Balitang Mismo
Marso 8, 2023
ANCHOR 1 Josemaria Gonzales
ANCHOR 2 Khrysthine Laurhen Bechayda
ANCHOR 3 Felmax Aldrian Lodriguito
NEWS REPORTER 1 Jasmine Marie Manansala (Balitang Lokal)
NEWS REPORTER 2 Joachim Gaviola (Balitang Lokal)
NEWS REPORTER 3 Kate Alarice Salgado (Balitang Internasyonal)
NEWS REPORTER 4 Carl James Matriz (Balitang Isports)
NEWS REPORTER 5 Ayseah Rodrigo (Balitang Feature)
NEWS REPORTER 6 Denielle Apor (Balitang Feature)
NEWS REPORTER 7 01H Cada (Weather Forecast)
INFOMERCIAL Renier Oliva
Chris Garvida
Takumi Oishi
Christian James Jimenez
TECHNICAL MANAGER Stephanie Yu
Sabine Calatrava
Balitang Mismo
Marso 8, 2023
ANCHOR/REPORTER VOICE OVER/LINES
*OBB INTRO MUSIC FADE IN 3 SEC FADE UNDER
Anchor 1 Punto por puntong balitaan
Anchor 2 Walang paligoy-ligoy, dahil Misyon namin ang Malaman Mo
Anchor 3 Kami ang inyong kabalitaan ngayong tanghali, Felmax
Lodriguito
Anchor 2 Khrysthine Bechayda
Anchor 1 at Josemaria Gonzales
Anchor 3 Nagbabahagi ng Isyung Mahalaga at Opisyal
Anchor 1 Nagbibigay sagot sa katanungan
Anchor 2 Naguulat ng purong katotohanan. Ito ang
Lahat Balitang MISMO!
HEADLINE MUSIC UP THEN BED
Anchor 3 Para sa ulo ng mga nagbabagang balita,
Anchor 2 (whoosh) DOJ, IBINABA ANG HALAGA NG PIYANSA PARA
SA MGA MAHIHIRAP NA AKUSADONG MAHUHULI PA LAMANG AT NAKAGAWA
NG BAILABLE CRIMES. HALAGA NG PIYANSA, MAGKANO NGA BA ANG
IBABABA?
Anchor 1 (whoosh) APAT NA SAKAY NG MATAGAL NA NAWAWALANG
CESSNA PLANE 340A SA ALBAY, KINILALA NA, NAKALAP NA ANG MGA LABI
AYON KAY MAYOR CARLOS BALDO
Anchor 3 (whoosh) TURKEY, NIYANIG NG MAGKAKASUNOD NA
LINDOL. BALITANG MISMO, SINADYA ANG LUGAR PARA ALAMIN ANG EPEKTO
NG MAPAMINSALANG LINDOL AT AFTERSHOCKS
Anchor 1 (Live mula sa EUC-lead network, ito ang balitang mismo)
NATIONAL NEWS THEME MUSIC UP THEN BED
Anchor 3 Magandang tanghali Luzon, Visayas, at Mindanao, para sa
unang balita, Ipinatupad ng DOJ ang pagbaba ng piyansa para sa mga mahihirap na
akusadong mahuhuli pa lamang at nakagawa ng krimen na maaaring piyansahan,
Patas nga ba ito sa lahat o pabor lamang sa mahirap? tinutukan ni Jasmine
Manansala. (stinger)
Reporter 1 Nakasaad sa Section 4 ng Department Circular No. 11 na
ibababa ang halaga ng piyansa sa mga naturang indigent kung alinman ang mas
mababa sa kalahating porsyento ng recommended bill o sampung libong piso.
Ito ay isinagawa upang matulungan ang mahihirap na akusado na walang
kakayahan magbayad ng piyansa, at upang maiwasan ang congestion na
nararanasan sa loob ng mga kulungan sa bansa.
Dati na ring nagkaroon ng kautusan ukol sa mas mababang pagpataw ng piyansa
para sa mga mahihirap na isinasaad sa Korte Suprema Administrative Circular
38-2020 noong Abril,
Inaasahan lamang na magpasa ng income tax return o payslip at ng certificate of
indigency mula sa DSWD at barangay. Hindi kabilang sa utos na ito ang mga
krimeng nasa ilalim ng sistensiyang reclusion perpetua, life imprisonment, at sa mga
dati nang nahuli. Ito lamang ay para sa mga taong bago pa lamang mahuhuli at mga
bailable crimes.
Reporter 1 Muli ako si Jasmine Manansala, nagba-balita
MISMO (stinger)
Anchor 2 Maraming Salamat sayo Jasmine Manansala.
Pagkatapos ng matagal na paghahanap, apat na pasahero ng
nawawalang Cessna plane, kinilala na. Natagpuan na ang mga labi ng mga nasabing
pasahero at inaasahan na maipadala ito sa kani-kanilang mga pamilya. Nakatutok si
Joachim Gaviola (stinger)
NATIONAL NEWS THEME MUSIC UP THEN BED
Reporter 2 Naiulat ng Civil Aviation Authority of the
Philippines (CAAP) noong Pebrero 18 ang pagkawala ng contact ng mga Bicol
International Airport air traffic controllers sa isang Cessna 340A.
Umalis ang nasabing eroplano patungong Maynila ng 6:43 A.M, at ang huling contact
ng mga awtoridad dito ay noong 6:46 A.M.
Natagpuan itong bumagsak malapit sa bunganga ng Bulkang Mayon sa Albay, Bicol.
Nahirapan ang mga awtoridad sa pagkuha ng bangkay ng mga pasahero dahil sa
masamang panahon at pagtaas ng Bulkang Mayon sa Alert Level 2, kung saan
ipinagbabawal ang paglipad ng eroplano malapit dito.
Ika-25 ng Pebrero, Kinumpirma ni Mayor Carlos Baldo sa Albay Bicol ang pagkakuha
sa mga labi na sakay ng nasabing eroplano.
Pinangalanan ang apat na sakay ng eroplano na sina kapitan Rufino James T.
Crisostomo Jr., Joel G. Martin, at ang mga Australian natives: Simon Chipperfield at
Karthi Santhanam. Inaasahan din na maipadala ang mga labi sa kani-kanilang mga
pamilya.
Ang iba namang gamit na nakalap sa operasyon ay napunta sa pulisya para
sumasailalim sa forensic assessment.
Iyan lamang para sa ngayon, back to you (JoseMaria) (stinger)
Anchor 1 Salamat Joachim Gaviola,
Pagyanig ng mabagsik na lindol sa Turkey, Pinsala tinatayang
umabot ng $84 billion dollars o ₱4.6 trillion. Patuloy pa rin sa paghahanap sa mga
nawawala dulot ng lindol. Tinutukan yan ni Kate Salgado. (stinger)
Reporter 3 Niyanig ng magkasunod na lindol ang Turkey,
na may magnitude 7.8 noong 4 (alas cuatro) ng umaga, ika-6 ng Pebrero, na kumitil
sa buhay ng higit isang libo apat na daan na katao. Ito ay ang pinakamapinsalang
lindol na yumanig sa kasaysayan ng bansa. Makalipas ang anim na oras, nagkaroon
muli ng lindol na umaabot ng magnitude 7.6.
Matindi ang paghahanap sa iilang mga residente sa Turkey, na posibleng natabunan
ng mga gusali.
Sa sumunod na mga linggo, pagkatapos ng mga malalakas na lindol, ay ang
pagkasunod-sunod na mga aftershocks, na tumama sa mga siyudad at probinsya ng
Turkey.
Muling nagkaron ng 5.6 magnitude na lindol sa Malatya, Turkey noong
ika-27(dalawang pu’t pito) ng Pebrero; dito ay natagpuan ang isang babae sa ilalim ng
gumuhong gusali.
Tinatayang limampung libong (50,000) katao na, ang nasawi sa patuloy na pag-atake
na mga aftershocks; hanggang ngayon, marami pa rin ang nawawala; inaasahan na
hindi pa titigil ang mga parating na mga pagyanig.
Inihayag ng Turkish Enterprise and Business Confederation na ang mga gastos dulot
ng lindol ay umabot ng hanggang 4.6 trillion pesos. Naglunsad ang United Nations ng
$1 Billion apela para matulungan ang bansa.
Para sa EUC-lead Network, Ako muli si Kate Salgado, nagbabalita mismo. (stinger)
HEADLINE MUSIC UP THEN BED
Anchor 1 Susunod sa Balitang Mismo,
Anchor 2 (whoosh) KAIJU, HANDANG MAKIPAGSAPALARAN BILANG
ISANG ASIAN IMPORT SA KOPONAN NG HIROSHIMA DRAGONFLIES NGAYONG
DARATING NA SEASON NG JAPANESE B. LEAGUE
Anchor 3 (whoosh) #TWICE #SETMEFREE, NALALAPIT NA ANG
PAGSISIMULA NG KOREA’S NATION’S GIRL GROUP WORLD TOUR
READY-TO-BE
Anchor 1 (whoosh) IMPLUWENSIYA NG TRENDING TIKTOK STAR NA
SI DENNIS “KALDAG KING” TAYAG, UMABOT NA SA UK AT AMERIKA
Anchor 2 Tutukan lahat ng iyan sa pagbabalik ng
Lahat Balitang MISMO (outro)
INFOMERCIAL MUSIC UP THEN BED
*INFOMERCIAL SKIT*
HEADLINE MUSIC UP THEN BED
Anchor 1 Nagbabalik ang
Balitang MISMO
Anchor 1 Kaiju, Handang rumesbak sa Japan B. League. Inaasahan na
ito ang maging daan upang makamit ang panagarap na makapaglaro sa NBA.
Ibahagi mo Carl Matriz. (stinger)
SPORTS NEWS THEME MUSIC UP THEN BED
Reporter 4 Ibinunyag ni Kai “Kaiju” Sotto na makikipagsapalaran siya sa
Japan B. League bilang isang asian import sa koponan ng Hiroshima Dragonflies
ngayong darating na (2023-2024) season. Matapos ang halos dalawang taong
paglalaro, inanunsiyo ng atleta ang kaniyang paglisan mula sa koponan ng Adelaide
36ers sa National Basketball League kung saan nakapagtala siya ng (7.1 points per
game at 4.5 rebounds per game)
Nagpapasalamat si Kai Sotto sa ibinigay na pagkakataon sa kanya na makapasok sa
Hiroshima Dragonflies at iginiit na nasasabik na itong makapaglaro para sa bagong
koponan.
Ani ni Sotto, "I’m looking forward to playing at the Hiroshima Dragonflies.
I would like to do my best to make the season of the Dragonflies, which aims to win
the B-League championship, be wonderful. I am grateful to the president and GM for
giving me this opportunity. I’m looking forward to meeting my teammates, staff, and, of
course, fans."
Nauna nang sumubok ang batang (7-footer) sa (2022 NBA Draft), ngunit
ito'y nabigong makapasok. Nasasabik nang magpakitang-gilas si Sotto sa (B. League
Division 1), kung saan makakatapat niya ang mga kapwa Pinoy imports tulad nina
Bobby Ray Parks. Jr. ng Nagoya, Dwight Ramos ng Hokkaido, at Kiefer Ravena ng
Shiga. Hinahangad ng atleta na mapabuti ang kaniyang resumé sa B. League dahil
magsisilbi itong susi para makamit niya ang kaniyang pangarap na makapaglaro sa
NBA.
Reporter 4 Muli ako si Carl Matriz, mula sa EUC-lead network,
nagbabalita MISMO (stinger)
WEATHER NEWS THEME MUSIC UP THEN BED
Reporter 7 Magandang magandang umaga, ako nga pala si Huya Him, at
ito ang kalagayan ng panahon para sa araw na ito.
Patuloy paring magdadala ng pag-ulan ang hanging Amihan sa ating bansa, subalit
inaasahang magiging mas mainit na ang panahon ngayong buwan kung ikukumpara
noong Pebrero.
Walang inaasahan bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibilty (PAR) sa
kasalukuyan hanggang sa susunod na mga araw.
Sa bandang Metro Manila ay inaasahang bumaba sa 20°C ang temperatura ng
alas-sais ng umaga at alas-nuebe ng gabi habang ito ay maaaring tumaas hanggang
31°C simula tanghali hanggang alas tres ng hapon. Mayroong 70-72% na tsansang
magkaroon ng mahinang ulan na tatama sa bandang umaga hanggang tanghali.
Magiging maaliwalas naman ang panahon makalipas nito.
At sa Davao naman ay bababa ang temperatura sa 24°C sa alas-tres ng umaga, at
magiging mainit-init rin ang tanghali dahil 32°C ang inaasahang temperatura sa
alas-dose hanggang alas-tres ng hapon, ito rin ang pinakamainit na puntong
mararanasan sa bansa buong araw. May 63-69% na tsansa rin na umulan sa
madaling araw, ngunit pagkalipas ng tanghali ay magiging maaliwalas na rin ang
kalangitan.
Pinakamalamig naman sa bandang Cordillera na makakaranas ng 12-19°C buong
madaling araw hanggang umaga, na aabot lamang sa 29°C pagkapatak ng tanghali.
Pinakamaulan naman sa Bohol na kung saan mayroong 61% tsansa buong araw na
inaasahang aabot hanggang 87% sa katanghalian.
Inaabiso ko na palagi paring uminom ng tubig dahil sa mas mainit na panahon, ngunit
magdala parin palagi ng inyong mga payong kapag lalabas ng bahay. Muli, ako si
Huya Him, at laging tatandaan, ang buhay ay weather weather lang. (extend weather
sound)
Anchor 3 Salamat Huya Him.
Kayo ay nakatutok sa EUC-lead network, magbabalik ang
Balitang MISMO (outro)
INFOMERCIAL MUSIC UP THEN BED
*INFOMERCIAL SKIT*
HEADLINE MUSIC UP THEN BED
Anchor 2 Nagbabalik ang
Balitang MISMO
Anchor 2. Para sa ating balitang feature, halina't makichika sa ating
paboritong More-Ites
FEATURE NEWS THEME MUSIC UP THEN BED
Reporter 5 Patok na patok ngayon ang KPop groups sa Pilipinas at
inaabangan ng KPop fans ang muling pagbabalik ng Physical Concerts. Narito ngayon
si Ayseah upang i-share ang nalalapit na world tour ng Kpop-girl group na Twice!
Ayseah?
Reporter 6 (chika minute) Salamat Denielle.
Naghahanda na nga ang Korea’s Nation’s Girl Group na Twice para
sa pangatlong world tour nilang pinamagatang “Ready to Be” na gaganapin sa South
Korea, Australia, Japan, at North America na magsisimula sa April 15, 2023.
Inaasahan na ito ang magiging pinakamalaki nilang concert dahil tutugtog sila ng
labing-pito (17) na palabas sa labing-apat (14) na magkakaibang lugar upang
maisulong ang kanilang mini-album na pinamagatan ding “Ready to Be.”
Inihayag ang kanilang world tour noong February 21, 2023 mula sa isa nilang post. At
ang kanilang mini-album ay mayroong anim (6) na kanta kung saan ang kantang Set
Me Free ang kanilang lead track.
Ang mga netizens ay agad na nag-react sa post ng grupo. Sinabi ng isang fan na si
@2248ann, "Lyricist Dahyun keeping her streak Title track in English Version inclusive
Can’t wait for it ".
Mapapansin din na ang mga fans ay ginagamit ang "#TWICE #트와이스
#READYTOBE #SETMEFREE" Makikita na inaabangan talaga ng mga netizens ang
concert ng Twice at suportadong suportado nila ang nasabing grupo.
Ang Twice ay nag-concert na dati sa Pilipinas noong July 29, 2019 sa Mall of Asia
Arena, ngunit sa kasamaang-palad, hindi nabanggit ang Pilipinas bilang isa sa
kanilang venue para sa kanilang world tour ngayon.
Binubuo ang Twice ng mga miyembro na nagngangalang Nayeon, Jeongyeon, Momo,
Sana, Jihyo, Mina, Dahyun, Chaeyoung, at TUWI, na nabuo sa ilalim ng programa sa
telebisyon na "Sixteen" at nag-debut noong October 20, 2015. (stinger)
Reporter 5 Kaya kung ikaw ay isang Once na nakatira sa mga bansang
nabanggit, may pagkakataong makita mo ang Twice. Kaabang-abang ang mga ito
kaya kayo ba ay Ready to Be? Ready to be with Twice?
Reporter 5 At ready na rin ba kayong makilala ang Kaldag King ng
Pilipinas? Narito muli si Ayseah upang ipakilala ang rising star na kinagigiliwan ng
netizens sa sikat na social media platform na TikTok. Ayseah. (stinger)
Reporter 6 Its cuffin season nga naman sa Sumisikat ngayon sa TikTok na
tinaguriang “kaldag king”, o mas kilala ng kaniyang pamilya bilang si Dennis Tayag na
nag-uupload ng mga dancing video sa TikTok mula pa noong 2020.
Dumaan sa for you page ng karamihan sa mga video ni Dennis na sumasayaw ng
mga trending na kanta tulad ng “Big Boy” at “Nota” sa komikong pamamaraan.
Lumabas na ng Asya at umabot na sa iba’t-ibang bansa tulad ng United Kingdom at
America ang impluwensya na dala-dala ng kakaibang pagsasayaw ni Dennis.
Nagdulot rin ito ng pagkakabuo ng #bigboychallenge kung saan ang mga TikTok
creator ay sumasayaw sa kanta na “Big Boy” ni SZA sa choreography ng ating Kaldag
King.
Nakatatanggap na ng mga opurtunidad si Dennis ngayon, at ang kaniyang dalawang
kaibigan na sina Emman Andrei at Russel Mateo tulad ng pagkaroon nila ng
sponsorship mula sa kompanyang Aqua Flask.
Nagsimula ang career ni Dennis sa TikTok mula pa noong Nobyembre 11, 2020, kung
saan nagumpisa lang siya sa paguupload ng mga dance cover, hanggang sa
kasalukuyan na may siyam na raan at apatnapung libo na followers at dalawampu’t
anim na million likes na sa kabuuan. Muli, ako si ayseah yzahbelle rodrigo, ang inyong ka
more-ites na alam ang latest, Om (stinger)
Reporter 5 Sari-saring moves ang pumapatok ngayon sa kabataan. At yan
ang mga latest na chika ngayon, muli ako si Denielle Apor, ang inyong more-ites, na
nagbabalita ng more! Ito ang More-ites, Ano ang Latests ! Balik sa inyo Khrysthine!
Anchor 2 Salamat Denielle Apor.
HEADLINE MUSIC UP THEN BED
Anchor 2 At dito natatapos ang aming punto por puntong balitaan.
Muli ako si Khrysthine Bechayda
Anchor 3 Felmax Lodriguito
Anchor 1 at Josemaria Gonzales
Anchor 3 Nagbabahagi ng Isyung Mahalaga at Opisyal
Anchor 1 Nagbibigay sagot sa katanungan
Anchor 2 Naguulat ng purong katotohanan.
Anchor 3. Dahil Misyon namin ang malaman mo. Ito ang
Lahat Balitang MISMO
OBB INTRO MUSIC FADE OUT