You are on page 1of 5

Isang Masusing Banghay Aralin sa

Araling Panlipunan III


I. Layunin
Pagkatapos ng 30-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy na ang rehiyon ay binubuo ng mga lalawigan;
B. Naipagmamalaki ang sariling lalawigan; at
C. Naguguhit ang ibat-ibang lalawigan sa Rehiyon Dalawa.

LC: AP3EAP-IVe-10
Natutukoy na ang rehiyon ay binubuo ng mga lalawigan na may sariling pamunuan.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Natutukoy na ang Rehiyon ay binubuo ng ibat-ibang lalawigan sa Rehiyong II-Lambak ng
Cagayan
B. Kagamitan: Mga larawan at marker
C. Sangunian: AP-CG.pdf (deped.gov.ph) Rehiyon 2 | PDF (scribd.com)

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral

Bago natin simulan an ating panibagong talakayan,


atin munang balikan ang gating mga napag-aralan
sa ating nakaraang paksa/ leksyon.

Sa pagbuo ng isang lalawigan mayroon itong


sinusundan mga proseso. Sino ang
makapagbibigay kung anu-ano ang mga tinalakay
nating mga proseso? Pagsuri ng sukat, populasyon, at kita ng isang lugar.

Ano pa? Pagpapasya sa Lokal na pamahalaan.

Ano pa? Pagpasa sa Kongreso

At ang panghuli, ano ito? Pirma ng Pangulo


2. Pagganyak

Ngayon, may inihanda akong awitin. Ang awiting


ito ay pinamagatang “Himig ng Rehiyong
Dalawa”. Sabay-sabay natin itong awitin at ito ay
inyong pakinggang maigi sapagkat kailangan
niyong masagot ang mga sumusunod na mga
tanong.

1. Ano ang rehiyon na nabanggit sa awitin?


2. Anu-ano ang mga lalawigan nabanggit?
3. Mula sa mga lalawigang nabanggit, saang
lalawigan tayo nabibilang?

Himig ng Rehiyong Dalawa

Lupang banal at ubod ng yaman


Sa dibdib mo’y kay tamis
Buhay at aming katapatan
Handog at alay sa iyo
Mutya ng Ikalawang Rehiyon
Pugad ng ligaya at tagumpay
Ang himig na ito ay alay sa iyo
Tayo’y magkaisa, bandila’y itanghal
Rehiyong Dalawa

Tayong lahat ay magbalikatan


Sandigan ng ating bayan
Batanes, Tuguegarao, Cauayan, Isabela,
Quirino, Vizcaya, Santiago, Ilagan, Cagayan
Taas noong ipagdiwang nating lahat
Puri at kagitingang tunay
Quirino, Vizcaya, Batanes, Ilagan, Cagayan,
Tuguegarao, Cauayan, Santiago, Isabela
Rehiyong Dalawa
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad

Mula sa awitin, ating sagutin ang mga katanungan


kanina.

1. Ano ang rehiyon na nabanggit sa awitin? Rehiyong Dalawa

2. Ano-ano ang mga lalawigan nabanggit? Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.

3. Mula sa mga lalawigang nabanggit, saang


lalawigan tayo nabibilang? Lalawigan ng Isabela.
2. Pagtatalakay

Sino ang nakakaalam kung saang rehiyon tayo


nabibilang? Rehiyong Dalawa

Ang rehiyong dalawa ay nahahati sa ibat-ibang


lalawigan. Ito ay ang Batanes, Cagayan, Isabela,
Nueva Vizcaya at Quirino.

Ang Rehiyong Dalawa ay tinatawag na Lambak ng


Cagayan. Ito ay matatagpuan sa hilagang-silangan
ng Pilipinas, sa pagitan ng kabundukang
Cordilleras at ng Sierra Madre.

Ngayon naman ay ating tutukuyin isa-isa ang


limang lalawigan ng rehiyon dalawa.

1. Batanes- Ito ang pinakahilaga sa Luzon. Ivatan


ang tawag sa mga taga-Batanes na itinuturing
pinakamatanda sa Pilipinas. Ang kanilang
pamumuhay ay pagsasaka at pangingisda. Ang
mga Ivatan ay naninirahan sa mga bahay na
gawa sa bato. Narito ang ilan sa mga
magagandang tanawin sa Batanes. Isa rito ang
Chawa viewdeck, Basco Lighthouse, Mahayaw
Arch, Vayang Rolling Hills, at marami pang
iba.
2. Cagayan- Nagmula ang pangalan na Cagayan
sa halaman na kung tawagin ay “Tagay” kung
kaya ang “Catagayan” na ang ibig sabihin ay
“lugar kung saan ang halamang tagay ay
tumutubo”. Pinaikli sa “Cagayan” ang
kasalukuyang pangalan ng lalawigan. Ang
kanilang pamumuhay rito ay pagmimina,
pangingisda at pagsasaka. Narito naman ang
ilan sa mga magagandang tanawin sa Cagayan.
Palaui Island, Nangaramoan Beach, Callao
Cave, Blue Water falls and Cave, at marami
pang iba.
3. Isabela-lalawigan na kung saan tayo ay
nakabilang. Ito ay ipinangalan sa Reyna ng
Espanya na si Reyna Isabela II. Ito ang
pinakamalaking lalawigan sa Hilagang Luzon
at ang ikalawang pinakamalaking lalawigan sa
Pilipinas. Ang karaniwang hanap buhay rito ay
pagmimina, pagsasaka, pagtotroso, at
pangingisda. Narito ang ilan sa mga
magagandang tanawin sa ating lalawigan at
tiyak na ilan sa mga ito ay napuntahan niyo na.
Narito ang Ilagan Sanctuary, Abuan River,
Blue Lagoon in Palanan, Magat Dam, at
marami pang ibang magagandang tanawin sa
ating lalawigan. Meron ba kayong ibang alam
maliban sa mga nabanggit? Meraki
Dicotcotan Beach
Dibulo falls

4. Nueva Vizcaya- Ang karaniwang kanapbuhay


rito ay pagsasaka at pagmimina. Ang ilan sa
mga magagandang tanawin sa lalawigan ng
Nueva Vizcaya ay Imugan Falls, Lower Magat
Eco-Tourism Park, Saint Dominic Cathedral,
Mt. Ugo/Mt. Ugu at marami pang iba.
5. Quirino- Ipinangalan ito kay Elpidio Quirino,
ang ika-anim na pangulo ng Pilipinas. Dating
bahagi ng lalawigan ng Nueva Vizcaya ang
Quirino, hanggang sa hiniwalay ito noong
1996. Ang pangunahing pamumuhay rito ay
pagmimina at pagsasaka. Narito ang mga ilan
sa magagandang tanawin na matatagpuan sa
lalawigan ng Quirino. Ang ilan sa mga ito ay
Governor’s Rapids, Siitan River, Quirino
Watersports Complex, Landingan Viewpoint at
marami pang iba.
C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

Batay sa ating tinalakay, anong rehiyon tayo


nabibilang? Rehiyon Dalawa

At tinatawag din itong? Lambak ng Cagayan

Ilang lalawigan meron ang rehiyon dalawa? Lima

Ano ang bumubuo sa isang rehiyon? Binubuo ng mga lalawigan ang isang rehiyon.

Maaari niyo bang ibigay ang limang lalawigan sa


rehiyon dalawa? Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.
Mula sa limang lalwigan, saang lalawigan tayo
nabibilang? Lalawigan ng Isabela.
Bilang isang kasapi/mamamayan sa iyong sariling
lalawigan o ang lalawigan ng Isabela, paano mo ito
maipagmamalaki sa iba? Masisipag ang mga taong nakatira rito
Maraming magagandang pasyalan
Mababait
Masiyahin

Magaling! Inyong tatandaan na tayo ay nabibilang


sa Rehiyon Dalawa o ating tinatawag na Lambak
ng Cagayan at ang ating rehiyon ay nahahati mula
sa ibat-ibang lalawigan na kung saan ito ay ang
Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at
Quirino.
2. Paglalapat

Pangkatang Gawain
PANUTO: Tingnan at suriing mabuti ang apat
na larawan at tukuyin kung anong lalawigan
ang tinutukoy nito.
Pangkat 1

Pangkat 2

Pangkat 3

Pangkat 4
Pangkat 5

IV. Pagtataya
PANUTO. Punan ang mga patlang upang makumpleto ang pangungusap. Pumili ng
tamang sagot sa kahon.

QUIRINO ISABELA

BATANES CAGAYAN

NUEVA VIZCAYA LAMBAK NG CAGAYAN

1. Ang Rehiyon Dalawa ay tinatawag ding __________.


2. Ang pasyalan na Governor’s Rapid ay matatagpuan sa lalawigan ng ________.
3. Lalawigan ng _________ ang pinakahilaga sa Luzon.
4. Ang lalawigan ng __________ ay pinakamalaking lalawigan sa Hilagang Luzon.
5. Sa lalawigan ng ________ matatagpuan ang pasyalan na Lower Magat.

V. Takdang Aralin

PANUTO: Iguhit ang ibat-ibang lalawigan sa Rehiyon Dalawa. Ayusin ito ayon sa
pagkakaayos nito sa mapa ng Rehiyon Dalawa. Gumamit ng magkakaibang kulay sa bawat
lalawigan.

You might also like