100% found this document useful (2 votes)
175 views13 pages

Ram Epp5

Uploaded by

louiejealm
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (2 votes)
175 views13 pages

Ram Epp5

Uploaded by

louiejealm
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

5

EDUKASYONG PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN
REGIONAL ACHIEVEMENT MEASURE (RAM)

Ang proyektong RAM (Regional Achievement Measure) ay


pinagtutulungang gawain ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon VI-
Kanlurang Visayas, West Visayas State University (WVSU) at Iloilo
Science and Technology University (ISAT-U).
Ang inyong puna ay lubos na pinahahalagahan. Mangyaring
ipadala ang inyong komento at suhestiyon sa Panrehiyong
Tanggapan ng Kagawaran ng Edukasyon sa region6@deped.gov.ph.

REGION VI – WESTERN VISAYAS


Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot sa mga katanugan. Itiman
ang bilog ( ) ng tamang sagot na makikita sa sagutang papel.

Home Economics
1. Naghahabulan si Sheena at ang kaniyang kapatid nang aksidente
niyang naapakan ang kaniyang puting palda at ito ay naputikan.
Paano pangangalagaan ni Sheena ang kanyang damit
upang mapanatili itong maputi at malinis?

A. Iwanan sa batya na may tubig ang damit at hayaang lumambot


ang putik.
B. Maglagay ng 500 ml bleach sa tubig at ibabad ang damit ng
magdamag.
C. Lagyan ng sabon ang tubig, ibabad ang damit, pigain at isampay.
D. Gumamit ng sabon at kusutin ang damit, banlawan at isampay.

2. Si Ana ay isang mag-aaral sa ikalimang baitang. Isa sa kanyang


mga natutunan sa paaralan ay ang paggawa o paglikha
ng mga kagamitang pambahay gamit ang makina at kamay.
Alin sa sumusunod na kagamitang pambahay ang madaling gawin
at maaring pagkakitaan?

A. palda
B. pantalon
C. potholder
D. sombrero

3. Si Lito ay gumawa ng mga basahan gamit ang mga retasong tela


galing sa tahian ng kanyang tiyahin. Kung ikaw si Lito,
ano ang iyong magiging batayan sa paggawa ng basahan
upang makakuha ka ng mataas na marka?

A. Wastong paggamit ng kagamitan, pagsunod sa plano,


at kabuuang anyo.
B. Wastong paggamit ng kagamitan, wastong pagsunod sa plano,
at kabuuang anyo.
C. Wastong pagsunod sa plano, paggamit ng kagamitan, kabuuang
anyo, at pagkamalikhain.
D. Wastong paggamit ng kagamitan, pagsunod sa plano, kabuuang
anyo, pagkamalikhain, at gamit ng produkto.

Regional Achievement Measure – EPP 5 | 1


4. Si Del ay nagtatahi ng punda gamit ang makinang de-padyak.
Kalimitan, ay hindi natatapos ang kanyang gawain dahil sa may
kaluwagan ang humahawak sa karayom ng makina. Anong bahagi
ng makinang de-padyak ang tinutukoy na may sira?

A. needle clamp
B. Bobbin Winder
C. balance wheel
D. tension regulator

5. Nais ni Clara na ayusin ang tahi ng kanyang ginagawang apron.


Anong bahagi ng makina ang dapat ayusin niya kung nais niyang
magkaroon ng pantay na haba o igsi ng tahi?

A. treadle
B. belt guide
C. bobbin case
D. stitch regulator

6. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naaayon sa mga salik


sa pagpaplano nang masustansiyang pagkain para sa pamilya?

A. Nararapat na tiyaking kumain ng agahan bago magsimula


sa maghapong paggawa.
B. Kailangan ng mag-anak ang malaking badyet para sa pagkain
upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
C. Dapat isaalang-alang ang pangangailangan ayon sa gulang,
kalusugan, kasarian, at uri ng gawaing ginagampanan
ng bawat miyembro.
D. Dapat higit na marami ang kinakain sa hapunan
kaysa tanghalian upang masigurong may sapat na enerhiya
sa maghapong paggawa.

7. Inutusang kang bumili ng isda sa palengke para sa inyong agahan.


Ano-ano ang dapat tandaan sa pagpili ng sariwang isda?

A. Makintab ang balat at firm ang laman.


B. Makintab at kulay pula ang mata at hasang.
C. Mapula ang hasang at kompleto ang mga mata.
D. Mapula ang kulay ng mata at malambot ang laman.

Regional Achievement Measure – EPP 5 | 2


8. Ang masarap na lasa, tamang sustansya, at gabay sa pagluluto ng
pagkain gamit ang tamang sangkap ay nakasalalay sa naghahanda
nito. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa pagluluto ng wastong
pagkain?

A. recipe
B. meal plan
C. talaan ng putahi
D. talaan ng paninda

9. Sabik na sabik sa mga pagkaing Pilipino ang kamag- anak nina Venus
na mula sa Australia. Ginawa nilang kaakit-akit ang paghahanda,
pagluluto at pag-aayos ng mga pagkain. Alin sa mga sumusunod ang
mga batayan sa paghahanda ng pagkaing kaakit-akit?

A. kulay, lasa, kagamitan, at temperatura


B. lasa, tekstyur, anyo, pambalot, kagamitan
C. tekstyur, temperatura, kulay, hugis, at lasa
D. hugis at anyo, tekstyur, temperatura, kulay, at lasa

10. Ang paglalaba, pagtutupi, at pag-aayos ng mga damit ay maaring


magdulot ng lukot sa mga ito. Upang maging maganda muli ang anyo
ng mga kasuotan, pagsunod-sonorin ang tamang pamamaraan ng
pamamalantsa?

I. Ihanda ang mga kagamitan sa pamamalantsa at ang mga damit na


dapat plantsahin.

II. Isampay ang mga pinalantsang damit ng maayos sa sabitan.

III. Bukod-bukorin ang mga damit ayon sa uri tulad ng blusa, polo,
pantalon, palda, panyo at iba pa.

IV. Plantsahin nang maayos at maingat ang mga damit ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod (blusa, polo, palda, pantalon o shorts)

V. Subukin ang init ng plantsa gamit ang malinis na basahan.

A. I, II, III, IV, V


B. V, II, IV, I, III
C. III, V, I, IV, II
D. I, III, V, IV, II

Regional Achievement Measure – EPP 5 | 3


Agri-Fishery Arts

11. Makikita sa ibaba ang mga paraan ng paggawa ng compost.


Alin ang tamang pagkasunod-sunod ng mga hakbang sa composting?

1. Itapon sa hukay ang mga naipong nabubulok na bagay.


2. Gumawa ng hukay na may sukat na isang metro ang lalim.
3. Maglagay ng nga tuyong dumi ng hayop kagaya ng baka,
kambing, manok o baboy.
4. Maghanap ang mga nabubulok na bagay tulad ng tuyong dahon,
prutas at tirang pagkain.

A. 1-2-3-4
B. 2-4-1-3
C. 3-1-4-2
D. 4-3-2-1

12. Si Mark ay gagawa ng abonong organiko para sa kaniyang


mga halaman. Alin ang dapat niyang IWASAN upang maging ligtas
ang paggawa niya ng pataba?

A. Gumamit ng gwantes sa paghahalo ng mga sangkap.


B. Magbihis ng kasuotan pagkatapos gumawa ng pataba.
C. Magmeryenda para busog habang gumagawa ng pataba.
D. Gumamit ng mga kasangkapang nasa maayos ang kondisyon.

13. Inatasan ni Bb. Cruz ang unang pangkat ng mag-aaral sa EPP 5 na


lagyan ng organikong pataba ang pananim nilang mga talong. Inilagay
ng mga bata ang pataba sa lupa sa paligid ng mga puno ng halaman.
Ano ang tawag sa paraang ito ng paglalagay ng abono?

A. Broadcast Method
B. Side-dressing Method
C. Basal Application Method
D. Foliar Application Method

Regional Achievement Measure – EPP 5 | 4


14. Maraming insekto ang nananalasa sa taniman ni Mang Oscar.
Nais niyang puksain ang mga ito gamit ang organikong pestisidyo.
Alin sa mga sumusunod ang maaring gamiting sangkap sa paggawa
ng organikong pistisidyo?

A. dahon ng atis
B. bunga ng pulang sili
C. buto ng hinog na kamatis
D. murang bunga ng kamyas

15. Si Mang Carlos ay nag-aalaga ng mga manok na ang karne ay kanyang


benibenta sa mga fast food restaurant. Ano ang nararapat na lahi ng
manok na kaniyang aalagaan?

A. Darag
B. Rhode Island Red
C. Rhode Island White
D. White Leghorn

16. Ang pamilya ni Gng. Alma ay nagmamay-ari ng manokan. Upang


lumaki ng malusog at malakas ang mga sisiw, alin sa sumusunod ang
dapat ilagay sa kanilang inumin?

A. antibiotic
B. bitamina
C. chick booster
D. pampurga

17. Ang Coturnix ay isang pugo (common quail) na lahi ng ibon. Ito ay
mabilis lumaki at maaaring maibenta ang itlog at karne. Gaano
katagal itong alagaan bago mapagkakakitaan?

A. pitong linggo
B. apat na linggo
C. dalawang buwan
D. isa at kalahating buwan

Regional Achievement Measure – EPP 5 | 5


18. Ipinakita ni Mang Jose ang talaan ng kanyang ani, benta, at mga
puhunan sa gulayan sa kanyang pamilya. Batay dito, ibigay ang
kabuuang kita ng pamilya mula sa mga gulay na itinanim.

Halaga ng
Dami Naipagbili Puhunan
Uri ng Naipagbili
ng
Pananim Timbang Halaga
Tanim
(Kilo) bawat Kilo
(Organikong
kamatis 52 46 P32 P1472
Pataba)
talong 98 84 P80 P6720 P2380
okra 75 68 P24 P1632 (Buto): P1220
kalabasa 43 37 P40 P1480
Kabuuan
Kabuuang Kita

A. P2,380.00
B. P7,704.00
C. P3,600.00
D. P11,304.00

19. Bakit itinuturing na makabuluhang gawain ang pag-aalaga ng isda


at manok?

A. Natututo ang mga bata na gumawa ng pagkain mula sa isda at


manok.
B. Sila ay nagdudulot ng pagkain sa mesa at pangkabuhayan sa
pamilya.
C. Ang manok at isda ay nakatutulong sa pagpuksa ng mga peste
sa halamanan.
D. Ang makukulay na isda at mga sisiw na manok ay nagbibigay aliw
sa mga miyembro ng pamilya.

20. Si Ana ay nagtitinda ng karneng baboy. Nais niyang dumami ang


kaniyang suki at makapagbenta sa iba’t ibang bayan sa kanilang
probinsya. Alin ang mainam niyang gawin?

A. Magbenta gamit ang social media o e-commerce platforms.


B. Kumuha ng taong maglalako ng mga panindang karne.
C. Umupa ng pwesto sa mga palengke ng iba’t ibang bayan.
D. Mag arkila ng sasakyan na magagamit sa paglako ng paninda.

Regional Achievement Measure – EPP 5 | 6


Industrial Arts
21. Aling bahagi ng Edukasyong Pantahan at Pangkabuhayan (EPP) ang
tumutukoy sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman at
kadalubhasaan na nauugnay sa mga materyales tulad ng kahoy,
metal, kawayan, kuryente, at mga karagdagang elemento?
A. Agricultural Arts
B. Entrepreneurship
C. Home Economics
D. Industrial Arts

22. Gusto ni Ramon na linisin ang berdeng balat ng kawayan at iproseso


para sa produktong nais niyang gawin. Alin sa mga sumusunod ang
dapat niyang gawin?
A. Huwag lagyan ng gamot ang tubig.
B. Pakuluan sa tubig habang nilalaga ito.
C. Lagyan ng gamot ang tubig bago ito pakuluan.
D. Lagyan ng gamot ang tubig pagkatapos itong pakuluan.

23. Si Pedro ay gumagawa ng proyekto sa paaralan at nais niyang pumutol


ng kahoy na pahalang sa hilatsa. Alin sa mga kagamitan sa ibaba ang
dapat niyang gamitin?
A. itak
B. lagari
C. serrated knife
D. wasay
24. Napagkasunduan nina Lenny at Elvin ang paggawa ng sandok bilang
proyekto sa kanilang klase sa Home Economics. Pipili sila ng dalawang
materyales na pagtatambalin para mabuo ang kanilang proyekto. Alin
sa mga materyales ang kanilang dapat piliin?

Talaan ng materyales:

abaka besagra kawayan yero


alambre buri luwad bao ng niyog

A. alambre at yero
B. buri at abaka
C. kawayan at besagra
D. kawayan at bao ng niyog

Regional Achievement Measure – EPP 5 | 7


25. Gagawa si Macoy ng extension cord. Anong kagamitan ang kanyang
kakailanganin bilang panghawak o pamputol ng alambreng pang-
elektrikal?

A. combination plier
B. gunting
C. longnose plier
D. pamutol ng kawad

26. Si Ruben ay gumagawa ng plano para sa proyektong mapagkikitaan


gamit ang mga lokal na materyales kagaya ng kawayan. Alin sa mga
sumusunod ang unang bahagi sa pagbuo ng isang plano?

A. krokis
B. layunin
C. pangalan ng proyekto
D.mga kagamitan at materyales

Panuto: Ang datos na nakalagay sa ibaba ay talaan ng materyales


at gagastusin sa pagbuo ng extension cord. Suriin at pag-aralan
ito.

Halaga ng Kabuuang
Bilang Unit Deskripsyon
Bawat Isa Halaga
1 piraso convenience outlet P65.00 P65.00
1 piraso male plug P45.00 P45.00
4 metro flat cord P22.00 _________
PANGKALAHATANG GASTOS _________

27. Kung bibili ka ng flat cord sa halagang P22.00 kada metro, magkano
ang kabuuang halaga nito?

A. P66.00
B. P88.00
C. P96.00
D. P98.00

28. Mula sa datos sa itaas, magkano ang gagastusin mo sa pagbuo


ng isang extension cord?

A. P196.00
B. P198.00
C. P202.00
D. P208.00

Regional Achievement Measure – EPP 5 | 8


29. Higit na malilinang ang kaalaman at kasanayan ng isang mag-aaral
kung sasabayan ito ng pagtulong sa ating pamayanan. Alin sa mga
sumusunod na gawain ang nagpapakita ng layuning ito?

A. Magbenta ng mga proyektong de-kalidad na ginaya at maaring bilhin


sa mataas na presyo.
B. Gumawa ng isang makabuluhang proyekto gamit ang mga
kasangkapan na makikita sa ating pamayanan.
C. Magplano ng isang proyekto na nangangailangan ng isang
masusing paglikha upang di magaya ng basta-basta.
D. Lumikha ng proyekto na nagmula sa mga imported na materyales
mula sa mga kaibigang nangibang-bansa.

30. Si Mang Carlito ay may natatanging kaalaman sa pagawa ng mesa,


silya, at bangkito. Naisip ng kaniyang kapatid na bigyan siya ng
puhunan na makapag-umpisa ng negosyo. Alin sa mga nabanggit na
negosyo ang nababagay na simulan ng magkapatid?

A. electrical repair shop


B. pagawaan ng mga gamit
C. furniture shop
D. pagkukumpuni

Information and Communication Technology


31. Si Aling Milagros ay isang mananahi. Buong araw siyang nananahi
ng damit pambata para ibenta sa plaza pagdating ng Linggo. Alin sa
mga sumusunod na pangungusap ang tungkol sa produkto at serbisyo
ukol sa pananahi?

A. Si Aling Milagros ay isang mananahi.


B. Nananahi ng damit si Aling Milagros.
C. Buong araw siyang nananahi ng damit.
D. Nagtatahi ng ibebentang damit si Aling Milagros.

32. Ang discussion forum o chat ay isang platform na marami


kang matutunan kung ito ay ginagamit nang tama. Alin sa mga
sumusunod ang nagpapakita ng responsableng pamamaraan sa
pagsali sa discussion forum o chat?

A. Ugaliing gumamit ng emoticons sa chat.


B. Mag-post ng jokes para mapansin ng karamihan.
C. Gumamit ng tamang pananalita habang nakikipag-chat.
D. Kumuha ng screenshot sa thread at i-post sa social media.

Regional Achievement Measure – EPP 5 | 9


33. Nagtatanong ang bunso mong kapatid kung ano ang pagkakaiba ng
produkto sa serbisyo. Alin sa sumusunod ang nagtataglay ng wastong
sagot sa tanong ni bunso?

A. Ang produkto at serbisyo ay parehong naglilingkod o nagsisilbi


gamit ang kasanayan sa lipunan na tumutugon sa pangangailangan
ng tao sa pamayanan.
B. Ang produkto ay mga ani o bunga at mga kalakal samantalang
ang serbisyo ay uri ng paglilingkod o pagsisilbi ngunit walang
kakayahang tumugon sa pangangailangan ng tao sa pamayanan.
C. Ang produkto ay mga bagay na likha ng mga kamay, makina,
o isipan at ang serbisyo ay uri ng paglilingkod o pagsisilbi gamit
ang kasanayan sa lipunan na parehong tumutugon
sa pangangailangan ng tao sa pamayanan.
D. Ang produkto ay mga bagay na mabibili sa tyangge, palengke o mall
samantalang ang serbisyo ay uri ng paglilingkod na may bayad sa
bawat pagtugon sa pangangailangan ng tao.

34. Sa pagbebenta ng mga paninda, kinakailangan maging malikhain at


maparaan para mapalago ang napiling negosyo. Alin sa mga
sumusunod ang tamang paraan ng pagbebenta?

A. Pagandahin ang label ng mga paninda na maging kaakit-akit.


B. Magsuot ng magarang damit at maging masayahin sa pagtitinda.
C. Gumawa ng natatanging promosyon sa mga ibinibentang produkto.
D. Ilatag ang mga paninda sa publikong lugar upang mapansin ng mga
mamimili.

35. Si Gina ay gumagawa ng kaniyang proyekto gamit ng mga basic


functions sa electronic spreadsheet. Ano ang nais niyang gawin kung
naunang ginamit ang equal sign (=) bago ang numero?

A. Nagbibilang ng mga tables.


B. Bumubuo ng isang formula.
C. Gumagamit ng mga symbols.
D. Gagawa ng mga kailangang data

36. Alin sa sumusunod na uri ng diagram ang nagpapahayag at


nagpapakita ng pagkakaiba at pagkakatulad ng iba’t ibang uri ng
mga bagay o ideya?

A. Flowchart C. Venn Diagram


B. Cycle Diagram D. Fishbone Diagram

Regional Achievement Measure – EPP 5 | 10


37. Ang paggamit ng word processing tools ay malaking bagay
para mapabilis at maging epektibo ang paggawa ng mga dokumento.
Alin sa mga sumusunod ang hakbang na gagawin kung gusto mong
lagyan ng icons, pictures, at iba pang disenyo ang iyong gagawing
dokumento?

A. Click File in Menu Bar


B. Click Insert in Menu Bar
C. Click Layout in Menu Bar
D. Click Design in Menu Bar

38. Ang mga pangangailangan ng tao ay matutugunan dahil sa iba’t-ibang


produkto at serbisyo na matatagpuan sa ating pamayanan.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng wastong
halimbawa?

A. Si Rosa ay bumili ng isda sa palengke.


B. Gumastos si Bert para sa pagpapatayo ng kanyang bahay.
C. Nakakuha ng atensiyong medikal si Abnir mula sa isang medikal na
misyon.
D. Nakapag-ani ng mga itinanim na gulay si Roel at ibenenta nya ito sa
palengke.

39. Ang mga impormasyon ay mas madali nang makuha sa kasalukuyang


panahon gamit ang Internet. Maraming nakakabit na ilang serbisyo
dito kagaya ng email, calendar, at marami pang iba. Anu ang tawag
dito?

A. Webpages
B. Hyperlinks
C. Search Engines
D. Uniform Resource Locators (URL)

40. Ang mga websites ay may mga serbisyo tulad ng chat o discussion
forum apps o platforms. Para sa ligtas na paggamit nito, alin sa mga
sumusunod ang dapat gawin kung tapos ka na sa paggamit nito?

A. Mag screenshot ng mga nagsidalo ng discussion forum.


B. Laging i-log out ang account pagkatapos gumamit ng gadget.
C. Panatilihing nakabukas ang account para sa mga notifications.
D. Ilista ang petsa at oras ng chat o discussion forum sa notebook.

Regional Achievement Measure – EPP 5 | 11


For inquiries or feedback, please contact:

Department of Education – Regional Office VI


Duran St., 5000 Iloilo City
Telephone No.: (033)-337-0149
E-mail Address: region6@deped.gov.ph

You might also like