0% found this document useful (0 votes)
294 views3 pages

EDITORYAFeb 18

Ang Pilipinas ay patuloy na nakakaranas ng mababang antas ng literacy at numeracy, ayon sa pagsusuri ng OECD, kung saan ang mga mag-aaral ay hindi nakamit ang kinakailangang marka. Ang kakulangan sa mga kagamitan sa paaralan at matinding kahirapan ay nagiging hadlang sa pagkatuto ng mga kabataan, na nagdudulot ng pangangailangan para sa mas epektibong sistema ng edukasyon. Sa darating na halalan, mahalaga ang pagpili ng mga lider na may tunay na intensiyon sa pagbabago at hindi lamang umaasa sa mga pangako ng mga political dynasties.

Uploaded by

annie.calipayan
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Topics covered

  • literacy,
  • mga pangako ng lider,
  • mga kagamitan,
  • mga pangarap,
  • mga classroom,
  • mga hamon,
  • mga liderato,
  • mga oportunidad,
  • mga silid-aralan,
  • kakulangan
0% found this document useful (0 votes)
294 views3 pages

EDITORYAFeb 18

Ang Pilipinas ay patuloy na nakakaranas ng mababang antas ng literacy at numeracy, ayon sa pagsusuri ng OECD, kung saan ang mga mag-aaral ay hindi nakamit ang kinakailangang marka. Ang kakulangan sa mga kagamitan sa paaralan at matinding kahirapan ay nagiging hadlang sa pagkatuto ng mga kabataan, na nagdudulot ng pangangailangan para sa mas epektibong sistema ng edukasyon. Sa darating na halalan, mahalaga ang pagpili ng mga lider na may tunay na intensiyon sa pagbabago at hindi lamang umaasa sa mga pangako ng mga political dynasties.

Uploaded by

annie.calipayan
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Topics covered

  • literacy,
  • mga pangako ng lider,
  • mga kagamitan,
  • mga pangarap,
  • mga classroom,
  • mga hamon,
  • mga liderato,
  • mga oportunidad,
  • mga silid-aralan,
  • kakulangan

EDITORYAL

PAGKABIGO NG SISTEMA: MABABANG LITERASI AT NUMERACY SA PILIPINAS


Isa na naman ang Pilipinas sa pinaka mababang antas ng literacy at numeracy. Ayon
sa resulta ng isang assessment para sa reading and comprehension na isinagawa ng
Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), pinakamababa sa 79
bansa ang nakuhang marka ng mga Filipinong mag-aaral. Ito’y nasa 600, 000 na mga mag-
aaral na may edad 15 mula 79 na bansa ang sumailalim sa pagsusulit ng Programme for
International Student Assesment (PISA). At ang nakuhang puntos ng Pilipinas ay masasabing
napaka mababa mula sa average na puntos. Saan naman kayang aspeto nagkulang ang
Pilipinas pagdating sa sistema ng edukasyon nito? Ito ang karaniwang isinusulong na ayusin
at patatagin ng ilang ng pamahalaan. Bagamat base sa resultang nakuha ng Pilipinas sa
PISA, makkikita na hindi natagumpayan ng sistema ng edukasyon ng bansa na pag-igihin ang
pagkatuto ng mga mag-aaral.

Hindi na rin bago sa kaalaman ng karamihan na mahina ang progreso ng sistema ng


edukasyon ng Pilipinas. Masyadong limitado ang mga kailangan ng mga kabataan para sa
kanilang pag-aaral. Ayon sa pagsusuri ng Congressional Commission on Education (Edcom
ll), nakitang halos isang dekada nang nagtitiis ang mga mag-aaral sa public elementary at
high schools sa kulang-kulang nilang textbooks at kapag naman minamalas ay wala talagang
nagagamit. At sa pagsusuring ginawa ng Southeast Asian Primary Learning Metrics (SEA-
PLM) na kapag nagshe-share lang sa textbook o kaya naman ay walang textbook na
nagagamit ay mababa ang score ng mga mag-aaral sa pagsusulit. Higit na maaapetuhan nito
ang pagkakataong matutong magbasa at pagunawa (read and comprehension) ng mga
kabataan.
Dagdag na rin dito ang matinding kahirapan na isa ring malaking dahilan sa
paghadlang sa pag-aaral at pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang edukasyon ay nararapat na
malawak at makarating sa mga kabataan na higit na nangangailangan. Ito pa ang kailangang
tutukan ng pamahalaan sa isyu ng kalidad na edukasyon.
Hindi pa lubusang nagagawa ng gobyerno ang buo nitong potensiyal. Kailangan
maibigay ang mga kakulangan at mas lalo pang paunlarin ang pagkatuto ng bawat kabataan.
Magkakaroon lang ng laban sa global competitiveness ang Pilipinas kagaya sa literacy at
numeracy kung sinisikap lang baguhin ang mababang estado ng edukasyon.
Higit na makakapag-usad ang maraming mag-aaral kung sapat lamang ang mga
kagamitan sa silid aralan, maayos ang mga classroom na pinanatilihan, mayroong libro na
kakailangan sa pagbabasa. At subukan pang abutin ang mahihirap na kabataan, na kulang at
subrang nangangailangan ng pag-aaral. Sa ganitong paraan hindi magiging huli ang bansa sa
mga assessment na kinukuha.
Kung mas napukusan ito, hindi na magiging isang malaking problema at pahiya ang
matatamo ng bansa. Kahit ang paglutas sa hamong ito ay hindi madaling gawin. Ngunit kung
unti-unti ng nagagawan ng mga siguradong hakbang, kahit paunti-unti ay nakakapagbunga na
ito ng resulta. At mula rito makikitang marunong umunlad ang Pilipinas at tumayo sa sarili
nitong mga paa kahit marami man ang hindi marunong magbasa at magbilang.
EDITORYAL
HALALAN 2025: TULUYANG PAGBABAGO O PATULOY NA PAGAAGRABYADO?
Dumating na naman ang pagkakataon ng mamayan na magkaroon ng
kapangyarihan na pumili ng mga bagong panauhin sa kongreso at mga partylist. Nitong
darating na Mayo 12, 2025 ang opisyal na araw ng Election ng Pilipinas. Isa ngayon sa mga
nakikitang obserbasyon sa tumatakbo sa mga kandidato ay pare-pareho lang ang bawat
apelyido o kung baga ay dominante pa rin ang Political Dynasties. Ngayong sumabog ang
Impeachment ni Vice-President Sara Duterte dahil sa panlulugi nitong ginawa ay
nagkakaroon na ng siwang ang bawat loob at pagtitiwala ng taong bayan. Sino ang nararapat
na pagkatiwalaan? Sino-sino rin ang totoong mayroong mabuting intensiyon sa pagbabago ng
buong Pilipinas?

Hindi lang pagbwelta ng korupsiyon ang sakit ng bansa, kabilang na rin dito ang
matinding kahirapan na siyang dahilan kung bakit hindi pa rin nakakaahon ng tuluyan ang
bayan. At ang mga nasa posisyon ngayon ay puro lamang mga salita na magkakaroon ng
malawakang pagbabago. Hanggang ngayon marami pa rin ang umaasa sa pangako ng dating
kandidto na ngayon ay pangulo na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na gagawin nitong P20
per kilo ang bigas. Isa iyon sa naging patok na adbokasiya na pinaunlakan ng maraming
Pilipino. Iyon pala ay nanatili pa ring nakalutang sa hangin ang kanyang salita. Inipon na
lamang ang maraming bigas upang ibenta sa malaking halaga. Isa iyon sa malaking
pambubuso upang makuha lang ang buto ng maraming tao.

Ang pangako ni President Marcos ay isa sa mga pamumukaw na ang kanilang


mga salita ay malaki ang impluwensiya sa chansang makakapili ng maling lider. Habang ang
election ngayon ay senado. Legislative, mga posisyon ng mga taong nagdedebatehan sa loob
ng kamara at ang mga pumapasa ng bawat batas. Kailangan malaman ng bawat tao kung ano
ang magiging silbi nila sa patuloy na daloy ng bansa. Ang mga batas na ipinapatupad ay
nakakapag-bunga ng marami sa lipunan at masa. Kagaya na lamang ang The Absolute
Divorce Act (House Bill 9349) na inabprobahan ng Philippine House of Representative.
Walang sinoman ang makakapag sa buhay ng batas kung hindi ang bawat tao na sa kongreso.
Kaya nararapat na alamin kung ano ang pinapaboran nila na makakatulong sa pagpapabuti ng
lahat.

Huwag nating hintayin na tayo ay maaggrabyado sa personal nilang intensiyon at


mithiin at maikulong tayo sa bawat salita na kaya nilang bigkasin. Usisain natin kung ano ang
higit na kaya nilang ipaglaban para sa progresibo na pag-unlad at pagbabago ng tao at ng
bayan. Ngayong taong halalan magsilbi sanang babala sa karamihan na sa kanilang mga
kamay nakasalalay ang hinaharap ng bansang ito.

Pumili ng mga lider na makakatulong sa kabutihan ng bawat tao. Hindi dahil sa


apelyido at pangalan lang. Hindi lang nakabase sa Political Dynasties ang pamumuno, kung
di ay sa pagkakaroon ng silbi at makakatulong sa pagbabago ng lugmok na sistema ng
Pilipinas. Ang paggawa ng bawat batas sa kongreso ay malaki ang epekto sa bawat buhay ng
tao. Ang pagpili ng mga taong uupo sa Kamara ay magsisilbing tagahatol at tagagawa ng
bawat batas na sana ay higit lamang sa sarili nilang interest. Hindi magiging aggrabyado ang
taong bayan kung nagsisimula ang pagbabago mula sa kanilang isipan. Kaya mag-isip,
umalam upang hindi malamangan.

You might also like