FIL 001
LESSON 1
Mga Konseptong Pangwika
● Ang opisyal na estadistika tungkol sa wika at diyalekto sa ating Bansa ay hango
sa Census of Population and Housing (CPH) na isinasagawa ng NSO.
● Ayon sa datos noong 2000, may humigit kumulang 150 wika at diyalekto sa bansa:
○ Tagalog – nangungunang wika
○ Cebuano/Bisaya/Binisaya/Boholano – ikalawa
○ Ilocano – ikatlo
○ Hiligaynon/Ilonggo – ikaapat
○ Bikol/Bicol
○ Waray
○ Kapampangan
○ Pangasinan o Panggalatok
○ Maguindanao
○ Tausug
Kahulugan ng Wika
● Wika
○ mula sa pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin ay
mabubuo ang mga salitang makapagpahayag ng kahulugan o kaisipan
● Behikulong
○ ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa.
● Lingua
○ mula sa salitang Latin na nangangahulugang “dila” at “wika” o
“lenggwahe”.
● Langue
○ mula sa salitang Pranses na nangangahulugang ding “dila” at “wika”
● Mga Dalubhasang Nagbigay ng Iba’t Ibang Pagpapakahulugan sa Wika
○ Paz, Hernandez, at Peneyra
■ ang wika ay tulay para maipahayag ang mithiin/pangangailangan;
gamit sa wika pag-iisip at pakikipag-ugnayan
○ Henry Allan Gleason
■ ang wika ay masistemang balangkas ng tunog, arbitraryo upang
magamit ng tao sa loob ng kultura
○ Cambridge Dictionary
■ sistema ng komunikasyon na may tunog, salita, at gramatika para sa
talastasan
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
1934 – Pinagtibay ang Tydings-McDu"e Act na nagtakda ng kalayaan ng
Pilipinas matapos ang 10 taon at naging usapin ang pagpili ng wikang pambansa.
1935 – Sa Konstitusyon, inatasan ang Kongreso na pumili ng wikang pambansa
batay sa katutubong wika.
1936 – Nilikha ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP).
1937 – Ipinroklama ni Quezon ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.
:
1940 – Nailathala ang Balarila ng Wikang Pambansa at sinimulan ang pagtuturo
nito sa mga paaralan.
1942 – Sa panahon ng Hapon, opisyal na wika ang Tagalog at Niponggo; lumitaw
ang mga purista.
1946 – Sa Araw ng Kalayaan, itinakda ang Tagalog at Ingles bilang opisyal na
wika.
1954 – Idineklara ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing Marso 29–Abril 4.
1955 – Inilipat ang Linggo ng Wika sa Agosto 13–19.
1959 – Tinawag na Pilipino ang wikang pambansa.
1967 – Inatasan na ang lahat ng gusali ng pamahalaan ay may pangalan sa
Pilipino.
1968 – Inutos na ang mga dokumento at panunumpa ng pamahalaan ay nasa
Pilipino.
1970 – Naging wikang panturo ang Pilipino sa elementarya.
1974 – Ipinatupad ang Edukasyong Bilingwal.
1978 – Inatasan ang pagkuha ng yunit sa Filipino sa lahat ng kurso sa kolehiyo.
1987 – Sa bagong Konstitusyon, itinakda ang Filipino bilang wikang pambansa
at opisyal na wika ng komunikasyon at edukasyon.
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
● Virgilio Almario – Ayon sa kanya, ang wikang opisyal ay yaong itinadhana ng
batas na gamitin sa opisyal na talastasan ng pamahalaan, lalo na sa anyong
nakasulat.
● Wikang Opisyal – Wikang ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng
pamahalaan.
● Wikang Panturo – Wikang ginagamit bilang midyum sa pormal na edukasyon.
● MTB-MLE (Mother Tongue-Based Multilingual Education) – Sa ilalim ng K-12,
ginagamit ang unang wika ng mag-aaral bilang wikang panturo mula Kindergarten
hanggang Grade 3 sa pampubliko at pribadong paaralan.
● DepEd Sec. Armin Luistro – Paggamit ng wikang ginagamit sa tahanan ay
nakatutulong sa pag-unlad ng wika, kaisipan, at kamalayang sosyo-kultural ng mga
bata.
● 2013 - Itinadhana ng DepEd hanggang sa kasalukuyan ang labing siyam na wika
at dayalekto para magamit sa MTB-MLE: Tagalog, Kapangpangan, Pangasinense,
Ilokano, Bicolano, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaon, Maranao,
Chavacano, Ibanag, Ivatan, Sambal, Aklanon, Kinaray-a, Yakan, at Surigaonon.
○ Ang mga wika at diyalektong ito ay ginagamit sa dalawang paraan:
■ Bilang hiwalay na asignatura
■ Bilang wikang panturo
○ Filipino at English/Ingles ang mga pangunahing wikang panturo o medium
of instruction.
Ang Tagalog, Pilipino, at Filipino
Tagalog - katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas
(1935)
Pilipino - unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1959)
Filipino - tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1987)
LESSON 2
Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo
Unang Wika, Ikalawang Wika, Ikatlong Wika
:
● Unang Wika (L1) – Wikang natutunan mula pagkasilang; tinatawag ding mother
tongue/katutubong wika.
● Ikalawang Wika (L2) – Wikang natutunan sa paligid, eskwela, media, o lipunan.
● Ikatlong Wika (L3) – Karagdagang wika na natutunan habang lumalaki.
Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo
● Monolingguwalismo – Iisang wika ang gamit sa lahat ng larangan (panturo,
komersyo, pamahalaan). Hindi angkop sa Pilipinas dahil maraming wika.
● Bilingguwalismo – Paggamit ng dalawang wika.
○ Bloomfield – dalawang wika parang katutubo.
○ Macnamara – sapat na kasanayan sa L2 (pakikinig, pagsasalita, pagbasa,
pagsusulat).
○ Weinreich – gamit ng dalawang wika pasalitan.
○ Balanced bilingual – bihasa sa parehong wika.
● Multilingguwalismo – Paggamit ng tatlo o higit pang wika. Sa Pilipinas, ginagamit
ang Filipino, Ingles, at mga katutubong wika.
○ Batayan ng MTB-MLE (Mother Tongue-Based Multilingual Education).
MTB-MLE (Mother Tongue-Based Multilingual Education)
● Sa ilalim ng K-12, ginagamit ang unang wika ng mag-aaral bilang wikang panturo
mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa pampubliko at pribadong paaralan.
● Ducher at Tucker (1977) - napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang
wikang panturo sa mga unang taon sa pag-aaral.
● Kinilala ang 19 na wika: Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Ilokano, Bikol,
Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaon, Maranao, Chavacano, Ibanag,
Ivatan, Sambal, Aklanon, Kinaray-a, Yakan, Surigaonon.
● Filipino at English/Ingles ang mga pangunahing wikang panturo o medium of
instruction.
:
LESSON 3
Mga Barayti ng Wika
Varayti ng Wika – Nagpapakita ng pagkakaiba-iba sa uri ng wikang ginagamit ng tao sa
isang bansa. Maaaring magkakaiba sa bigkas, tono, uri, at anyo ng salita.
● Ayon kay Ca#ord (1965):
○ Permanenteng Varayti – hindi nagbabago, nakadepende sa
tagapagsalita/tagabasa.
○ Pansamantalang Varayti – nagbabago ayon sa sitwasyon.
Homogeneous at Heterogeneous na Wika
● Homogeneous – Walang buhay na wika na ganap na homogeneous; mangyayari
lang kung lahat ay iisang paraan magsalita.
● Heterogeneous – Lahat ng wika ay heterogeneous o nagkakaiba-iba dahil sa iba’t
ibang pangkat ng tao, lugar, interes, at gawain.
Mga Salik ng Pagkakaiba sa Wika
● Edad
● Hanapbuhay o trabaho
● Antas ng pinag-aralan
● Kasarian
● Kalagayang panlipunan
● Rehiyon/lugar
● Pangkat-etniko
● Etnolingguwistikong komunidad
Mga Barayti ng Wika
diyalekto / dayalek - wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon,
lalawigan o pook, malaki man o maliit
:
idyolek - personal na wika ng isang tao o sikat na quotes
sosyolek - naka-depende sa katayuan sa lipunang kanyang ginagalawan
etnolek - wika na galing sa ethnic groups, mga malalim na salita
ekolek - wikang karaniwang naririnig sa bahay
jargon - wika na alam ng partikular na pangkat ng tao
pidgin - walang pormal na estruktura/ nobody’s language
creole- pinaghalong wika galing ibang lugar
LESSON 4
Gamit ng Wika sa Lipunan
● Ang wika ay panlipunan, ito ay nabubuo at natututuhan sa pakikipag-ugnayan
sa kapwa.
● Kung walang pakikisama sa komunidad, hindi matututuhan ang paraan ng
kanilang pagsasalita.
● Ang wika ay sistema ng pakikipag-ugnayan na nagbubuklod sa tao at may
mahalagang gamit sa lipunan.
Gamit ng Wika sa Lipunan (Halliday)
● Instrumental – tumutugon sa pangangailangan (hal. liham-pangangalakal,
patalastas).
● Regulatoryo – pagkontrol sa asal o kilos (hal. direksyon, tuntunin).
● Interaksyonal – pakikipag-ugnayan sa kapwa (hal. biruan, liham-pangkaibigan).
● Personal – pagpapahayag ng sariling opinyon o damdamin (hal. talaarawan,
journal).
● Heuristiko – paghahanap ng impormasyon (hal. interbyu, pagbabasa, panonood).
● Impormatibo – pagbibigay ng impormasyon (hal. ulat, panayam, tesis).
Paraan ng Pagbabahagi ng Wika (Jakobson)
● Emotive – pagpapahayag ng damdamin.
● Conative – panghihikayat o pag-uutos.
:
● Phatic – pagsisimula o pagpapanatili ng ugnayan.
● Referential – pagbibigay ng impormasyon mula sa sanggunian.
● Metalingual – paglilinaw ng kahulugan/kodigo.
● Poetic – masining na pagpapahayag (tula, sanaysay, prosa).
LESSON 5
Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Unang Bahagi)
A. Tore ng Babel
● Mula sa Genesis 11:1-19 – Sa simula, iisa ang wika ng tao.
● Nagkaisa silang gumawa ng matibay na tore upang marating ang langit.
● Parusa ng Diyos: Nagkawatak-watak ang tao at nagkaroon ng iba’t ibang wika.
B. Mga Teorya sa Pagkatuto ng Wika
1. Teoryang Ding Dong – Tunog mula sa kalikasan at kapaligiran (hal. agos ng
tubig, hampas ng hangin).
2. Teoryang Bow-Wow – Tunog na mula sa mga hayop (hal. tahol ng aso, tilaok ng
manok).
3. Teoryang Pooh-Pooh – Salitang nagmumula sa matinding damdamin gaya ng
tuwa, galit, sakit, at pagkabigla.
4. Teoryang Ta-ta – Kaugnayan ng kumpas o galaw ng kamay sa paggalaw ng dila
at pagbigkas ng salita.
5. Teoryang Yo-he-ho – Tunog mula sa pagtutulungan sa trabaho (hal. hila, tulak).
:
6. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay – Tunog mula sa mga ritwal na binigyan ng
kahulugan.
Pinagmulan ng Lahing Pilipino
A. Teorya ng Pandarayuhan (Wave Migration Theory)
● Dr. Henry Otley Beyer (1916) – Tatlong pangkat ang nagpasimula sa lahing
Pilipino:
1. Negrito – Unang dumating, mangangaso, payat, maitim, kulot ang buhok.
2. Indones – Mas matangkad, payat, may kaalamang pumatay ng hayop
gamit ang sandata.
3. Malay – Nagtayo ng pamayanan, marunong sa agrikultura at kalakalan.
● Dr. Robert B. Fox – Pinabulaanan si Beyer; nakatagpo ng Taong Tabon (50,000
taong gulang) sa Palawan (1962) kasama ng kagamitang bato at ebidensiya ng
pagluluto.
● Landa Jocano – Mas unang tao sa Pilipinas kaysa Malaysia/Indonesia; Taong
Tabon nagmula sa Homo Sapiens (modern man) at Taong Java mula sa Homo
Erectus.
● Dr. Armand Mijares – Natagpuan ang Taong Callao sa Cagayan (67,000 taong
gulang), mas matanda kaysa Taong Tabon.
B. Austronesian Migration Theory
● Austronesian = mula sa Latin na “Auster” (south wind) + “Nesos” (isla).
● Wilheim Solheim – “Nusantao” mula sa Sulu at Celebes, kumalat sa pamamagitan
ng kalakalan, migrasyon, at pag-aasawa.
● Peter Bellwood – Mula Timog Tsina at Taiwan (5,000 BC).
Katangian ng mga Austronesian:
● Unang gumawa ng bangkang may katig.
:
● Umunlad sa pagtatanim ng palay at gumawa ng rice terraces (Banawe).
● Pagsamba sa Anito at paglilibing sa banga (Manunggul Cave).
● Marunong sumulat at bumasa bago dumating ang Kastila.
Panahon ng Katutubo
● Baybayin – Sinaunang alpabeto ng Pilipino:
○ 17 titik (3 patinig, 14 katinig).
○ Patinig /a/ kasama sa katinig; tuldok sa taas para /e/ o /i/, tuldok sa
ibaba para /o/ o /u/.
○ Dalawang pahilis (//) bilang hudyat ng pagtatapos ng pangungusap.
● Walang iisang pambansang wika noon; bawat grupo may sariling wika at kultura.
Panahon ng Kastila
● Layunin: Kristiyanisasyon ng mga katutubo.
● Mga prayle mula sa 5 Orden: Agustino, Pransiskano, Dominiko, Heswita, Rekoleto.
● Tinawag na “barbariko” at “pagano” ang mga katutubo.
● Haring Felipe II (1634) – Inutos na turuan ng wikang Espanyol ang lahat ng
katutubo.
● Carlos IV (1792) – Espanyol ang wika sa lahat ng paaralan.
● Resulta: Nanganib ang wikang katutubo, nagkawatak-watak ang mga Pilipino, at
napalayo sa pamahalaan.
Panahon ng Propaganda at Himagsikan
:
● Namulat ang Pilipino sa kaapihan lumakas ang nasyonalismo.
● Mga Propagandista nag-aral sa ibang bansa para sa reporma.
● Katipunan (1872) – Wikang Tagalog ginamit sa rebolusyon.
● Konstitusyon ng Biak-na-Bato (1899) – Tagalog ginamit ngunit hindi opisyal na
pambansa.
● Unang Republika (Aguinaldo) – Opsiyonal ang Tagalog, ginagamit kung
kailangan lamang; naapektuhan ng politika.
LESSON 6
Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Ikalawang Bahagi)
Panahon ng Amerikano (1898–1941)
● 1901 – Sa bisa ng Batas Blg. 74, ipinakilala ang Ingles bilang wikang panturo.
Dumating ang unang grupo ng gurong Thomasites.
● Ingles ang ginamit sa lahat ng paaralan at naging wikang pangtalastasan sa
batas, edukasyon, at pamahalaan.
● Nagkaroon ng dalawang panig ng usapan:
○ Pabor sa Ingles: magiging daan sa pambansang pagkakaisa, mas
madaling makisabay sa pandaigdigang kalakalan, agham, at sining, at
magiging epektibong midyum ng administrasyon.
○ Pabor sa bernakular/katutubong wika: mas madaling maunawaan ng mga
bata sa primarya, mas may kaugnayan sa pamumuhay, pagpapakita ng
nasyonalismo, at mas epektibong gamitin sa komunikasyon.
● 1935 Konstitusyon, Art. XIV, Sek. 3 – ipinag-utos na bumuo ng Surian ng Wikang
Pambansa.
● 1937, Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 – itinakda ang Tagalog bilang
batayan ng wikang pambansa.
Panahon ng Hapones (1941–1945)
:
● Pinagbawal ang Ingles at pinalaganap ang Tagalog at Nihonggo.
● Itinatag ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas) na
nagpalakas ng paggamit ng wikang pambansa.
● Lumaganap ang panitikang Tagalog (tula, dula, maikling kwento).
● Mas sumigla ang pagtalakay sa wikang pambansa dahil sa pagbabawal ng Ingles.
Panahon ng Pagsasarili hanggang Bagong Republika (1946–1986)
1946 – Pagsasarili ng Pilipinas
● Hulyo 4, 1946 – idineklara ang kalayaan.
● Batas Komonwelt Blg. 570 – parehong Tagalog at Ingles ang opisyal na wika.
● Dahil galing sa digmaan, sumentro ang bansa sa ekonomiya at lipunan, kaya’t
Ingles pa rin ang mas ginagamit.
● Sa pelikula at komiks ay lumaganap ang wikang Pilipino, ngunit Ingles ang
nanatiling midyum sa edukasyon at opisyal na usapin.
1959 – Pagpapalit ng Pangalan ng Wika
● Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 ni Jose B. Romero: mula Tagalog naging Pilipino.
1963
● Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 (Macapagal) – awitin ang Pambansang
Awit sa Pilipino.
● Utos ni Sec. Alejandro Roces – simula school year 1963–1964, lahat ng diploma at
sertipiko ay nasa Pilipino.
1967–1969 – Panahon ni Marcos
● Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (1967) – lahat ng gusali, edipisyo, at
tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.
:
● Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968) – ulong-liham ng pamahalaan sa Pilipino
(kalakip ang Ingles).
● Memorandum Sirkular Blg. 199 (1968) – lahat ng kawani ng gobyerno ay dumalo
sa mga seminar sa Pilipino ng Surian ng Wikang Pambansa.
● Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (1969) – paggamit ng Pilipino sa lahat ng
opisyal na komunikasyon at transaksiyon.
1974 – Edukasyong Bilingguwal
● Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 – ipinatupad ang Patakarang Edukasyong
Bilingguwal: Filipino at Ingles ang gagamitin sa pagtuturo.
Panahon ng Bagong Konstitusyon (1987–2003)
● 1987 Konstitusyon, Artikulo XIV, Sek. 6 – “Ang wikang pambansa ay Filipino. Ito
ay dapat payabungin at pagyamanin.”
● Dito tuluyang pinalitan ang tawag mula Pilipino tungo sa Filipino.
● Nilinaw ang tungkulin ng pamahalaan na paunlarin at itaguyod ang wikang
pambansa.
Panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo (2003)
● Executive Order No. 210 (2003) – Ingles bilang pangunahing wikang panturo sa
halip na Filipino.
● Umani ng pagtutol mula sa mga tagapagtaguyod ng wikang pambansa.
Kasalukuyan
● Sa kabila ng hamon, lumalaganap ang Filipino dahil sa:
○ epektibong pagtuturo sa mga paaralan,
○ dumarami ang babasahing nakasulat sa Filipino (komiks, aklat,
pahayagan),
○ telenobela, pelikula, radyo, at telebisyon.
:
● Malaki na ang progreso ng wikang pambansa, ngunit nananatiling hamon ang
malakas na impluwensiya ng Ingles lalo na sa agham, teknolohiya, at negosyo.
: