Id-h-2.1
100
TOTAL 40 40 12 12 6 6 2 2
%

FILIPINO 4
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
Pangalan__________________________ Baitang at Seksyon____________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ayusin ang tamang hakbang sa paglalaba. Piliin ang tamang pagkakaayos ng mga bilang.
1. Sumunod, banlawan ito ng 3-4 na beses hanggang matanggal ang bula.
2. Una, ihiwalay ang mga puti sa de-kolor na damit at ibabad nang mahigit sa
30 minuto sa batyang may tubig at sabon.
3. Panghuli, pigaan nang husto, ipagpag bago isampay.
4. Pangalawa, isa-isang kusutin ang mga damit.
A. 1-2-3-4 B. 4-1-3-2 C. 2-4-1-3 D. 3-2-1-4
2. Piliin ang mga tamang salitang kukumpleto sa panuto sa pagluluto ng Banana Cue. Ayusin
din ang mga hakbang nito.
, talupan ang saging na saba. Pakuluin ang mantika sa kawali.
, ahunin ito sa kawali kung ito ay luto na at tuhugin sa patpat na
panuhog.
, ihulog ang ilang saging, lagyan din ng asukal o panutsa ang
kumukulong mantika.
, haluin ito. Makikita mong natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit
sa pinipritong saging.
A. Una, talupan ang saging na saba. Pakuluin ang mantika sa kawali.
Pangalawa, ihulog ang ilang saging, lagyan din ng asukal o panutsa ang kumukulong
mantika.
Sumunod, haluin ito. Makikita mong natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit sa
pinipritong saging.
Panghuli, ahunin ito sa kawali kung ito ay luto na at tuhugin sa patpat na panuhog.
B. Una, haluin ito. Makikita mong natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit sa pinipritong
saging.
Pangalawa, ahunin ito sa kawali kung ito ay luto na at tuhugin sa patpat na panuhog.
Sumunod, ihulog ang ilang saging, lagyan din ng asukal o panutsa ang kumukulong
mantika.
Panghuli, talupan ang saging na saba. Pakuluin ang mantika sa kawali.
C. Una, ihulog ang ilang saging, lagyan din ng asukal o panutsa ang kumukulong mantika.
Pangalawa, talupan ang saging na saba. Pakuluin ang mantika sa kawali.
Sumunod, haluin ito. Makikita mong natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit sa
pinipritong saging.
Panghuli, ahunin ito sa kawali kung ito ay luto na at tuhugin sa patpat na panuhog.
D. Una, ahunin ito sa kawali kung ito ay luto na at tuhugin sa patpat na panuhog.
Pangalawa, haluin ito. Makikita mong natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit sa
pinipritong saging.
Sumunod, talupan ang saging na saba. Pakuluin ang mantika sa kawali.
Panghuli, ihulog ang ilang saging, lagyan din ng asukal o panutsa ang kumukulong
mantika.
3. Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa paggawa ng orihinal na resipi?
A. Paghanap sa google.
B. Pagbasa sa libro.
C. Pagtuklas sa mga sagkap at paghahalo-halo dito upang makagawa ng masarap na
lasa.
D. Pagkopya sa mga resipi ng iba at bagong mga sangkap.
4. Ang mga sumusunod ay tuntunin sa paggawa ng patalastas, alin sa mga sumusunod ang
hindi?
A. Ang paggawa ng patalastas ay dapat makatotohanan.
B. Ang patalastas ay dapat nakaka-engganyo sa mga nanonood.
C. Ang patalastas ay kompleto sa detalye.
D. Ang patalastas ay maikli lamang at walang kulay.
Panuto: Buoin ang bawat pangungusap ayon sa inilalarawan nitong konteksto at sitwasyon
sa pamamagitan ng pagpili sa angkop na pariralang pang-abay. Piliin ang titik ng tamang
sagot.
5. _____________ ang dalagang si Jacell kaya lagi siyang nahuhuli.
A. Maagang magbihis C. Matagal magbihis
B. Nakangiting magbihis D. Masayang magbihis
6. Dumating __________ ang kanyang ina mula sa ibang bansa.
A. kaninang umaga C. bukas
B. sa susunod na araw D. mamaya
7. _______________ ang batang nahuli sa klase.
A. Masayang nagpaliwanag
B. Matapang na nagpaliwanag
C. Malakas na nagpaliwanag
D. Matiyagang nagpaliwanag
8. Sobra ang sukli na ibinigay ng tindera, Isinauli ni Nene ang sobrang sukli. Si Nene ay?
A. matulungin B. matapat C. masigla D. masungit
9. “Aba, oo naman anak sasama talaga ako sa inyo ng nanay mo at pagkatapos nating
magsimba ay pupunta tayo sa Lolo’t Lola mo para bisitahin sila dahil nag-aalala ako sa
kalagayan nila”. Si Mang Berting ay_____________?
A. mapagbigay B. maaalahanin C. malupit D. matulungin
10. Pag-aralan ang editorial cartoon. Ano ang paksang ipinahihiwatig nito?

A. halalan
B. rally
C. gutom
D. kapangyarihan

11. Sa iyong palagay, ano ang ipinahihiwatig ng editorial cartoon na ito?


A. Hayaan ng COMELEC ang lahat na bumoto.
B. Pigilan ang dinastiyang politikal.
C. May sapat na pundo ang COMELEC.
D. Bigyang ng kapangyarihan ang pulitiko
Panuto: Makinig nang mabuti sa guro sa babasahin niyang editoryal tungkol sa COVID 19 at
sagutin ang mga tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot

Nakakatakot na Virus, Laganap sa Sanlibutan


Rodrigo G. Embestro

Nagulo ang normal na pamumuhay ng mga tao sa sanlibutan nang umusbong ang isang
nakatatakot na sakit na maaaring kumitil sa buhay ninuman. Maaari itong bata, matanda, babae,
lalaki, mayaman o mahirap. Wala itong pinipiling estado sa buhay. Kaya’t naalarma nang husto ang
mga tao at gumawa ng paraan ang gobyerno upang maiwasan ang pagdami nang maaapektuhan
ng virus na ito na tinatawag na COVID-19.
Ang COVID-19 ay nabubuhay lamang sa isang tirahan o host. Sa mga pag-aaral, ito ay
dating naninirahan sa mga hayop na paniki at pangolin. Ngunit ang tao’y lubhang naging
mapanuklas at lubos na nakialam sa naturalisa ng kalikasan. Hinuhuli at pinapatay ang mga paniki
at pangolin upang kanilang gawing alaga o kaya’y gawing pagkain. Kung kaya’t ang virus na ito ay
nawalan ng tirahan at ang naging epekto nito sa kanila ay ang humanap ng bagong matitirhan.
Hindi nito nais na kumitil o maghasik ng lagim sa sangkatauhan. Ito’y epekto lamang ng ating
kagagawan. Kung mayroon mang dapat sisihin dito ay walang iba kundi tao. Binibigyan tayo ng
masakit na halimbawa ng COVID 19 at paalala na tayo’y may limitasyon sa bawat gawain at
maunawaan nating ang mundo ay hindi lamang para atin.
Ngayon tayo’y nahaharap sa matinding pagsubok. Isiping mabuti ang kaligtasan ng
bawat isa kaysa sa pansariling kapakanan. Ang mga pagsubok na ito ay maging gabay at aral sa
ating pamumuhay. Sana, masilayan muli ang liwanag na inaasam-asam ng sanlibutan.
12. Sino ang tinutukoy sa editorial na dapat may limitasyon sa bawat gawain?
A. pamahalaan B. paniki C. kalikasan D. tao
13. Paano ka makatutulong sa pagsugpo ng COVID-19?
A. Manatili sa loob ng bahay at umiwas sa mga pagtitipon.
B. Sisihin ang pamahalaan sa mga nangyayari.
C. Mag-post sa Facebook ng mga nararanasan.
D. Manghuli ng paniki at gawing pagkain.
14. Ang ay nagpapahayag ng mga bagay o pangyayaring may sapat na
batayan o patunay. Ito ay pangyayaring tunay na naganap.
A. reaksyon B. katotohan C. opinyon D. suhestiyon
15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng OPINYON?
A. Para sa akin, si Andres Bonifacio ang pinakamatapang na bayani ng ating bansa.
B. Si Andres Bonifacio ang itinuturing na Ama ng Katipunan.
C. Sina Ciriaco at Procopio ay mga kapatid ni Andres Bonifacio.
D. Mababasa sa Aklat ng Kasaysayan na ipinagdiriwang ang Araw ni Bonificio tuwing
ika-30 ng Nobyembre.
16. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng KATOTOHANAN?
A. Sa aking palagay, marami sa ating kababayan ang naghihirap ngayon dahil sa
pandemya.
B. Pakiwari ko, mayroon na ding bakunang maibibigay sa atin.
C. Batay sa tala ng Kagawaran ng Edukasyon, unti-unti nang nababawasan ang mga
out of school youth.
D. Para sa akin, mainam na magpabakuna upang ligtas tayo sa sakit na COVID 19.
17. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa dahilan nang hindi sang-ayon?
A. Emosyonal at sosyal na dahilan
B. Dumaan sa pag-aaral
C. Bigyang daan ang nararapat na paraan
D. Saksi dito ang lahat nang mga nagtapos at dumaan sa ganitong pamamaraan
18. Alin sa mga pahayag ang sang-ayon sa “No Assignment Policy”?
A. Ito’y dumaan sa masusing pag-aaral at may layuning bigyan daan ang mas
nararapat sa mga mag-aaral.
B. Hindi sasapat ang walong oras bawat araw sa pagtuturo.
C. Karapatan ng isang bata ang matuto at tumuklas ng sariling kaparaanan o kaisipang
kritikal habang gumagawa ng takdang aralin.
D. Hindi ito malinaw sa Child Protection Policy bilang bawal.
19. Mabilis maglakad ang bata. Ang salitang nasalungguhitan ay isang .
A. pang-uri B. pang-abay C. pandiwa D. pangngalan
20. Mapagmahal na kapatid si Maria. Ang salitang nasalungguhitan ay isang .
A. pang-uri B. pang-abay C. pandiwa D. pangngalan
21. Alin sa mga nasalungguhitang salita ang ginamit bilang pang-uri?
A. Masarap ang mga pagkain sa kanilang restawran.
B. Masayang mamasyal doon.
C. Mahigpit na niyakap ng Ina ang kanyang mga anak.
D. Ang mga hayop ay mapayapang naninirahan sa kagubatan.
Panuto: Piliin ang tamang pariralang pang-abay na bubuo sa pangungusap.
22. si Roberto para sa mahabang pagsusulit.
A. Nag-aral nang husto C. Husto ang aral
B. Husto ang pag-aaral D. Hustong nag-aaral
23. tumulong sa mga mahal sa buhay.
A. Talagang mahirap C. Lubhang di kaya ang
B. Totoong masarap D. Talagang nakakalungkot
24. Madalin araw na umuwi si Karding. Alin ang tamang pang-angkop ang bubo sa
pangungusap?
A. ng B. g C. na D. ang
25. Ang mag-aaral masipag ay makakamit ang pangarap.
A. ng B. g C. na D. ang
Panuto: Makinig nang mabuti sa tekstong babasahin ng guro. Piliin ang angkop na pamagat
ng bawat teksto.
26. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming
suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong
tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa. Anumang problema ang dumating, kailangang
mapanatiling
buo at matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy
mong ingatan.
A. Ang Pamilyang Pilipino C. Ang Problema sa Pamilya
B. Ang Pamilya D. Biyaya ng Diyos ang Pamilya
27. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating
bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang
kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao
para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon
lalo na sa mga lalawigan.
A. Tradisyon ng mga Pilipino C. Ang Bayanihan
B. Kapistahan ng mga Pilipino D. Mga Kapistahan sa lalawigan
28. Kilalang “aswang” raw si Mang Albert na taga Baryo Buanga. Marami na sa mga
kapitbahay niya ang lumipat sa ibang baryo hanggang sa isang araw, may iplinano ang mga
tao laban sa kanya. Alin ang pinakaangkop na pamagat?
A. Ang “Aswang” Sa Baryo Buanga C. Ang “Aswang”
B. Si Mang Albert Sa Baryo Buanga D. Tao laban sa “Aswang”
29. Pinakbet ang paborito kong ulam. Lalo itong nagiging masarap para sa akin kapag ang
nanay ang nagluluto. Marami akong nakakain tuwing pinakbet ang aming ulam.
A. Ang Pinakbet C. Ang Masarap na Pinakbet
B. Ang Paborito kong Ulam D. Pinakbet na Luto ni Nanay
Panuto: Piliin ang wastong pangatnig na bubuo sa pangungusap.
30. Hindi biro ang ginagastos ng mga magulang sa pagpapaaral _____ mahal ang matrikula
at pambaon araw-araw.
A. dahil B. ngunit C. upang D. subalit
31. Hindi pa ____ siya makakauwi bukas dahil may pupuntahan pa siya.
A. daw B. raw C. sa wakas D. siya rin
32. Sabihin mo lang sa akin _________ ang kailangan mo at bibigyan kita.
A. kung sino B. kung ano C. raw D. daw
33. Ano ang tawag sa nasalungguhitang salita sa pangungusap?
Ang mga guro ay abala sa paggawa ng mga modyul.
A. simuno B. panaguri C. pandiwa D. panghalip
34. Alin ang buong simuno sa pangungusap?
Ang mabuting paghuhugas ng mga kamay ay mabisang paraan para maiwasan ang
iba’t ibang sakit.
A. ay mabisang paraan
B. para maiwasan ang iba’t ibang sakit
C. ang mabuting paghuhugas ng mga kamay
D. ay mabisang paraan para maiwasan ang iba’t ibang sakit
35. Alin ang buong panaguri sa pangungusap?
Ibibili ko ng bagong bag si Jackie.
A. si Jackie C. Ibibili ko ng bagong bag
B. ng bagong bag D. Ibibili
36. Walang pambili ng aklat si Pule, kaya nakikibasa nalang siya.
Alin ang SANHI sa pangungusap?
A. kaya nakikibasa C. walang pambili ng aklat
B. si Pule D. nalang siya
37. Palaging mataas ang kanyang marka, kaya hinahangaan siya ng kanyang mga guro at
kamag-aral.
Alin ang BUNGA sa pangungusap?
A. palaging mataas ang kanyang marka
B. kaya hinahangaan siya
C. mga guro at kamag-aral
D. mataas na marka
38. Bumili ng mga bagong kagamitan para sa eskuwela sina Jun at Erica kasi malapit na ang
pasukan.
Alin ang BUNGA sa pangungusap?
A. malapit na ang pasukan
B. mga bagong kagamitan
C. para sa eskuwela sina Jun at Erica
D. bumili ng mga bagong kagamitan
Panuto: Makinig nang mabuti sa kuwentong babasahin ng guro, pagkatapos ay pagsunod-
sunurin Maraming
ang mga nakukuhang
nangyari sa pakinabang
loob ng kuwento.
sa mga gawaing-kamay. Karamihan sa mga gawaing ito
ay nagisimula lamang sa isang libangan at nauuwi sa isang hanapbuhay bagamat ginagawa
lamang sa tahanan. Ang ating mga kalakal na ginawa ng kamay ay hinahangaan din maging sa
ibang bansa. Ang mga ito’y nagpapasok ng dolyar kaya’t nakakatulong ito sa pagpapaunlad ng
ating ekonomiya.
Isang araw nagkaroon ng pagtatanghal ng iba’t ibang gawaing-kamay sa bulwagan ng
Mataas na Paaralan ng Bughaw. Maraming mga bisita at tagahatol ang dumalo. Sinuri at tiningnan
nilang mabuti ang mga nakadisplay tungkol sa iba’t ibang disenyo ng mga gawaing-kamay. Bawat
isa sa kanila ay may kaniya-kaniyang puna at papuring maririnig.
Nagkaroon ng ganitong usapan ang ilang batang mag-aaral.
“Wow! Kay galing naman ng taong gumawa nito. Makukulay at magaganda ang mga
palamuting ito dahil sa maayos na pagkakapinta,” puna ni Joed.
“Oo nga, ito ang iba’t ibang produkto ng kabibe: pantalya, chandelier, chimes, butones at
suklay,” wika ni Jerome. Sa katuwaan, hinawakan niya ang isang suklay ngunit ito ay nabitiwan
niya, tuloy napingasan ito. Ganoon na lamang ang takot ni Jerome.
Agad naming dinampot ito ni Joed at ipinaalam niya sa tagapamahala ng bulwagan.

39. Piliin ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kwento.


1. Sumang-ayon si Jerome sa papuri ni Joed sa mga gawaing-kamay.
2. Nagpapasok ng dolyar sa ating bansa ang mga gawaing-kamay
3. Ang mga gawaing ito ay nagsisimula sa isang libangan at nauwi sa isang
hanapbuhay.
4. Nagkaroon ng pagtatanghal ng iba’t ibang gawaing-kamay sa bulwagan ng paaralan.
5. Puring-puri ng isang mag-aaral ang mg magagandang palamuting itinanghal.
A. 3-5-1-2-4 C. 3-4-2-1-5
B. 3-2-4-5-1 D. 3-1-2-4-5
Panuto: Basahin at unawain ang balita. Ayusin sa tamang pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari upang makabuo ng balita.

40. Alumni ng ZAHS Namigay ng Tulong sa mga Mag-aaral


ni: Girlie Marie L. Penales

(A) Ayon kay G. Cloyd Lagyap, Koordineytor ng labis ang kanilang pasasalamat sa mainit na
tugon ng alumni sa kanilang mga proyekto kaugnay ng pagbabalik eskuwela sa darating na
ika-24 ng Agosto. Ang ZAHS ay nakatanggap na ng mga bisikleta, face masks, face shields,
mga alkohol at bitamina C na lahat ay ipamamahagi sa mga mag-aaral para makatulong sa
kanila.
(B) Naging aktibo sa pagbibigay ng tulong ang mga dating mag-aaral ng Zeferino Arroyo High
School sa Lungsod Iriga. Ito ay bilang suporta sa Brigada Eskuwela ng nasabing paaralan sa
pagsimula ng klase para sa taong 2020-2021.
(C) Inaasahang dadami pa ang donasyong matatanggap ng ZAHS sa mga susunod na araw.
Ayon naman sa punongguro na si Dr. Kudy D. Bolante, ang alumni ng kanilang paaralan ay
itinuturing nilang mga bayani dahil sa pagiging mapagmalasakit ng mga ito.
(D) Ang pagbubukas ngayon ng klase ay naantala dahil sa pandemyang naranasan ng buong
mundo sanhi ng COVID-19.
Alin ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa balita?
A. B-A-C-D C. C-D-A-B
B. A-C-B-D D. D-B-C-
Prepared By:

ELMER M. MENDOZA
RONALDO I. DALANON
Checked by:

MARY GRACE D.PADURA


Master Teacher I

Noted by:

MHELODY L. ANDAL
School Principal I
ANSWER KEY: FILIPINO 4 Q3

1. C
2. A
3. C
4. D
5. C
6. A
7. B
8. B
9. B
10. B
11. B
12. D
13. A
14. B
15. A
16. C
17. C
18. A
19. B
20. A
21. A
22. A
23. B
24. B
25. C
26. A
27. A
28. A
29. B
30. A
31. B
32. B
33. A
34. C
35. C
36. C
37. B
38. D
39. B
40. A

You might also like