You are on page 1of 11

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 12
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Pananaliksik
sa Akademikong Pagsulat

Unang Markahan
Ikatlong Linggo
Modyul 3
Kasanayang Pampagkatuto:
Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa
ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na
ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin Panimulang Pananaliksik sa
Iba’t Ibang Anyo
1 ng Akademikong Pagsulat

Inaasahan

Kumusta ka na? Nakatutuwang malamang nagkaroon ka na nang


malalim na kabatiran sa iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin! Nasisiguro
kong hindi na bago sa iyo ang mga anyo ng sulating akademiko at sa tulong
ng modyul 2, nagkaroon ka ng malinaw na ideya sa mga anyo ng sulating iyo
nang nabasa sa nakalipas na mga baitang. Sa modyul namang ito,
mauunawaan mong may iba’t ibang pamamaraan at pananaliksik sa
akademikong sulatin.
Pagkatapos sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng
kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating
akademiko.

Unang Pagsubok

Panuto: Bago mo pa simulan ang mga gawain sa modyul na ito, susubukin


muna ang iyong kaalaman sa paksa. Basahin at sagutin ang
sumusunod na mga katanungan, isulat ang sagot sa kwaderno.

1. Isa sa maituturing na malaking kasalanan sa anumang anyo ng sulatin


ay ang pangongopya at walang pormal na pagkilala sa tunay na awtor
ng mga konseptong iyong kinuha. Dahil dito, maaari kang patawan ng
parusang:
A. Libelo
B. Slander
C. Forgery
D. Plagiarism

2. Para maiwasan ang anumang uri ng kasalanan sa hindi pagkilala sa


tunay na awtor o may ideya sa orihinal na konsepto, alin sa mga anyo
ng sulatin ang dapat na isaalang-alang?
A. Teknikal na Pagsulat
B. Malikhaing Pagsulat
C. Propesyonal na Pagsulat

3
D. Reperensiyal na Pagsulat

3. Kung nais gamitin ang mga direktang pahayag o mismong mga


pangungusap (verbatim) ng hanguang detalye, nararapat lamang na
A. Isama ang awtor at petsa ng sulatin.
B. Lagyan lamang ng panipi (quotaion mark) ang siping pahayag.
C. magkaltas ng ilang hindi mahahalagang salita.
D. sikaping baguhin ang mga salita sa orihinal na teksto.

4. Hindi mo sinusukuan ang paghahanap ng mahahalagang impormasyon


para lamang maibilang mo ito sa iyong akademikong pagsulat. Taglay
mo ang katangiang
A. kritikal.
B. matapat.
C. matiyaga.
D. sistematiko.

5. Walang paglalangkap ng anumang damdamin sa iyong isinusulat, may


pagtitimbang o walang biased, at obhetibo sa lahat ng pagkakataon.
Taglay mo ang katangiang
A. maingat.
B. kritikal.
C. matiyaga.
D. sistematiko.

Balik-Tanaw

Panuto: Magtala sa kwaderno ng mga pamamaraan ng isang indibiduwal sa


paghahanda niya ng kaniyang mga sulatin, lalo pa’t nabibilang siya
sa isang larang/disiplina (halimbawa: reporter, field researcher,
awtor ng editoryal, manunulat ng blog, atb.)

ILAN SA MGA PAGHAHANDA


SA AKADEMIKONG PAGSULAT
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4
Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Sa nakaraang modyul ay nabatid mo na ang iba’t ibang anyo ng


akademikong pagsulat. Ngayon naman, mababatid at maisasaalang-alang mo ang
iba’t ibang pamamaraan at paghahanda ng pananaliksik ng sinumang
nagsasagawa ng akademikong pagsulat.

Mga Dapat na Isaalang-alang sa Paghahanda at Pananaliksik


ng Akademikong Pagsulat
1. Katangian ng Mananalilsik/Manunulat
2. Etika at Responsibilidad ng Mananaliksik/Manunulat
3. Pag-iwas sa Plagiarism: Krimen sa Akademikong Pagsulat

Mga Dapat na Isaalang-alang sa Paghahanda ng Akademikong Pagsulat

1. Katangian ng Mananaliksik/Manunulat
Marapat lamang na angkinin ng kahit sinumang manunulat o
mananaliksik ang sumusunod na mga katangian, lalo sa paghahanda
ng kritikal na mga dokumento at artikulo:
a. Matiyaga – walang katapusan ang paghahanap ng mahahalagang
mga datos na makatutulong sa kaniyang sulatin, ito man ay sa
lehitimong mga personalidad, institusyon at mga nakalimbag na
materyal.
b. Sistematiko – may tamang pag-iiskedyul at pagsasaayos ng mga
appointment sa kakapanayamin at/o pupuntahang mga lugar.
Mahalaga ang tamang pagbabalangkas ng oras sa pananaliksik.
c. Maingat – mahigpit na isinasaalang-alang ang balidasyon ng facts
o datos ng pananaliksik, kredibilidad ng mga pinaghanguan ng
detalye (kung ito ba ay mapagkakatiwalaan at eksperto na sa
partikular na larang/disiplina), may pagtitimbang sa mga panig
ng pagsisiyasat o walang biased pagdating sa paglalahad ng
detalye, higit sa lahat ay ang malinaw na paglalahad ng motibo,
kongklusyon, puna, rekomendasyon sa isinagawang
pananaliksik.
d. Kritikal – hindi lahat ng nakalap na datos ay isinasama sa
pananaliksik. Mainam na maging mapanuri ang mananaliksik
kung ang nakuhang datos ba ay napapanahon, may relevance o
kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik, may kabuluhan sa
susunod pang mga mananaliksik, at higit sa lahat
mapakikinabangan ng sinumang nag-aaral ng partikular na
larang. Hindi lamang basta-basta tumatanggap ng mga datos,

5
manapa’y sinusuri, sinisiyasat, at pinaglilimiang mabuti ang
kabuluhan ng mga nakalap na datos. Mahusay siya sa pag-
aayaw-ayaw ng mga detalye.
e. Matapat – walang itinatagong pagkilala sa mga orihinal na ideya
mula sa pinaghanguang mga datos. Hindi inaangkin ng
manunulat na ang kaniyang mga nakuhang datos ay pagmamay-
ari niya at may iba nang personalidad/institusyon ang
nagmamay-ari na nito.

2. Etika at Responsibilidad ng Mananaliksik/Manunulat


Sa kahit na anong sitwasyon, marapat lamang na isaalang-alang ng
kahit na sinuman ang “kagandahang-asal” at “wastong pag-iral” sa
pakikitungo sa kapwa. Ganito rin sa pagsulat at pananaliksik. Narito
ang mga etika at responsibilidad ng mananaliksik/manunulat:
a. Kilalanin na ang mga ideyang inilagay sa pananaliksik/pagsulat
ay hindi nanggaling sa iyo o may orihinal ng nagmamay-ari ng
mga ito.
b. Huwag basta-basta kumuha ng mga datos ng walang permiso sa
mga mapagkakatiwalaang tao/institusyon. Lumiham, tumawag
sa telepono o mobile, mag-email at ayusin ang iskedyul bago ang
itinakdang panayam.
c. Magpokus lamang sa paksa ng interbyu. Iwasang langkapan ng
personal at negatibong pagsipat ang mga obserbasyon.
d. Pagtiyagaang daanan ang proseso ng pagsulat. Huwag
manipulahin ang mga datos at pagsikapang kunin ang mga
detalye sa tamang panahon at pagkakataon.
e. Huwag na huwag dayain ang mga impormasyon. Masusukat dito
ang integridad at kredibilidad ng mismong gumagawa ng
pananaliksik. Maging obhetibo sa lahat ng pagkakataon.

3. Pag-iwas sa Plagiarism: Krimen sa Akademikong Pagsulat


Isang kalapastanganan sa akademikong pagsulat ang pagkopya
ng mga konsepto at ideya, pagsipi ng mga orihinal na gawa nang walang
pagkilala at/o paghingi ng pahintulot sa tunay na mga may-akda.
Plagiarism ang tawag dito. Paano maiiwasan ang plagiarism?
a. Lagi’t lagi, isama ang pangalan ng awtor/institusyon at petsa ng
pagkakasulat ng mga dokumento.
b. Iwasan ang maya’t mayang pagsipi sa mismong pahayag
(verbatim). May iba’t ibang uri ng pagtatala (buod o presi, halaw,
mula active patungong passive voice, at marami pang iba). Muli,
kilalanin at isama ang pangalan ng awtor at petsa ng
pagkakasulat/pagkakalathala ng datos o ideya.

6
Gawain 1

Panuto: Ngayong nalaman mong may mga dapat na isaalang-alang sa


pananaliksik at paghahanda ng akademikong sulatin, muling balikan
ang inyong nakalipas na mga pamamaraan sa pagkalap ng datos na sa
tingin mo’y dapat nang baguhin at palitan. Talakayin ito sa
pamamagitan ng malayang diskusyon kasama ang kapartner na
kamag-aral na pinili mo sa tulong ng messenger o text. Gawing batayan
sa pagsagot at pagtalakay ang talahanayan sa ibaba.

SA PAGHAHANDA NG AMING PANANALIKSIK AT PAGKALAP NG DATOS

KUNG DATI’Y . . . NGAYON NAMAN,


SISIKAPIN NAMING…

RUBRIK SA PAGMAMARKA

20 15 10 5

Makatotohanan Kumpleto sa Bahagyang Hindi nakasunod


ang makabuluhan pagpapaliwanag ang impormasyon lamang sa hinihinging
ang pagtalakay. naging pagtalakay. ang inilahok sa impormasyon ang
pagtalakay. talakay.

Gawain 2

Panuto: Isulat sa kwaderno ang iyong maipapayo sa iyong kamag-aaral na


nagsasagawa ng pamantayan sa pananaliksik at akademikong
pagsulat?
Ilahad mo rin kung paanomo sila mahihikayat na maging

7
responsable sa pagsulat ng pananaliksik at iba pang mahahalagang
dokumento?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Tandaan

Lagi nating isasaalang-alang na ang epektibong mga sulatin gaya ng


pananaliksik at iba pang akademikong pagsulat ay nakasalalay sa
magagandang katangian ng mismong manunulat at ang kaniyang
malawak na kasanayan sa pagsulat. Huwag ding kaliligtaan na
mahalagang salik ang pagsangguni sa mapagkakatiwalaang
tao/eksperto/institusyon sa piling mga larang at disiplina, na siyang
magsisilbing giya at gabay sa mabisa at episyenteng pagsulat.

Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Isulat sa kwaderno ang iyong natutuhan tungkol sa


paghahanda at panimulang pananaliksik sa akademikong
pagsulat.

Mahalagang matutuhan ang mga paghahanda at


pananaliksik sa iba’t ibang anyo ng akademikong pagsulat
sapagkat___________________________________________________
______________________________________________________________
______________________.

8
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga katanungan.


Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.
1. Regular na tinitiyak ng Komisyon sa Wikang Filipino ang mga wikang
kailangang sagipin sa iba’t ibang panig ng arkipelago. Kaya naman,
nagsasagawa sila ng pananaliksik sa pamamagitan ng personal na
pagtungo sa mga lalawigan at liblib na pook upang kumustahin ang
native speaker ng partikular na wika. Taglay nila ang katangiang
A. maingat
B. matapat
C. matiyaga
D. sistematiko
2. Walang sinasayang na panahon si Sandra Aguinaldo, reporter ng GMA-
7 sa pagkalap ng mga datos at impormasyon sa tiyak na panahon at
pagkakataon. Alin sa mga sumusunod na katangian ng mananaliksik
ang ipinamalas ni Sandra Aguinaldo?
A. Maingat
B. Matapat
C. Matiyaga
D. Sistematiko
3. Sa tuwing magsasagawa ng live webinar si Prop. David San Juan ng De
La Salle University, lagi niyang binabanggit ang orihinal na mga awtor
at manunulat ng isang partikular na konsepto o ideya. Anong katangian
ng mananaliksik ang taglay ni Prop. San Juan?
A. Maingat
B. Matapat
C. Matiyaga
D. Sistematiko
4. Upang hindi makasuhan ng plagiarism, laging isaalang-alang sa pagsipi
ng mga tala ang________________
A. hindi pagkopya ng tuwirang sabi sa lahat ng pagkakataon.
B. pangalan at petsa ng orihinal na awtor.
C. wastong pagbubuod/rephrasing ng mga tala.
D. lahat ng nabanggit
5. Ang sumusunod ay maituturing na mabuting etika sa pananaliksik at
pagsulat ng mga akademikong tala maliban sa______________.
A. bigyang-pansin ang datos sa halip na personal na pananaw.
B. magsumikap sa pagkalap ng datos gaano man ito kahirap.
C. kilalanin sa tuwina ang ideya ng mga orihinal na awtor.
D. sadyain ang mga kapapanayamin kahit na walang abiso.

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Ano ang kapakinabangan sa iyo ng mga nabanggit na etika sa pagsulat bilang mag-
aaral ng pananaliksik at akademikong sulatin? Sagutin ito sa iyong kwaderno.

9
Sanggunian
Garcia, F. C. at Servillano, M. T. (2017). Filipino sa Piling Larang (Akademik).
Quezon City: SIBS Publishing House, Inc.
Julian, A. Lontoc, N. B. (2016). Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan
(Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
San Juan, D. M. M. at Briones, J. K. R. (2017). SALIMBAY: Filipino sa Larangang
Akademiko. Makati City: Salesiana Books Don Bosco Press.
Santos, C. L. at Corazon, G. P. (2016). Filipino sa Piling Larang Akademik.
Pasig City: DepEd Bureau of Learning Resources.

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Candelaria C. Santos, MT II


Lorena S. Club, MT II

Manunulat: Jamil Q. Carvajal, TIII

10
Susi sa Pagwawasto
Filipino 12
Filipino Sa Piling Larang (Akademik)
Unang Markahan-Ikatlong Linggo
Modyul 3

Gawain 1 :
Unang Pagsubok Pangwakas na
Maaaring magkaiba-iba Pagsusulit
1. D
ng sagot. Sumangguni
2. D
sa Pamantayan sa 1. C
3. A
4. C Pagmamarka 2. D
5. A 3. B
4. D
Gawain 2/Papel sa 5. D
Replektibong
Pagkatuto
Maaaring magkaiba-iba
ang sagot ng mga mag-
aaral.

11

You might also like