Republic of the Philippines
Department of Education
REGION 1
SCHOOLS DIVISION OF LA UNION
_________________________________________________________________________________________________________________
Banghay Aralin sa ARALING PANLIPUNAN 10
(Mga Kontemporaryong Isyu)
Abril 11, 2024
(2:15 – 3:15 PM | 10
APOLLO)
I. Mga Layunin:
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natatalakay ang konsepto ng pagkamamamayan;
B. Naibabahagi kung paano nagsimula ang konsepto ng pagkamamamayan; at
C. Nauunawaan ang legal na panananaw ng pagkamamamayan.
Pamantayan sa Pagkatuto
Natutukoy ang mga isyu at hamon sa pagkamamamayan.
II. Nilalaman:
A. Paksa:
Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamamayan
B. Sanggunian:
SLM Modyul 1 Araling Panlipunan 10 Ikaapat na Markahan
C. Kagamitan:
Powerpoint
III. Pamamaraan:
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Aktibiti
- Panalangin
- Pagbati
- Pagcheck ng attendance
- Pagbasa ng REAS na may pamagat na AKO,
IKAW, TAYO’Y MAMAMAYAN at pagsagot sa
katanungan
- Pagganyak
Gawain: AYUSIN MO!
Paunto: Ang klase ay mapapangkat sa
tatlo. Kinakailangang buuwin ang nagulong
salita na nakalagay sa sobre at gumuhit ng
isang bagay na isinisimbolo nito. Gawin ito
sa loob ng tatlong minuto.
B. Analysis
Gawain: Sagutin!
Panuto: Sa parehong grupo sagutin ang
sumusunod na tanong.
1. Ano kaya ang kahagahan ng nabuong
salita sa mamamayan?
C. Paglinang ng Aralin:
Powerpoint Presentation
Sir, sa tingin ko po ay ang ating tatalakayin
Base sa inyong binasang REAS at ginawang sa araw na ito ay patungkol sa
aktibidad ano sa tingin niyo ating tatalakayin pagkamamamayan.
sa araw na ito?
Tama!
Ano unang pumapasok sa inyong isipan sa Sir, kapag narinig ko ang salitang
salitang mamamayan? mamamayan, agad kong naiisip ang mga tao
Magaling! na bahagi ng isang bansa o komunidad na
may kaakibat na mga karapatan at tungkulin
bilang miyembro ng lipunan, at mayroon
ding responsibilidad sa pagtulong sa
pagpapaunlad at pagpapabuti ng kanilang
bansa.
Saan kaya nagsimula ang konsepto ng
mamamayan? Sir, ang konsepto ng mamamayan ay
Mahusay! nagmula sa mga sinaunang kabihasnan
tulad ng Griyego at Roma, na may
kaugnayan sa partisipasyon ng mga tao sa
pampulitika at panlipunang buhay ng
kanilang komunidad. Sa kasalukuyan,
patuloy ang pag-unlad ng konsepto ng
Paano kaya lumawak ang konsepto ng mamamayan batay sa mga pangangailangan
mamamayan? ng lipunan.
Tama!
Sir, ang konsepto ng mamamayan ay
lumawak dahil sa kolonyalismo,
globalisasyon, at mga kilusang panlipunan
tulad ng karapatang pantao at feminism.
Nag-ambag din ang edukasyon,
Ano kaya ang ibig sabihin ng polis? komunikasyon, batas, at patakaran sa
Magaling! pagpapalawak ng pag-unawa sa konsepto ng
mamamayan at pagtanggap sa diversidad.
Sir, ito ay isang salitang Griyego na
tumutukoy sa lungsod-estado o komunidad
ng mga mamamayan. Ito ang pinakamaliit
na political unit sa sinaunang Greece na
binubuo ng mga mamamayan, kanilang
pamahalaan, at ang kanilang sibilisasyon. Sa
isang polis, ang mga mamamayan ay may
Sa paglipas ng panahon ano kaya ang mga mga karapatan at tungkulin sa
nabagong konsepto ng pagkamamamayan pagpapatakbo ng kanilang komunidad,
at pagiging mamamayan? kabilang ang pagpili ng kanilang mga pinuno
Mahusay! at paglahok sa mga pampulitikang desisyon
ng kanilang lugar.
Sir, sa paglipas ng panahon, lumitaw ang
mga bagong konsepto ng pagiging
mamamayan tulad ng global citizenship,
digital citizenship, environmental citizenship,
Ano kaya ang ugnayan ng isang gender and LGBTQ+ citizenship, at cultural
mamamayan sa estado? citizenship. Ang mga ito ay nagpapakita ng
mas malawak at inklusibong pag-unawa at
pakikilahok ng mga mamamayan sa iba't
ibang aspeto ng lipunan at pandaigdigan na
komunidad.
Sir, Ang ugnayan ng isang mamamayan sa
D. Pangwakas na Gawain: estado ay tumutukoy sa kanilang relasyon at
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na interaksiyon sa pamahalaan ng bansa. Ito ay
tanong. naglalarawan ng mga karapatan, tungkulin,
partisipasyon sa demokrasya, serbisyo at
1. Bakit kaya mahalagang malaman ang benepisyo, at pagsunod sa batas ng isang
konsepto ng mamamayan? mamamayan sa political system ng kanilang
bansa.
2. Bilang estudyante paano mo naipapakita
ang iyong pagkamamamayan?
IV. Ebalwasyon:
Gawain: QUIZ 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng
pinakatamang sagot.
_________1. Ano ang mahalagang kontribusyon ng kabihasnang Griyego sa konsepto ng
citizenship, partikular sa panahon ng polis o lungsod-estado?
a. Pag-unlad ng sistema ng buwisasyon
b. Pagpapahalaga sa kahalagahan ng edukasyon
c. Pagpapalaganap ng pribilehiyo, karapatan, at tungkulin sa mga citizen
d. Pagpapabuti ng imprastruktura sa mga lungsod
_________2. Ano ang prinsipyong pinagbabatayan ng Likas na Pagkamamamayan?
a. Jus Sanguinis o Karapatan sa Dugo.
b. Jus Soli o Karapatan ng Lupa.
c. Di-Likas o Naturalized Citizen.
d. Dual Citizenship.
_________3. Sino ang itinuturing na mamamayan ng Pilipinas ayon sa Artikulo IV, Seksyon 1?
a. Tanging yaong mga mamamayan noong panahon ng pagpapatibay ng Saligang Batas.
b. Tanging yaong mga magulang ay mamamayan ng Pilipinas.
c. Tanging yaong isinilang bago ang Enero 17, 1973, na may mga inang Pilipino na pumili ng
pagiging mamamayang Pilipino sa tamang gulang.
d. Lahat ng nabanggit.
_________4. Ano ang kailangang gawin ng mga taong isinilang bago ang Enero 17, 1973,
upang maging mamamayan ng Pilipinas?
a. Kailangan nilang magkaroon ng mga magulang na Pilipino.
b. Ang kanilang mga ina ay dapat na Pilipino, at dapat silang pumili ng pagiging mamamayan
ng Pilipinas sa tamang edad.
c. Kailangan nilang manirahan sa Pilipinas mula sa kanilang kapanganakan.
d. Kailangan nilang pumasa sa isang pagsusulit sa pagiging mamamayan.
_________5. Ano ang Jus Soli o Karapatan ng Lupa?
a. Batay sa pagkamamamayan ng mga magulang.
b. Batay sa lugar ng kapanganakan.
c. Batay sa naturalisasyon.
d. Batay sa pag-aari ng lupa.
_________6. Ayon sa Republic Act 9225 anong benepisyo ang naibibigay sa mga dating
mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa?
a. Pagkakataon na maging mamamayan ng dalawang bansa.
b. Pagkakataon na muling maging mamamayan ng Pilipinas.
c. Pahintulot na manirahan sa Pilipinas nang walang limitasyon.
d. Pahintulot na magkaroon ng doble na benepisyo at karapatan.
_________7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng pagkawala ng pagkamamamayan
ng isang citizen?
a. Pagpanumpa ng katapatan sa ibang bansa.
b. Pagtakas sa hukbong sandatahan ng Pilipinas kapag may digmaan.
c. Panlalamang sa kapwa mamamayan.
d. Pagkawala ng bisa ng naturalisasyon.
_________8. Paano nakakakuha ng pagkamamamayan ang Likas o Natural Born Citizen?
a. Sa pamamagitan ng naturalisasyon.
b. Sa lugar ng kapanganakan o pagkamamamayan ng magulang.
c. Sa pagiging 18 taong gulang pataas.
d. Sa pagsasama ng magulang.
_________9. Ano ang sinabi ni Pericles ng Athens tungkol sa responsibilidad ng mga citizen sa
lipunang polis?
a. Ang mga citizen ay may responsibilidad lamang sa kanilang sarili.
b. Ang mga citizen ay may responsibilidad sa kalagayan ng estado at sa kanilang sarili.
c. Ang mga citizen ay hindi dapat makialam sa mga gawain ng estado.
d. Ang mga citizen ay may responsibilidad lamang sa kanilang pamilya
_________10. Saan nakabatay ang Jus Sanguinis o Karapatan sa Dugo?
a. Sa lugar ng kapanganakan.
b. Sa pagkamamamayan ng mga magulang.
C. Sa lugar kung saan isinilang ang isang indibidwal.
d. Sa edad ng isang indibidwal.
_________11. Ano ang layunin ng Republic Act 9225?
a. Pagbibigay ng dual citizenship sa mga dating mamamayang Pilipino.
b. Pagpapalawig ng naturalisasyon sa mga kasalukuyang mamamayang Pilipino.
c. Pagbibigay ng pagkakataon sa mga dating mamamayang Pilipino na maging mamamayan
ng ibang bansa.
d. Pahintulutan ang mga taong may dual citizenship na maging mamamayan ng Iba’t ibang
bansa.
_______12. Ano ang Di-Likas o Naturalized Citizen?
a. Isa itong likas na mamamayan ng bansa.
b. Isa itong mamamayang hindi likas na taga-bansa.
c. Ito ay ang proseso ng pagkuha ng dual citizenship.
d. Ito ay ang pagiging mamamayan ng dalawang bansa.
_______13. Paano maaring maging mamamayan ng Pilipinas ang isang dayuhan?
a. Sa pamamagitan ng naturalisasyon.
b. Sa pag-aasawa ng maraming Pilipino.
c. Sa pagtira sa Pilipinas ng tatlong taon.
d. Sa pag-aasawa ng dalawang Pilipina.
_______14. Ano ang mga katangian na dapat taglayin ng isang dayuhan para maging
mamamayan ng Pilipinas?
a. Pagkakaroon ng maraming sasakyan sa Pilipinas.
b. Kakayahan sa pagbasa ng isang pangunahing wika ng Pilipinas.
c. Magandang ugali at reputasyon.
d. Kakayahan sa pagtatayo ng bahay sa Pilipinas
_______15. Ang mga sumusunod ang HINDI dahilan para hindi maging naturalisadong Pilipino
ang isang dayuhan?
a. Nahatulan ng kasalanang kaugnay ng moralidad
b. Sumasang-ayon sa polygamya.
c. Naniniwala sa kaugalian at tradisyong Pilipino.
d. Lantarang sumasalungat sa kagustuhan ng pamahalaan.
PERFORMANCE TASK (20 Puntos)
Panuto: Punan ang Mind Map patungkol sa pagkamamamayan nating mga Pilipino. Batay sa
iyong kaalaman tungkol sa ating natalakay sa Modyul 1, tungkol saan nga ba ang Artikulo IV:
Pagkamamamayan? Isulat ito sa likod ng sagutang papel.(20 puntos)
Rubrik sa Pagmamarka
Pamantayan Diskripsiyon Puntos
Naitatala at naipahayag nang 7
Nilalaman mabuti ang tungkol sa
Pagkamamamayan ng mga
Pilipino
Kaangkupan ng Konsepto Lubhang angkop ang konsepto sa 3
paksa
Ang kabuuang presentasyon ay 5
Kabuuang Presentasyon maliwanag, malinis, organisado at
may kabuluhan sa buhay ng isang
mamamayan
Gumamit ng tamang kombinasyon 5
Pagkamalikhain ng mga salita at napunan ng tama
ang Mind Map
Kabuuan 20
V. Takdang-
Aralin
Sa ikalawang papel magbigay ng limang hakbang na nagpapakita nang pagigiging isang
mabuting mamamayan.
Inihanda ni: Iwinasto ni: Binigyang-pansin ni:
JHUNE ALBERT L. ACLES MAYLENE H. VELASCO NELSON A.
MARTINEZ
Pre-Service Teacher Cooperating Teacher Punong- guro III