0% found this document useful (0 votes)
77 views5 pages

G11.fil Module 2

Ang dokumento ay tumatalakay sa akademikong pagsulat, na isang masinop at sistematikong proseso ng pagsulat na nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman. Ipinapaliwanag nito ang iba't ibang uri ng akademikong sulatin, tulad ng abstrak, buod, bionote, talumpati, at iba pa, pati na rin ang mga katangian at layunin ng akademikong pagsulat. Ang mga sulatin ay dapat pormal, obhetibo, at may paninindigan upang maging epektibo sa pagpapahayag ng mga ideya at impormasyon.

Uploaded by

alhiyajamal67
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
77 views5 pages

G11.fil Module 2

Ang dokumento ay tumatalakay sa akademikong pagsulat, na isang masinop at sistematikong proseso ng pagsulat na nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman. Ipinapaliwanag nito ang iba't ibang uri ng akademikong sulatin, tulad ng abstrak, buod, bionote, talumpati, at iba pa, pati na rin ang mga katangian at layunin ng akademikong pagsulat. Ang mga sulatin ay dapat pormal, obhetibo, at may paninindigan upang maging epektibo sa pagpapahayag ng mga ideya at impormasyon.

Uploaded by

alhiyajamal67
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng piling-

11 piling salita at isinasaalang-alang ang target na mambabasa.


Mahigpit din sa
Filipino Unang Markahan – Modyul
2: paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita dahil ang mga
Ang Akademikong Pagsulat sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman.

IBA’T IBANG URI NG AKADEMIKONG SULATIN


Isa sa pinakamahahalagang output ng sinumang mag-aaral
ang mga gawaing nauukol sa akademikong pagsulat. Ito ay
A. Akademikong Sulatin na Naglalahad at
isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang
karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng
Nangangatwiran
marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng
lipunan. 1. Abstrak.
Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa
Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na
akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas siyentipiko, at teknikal,lektyur, at mga ulat. Makikita ito sa
na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin ng akademikong unahan ng pananaliksik o pahina ng pamagat. Naglalaman
pagsulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa ito ng pinakabuod ng buong akdang akademiko. Maikli
halip na manlibang lamang. lamang ito ngunit naglalaglay ng mahahalagang elemento
bahagi ng sulating akademiko. Ang isang buongpahina ng
Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong bondpaper ay sapat na kung maaari.
pagsulat ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa 2. Buod.
pagbuo ng sulatin. Mayroon itong isang paksa na may Kalimitang ginagamit ang uring ito ng lagom sa mga akdang
magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang mga
nasa tekstong naratibo tulad ng maikling kwento, nobela,
pangungusap, talata, at seksiyon upang maging malinaw ang
pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng mga ito. Ang
dula, parabula at iba pang anyo ng panitikan. Layunin nitong
karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin ay may makatulong sa madaling pag-unawa sa nilalaman ng
simula na karaniwang nilalaman ng introduksiyon, gitna na seleksyon o akda at maisulat ang pangunahing kaisipang
nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na nilalaman ng taglay ng akda. Maaaring buoin sa loob ng isang talata o higit
resolusyon, kongklusyon, at rekomendasyon. Ilan sa mga pa o maging ng ilang pangungusap lamang ang buod at
halimbawa ng akademikong teksto ang abstrak, buod o sariling mga salita ang gamit. Ang pagbibigay ng sariling
sintesis, bionote, talumpati, katitikan pulong, panukalang pananaw o paliwanag sa akda ay iwasan, kinakailangang
proyekto, posisyong papel, pictorial sanaysay, replektibong obhetibo sa pagsulat nito.
sanaysay, lakbay-sanaysay, at iba pa. 3. Bionote
Ginagamit sa pagsulat sa personal na tala ng isang tao at
Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa maituturing ding isang uri ng lagom ang bionote. May
kritikal na pagbasa ng isang indibidwal (Arrogante et al. 2007). pagkakahawig sa pagkasulat ng talambuhay o autobiography
Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulat
o kaya kathambuhay o biography. ng isang tao ang bionote
dahil may kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang
datos, mag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay ngunit maikli lamang ito kung ihambing na naunang
magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad ng gawa, at nabanggit.
may inobasyon at kakayahang gumawa ng sintesis. Sa 4. Talumpati.
Ito ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o akademikong teksto na nagsasalaysay at naglalarawan ng
kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang mga karanasan ng may-akda sa pinuntahang lugar,
partikular na paksa. Isinusulat ito upang bigkasin sa harap ng nakasalamuhang tao at pagkain at maging ang kanyang mga
mga tagapakinig at magiging ganap na talumpati kung ito ay naisip o napagtantong ideya. Kadalasan mas personal at
binibigkas sa harap ng maraming tao. impormal ang pagkakasulat nito

5. Katitikan ng Pulong.
Ito ay isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong. 2. Piktoryal na Sanaysay
Nakasulat din kung sino-sino ang dumalo,anong oras Uri ng sulatin na kung saan higit na nakararami ang larawan
nagsimula at nagwakas ang pagpupulong gayundin ang lugar kaysa sa salita o panulat. Ang lakbay-sanaysay at pictorial
na pinagganapan nito. Ito ang nagsisilbing tala ng isang essay ay may pagkakataong nakaugnay lalo na’t karamihan
malaking organisasyon upang maging batayan at sanggunian ng lakbay-sanaysay ay may kasamang larawan. Ang mga
ng mga bagay na tinatalakay. Ito ay kalimitang ginagawa ng larawan sa pictorial essay ay dapat isinaayos ng mabuti dahil
pormal,obhetibo, at komprehensibo o nagtataglay ng lahat magpapakita ito kabuoan ng kwento o kaisipang nais
ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong. Magsisilbi ipahayag. Hindi kinakailangang napakahaba o napakaikli ang
itong opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya,o mga nakatalang sulat.
organisasyon na maaaring magamit bilang prima facie
evidence sa mga legal na ussapin o sanggunian para sa mga 3. Replektibong Sanaysay
sunod na pagplano at pagkilos. Ang replektibong sanaysay ay isang akademikong sulatin na
nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinusuri ang
6. Panukalang Proyekto. naging epekto ng mga karanasang iyon sa manunulat.
Isa itong dokumento o kasulatan ng mungkahing naglalaman Maaaring lamanin nito ang kalakasan ng manunulat at
ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag- maging ang kanyang mga kahinaan. Isinasalaysay at
uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito. inilalarawan din ng manunulat kung paano napaunlad ang
Ginagamit dinito upang kumbinsihin ang isang sponsor na kanyang mga kalakasan at kung paano niya naman
ang isang proyekto ay kailangang gawin upang malutasang napagtagumpayan o balak pagtagumpayan ang kanyang
isang partikular na problema sa negosyo o oportunidad. mga kahinaan.May pagkapersonal at mapanuri/kritikal ang
7. Posisyong Papel. uring ito ng sanaysay, at may pagka-impormal din ito dahil
Ang posisyong papel, kagaya ng isang debate,ay naglalayong sa tumatalakay ito sa personal na karanasan ng manunula
maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang tiyak na
isyung kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng
magkakaibang pananaw sa marami depende sa persepsyon
ng mga tao. Layunin nitong mahikayat ang madla na ang
pinaniniwalaan ay katanggap-tanggap at may katotohanan.

B. Akademikong Sulatin na Nagsasalaysay at


Naglalarawan

1. Lakbay-Sanaysay.
Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay
maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay. Isang
5. May Kalinawan

Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan


upang patunguhan kung kaya dapat na maging malinaw ang
pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa
pagsulat ay direktibo at sistematiko .

KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT


LAYUNIN SA PAGSASANAY SA AKADEMIKONG PAGSULAT
1. Pormal
1. Makapagsasagawa ng wastong pangangalap ng mga
imporamasyon at malikhaing pagsasagawa ng ulat.
Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi
ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita .
Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay Ang wastong pangangalap ng mga impormasyon at datos ay
bahagi ng isang pag-aaral. nangangailangan ng kasanayan sa pagbabasa at pagsuri ng
iba’t ibang sanggunian katulad ng diksiyonaryo, encyclopedia,
annual journals, almanac, atlas, magasin, academic journals,
2. Obhetibo
mga libro, pahayagan, at tesis at disertasyon. Mahalaga ang
paggamit ng mga ito sa matagumpay na pangangalap ng
Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas impormasyon. Dapat ding matutuhan ang wastong pagbuo ng
ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa bibliyograpiya o listahan ng mga ginamit na aklat at
iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang pagbanggit sa mga paglalahad ng impormasyon mula sa mga
impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya taong kinauukulan upang maiwasan ang direktang
na sumusuporta sa paksa (Alejo et al., 2005). pangongopya ng mga impormasyon o plagiarism. Sa pagkatuto
ng wastong pangangalap ng impormasyon at pagbuo ng
3. May Paninindigan bibliyograpiya, kinakailangan din na malikhaing maipakita ang
ulat na binuo upang maging nakapanghihikayat ang pagbasa
Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan ng pag-aaral o sulatin.
sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o mahalagang
impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan, 2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa
ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang pagsusuri ng iba't ibang uri ng teksto na magagamit sa
layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral. Mahalaga mga gawain ng akademikong pagsulat.
rin ang paninindigan dahil ang mismong daloy ng mga
pangungusap, pangangatwiran, at layunin ay depende sa Ang mag-aaral ay nararapat na nagtataglay ng tatlong antas
isinasaad ng paninindigan ng manunulat. ng pag-unawa sa pagbasa. Una, ang pagkakaroon ng literal
na pagpapakahulugan kung saan ang mambabasa ay
4. May Pananagutan nakauunawa ng mga salita ng wikang ginamit.
Pangalawa, pagbasa nang may pag-unawa . Ang mag-aaral
Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang ay nakapagbibigay ng pagpapakahulugan gamit ang
pinaghanguan ng mga impormasyon. Ang pangongopya ng paghihinuha at komprehensiyon sa ipinapahayag na mensahe
impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay ng awtor. Pangatlo, pagbasa nang may aplikasyon . Matapos
isang kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng ang pagbasa, dapat ay naisasagawa sa isang pagkilos ang
ating batas. mensahe ng teksto na maaaring pasulat o pag-uulat.
3. Natatalakay ang mga paksa ng naisasagawang pag- 6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang
aaral ayon sa pananaw ng may-akda kasabay ang pag- kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo ng mag-aaral
unawa ng mag-aaral bilang mambabasa. sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.

Ang mag-aaral ay inaasahang marunong magsuri ng ibang


akda na makatutulong sa kanyang pag-aaral—kritikal sa pag-
iisip, obhetibo sa pagtalakay sa paksa, organisado ang mga Mahalagang katangian na dapat ding taglayin ng mag-aaral sa
ideya at kaisipan, nakatutukoy ng sanhi at bunga, pagsulat ang pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa
nakapaghahambing, nakabubuo ng konsepto, at nakalulutas edukasyon bilang isang paraan ng pagpapabuti sa
ng suliranin para sa ikabubuti ng kanyang sulatin. kondisyon ng tao at lipunan. Sa ganito, lalabas at
malilinang ang pagiging inobatibo ng mag-aaral sa kanyang
4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto pagsulat tulad ng pagiging malikhain para sa kanyang
mula sa tinalakay na pagksa nga mga naisagawang pag- mambabasa.
aaral.
7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang
Ang pamanahong papel ay output ng mga mag-aaral bilang sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng portfolio.
pagtupad sa pangangailangan ng kanilang kurso. Bilang isang
kritikal at mapanuring mag-aaral, kailangang makapagsagawa Ang portfolio ay kalipunan ng mga sulating naisulat para sa
ng pagsusuri sa mga naisagawa nang pag-aaral upang maging pangangailangan ng kursong Akademikong Pagsulat. Ang
batayan ang mga ito sa pagbuo ng sariling konsepto na kalagayan, ayos, at dating nito ay sumasalamin sa
magiging daan sa pagpapalawak ng pagsasanay at pagbuo ng pagpapahalaga ng mag-aaral sa kanyang sarili.
sariling papel pananaliksik.

5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para


makasulat ng iba't ibang anyo ng akademikong sulatin.

Inaasahang mapahuhusay pa ang kasanayan ng mag-aaral


upang makasusulat ng iba’t ibang sulatin sa larangan ng
akademikong pagsulat.
Paglalahad at Pangangatwiran
SULTAN GURO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL 1. ______________________________________________________________
BUBONG MADANDING, MARANTAO LANAO DEL SUR 2. _______________________________ _______________________________
FILIPINO 11 3. _______________________________________________________________
Modyul 2 4.________________________________________________________________
5.________________________________________________________________
6._________________________________________________________________
PANGGALAN_________________________________________seksyon_____ 7._________________________________________________________________
Pagsasalaysay at Pangangatwiran
GAWAIN 1. Panuto: Kilalanin ang akademikong sulating inilalarawan sa 8.___________________________________________________________________
bawat bilang. Titik lamang ang isulat sa patlang bago ang bilang. 9. ___________________________________________________________________
________1. Ito ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga 10.___________________________________________________________________
akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela, dula, Katanian ng akademikong Pagsulat
parabola, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.
11.__________________________________________________________________
a. abstrak b. sintesis c. bionote d.agenda
12____________________________________________________________________
_______2. Sulatin tungkol sa buhay ng isang tao na naglalaman naglalaman
13.____________________________________________________________________
ng buod ng kanyang academic career.
a. talambuhay b. abstrak c. bionote d.talumpati 14. ____________________________________________________________________
________3.Isang kasulatang nagbibigay- kabatiran tungkol sa gagawing 15.____________________________________________________________________
pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, IBAT IBANG SANGGUNIANG PAMAGKUNAN NG MGA IMPORMASYON
tungkulin, o utos. 16.______________________________________________________________
a. katitikan ng pulong b. memorandum c. agenda d.abstrak 17.______________________________________________________________
________4. Ito ay itinuturing na isang uri ng lathalaing ang pangunahing 18.______________________________________________________________
layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay. 19._______________________________________________________________
a. agenda b.lakbay-sanaysay c. replektibong-sanaysay d. pictorial essay 20.________________________________________________________________
________5. Kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa
unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat na GAWAIN 3. Isulat ang letrang T kung tama at M kung ito ay mali.
naglalaman ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat.
a. abstrak b. panimula c. buod d.resulta ______1. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng
________6. Ito ay nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan, paggawa ng portfolio.
kompanya o organisasyon na maaaring magamit bilang prima facie ______2. Hindi Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa
evidence sa mga legal na usapin, sanggunian para sa mga sumusunod na pagiging inobatibo ng mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.
pagpaplano at pagkilos. ______3. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba't ibang anyo ng
a. agenda b. panukalang Proyekto c. proposal d.katitikan ng Pulong akademikong sulatin.
________7. Sulatin kung saan higit nakakararami ang larawan kaysa sa mga _______4. Ang pamanahong papel ay output ng mga mag-aaral bilang pagtupad sa
nilalamang salita.
pangangailangan ng kanilang kurso.
a. agenda b. lakbay-sanaysay c. replektibong-sanaysay d. pictorial essay
________5. Ang mag-aaral ay hindi inaasahang marunong magsuri ng ibang akda na
________8. Proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang
makatutulong sa kanyang pag-aaral
tumatalakay sa isang partikular na paksa.
_______6. Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan
a. katitikan ng pulong b. memorandum c. agenda d.talumpati
kung kaya dapat na maging malinaw.
________9. Isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na kinapapalooban ng mga bagay na naiisip,
nararaamdaman, pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha _______7. Hindi Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan
ng epekto sa taong sumusulat nito. ng mga impormasyon.
a. agenda b. lakbay-sanaysay c.replektibong-sanaysay d. pictorial essay _______8. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay
_______10. Ito ay sulating nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong na mahalagang isang kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas.
maipabatid sa mga taong kabahagi sa gawaing ito. _______9.Replektibong Sanaysay ay Isa itong dokumento o kasulatan ng mungkahing
a. agenda b. panukalang proyekto c. proposal d. katitikan ng pulong naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nito na siyang
tatanggap at magpapatibay nito.
GAWAIN 2. ENUMERASYON _______10.Katitikang Pulong ay Uri ng sulatin na kung saan higit na nakararami ang larawan
Panuto: Magbigay ng mga uri ng sulatin ayon sa anyo nito. kaysa sa salita o panulat.

You might also like