You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
DIVISION OF SULTAN KUDARAT
EAST ISULAN DISTRICT

SANAYANG PAPEL NG PAGKATUTO

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: ____________ Iskor: ____


Asignatura: Physical Education 5 Guro: ___________________________
Markahan: Ikaapat Linggo: 5-8 MELC Code: PE5RD-IIIc-h-4

Pagsayaw ng Cariñosa

A. Tuklasin

Napag-aralan mo sa nakaraang aralin ang mga pangunahing hakbang sa


pagsasayaw ng Cariñosa at mga pangunahing posisyon ng kamay, braso, at paa sa
pagsasayaw ng mga katutubong sayaw. Sa pagpapatuloy ng aralin, mapag-aaralan
mo pa ang mga hakbang sa pagsayaw ng Cariñosa. Sa tulong nitong sanayang
papel ng pagkatuto, maisasakilos mo ang mga iba’t ibang kasanayan sa pagsayaw
ng Cariñosa.

B. Suriin

Bilang pagbalik-aral, ang Cariñosa ay isang uri ng sayaw na kilala sa buong


Pilipinas. Ang salitang Cariñosa ay salitang Kastila na ang ibig sabihin ay
mapagmahal, maganda, o palakaibigan. Gamit ang pamaypay o panyo, ang mga
mananayaw ay nagsasagawa ng mga hakbang ng pagtataguan at panunukso na
nagpapahayag ng damdamin sa isa’t isa. May mga iba pang bersyon ang sayaw na
Cariñosa pero ang “Taguan” ang pinakakaraniwan sa lahat.

Tayo nang Sumayaw ng Cariñosa

Ang pangunahing hakbang ng Cariñosa ay pareho sa waltz, at ang sukat ng


3
musika ay 4 . Ang babae ay hahawakan ang kanyang palda ng isa o parehong
kamay. Sa pagsisimula ng musika, sasayaw patagilid at paharap ang babae,
sabay ikot, at uulitin lamang ito.

Kasuotan: Ang mga babae ay nakasuot ng Balintawak/patadyong o Maria


Clara. Ang mga lalaki ay nakasuot ng Barong Tagalog at pantalong
may kulay.

DSK-CID-LRMS-LAS-v1r0.0e03.09.21
Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat

Address: Kenram, Isulan, Sultan Kudarat


Telephone No.: (064) 471 1007
Website:https://depedsultankudarat.orgEmail: depedsk.r12@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII
DIVISION OF SULTAN KUDARAT
EAST ISULAN DISTRICT

Kagamitan: Pamaypay para sa mga babae; Panyo para sa mga lalaki


Musika: Binubuo ng dalawang parte, A at B
Bilang: Isa, dalawa, tatlo kada isang measure
Formation: Ang magkapareha ay nakatayong magkaharap sa isa’t isa at
magkalayo nang anim na metro. Ang mga babae ay nasa kanan
ng mga lalaki.
R – right o kanan
L – left o kaliwa

Unang Hakbang: Tatlong Hakbang at Ituro ang Kabilang Paa (Three-step


with a Point)
Musika A
a. Simula sa (R) paa, humakbang nang tatlong beses sa kanang
gilid ((cts. 1,2,3). Ituro ang (L) paa sa harap (cts. 1,2,3). Ang
(R) kamay ay nasa reverse “T” position at ang (L) kamay ay nasa
baywang. Ikumintang ang (R) kamay habang ginagawa ang
pagturo ng kaliwa (L) paa
b. Ulitin ang (a)simula ng (L) paa at papuntang kaliwang gilid.
Baliktad ang posisyon ng kamay.
c. Ulitin ang (a) at (b) nang tatlong beses

Ikalawang Hakbang : Pagturo (Pointing)


Musika B
Magkaharap ang magkapareha. Sa figure na ito, hawak ng babae ang
kaniyang palda habang nasa baywang ang mga kamay ng mga lalaki.

a. Simula sa iyong (R) paa, humakbang nang tatlong beses sa


iyong kapareha sa gitna (cts. 1,2,3). Ihakbang ang (L) paa
malapit sa iyong kanang (R) paa (ct. 1). Tumigil (cts. 2,3)
b. Gawin ang apat na touch steps sa harap, (R) paa at (L) paa (cts.
1,2,3), nang salitan. Tumingin sa isa’ isa.
c. Simula sa iyong (R) paa, humakbang nang apat na beses
papunta sa lugar ng iyong kapareha, kung saan dadaanan
ninyo ang isa’t isa sa inyong (R) balikat (cts. 1,2,3,1). Umikot
pakanan upang humarap sa isa’t isa at idikit ang (R) paa sa
iyong (L) paa (cts. 2,3).
d. Ulitin lahat (a-c) at magtatapos sa pagbalik sa iyong dating lugar.

DSK-CID-LRMS-LAS-v1r0.0e03.09.21
Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat

Address: Kenram, Isulan, Sultan Kudarat


Telephone No.: (064) 471 1007
Website:https://depedsultankudarat.orgEmail: depedsk.r12@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII
DIVISION OF SULTAN KUDARAT
EAST ISULAN DISTRICT

Ikatlong Hakbang: Magkatalikod (Back-to-back)


Musika A
a. Ang magkapareha ay magkikita sa gitna gaya ng sa Figure II (a)
(cts. 1,2,3,1). Umikot pakanan upang maging magkatalikod sa
iyong kapareha, na bahagyang nasa kanan ng iyong kapareha
(cts. 2,3). Hawak ng babae ang kaniyang palda at nasa baywang
ang mga kamay ng lalaki.
b. Ituro ang (R) paa sa harap at i-wiggle ang kanang hintuturo sa
kapareha sa may (R) balikat, ang (L) kamay ay nasa baywang (cts.
1,2). Ihakbang ang (R) paa sa gilid upang nasa gilid ka ng iyong
kapareha sa may (L) balikat, ilagay ang (R) kamay sa baywang (ct. 3).
Ulitin nang tatlong beses, Ituro ang L, R, L napaa at i-wiggle ang (L),
(R), (L) na hintuturo sa iyong kapareha. Nakatayo ang magkapareha
nang magkadikit ang kanilang (R) balikat habang i-wiwiggle ang (R)
na hintuturo sa kapareha at sa kanilang (L) balikat habang i-wiwiggle
ang (L) na hintuturo sa kanilang kapareha. Ang libreng kamay ay
nakalagay sa baywang.
c. Umikot pakanan at magpalitan ng lugar gaya ng sa figure II (c)
d. Ulitin lahat (a-c) at magtatapos sa pagbalik sa inyong dating
lugar.

Ikaapat na Hakbang : Taguan sa Pamaypay (Fanning)


Musika B
a. Magkikita ang magkapareha sa gitna gaya ng sa Figure II (a)
b. Bubuksan ng babae ang hawak niyang pamaypay gamit ang (R)
kamay. Ituro ang (R) paa sa harap at takpan ang mukha gamit
ang pamaypay, ang (L) kamay ay hawak ang palda (cts. 1,2).
Hahakbang ang babae gamit ang (R) paa padikit sa kaniyang (L)
paa (ct. 3). Uulitin ito nang tatlong beses, habang ginagawa ang
pagturo ng (L), (R), (L) na paa. Tatakpan niya ang kaniyang
mukha gamit ang pamaypay sa ct. 1,2 sa bawat measure (3M).
Ang lalaki naman ay ituro ang (R) at (L) paa nang salitan sa
harap at titingnan ang babae mula sa ilalim ng pamaypay (cts.
1,2,3). Mananatili ang kaniyang kamay sa baywang.
c. Magpapalitan ng lugar ang magkapareha gaya ng sa Figure II (c)
d. Ulitin lahat (a-c), magtatapos sa pagbalik sa dating lugar.

DSK-CID-LRMS-LAS-v1r0.0e03.09.21
Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat

Address: Kenram, Isulan, Sultan Kudarat


Telephone No.: (064) 471 1007
Website:https://depedsultankudarat.orgEmail: depedsk.r12@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII
DIVISION OF SULTAN KUDARAT
EAST ISULAN DISTRICT

Ikalimang Hakbang: Pagluhod at Pagpaypay (Kneeling and Fanning)


Musika A
a. Simula sa iyong (R) paa, humakbang nang tatlong beses paunta
sa gitna. Hawak ng babae ang kaniyang palda at nasa baywang
naman ang kamay ng lalaki (cts. 1,2,3). Lumuhod ang lalaki sa
kaniyang (R) tuhod habang maglalakad ang babae sa may kanan ng
lalaki at tatayo sa likod niya at nakaharap sa parehas na direksiyon.
Nasa baywang ang mga kamay ng lalaki at palda para sa babae (cts.
1,2,3)
b. Babae – Ituro ang (R) at (L) paa nang apat na beses nang salitan
habang tinatap (R) at (L) na balikat ng lalaki gamit ang
pamaypay na nakasara. Ang malayang kamay (free hand) ay
nasa palad.
Lalaki – Titingin sa kaniyang kapareha mula sa kaniyang (R) at
(L) balikat nang salitan. Ang parehas na kamay ay nasa
baywang.
c. Ang babae ay iikot pakanan habang ang lalaki ay tatayo
papunta sa lugar ng babae gaya ng sa Figure II (c).
d. Ulitin lahat (a-c).

Pang-anim na Hakbang: Taguan sa Panyo (Hide-and-Seek with Handkerchief)


Musika B
a. Magkikita ang magkapareha sa gitna gaya ng Figure II (a) (cts.
1,2,3). Kukuhain ng lalaki ang panyo mula sa kaniyang bulsa.
Hahawakan ng magkapareha ang panyo sa magkabilang dulo
nito sa isang perpendikular na posisyon at sa gitna ng kanilang
mga mukha, kung saan ang kamay ng lalaki ay nasa bandang
itaas ng kaniyang mukha (cts. 1,2,3).
b. Ituturo ng magkapareha ang (R) at (L) paa nang salitan nang
apat na beses gaya ng sa figure II (b). Babaliktarin ang panyo sa
bawat measure, kung saan sa isang measure, ang kamay ng
lalaki ay nasa itaas habang tinituro ang (R) paa at sa susunod
na measure, ang kamay ng babaae ang nasa itaas habang
tinituro ang (L) paa. Kapag ang kamay ay nasa ibaba, titingnan
ang kapareha sa ibaba at kung ang kamay ay nasa itaas,
titingnan ang kapareha sa itaas ng panyo.

DSK-CID-LRMS-LAS-v1r0.0e03.09.21
Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat

Address: Kenram, Isulan, Sultan Kudarat


Telephone No.: (064) 471 1007
Website:https://depedsultankudarat.orgEmail: depedsk.r12@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII
DIVISION OF SULTAN KUDARAT
EAST ISULAN DISTRICT

c. Bibitawan ng babae ang panyo. Magpapalitan ng lugar ang


magkapareha gaya ng sa Figure II (c).
d. Ulitin lahat (a-c) at magtatapos sa pagbalik sa dating puwesto.
Sa pagtatapos ng figure ay kukuhain ng babae ang panyo.

Pang-pitong Hakbang: Lambingan Gamit ang Panyo (Flirting with


Handkerchief)
Musika A
Tandaan: Kung isang pares lamang ang sumasayaw, maaari silang pumunta
saanmang direksyon basta matatapos sila sa dating puwesto sa pagtatapos
ng figure.
a. Iikot ang magkapareha sa (R) balikat ng isa’t isa. Simula sa (R)
paa, gawin ang walong waltz steps paharap, papunta sa
direksyong clockwise. Babae – hahawakan ang panyo sa isang
dulo at ipapatong ito sa kaniyang (R) at (L) balikat nang salitan
sa bawat measure habang lumilingon sa lalaki. Ang lalaki
naman ay susunod sa babae, kunwaring inaabot ang panyo ng
kaniyang (R) at (L) kamay nang salitan.
Umiikot pakanan at ulitin ang (a) sa direksiyong counterclockwise at
ang babae ang magsisimula muli. Magtapos sa pagbalik sa dating
puwesto.

Pangwalong Hakbang: Lambingan (Flirting)


Musika A
a. Simula sa (R) paa, gawin ang dalawang waltz steps upang magkita sa
gitna. Ang mga braso ng babae ay nasa lateral position papunta sa
magkabilang gilid. Nasa baywang naman ang mga kamay ng lalaki
b. Ang magkapareha ay gagawin ang anim na waltz steps paharap, na
ang babae ang nasa unahan, papunta sa direksiyong clockwise.
Parehas ang posisyon ng kamay gaya ng sa (a), ngunit ang mga daliri
ng mga babae ay isa-isang igagalaw nang mabilis nang sunod-sunod
(fluttering) habang nililingon niya ang lalaki sa kaniyang (R) at (L)
balikat nang salitan. Sinusundan naman ng lalaki ang babae.

DSK-CID-LRMS-LAS-v1r0.0e03.09.21
Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat

Address: Kenram, Isulan, Sultan Kudarat


Telephone No.: (064) 471 1007
Website:https://depedsultankudarat.orgEmail: depedsk.r12@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII
DIVISION OF SULTAN KUDARAT
EAST ISULAN DISTRICT

c. Umikot pakanan. Ulitin ang (b) sa direksiyong counterclockwise. Nasa


unahan naman ngayon ang lalaki. Hawak ng babae ang kaniyang
palda at mga braso naman ang lalaki ay nasa lateral position,
igagalaw muli nang mabilis ang mga daliri nang sunod-sunod
(fluttering), at paminsan-minsang kinikindatan ang babae. Sa
pagtatapos, magkatabi ang magkapareha, ang babae ay nasa kanan
ng lalaki.

Saludo
Gawin ang isang three-step turn pakanan sa iyong puwesto at yumuko sa
isa’t isa. Hawak ng babae ang kaniyang palda habang nasa baywang naman ang
mga kamay ng lalaki.

C. Mga Gawain sa Pagkatuto

Activity 1 – Tamang Sagot!

Panuto: Unawain ang bawat tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat ang letra ng
iyong sagot sa sagutang papel.

_____1. Anong kasanayan ang gagawin sa unang hakbang ng sayaw na Cariñosa?


a. Pag-waltz
b. Pagwagayway ng kamay sa pataas
c. Paglambingan gamit ang panyo
d. Pagsagawa ng three-step with a point at kumintang

_____2. Sa aling hakbang isasagawa ang waltz?


a. I at II c. VI at VII
b. IV at V d. VII at VIII

_____3. Alin ang gagawin sa ikaapat na hakbang?


a. taguan sa panyo
b. taguan sa pamaypay
c. pagluhod at pagpaypay
d. lambingan gamit ang panyo
DSK-CID-LRMS-LAS-v1r0.0e03.09.21
Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat

Address: Kenram, Isulan, Sultan Kudarat


Telephone No.: (064) 471 1007
Website:https://depedsultankudarat.orgEmail: depedsk.r12@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII
DIVISION OF SULTAN KUDARAT
EAST ISULAN DISTRICT

_____4. Alin ang gagawin sa ikatlong hakbang?


a. magkatalikod
b. taguan sa panyo
c. lambingan gamit ang panyo
d. tatlong hakbang at ituro ang isang paa

_____5. Paano gagawin ang saludo ng sayaw na Cariñosa?


a. Humarap sa kapareha at yumuko.
b. Humarap sa kapareha, buksan ang paypay, at yumuko.
c. Gawin ang three-step turn pakanan sa puwesto, at yumuko.
d. Mag-waltz ng tatlong beses, umikot pakanan, at yumuko.

Acivity 2 – Tayo na’t Sumayaw!

Panuto: Ngayon, masusukat ang iyong kakayahan sa pagsasayaw. Itanghal ang


kabuuan ng sayaw na Cariñosa at kumaha ng maraming larawan kasama ang
isang miyembro ng pamilya na siyang magiging kapareha. Kayo ay bibigyan ng
marka, ayon sa pamantayan na nasa ibaba. Samantala, kung wala kayong camera,
suriin na lamang ang iyong kakayahan gamit ang mga pamantayan sa ibaba.

D. Pamantayan sa Pagwawasto

PAMANTAYAN 5 3 1
Nasaulo ang sayaw Nakasaulo ng 4 Nakasaulo ng 2-3 Nakasaulo ng 1
na figures. na figures. figure.
Posisyon ng Sayaw at Tamang Ilang mga Kunting
galaw pagsayaw at hakbang sa hakbang sa
galaw paggalaw ay sayaw ay
naisakatuparan naisakatuparan
nang maayos nang maayos
Musika 4 figures ay 2-3 figures ay 1 figure ay
naisayaw ayon na medyo naisayaw naisayaw na may
may ritmo na may ritmo ritmo
Pagganap Sumayaw na may Sumayaw na may Sumayaw nang
ekspreyon, kadalian at walang
kadalian, at kahusayan. ekspresyon at
kahusayan. may kahirapan.
KABUUAN

DSK-CID-LRMS-LAS-v1r0.0e03.09.21
Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat

Address: Kenram, Isulan, Sultan Kudarat


Telephone No.: (064) 471 1007
Website:https://depedsultankudarat.orgEmail: depedsk.r12@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII
DIVISION OF SULTAN KUDARAT
EAST ISULAN DISTRICT

D. Sanggunian

__________ “ Execute Different Skills involved in dancing” Accessed, May 10, 2021.
https://www.youtube.com/watch?v=NFjJ9_L3vhg

_________”Ebolusyon ng Sayaw” accessed May 12, 2021.


https://ranaostar.blogspot.com/2014/06/ebolusyon-ng-sayaw.html

Maria Norliza L. Lubiano “KATUTUBONG SAYAW” accessed May 8, 2021 2021.


http://fili3.blogspot.com/

________ “Pambansang Sayaw: Cariñosa” accessed, May 12, 2021.


https://proudpinoysite.wordpress.com/2017/11/12/sagisag-ni-juan/carinosa/

Mac Plamenio “ Paano sayawin ang Carinosa” accessed, May 12, 2021.
https://brainly.ph/question/1382146

Mitchie D. Rosete. “Sumayaw para sa Kakayahang Pangkatawan” , accessed May


10, 2021 https://www.sannicolasilocosnorte.com.ph/file/g5/PE-5-Q3-Mod2-Week-
2-4-MELC03-04-Rosete-Mitchie-D.%20finalredz%20(1).pdf

Bumuo sa Pagsulat ng LAS

Manunulat: Uldarico H. Marcella, Jr.


Editor at Tagasuri: Ronald F. Ramirez
Tagamasid Pampurok: Rima D. Magdayao, PhD
Paaralan: Kalawag Central School
Distrito: Silangang Isulan

DSK-CID-LRMS-LAS-v1r0.0e03.09.21
Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat

Address: Kenram, Isulan, Sultan Kudarat


Telephone No.: (064) 471 1007
Website:https://depedsultankudarat.orgEmail: depedsk.r12@deped.gov.ph

You might also like