You are on page 1of 4

http://www.academia.

edu/24245827/MARAMING_WIKA_SANDIGAN_NG_WIKANG_FILIPINO_TUNGO_
SA_PAG-UNLAD_NG_BANSA

https://www.scribd.com/doc/109042737/Ang-Kahalagan-at-Mga-Kadahilanan-Kung-Bakit-Wikang-
Filipino-Ang-Wikang-Pambansa-at-Ang-Kaugnayan-Nito-Sa-Unlad-Pang-ekonomiya

Importanteng maintindihan natin kung paano nakakaapekto ang pagpapaunlad ng sariling wika sa
ekonomikal na aspeto ng lipunan. Napakahalaga ng komunikasyon sa upang magkaroon ng transaksyon
sa pagitan ng mga tao, upang mapaunlad nila ang kanya-kanya nilang gawaing pang-ekonomiya; gaya na
lamang sa gobyerno, mga pribadong negosyo, at iba pa.Ayon kay Christoper Cabughay (2012) isang
importanteng salik sa paglago ng ekonomiya ay ang paggamit ng wika na maiintindihan ng mga maralita.

Ang ating wikang Pambansa ang nagdudulot ng pagkakabuklod-buklod at pagkakaisa ng mga tao sa
bansa at isa itong mahalagang salik sa ating pambansang pagkakakilanlan. Ang masusing paraan upang
itaguyod ito ay nananatiling isang pangunahing hamon, 'di lamang sa mga sektor at sa mga grupong
naglalayon sa pagpapayabong ng wikang Filipino kundi sa buong bansa at sa lahat ng mga tao rito.

noong isulong ang wikang pambasa sa administrasyon ng datong pangulong quezon,nagsimula ang
pagusbong ng

Samakatuwid, napakahalaga ng wikang pambansa sapagkat ito ang nagbibigay buhay, diwa at ang
nagpapakilala sa bansa, ito ang sumasalamin sa kultura, kaugalian, paniniwala, kaalaman at karunungan
ng mga mamayan, ang nagbabatid ng kakayahan ng mga tao, ito ang daluyan ng ating komunikasyon, ito
ang larawan na nagpapakita ng ating pagkakakilanlan, kung paano tayo tatanawin at ituturing ng mga
tao sa labas ng bansa. Wika ang ating tubig na papawi sa uhaw nating kaalaman, ang tinapay na bubusog
sa ating pag-iisip at karunungan, ang ilaw na magbibigay liwanag sa kadiliman, ang paliwanag sa
kabagabagan, ang sagot sa maraming katanungan, ang sandata ng ating katalinuhan, ang kalasag ng
katuwiran at ang lunas sa ating kamangmangan. Wikang Filipino ang kaluluwa ng Pilipinas, ang
karunungan nito ang susi sa pambansang pag-unlad sa iba't-ibang aspeto para sa iisang minitmithing
tagumpay.
Makulay ang kasaysayan ng ating wika, tulad ng kasaysayan ng ating lahi. Bukod sa pagiging makulay,
mahaba rin ang panahong iniukol sa paglinang nito hanggang sa marating ang kasalukuyang kalagayan.
Tulad ng ating mga dakilang PiIipino na katakut-takot na luhang tumulo, pawis na tumigis at dugong
dumanak bago sila ganap na nagtagumpay sa kanilang pakikibaka laban sa mga dayuhang
kapangyarihang sumakop sa atin. Mayroon na nga tayong sariling wika, ngunit tayo ba’y ganap nang
malaya? Iyan ang mahalagang tanong.

Kung ang pagbabatayan ng kalayaan ay ang paglaya sa_pananakop ng mg dayuhan, maaari nating
sabihin “Oo”. Katunayan, dalawa pa nga ang naging petsa ng pagdiriwang ng araw ng ating paglaya -
Hulyo 4 noong una at Hunyo 12 nitong huli. Ngayon may baJlak na naman ang ating mga mambabatas
na ibalik na muli sa Hulyo 4. Kaya ang tanong, kailan ba talagang ganap tayong lumaya?

Kayhaba ng ating pagkabilanggo sa dayuhang kapangyarihan. Mahigit na tatlong dantaon sa kamay ng


Kastilang bumusabos sa atin at yumurak sa dangal ng ating pagkalahi, humigit- kumulang na 50 taon sa
pananakop ng Amerikano at tatlong taon sa mga Hapones. Kaawa-awang Iahing Pilipino! Ito marahil ang
dahilan kung bakit hindi makabitiw sa dayuhang impluho. Patuloy pa ring nakakulong sa hawla ng
kolonyalismo ang damdami't kaisipang Pilipino. Kailangan natin ngayon ay magisip bilang Pilipino,
magsalita sa wikang Filipino at gumawa para sa sambayanang Pilipino.

Hindi sapat na kilalanin lamang natin ating sarili, kung sino at ano tayong talaga, Ang ganap na paglaya
ng ating kamalayan ay ng kasinghalaga ng ating kalayaang pang-ekonomiya at pangkabuhayan. Sapagkat
hanggang tayo'y hindi nagsisikap na mapalaya ang ating diwa sa mga impluho ng paniniwalang kolonyal
na iniwan sa atin ng mga dayuhang panginoon, hindi tayo magiging ganap na Pilipino. Ang totoo, ito
marahil ang nagiging sagabal sa pag-unlad. Hindi tayo makahulagpos sa kaisipang kolonyal; lagi tayong
alipin ng diwa at salaping kanlurarun. Maaaring hindi lamang ito pagkahilig at paghanga sa anumang
dayuhan at paghamak sa anumang sariling atin kung di lubusang pagkawasak at pagkahati na rin ng
ating pagkabuklud-buklod. Bukod sa ating mithiing paglaya sa kolonya1ismo, kailangang lumaya rin tayo
sa umiiral na rehyonalismo. Sikapin nating matanggal ang mahigpit na pagkakabuhol sa pangkat na ating
kinabibilangan. Sa gayon ang mamayaning kaisipan ay "Atin ito" sa halip na ~'Amin ito". Kayong mga
kabataan ang magsisilbing patnubay sa pagtatamo ng adhikaing ito. Kayong mga kabataan na siyang
itinuring na pag-asa ng kinabukasan. Ang wika ni Simon, ang pangunahing tauhan sa walang kamatayang
nobela ni Jose Rizal, ang El Filibusterimos - ''Habang ang bayan ay may sariling wika, taglay niya ang
kalayaan pagkat ang wika ang siyang diwa ng bayan. Ang wikang banyaga kailanman ay di magiging
pangkalahatang wika ng isang bansa. Ang bawat isa'y nakalilimot na kapag pansamantalang pinanatili ng
isang bayan ang kanyang wika, pansamantala rin niyang pinanatili ang kanyang kalayaan".

Nakahihiyang isipin na kung minsan nagaaral tayo ng wikang dayuhan upang sila' y maunawaan at kung
sila naman ang may nais na makipag-unawaan sa atin, tayo pa rin ang nag-aaral ng kanilang wika.
Sinasabing ang wika ang isang haligi ng matatag na pagkamakabansa. Ang tanong ko' y ito - '' Kailangan
pa ba nating hiramin ang naturang haligi'?"
Wika ang ginagamit natin upang malayang_ maipabayag ang ating iniisip at nadarama. Subalit bawat
laya ay may katumbas na hangganan. Totoo ngang Malaya tayong makakapagpahayag sa pamamagitan
ng wikang salita o pasulat. Datapwat hanggang saan ang kalayaang ito? Paano tayo nagsasalita at
nagsusulat? Nakasusugat ba tayo ng damdamin ng ating kapwa? Nakabubuwag ba tayo ng isang
paniniwala? Nakasisira ba tayo ng isang umiiral na pagtitiwala at paninindigan?

Ang tunay na Kalayaan ay mababakas sa angking katatagan ng isang bansa sampu ng sambayanang
nalulukob nito. Masasabing tunay na tayong Malaya kung kaya na nating tumayo sa sariling paa at di na
kailangang umasa sa tu!ong ng ibang bansa at kung kaya na nating magpasiya para sa ating sarili pagkat
mayroon tayong sambayanang marunong manindigan. Anong halaga ng kalayaan kund hindi natin alam
gamitin ang mga biyayang idinudulot nito? Ano rin ang halaga ng wika kung hindi naman natin aktwal na
ginagamit sa malayang pagpapahayag ng ating mga mithiin at pangarap? Habang tayo ay nagsusumiksik
sa paggamit ng wikang dayuhan patuloy pa ring nakabilanggo ang ating puso at diwa. Hindi natin ganap
na maipahahayag ang ating kaisipang Pilipino, damdaming Pilipino sa wikang Filipino. Mahirap
manatiling bilanggo sa isang hawlang tayo rin ang lumikha, sapagkat kailangang tayo rin ang sumira sa
hawlang ito upang tayo'y maging lubusang malaya.

Ang wikang Pambansa ang kaluluwa ng lahi, kaya marapat lamang na atin itong mahalin at ikarangal. ang
kaluluwa ng lahi ikarangal. Sa pamamagitan ng sariling wika nakakadalangin tayo sa Diyos, nakakausap
natin ang bayan at naipahahayag natin agn bawat tibok ng puso at bawat tilamsik ng diwa. Pagsikapan
nating mapaunlad ang wikang pambansang Filipino na magiging tagapamansag ng kabihasnan,
kabuhayan, sining, panitikan at agham ng ating bansang sinilangan. Kapag narrating na natin ang antas
na ito, sadyang sumapit na ang bukang-liwayway ng tunay na kalayaang ating pinapangarap.

Kaya ang sagot sa tanong kung bakit mahalaga ang pagkakaroon natin ng wikang pambansa ay dahil ito
ay susi ng ating kalayaan.

https://www.scribd.com/doc/309961739/Tungkulin-Ng-Wika

https://www.scribd.com/doc/59854836/Kasaysayan-Ng-Pag-unlad-Ng-Wikang-
Filipino-12

http://www.academia.edu/24245827/MARAMING_WIKA_SANDIGAN_NG_WIKAN

G_FILIPINO_TUNGO_SA_PAG-UNLAD_NG_BANSA

https://www.scribd.com/doc/59861627/4-Mga-Gamit-Ng-Wika-Ayon-Kay-Michael-Halliday
https://www.buhayofw.com/ano-kahalagahan-ng-pagkakaroon-ng-wikang-pambansa-para-sa-pag-
unlad-ng-5b5ee02f2a487

You might also like