BANGHAY ARALIN SA EPP IV
I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
A. Natutukoy ang mga pagkain ayon sa tatlong pangkat na Go, Grow at Glow foods,
B. Nasusuri ang mga sustansiyang taglay ng tatlong pangkat na Go, Grow at Glow foods,
C. Nasasabi ang kahalagahan ng nutrisyong taglay ng tatlong pangkat ng pagkain sa ating
katawan.
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Tatlong pangkat ng pagkain
Sanggunian: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan IV, Home Economics pp. 302-307,
Internet
Kagamitan: Laptop, Visual materials, Larawan
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
Magandang umaga mga bata Magandang umaga po ma'am!
Salamat! Maupo ang lahat
May liban ba sa klase? Wala po
Okay, bago ako magsimula sa ating pag-
aaralan ngayong araw, pakiayos ng inyong
mga upo, itago lahat ng mga gamit na walang
kaugnayan sa ating gagawin.
Habang ako ay nagsasalita sa unahan ano
ang dapat ninyong gawin sa inyong upuan?
Makinig ng mabuti at itaas ang kamay kung
gustong sumagot.
Handa na ba lahat? Opo
Okay mga bata bago tayo magsimula
mayroon akong inihandang awitin at alam ko
na pamilyar ito sa inyo.
3. Pamukaw- awit
"Bahay Kubo"
Ano ang pamagat ng ating kinanta? Bahay Kubo
Tama! Mahusay
Anong meron sa bahay kubo? Mga gulay
Tama! Magbigay nga ng mga nabanggit
sa kanta at guhitan ito sa pisara.
Magaling! Kumakain ba kayo ng mga
Opo
nabanggit na na gulay sa kinanta natin?
Mabuti! Bakit kailangan natin kumain ng
mga ito? Upang maging malusog, masigla ang ating
pangangatawan at maiwasan ang sakit.
Magaling!
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Anong mga pagkain ang nakain ninyo Kanin, isda, karne ng baboy/manok, ginataang
kagabi? kalabasa, sitaw, talbos ng kamote.
Kaninang umaga? Sinangag,tuyo,hotdog,longganisa,tinapay,
pansit bihon, spaghetti.
Ang mga nabanggit ninyo ay isang
halimbawa ng mga masusustansiyang pagkain
na inihahanda sa hapag kainan.
Mayroon akong dalawang larawan na
ipapakita sainyo.
Larawan A
Ano ang masasabi mo sa unang larawan? Ito ay larawan ng mga masusustansiyang
pagkain.
Larawan B
Ano naman ang masasabi mo sa Ito ay larawan ng mga hindi masusustansiyang
pangalawang larawan? pagkain.
Magaling!
Alin ba dito ang dapat nating kainin Ang nasa Larawan A, ang mga
upang laging malusog an pangangatawan? masusustansiyang pagkain.
Bakit hindi dapat natin kainin ang mga Dahil ito ay hindi masusustansiyang pagkain.
pagkaing nasa larawan B?
Ano kaya ang epekto nito sa atin?
Maaaring magkaroon ng sakit tulad ng
pananakit sa ngipin at pananakit ng tiyan.
Magaling!
C. Paglalahad
1. Pagtatalakay
Mga bata naalala niyo pa ba ang mga
pangkat ng pagkain na tinalakay noong nasa
ikatlong baitang kayo?
Ngayon ito ang ating pag-uusapan,
makinig ng mabuti.
Ating isa-isahin kung ano ang mga
pangkat ng pagkain para mas lalo itong
maunawaan at mabigyang halaga.
Ano ang nakikita niyo sa pisara? Malaking basket na walang laman.
Gusto niyo bang lagyan natin ng laman? Opo
Sino ang makakapunta sa pisara upang
ilagay ang bawat larawan sa basket? Ako po Ma'am.
Ano ang pangalan nito?
Ito ay tinapay/slice bread
Kumakain ba kayo nito?
Opo
Ano ang pangalan nito? Keyk
Kailan tayo madalas nakakatanggap ng Kapag may okasyon tulad ng birthday o kaya
keyk? naman binyag.
Ano ang pangalan nito?
Ito ay Kanin
Kumain tayo nito tatlong beses sa isang
Agahan
araw. Ano ang una?
Tanghalian
Ano ang pangalawa?
Hapunan
At ano ang pangatlo?
Ano ang pangalan nito?
Ito ay Tsamporado
Kumakain ba kayo nito?
Opo
Ito ay Suman
Ano ang pangalan nito?
Kakaning gawa sa bigas.
Saan ito gawa?
Ano ang pangalan nito? Ito ay puto
Kumakain ba kayo nito? Opo
Ano ang pangalan nito? Ito ay kutsinta
Saan tayo madalas nakakabili ng kutsinta? Sa mga naglalako sa daan.
Ito ay kamoteng-kahoy
Ano ang pangalan nito?
Ginataang kamoteng-kahoy, linupak, cassava
Magbigay nga ng klase ng pagkaluto ng
kamoteng kahoy roll at kalamay.
Ano ang pangalan nito? Ito ay kamote
Kumakain ba kayo nito? Opo
Anong mga pagkain ang alam niyo na gawa sa Moledo, kamote que at pwedeng nilaga lang.
kamote?
Ito ay bunga ng niyog
Ano ang pangalan nito?
Ginagamit pang gata sa mga ulam tulad gulay
Saan natin madalas gamitin ang bunga ng
at pinagkukunan din ito ng mantika.
niyog?
Magaling! ano kaya ang pangalan ng
pangkat ng basket na ito?
Okay mga bata ang tawag sa pangkat na
ito ay Go foods.
Ano kaya ang sustansiyang taglay nito sa
ating mga katawan? Nagpapalakas ng katawan.
Tama! Ang mga sustansiyang taglay ng Go
food ay;
Nagbibigay ng enerhiya,lakas at sigla
sa katawan.
Pinagkukunan ng mga sustansiyang
carbohydrates, taba at langis.
Okay mga bata anong pangkat nga ito?
Go foods
Magaling! Ano ang mga halimbawa ng Go
Tinapay, keyk, kanin, tsamporado, suman,
food?
puto, kutsinta, kamoteng-kahoy, kamote at
Bukod dito sa mga nabanggit, ano pa ang mga niyog.
halimbawa ng Go foods?
Biskwit,Lugaw, gabi
Magaling! Ngayon dumako tayo sa
pangalawang pangkat ng pagkain.
Ano ang nakikita niyo? Isang malaking basket na walang laman.
Sino ang makakapunta sa pisara upang idikit
ang bawat larawan at sabihin kung anong
pagkain ito? Ma'am ako po!
Ano ang pangalan nito?
Ito ay larawan ng pritong itlog.
Kumakain ba kayo nito?
Opo
Ano ang pangalan nito?
Ito ay gatas
Umiinom ba kayo nito?
Opo
Ano ang pangalan nito?
Mga bata alam niyo ba kung ano ang Ito ay bangus na isda.
pambansang isda ng pilipinas? Opo! Bangus.
Magaling! ang pambansang isda ng
pilipinas ay bangus.
Ano ang pangalan nito?
Karne ng baboy
Ano ang ibat-ibang klase ng pagkaluto ng
Adobo, sinigang,menudo at igado.
karne ng baboy?
Ano ang pangalan nito?
Karne ng manok
Ano naman ang ibat-ibang klase ng
pagkaluto ng karne ng manok? Adobo, tinola, chicken curry at fried chicken.
Ano ang pangalan nito? Mani
Kumakain ba kayo nito? Opo
Ano ang pangalan nito? Ito ay alimango
Kumakain ba kayo nito? Opo
Saan natin madalas hinahalo o sinasahug Sa ginataang malunggay o sa ginataang langka.
ang alimango?
Ano ang pangalan nito?
Ito ay hipon
Kumakain ba kayo nito?
Opo
Ano ang pangalan nito? Ito ay hamon
Kailan ito madalas inihahanda? Kapag may okasyon tulad ng pasko at bagong
taon.
Ito ay longganisa
Ano ang pangalan nito?
Opo
Kumakain ba kayo nito?
Mabuti, itong mga larawan ay halimbawa rin
ng mga masusustansiyang pagkain.
Ano kaya ang pangalan ng pangkat ng
basket na ito?
Mga bata ang tawag sa pangkat na ito ay
Grow foods.
Ano naman kaya ang mga sustansiyang
taglay nito sa ating mga katawan?
Nakakatulong magpalaki ng katawan.
Tama! ang sustansiyang taglay ng Grow
foods ay;
Nagpapalakas ng buto at
nagpapalakas ng katawan.
Mayaman sa protina ang mga pagkain
ito.
Tumutulong sa paglaki ng katawan .
Okay mga bata ano nga ang tawag sa
pangkat na ito?
Grow foods
Tama !Ano ang mga halimbawa ng Grow
foods? Gatas, isda, karne ng baboy/manok, mani,
alimango, hipon, hamon at longganisa.
Bukod sa mga nabanggit ano pang mga
halimbawa ang mapagkukunan ng protina?
Magaling! Ngayon dumako na tayo sa Monggo, bataw, tulya, dilis at tocino.
panghuling pangkat ng pagkain.
Ano ang nakikita niyo sa pisara?
Malaking basket na walang laman
Sa inyong palagay, anong klase ng
pagkain ang mailalagay natin sa basket?
Magaling! Ano ang pangalan ng larawan
Gulay at prutas
na ito?
Ito ay petsay
Kumakain ba kayo nito?
Opo
Ano ang pangalan nito?
Ano ang sustansiya nito sa atin?
Ito ay kalabasa
Ang kalabasa ay nagpalpalinaw ng mata.
Ano ang pangalan nito?
Ito ay karot
Ano ang pangalan nito?
Kumakain ba kayo ng adobong kangkong
o ginisang kangkong?
Ito ay kangkong
Opo
Ano ang pangalan nito?
Ito ay mangga
Ano ang pangalan nito?
Sino sainyo ang may tanim na bayabas?
Mabuti dahil ang bayabas ay
napagkukunan din ng sustansya.
Ano ang pangalan nito?
Ito ay bayabas
Kumakain ba kayo nito?
Ma'am kami po
Ano ang pangalan nito?
Ito ay pakwan
Kumakain ba kayo ng saging?
Opo
Ano ang pangalan nito?
Magbigay nga ng pagkain na gawa sa
langka Ito ay saging
Kumakain ba kayo nito? Opo
Mabuti! dahil ang prutas at gulay ay isa
sa mga masusustansiyang pagkain na
makakatulong sa atin
Ano kaya ang pangalan ng pangkat ng
basket na ito? Ito ay langka
Mga bata ang tawag sa pangkat na ito ay Dinulsing langka
Glow foods.
Ano naman kaya ang mga sustansiyang
taglay nito sa ating mga katawan? Opo
Tama! ang sustansiyang taglay ng Glow
foods ay;
Nakakatulong panangga sa sakit at
impeksiyon.
Pinagkukunan ng bitamina at mineral
Nakapagpapalusog ng mata, ngipin at
buto.
Okay, anong tawag sa pangkat na ito?
Magbigay ng mga halimbawa ng glow
foods Nakakatulong upang makaiwas sa sakit
Bukod sa mga nabanggit ano pang
mga halimbawa ng Glow food?
Magaling!
Mayroon akong ipapakita na larawan
sa inyo, ano ang tawag natin dito?
Glow foods
Petsay, kalabasa, karot, kangkong, mangga,
Ano ang food pyramid? bayabas, pakwan, saging at langka
Ang food pyramid ay ito ang patnubay tungo Talong, saluyot, at okra
sa isang balanced diet na nagtataglay ng
tamang uri at sukat ng pagkain.
2. Panlinang na kasanayan
Magkakaroon tayo ng pangkatang gawain Food pyramid
sa loob ng sampung minuto, Ipapangkat ko
kayo sa tatlo pero bago iyon ano muna ang
dapat gawin habang kayo ay nasa pangkatang
gawain?
Simulan na natin ang pagbilang
Para sa unang pangkat,makinig ng
mabuti.
Pangkat #1:
Panuto: Isulat sa patlang kung anong
pangkat ng pagkain kabilang ang sumusunod.
Tukuyin kung ito ay Go food, Grow food o
Glow food.
Makinig ng mabuti, huwag maingay at
magtulungan sa pagsagot ng gawain.
Isa, dalawa, tatlo
Pangkat #2:
Panuto: Isulat ang sustansiyang taglay ng
bawat pangkat ng pagkain na Go, Grow at
Glow food. Piliin ang sagot na nasa ibaba.
1.
2.
3.
Pinagkukunan ng bitamina at mineral
Pinagkukunan ng sustansiyang
carbohydrates
Mayaman sa protina
Nagbibigay lakas at sigla sa katawan
Pangkat #3:
Ano ang kahalagahan ng tatlong pangkat
ng pagkain sa bawat hain sa mesa, kilalanin ito
ayon sa larawan ng bawat bilang at isulat ang
inyong sagot.
Iwawasto na natin ang inyong mga ginawa.
Magaling! Dahil diyan bibigyan natin ang
bawat grupo ng palakpak.
Pangkat #1: Chiki clap
Pangkat #2: Lala clap
Pangkat #3: Bombom clap
D. Paglalahat
Ano nga uli ang tatlong pangkat ng pagkain?
Ano ang Go food, Grow food at Glow food?
Pakibasa
Ang Go food ay pagkain nagbibigay enerhiya,
lakas sigla at may sustansiyang
carbohydrates ,taba at langis. Halimbawa
tinapay, keyk, kanin, tsamporado, suman,
puto, kutsinta, kamoteng-kahoy, kamote at
niyog.
Ang Grow food ay tumutulong sa paglaki ng
katawan at mayaman sa protina. Halimbawa
gatas, isda, karne ng baboy/manok, mani,
alimango, hipon, hamon at longganisa.
Ang Glow food ay pagkaing panangga sa sakit
at impeksiyon na pinagkukunan din ng
bitamina at mineral. Halimbawa, petsay,
kalabasa, karot, kangkong, mangga, suha,
bayabas, pakwan, saging at langka.
Go food, Grow food at Glow food.
Naunawaan ba ninyo ang ating aralin ngayon?
Magaling! Tandaan na ang mga
masusustansiyang pagkain sa ating
hapagkainan ang siyang gabay upang tayo'y
maging masigla at malusog ang ating
pangangatawan!
IV. Pagtataya
Tukuyin ang tatlong pangkat ng pagkain. Isulat
sa patlang kung ito ay Go, Grow o Glow food.
1. _______
Opo
2. _______
3. _______
4. _______
1. Grow
5. ________
2. Glow
3. Go
4. Glow
5. Go
V. Takdang-Aralin
A. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasabi ng katotohanan MALI kung ang
pahayag ay Hindi katotohanan.
___1. Ang Go foods ay mga pagkaing nagbibigay lakas at sigla.
___2. Ang Go, Grow at Glow foods ay hindi nakakabuti sa kalusugan ng tao.
___3. Mayaman sa bitamina at mineral ang mga prutas at gulay tulad ng kalabasa, petchay
bayabas at iba Pa.
___4. Nakakatulong sa paglaki ng katawan ang mga pagkaing mayaman sa protina.
___5. Nakakatulong sa pangkalusugan ang Hindi masusustansyang pagkain tulad ng sitsiriya.