You are on page 1of 4

SALAK TUTORIAL SERVICES PRACTICE/REVIEW

33 Magsaysay Avenue, Naga City TEST


Prepared by: Teacher Joy Briones
Name: __________________________________________________ Score:
_____________
Date: _______________________________
________________________________________________________________________________________

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at tukuyin kung ano ang isinasaad sa bawat bilang. Isulat sa
patlang ang titik ng tamang sagot.
_______ 1. Ito ay naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o pang-abay.
A. Pang-ugnay B. Pang-angkop C. Pang-abay
______ 2. Ito ang tawag sa mga pang-abay na nagsasabi ng dami, halaga, timbang, o sukat na ginawa, ginagawa, o
gagawin ng pandiwa sa pangungusap.
A. Panggaano B. Panang-ayon C. Pananggi
______ 3. Ito ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng pagsalungat o di pagsang-ayon tulad ng hindi, ayaw, wala,
huwag.
A. Pangatnig B. Panang-ayon C. Pananggi
______ 4. Ito ang tawag sa mga pang-abay na nagsasabi ng pakikiisa sa opinyon gaya ng oo, opo, tunay, talaga, walang
duda, totoo, sigurado.
A. Panang-ayon B. Pananggi C. Pang-agam
______ 5. Ito ang tawag sa mg pang-abay na nagsasaad ng pag alinlangan o kawalang katiyakan gaya ng tila, marahil,
siguro, baka.
A. Panang-ayon B. Pananggi C. Pang-agam
______ 6. Ito ang tala ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao.
A. Talambuhay B. Akda C. Kwentong Buhay
______ 7. Ito ang uri ng talambuhay na makatotohanan at detalyadong tala ng may-akda tungkol sa sariling buhay.
A. Talambuhay B. Pansariling Talambuhay C. Pang-ibang Talambuhay
______ 8. Ito ay pagsulat ng ibang tao sa buhay ng iba.
A. Talambuhay B. Pansariling Talambuhay C. Pang-ibang Talambuhay
______ 9. Ito ang pang-abay na nagsasaad ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa.
A. Kusatibo B. Kondisyonal C. Benepaktibo
______ 10. Ito ang pang-abay na nagsasaad ng dahilan sa pagkakagawa ng kilos sa pandiwa.
A. Kusatibo B. Panang-ayon C. Kondisyonal
______ 11. Ito ay nagsasaad ng benepisyo para sa tao dahil sa pagkakaganap sa kilos ng pandiwa o ng layunin ng kilos
ng pandiwa.
A. Kondisyonal B. Kusatibo C. Benepaktibo
______ 12. Ito ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang salita, ng dalawang parirala, o ng
dalawang sugnay sa pangungusap.
A. Pang-angkop B. Pang-ugnay C. Pang-uri
______ 13. Ito ang tawag sa kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsunod sa
pangungusap.
A. Pang-angkop B. Pang-ukol C. Pangatnig
______ 14. Ito ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
A. Pang-angkop B. Pangatnig C. Pang-ukol
______ 15. Ito ang tawag sa kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap tulad
ng ng, ni/nina, kay/kina, laban sa/kay atbp.
A. Pang-angkop B. Pangatnig C. Pang-ukol

Ikahon ang pang-abay sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay panang-ayon, pananggi, panggaano, o
pang-agam. Salungguhitan ang salita na binibigyan ng turing ng pang-abay.
___________ 16. Opo, napakaganda ng mga tanawin dito sa Palawan!
___________ 17. Tila naiinis na ang guro sa maiingay na mag-aaral.
___________ 18. Libo-libong tao ang dumalo sa programa ng munisipyo
___________ 19. Walang maidudulot na kabutihan ang panunukso.
___________ 20. Talagang laging malikot ang batang iyan!
___________ 21. Hindi nakatatawa ang mga biro mo.
___________ 22. Mabibigat ang binubuhat ni Allan kahit bata pa siya.
___________ 23. Marahil uuwi kami sa probinsiya bago mag-Pasko.
___________ 24. Sige, tutulong ako sa paggawa ng malaking parol.
___________ 25. Siguradong napakahaba ang kuwentuhan ng magkapatid.
___________ 26. Apat na beses niyang pinalo ang kaawa-awang aso.
___________ 27. Tila masyadong mabagal ang takbo ng trapiko ngayon.
___________ 28. Maraming taong nagdusa si Anna sa kamay ni Rodrigo.
___________ 29. Tiyak na mas mahusay sa pagtugtog ang pangkat natin!
___________ 30. Hindi natukoy ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Suriin ang nakasalungguhit na pang-abay sa bawat pangungusap. Isulat kung ito ay kusatibo, kondisyonal, o
benepaktibo.
____________ 31. Aalis na tayo kapag mahina na ang ulan.
____________ 32. Dahil sa iyo umiyak si Maliah.
____________ 33. Nag-aral ng mabuti si Anna upang makakuha ng mataas na marka.
____________ 34. Matitigil ang pandemya kung susunod tayo ng maayos sa patakaran.
____________ 35. Babalik na sa dati kapag nabakunahan na ang lahat.
____________ 36. Ang mag-anak ay nagmamadali upang maabotan ang huling byahe ng dyip.
____________ 37. Si Rey ay nagdurusa dahil sa pagkawala ng kanyang asawa.
____________ 38. Ang pamahalaan ang gumawa ng paraan upang makahanap ng lunas.
Bilugan ang pang-ugnay na angkop sa diwa ng pangungusap. Isulat sa linya kung ito ay pangatnig, pang-ukol, o
pang-angkop.

__________ 39-40. Mabigat ang trapiko (subalit, kaya, para sa) nahuli ako sa klase.
__________ 41-42. May mga bahay (na, ng, sa) bato na nakatayo pa sa Vigan.
__________ 43-44. May balita ka ba (para sa, tungkol sa, na) parating na bagyo?
__________ 45-46. Ang pag hahanda natin ay (alinsunod sa, ng, at) tagubilin niya.
__________ 47-48. Nagmamadaling pumunta si Ted sa istasyon (ng, ngunit, para sa) hindi niya na naabotan ang tren.

Tapusin ang bawat pangungusap. Isulat sa panaklong ang angkop na pangatnig, pang-ukol, o pang-angkop na
hinihingi.

49. Pumapanatag ang kalooban ng kliyente (pangatnig) ____________ napatunayang siya ay walang sala.
50. Makatutulog na siyang mabuti pagkatapos ng matagal-tagal (pang-angkop) _________ pagdinig sa kaso.
51. Higit na titibay ang relasyon ng pamilya (pangatnig) ____________ nalampasan nila ang isang pagsubok.
52. Tatatag din ang paniniwala nila sa Maykapal (pangatnig) ___________ sinagot Niya ang panalangin ng malinis ang
kalooban.
53. Ang batas (pang-angkop) _____________ patas sa lahat ay dapat ipatupad.
54. Magkakaroon ng kaayusan ang bansa (pangatnig) ___________ naipapatupad nang pantay ang batas.
55. Dahil naipaliliwanag ang batas, hindi nalilito ang mga tao (pang-ukol) ___________ mga susunding tuntunin.
1. C 43-44. tungkol sa- pang-ukol
2. A 45-46. alinsunod sa- pang-ukol
3. C 47-48. ngunit- pangatnig
4. A 49. kung/kapag
5. C 50. na
6. A 51. kung/kapag
7. B 52.kapag/kung
8. C 53. na
9. B 54. kung
10. A 55. tungkol sa
11. C
12. B
13. C
14. A
15. C
16. Opo-Panang-ayon
17. Tila- Pang-agam
18. Libo-libong- Panggaano
19. Walang- Pananggi
20. Talagang-Panang-ayon
21. Hindi-Pananggi
22. Mabibigat-Panggaano
23. Marahil-Pang-agam
24. Sige-Panangayon
25. Sigurado-Panangayon
26. Apat-Panggaano
27. Tila- Pang-agam
28. Maraming-Panggaano
29. Tiyak-Panangayon
30. Hindi- Pananggi
31. Kondisyonal
32. Kusatibo
33. Benepaktibo
34. Kondisyonal
35. Kondisyonal
36. Benepaktibo
37. Kusatibo
38. Benepaktibo
39-40. Kaya-pangatnig
41-42. Na-pang-angkop

You might also like