Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
PASAY CITY EAST HIGH SCHOOL
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na
Pangnilalaman pananaliksik.
Nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay
B. Pamantayan sa
sa kaalaman sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo, at etika ng
Pagganap
pananaliksik.
C. Mga Kasanayan sa Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay
Pagkatuto (include the ng pananaliksik (F11PT-IVcd-89)
LC code)
1. Natutukoy ang mga hanguan sa pangangalap ng datos sa
D. Detalyadong pananaliksik;
Kasanayang 2. Natatalakay nang buong husay ang naibigay na gawain; at
Pampagkatuto 3. Napahahalagahan ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng
aktibong pakikilahok sa klase.
SEL INTEGRATION
SEL INTEGRATION Tenet 4: Socials Skills
•Communication and Sharing
HANGUAN SA PANGANGALAP NG DATOS SA PANANALIKSIK
Integrasyon sa Sipnayan/Matematika: Bahagdan ng mga mag-
aaral na gumagamit ng sanggunian sa silid-aklatan
II. NILALAMAN Integrasyon sa ICT: Tamang Etika sa Paggamit ng Internet bilang
mga Netizen/Katapatan sa mga impormasyon
Integrasyon sa ESP: PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN (Ang
pagiging tapat/totoo sa kapwa sa mga impormasyong kinukuha at
ipinapamahagi)
DepEd CG p.1 [Link]
Sikhay Baitang 11 (2016) nina Ma. Luisa M. Castillo, Arjohn V. Gime
III. SANGGUNIAN at Dr. Alexander P. Gonzalez
Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik (2009) Gloria P. San Juan
et. al
IV. Pamamaraan
A. Panimula Panimulang Panalangin
Pagsasaayos ng mga upuan
Pagtatala ng liban
Pagbabalik-aral
Pagbibigay ng mga tagubilin pangsilid-aralan.
B. Pagganyak Pagpapalawak ng Talasalitaan sa pamamagitan ng
“WIKARAMBULA”
PANUTO: Sa larong ito, kailangan ninyong masabi ang tamang sagot
na katunog ng mga salitang inyong babasahin. Paulit-ulit itong
basahin sa isipan upang makuha ang sagot na katunog nito.
Halimbawa:
*Ang mga salita ay: pananaliksik, datos, burador, sanggunian, url,
pook-sapot at kanila itong tutumbasan ng kahulugan batay sa
isinasaad na gawain na susunod sa ibaba
Address: E. Rodriguez Street, Malibay, Pasay City1300Telephone
Number: (02)8854-2981
E-mail Address: 305367@[Link];
pasaycityeasthigh@[Link]
Tukuyin ang katumbas na kahulugan.
URL Batayang yunit ng impormasyon
Datos Tiyak na lokasyon ng websayt na
sinisiyasat
Burador Kasingkahulugan ng websayt kung saan
makakakuha ng impormasyon
Sanggunian Mga pinanghanguan ng impormasyon
Pook-sapot Muling pagsulat ng isang sulatin o papel
pananaliksik (draft)
PAGGANYAK NA TANONG:
Paano ba tayo pumili? Ano ang mga isinasaalang-alang natin?
Halimbawa sa- 1. Pagbili ng bagong cellphone
2. Papasukang paaralan sa kolehiyo
3. Mamahalin/iibigin o liligawan
(pag-uugnay sa pangangalap ng datos)
SEL INTEGRATION
Tenet 4: Socials Skills
•Communication and Sharing
1. May kaugnayan kaya ang inyong ginawa kanina sa ating
paksang tatalakayin sa araw na ito? Ipaliwanag?
C. Paglalahad ng PAMPROSESONG TANONG:
Aralin o Ano ang ating paksang tatalakayin sa araw na ito?
Tumpak! At iyan ang ating aralin sa araw na ito.
D. Pagtatalakay Pagtalakay sa Aralin: Pangangalap ng Datos batay sa Iba’t
ng Bagong mga Ibang Uri ng Hanguan
Konsepto at
Pagsasanay sa MGA HANGUAN NG IMPORMASYON O DATOS
Bagong - Ayon kina Mosura, et al. (1999) ang mga halimbawa ng hanguang
Kasanayan primarya (primary sources) ay ang mga indibidwal o awtoridad,
mga grupo o organisasyon/asosasyon, samahan o kapisanan,
pamilya, mga pampublikong kasulatan o dokumento at iba pa.
Kabilang din dito ang mga kinagisnang kaugalian maging mga
pampublikong kasulatan o dokumento.
- Samantala, ang mga hanguang sekondarya naman ay: aklat
tulad ng diksyunaryo, ensayklopedya, taunang aklat, jornal, atlas,
almanac. Mga lathalaing artikulo gaya ng magasin, disertasyon,
manuskrito, at iba pa.
- Hanguang Elektroniko o Internet ay maituturing ngayon bilang
isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng mga
impormasyon o datos. Ang teknolohiyang ito ay bunga ng
kumbinasyon ng mga serbisyong postal, telepono, at silid-aklatan.
(mga Uniform Resource Locator)
- Hanguang Silid-aklatan isang lugar puntahan upang
makapangalap ng mga impormasyon o datos nan ais saliksikin.
PAMPROSESONG TANONG:
Gaano kahalaga ang impormasyong nanggagaling sa
internet?
Anong uri ng website ang inyong tinitingnan?
Pagbibigay ng datos sa mga mag-aaral ng IBIS na pumupunta
sa silid-aklatan. (PPST 1.1.2 and PPST 1.4.2)
Address: E. Rodriguez Street, Malibay, Pasay City1300Telephone
Number: (02)8854-2981
E-mail Address: 305367@[Link];
pasaycityeasthigh@[Link]
Ano ang implikasyon ng mga bilang/bahagdan gayundin ang
uri ng pinanghahanguan ng mga mag-aaral ng impormasyon?
(PPST 1.2.2)
E. Paglalapat Pangkatang Gawain: (PPST 2.4.2 & PPST 2.5.2)
(Aplikasyon) Pangkat 1 – Bumuo ng grapikong larawan kaugnay ng paghahambing
ng mga Hanguang Datos sa Pananaliksik
Pangkat 2 – Bumuo ng isang akrostik mula sa salitang pananaliksik
na tumutukoy sa mga dapat tandaan sa pagkuha ng datos
Pangkat 3 – Ipaliwanag ang kahalagahan ng tamang paggamit ng
hanguang elektroniko sa pananaliksik gamit ang grapikong larawan
Pangkat 4 – Bumuo ng hugot lines kaugnay sa pagkuha ng datos sa
pananaliksik
F. Pagpapahalaga Repleksyon:
ng
Pangkatauhan “Bilang isang mag-aaral ng PCEHS, paano mo hihikayatin ang mga
(Valuing) kapwa mo mananaliksik na kumuha ng wasto at totoong
impormasyon sa pananaliksik”
G. Paglalahat ng Mahalaga ang wastong pangangalap ng datos sa pananaliksik dahil
Aralin _________________________________.
V. Pagtataya PANUTO: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Tukuyin kung
(Sasagot ang mga TAMA o MALI ang konseptong inilahad nito. (PPST 1.3.2)
mag-aaral sa 1. Ang url ay nangangahulugang uniform resource locator.
Quizizz App) (TAMA)
2. May tatlong uri ng hanguan ng datos. (MALI)
3. Hanguang primarya ay tumutukoy sa datos na kusang kinalap
ng mambabasa. (MALI)
4. Halimbawa ng hanguang sekondarya sa pagkuha ng datos
ang hanguang elektroniko o internet. (TAMA)
5. Ang pagmamasid ay pamamaraan sa pagkalap ng datos mula
sa hanguang primarya. (TAMA)
6. Ang paggamit ng sarbey ay ang paggawa ng talatanungan na
pasasagutan sa mga manunugon o respondent. (TAMA)
7. Ang blog at wiki ay mahinang batayan sa pananaliksik dahil
pabago-bago. (TAMA)
8. Pook-sapot ay kasingkahulugan ng website. (TAMA)
9. Ang mga tesis at aklat ay bahagi ng hanguang primarya.
(MALI)
10. Dapat tiyakin sa hanguang elektroniko ang may-akda,
impormasyon, at sanggunian bago ito gamitin. (TAMA)
VI. KASUNDUAN TAKDANG-ARALIN:
Panuto: Saliksikin ang sumusunod. Isulat ito sa inyong kwaderno.
Saliksikin ang mga pamantayan sa pagsasagawa ng Panayam
Address: E. Rodriguez Street, Malibay, Pasay City1300Telephone
Number: (02)8854-2981
E-mail Address: 305367@[Link];
pasaycityeasthigh@[Link]
o Interbyu at Pagbuo ng Sarbey-Kwestyoner.
VII. Mga Tala
VIII. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral
nanakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-
aaral na magpapatuloy
sa remediation?
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong
ang aking punungguro
at superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na naiskong
ibahagi sa mga kapwa
koguro?
Inihanda ni: Ipinasa kay:
G. Rexson D. Taguba G. Michael M. Ogsila
Guro sa Filipino Dalubguro I
Address: E. Rodriguez Street, Malibay, Pasay City1300Telephone
Number: (02)8854-2981
E-mail Address: 305367@[Link];
pasaycityeasthigh@[Link]
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
PASAY CITY EAST HIGH SCHOOL
E. RODRIGUEZ STREET, MALIBAY, PASAY CITY 1300
BANGHAY-ARALIN
SA
PAGBASA AT
PAGSUSURI NG IBA’T
IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK
IKA-14 NG MARSO, 2025
1:20 – 2:10 N.H.
INIHANDA NI:
G. REXSON D. TAGUBA
Guro I
BINIGYANG-DIIN NI:
G. MICHAEL M. OGSILA
Dalubguro I
Address: E. Rodriguez Street, Malibay, Pasay City1300Telephone
Number: (02)8854-2981
E-mail Address: 305367@[Link];
pasaycityeasthigh@[Link]