You are on page 1of 1

Isang mapagpalang umaga/hapon sa inyong lahat, ako ay si Christopher lyle Deleon isang mag aaral na

maglalahad lamang nang aking damdamin tungkol sa ating wika at ang epekto nito sa damdaming
makabayan nating mga Pilipino…

Ang wika, isang pakapangyarihang bagay na pag ginamit ay maaring makatulong o makasira sa isang
nasyon o indibidwal. Wika ang nagsasabing nagbubuklod sa isang bansa sa panahon ng hirap at sa
panahon ng pighati. Ilang libong taon na ang nakakalipas, ang wika nating mga Pilipino ay nabuo at
nagbigay halaga sa ating pagiging makabayan na ipinahihiwatig ng rebolusyon. Si rizal, si mabini, si goyo
at maraming iba pa na mga bayani nang atingbansa. Sa tingin nyo ba kung wala ang wika magagawa nila
yun? Hindi diba.. Makapangyarihan ang wika, gaya ng sinabi ni Lope K. Santos, “Ang wika ang nagbibigay
buhay at emosyon sa bawat kilos ng isang tao”. Nangangahulugang ang wika ay isang bagay na
mahalaga lalo na nung panahon ng rebolusyon. Ito’y nagging daan ubang mabuo ang unang pinaka
kilalang pahayagan, ang “La Solidaridad” na nagbigay daan upang mabuo ang Katipunan. Kung wala angg
wika sa tingin nyo ba mangyayari ang lahat ng ito? Malaki ang naiambag nang wika sa ating lipunan, sa
mga simpleng bagay na nagbigay daan upang magising ang damdaming makabayan na natutulog sa mga
Pilipino. Di lamang yan.. isa ring pinaka kilalang pangyayari sa ating bansa kung saan ang wika ay
nagging daan upang mamulat ang damdaming makabayan ng mga Pilipino ay ang EDSA people power.
Kung maaalala nyo kundi dahil sa wika ay pano masasabi ni Cardinal Sin na magtipon ang mga tao sa
edsa upang maipahayag ang mga nararamdaman ng mga tao sa mabuting paraan. Kung wala ang wika
pano na ang mangyayari pwedeng magkaron ng gulo or karahasan ang pagtitipon at pano magkakaron
ng pagtitipon kung walang wika! Pano masasabi yun ni Cardinal Sin?

Marahil ang dayalekto man nating mga Pilipino ay iba’t iba ngunit ang ating wika ay nag iisa. Ito ang
nagbubuklod buklod satin at dahil ditto tayo ay matapang at nagiging isang solidong nasyon.

You might also like