You are on page 1of 18

IFUGAO

Inihanda nina:
Carlos Azucena Kristia Alcantara
Alec Tan Dani Ria
Freddie Montes

IV - ELECTRON
Kasaysayan ng mga
Ifugao
Ang salitang Ifugao ay galing sa
kataga na Ipugo na
nangangahulugang galing sa
bundok. Ayon naman sa mitolohiya
ng mga Ifugao, ang Ifugao ay galing
sa katagang Ipugo na tumutukoy
sa mga butil ng bigas na bigay sa
kanila ng diyos na si Matungulan.
Itong bigas na ito ay nililinang pa rin
ng mga Ifugao hanggang sa
kasulukuyang panahon.
Ang pangkaraniwang pangalan Ygolote, Igolot,
o Igorrote ay ginamit sa pamamagitan ng
Espanyol conquistadores at missionaries sa
kanilang pagsusulat tungkol sa lahat ng
mga iba't-ibang mga tao na
bundok. Mamaya sa ang 1900's, ang
Amerikanong manunulat ay nagpasikat sa
pangalan na Igorot. Ayon sa tanyag na
Pilipinong mag- aaral na si Trinidad H
Pardo de Tavera, ang salita Ygolote ay
nagmula sa Tagalog na salitang golot na
ang kahulugan ay "bundok" at ang prefix
"I" ibig sabihin "tao ng mga."
Ang mga Ifugao ay tumira sa
pinakabulubunduking bahagi ng bansa, sa taas
ng Central Cordillera sa hilagang Luzon, na ang
taas ay mula 1,000-1,500 m., at binubuhay ng
tubig ng Ilog Magat, isang sanga ng ilog ng
Cagayan River. Ang lugar ay sumasakop ng
1,942.5 km sq.. Ang kanilang mga kapitbahay sa
hilaga ay ang Bontoc; sa kanluran at Kankanay
Ibaloy; sa silangan ang mga Gaddang; at sa
timog ang Ikalahan at Iwak. May 10 munisipyo
sa probinsiya: Banaue, Hungduan, Kiangan,
Lagawe, Lamut, Mayoyao, Potia, Hingyan at
Tinoc. Mayroong 154 barangay, na ang Lagawe
ang sentro ng bayan ng lalawigan.
Ang mga relihiyosong paniniwala
ng mga Ifugao ay naipapakita sa
mga mitolohiya nila kung saan may
mga diyos at diyosa na kaugnay na
higit sa karaniwan tao'y, kanilang
mga ninuno at ang mga pwersa ng
kalikasan. Ang Ifugaos, tabi mula
sa pagiging makadiyos, ay
sumasamba rin sa kalikasan at sa
kanilang mga ninuno.
Ritwal: Ang mga invocations, na palaging sinasamahan ng
mga hayop at nag-aalok ng pag-inom ng alak, ay sinadya
upang "lagyan" o ibribe ang mga diyos at manalo ng
kanilang mga pabor. Ang mga tao ay naniniwala na dahil
ang ilang mga diyos ay sanhi ng pagkakasakit, ang sakit ay
maaari lamang mapagaling sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng iba pang mga deities na mamamagitan para
sa mga hindi balido, gayon paggawa ito kailangan upang
nag-aalok ng sakripisyo sa ilang mga gods nababahala. Si
Liddum ay itinuturing bilang ang punong tagapamagitan sa
pagitan ng tao at ang iba pang mga diyos.

Ang eksaktong panalangin ay sinasabi ng mombaki at ang


bilang ng mga chickens o pigs na maging sacrificed (at
mamaya tiyan, siyempre, sa pamamagitan ng mga
naroroon) ay malinaw na tinukoy sa Ifugao tradisyon.
Tulad ng alam natin, ang mga Ifugaos ay pagans
ng ilang siglo. Sila ay inaalok sa mga sakripisyo, at
sumamba daan-daan ng mga pangunahing at menor
de edad gods at iba pang mga espiritu kabilang ang
kanilang mga antesedente. Sa kasalukuyan, tanging
ang mga non-Ifugaos Christian pa rin ilagay ang
kanilang sarili sa habag ng mga deities. Karamihan
sa mga Ifugaos, lalo na ang may pinag-aralan, ay
napalaya mula sa pagkaalipin ito. Sila ay yumakap
sa Kristiyanong pananampalataya, kung saan
lumaki nang lumaki ang mga sumali sa panahon ng
unang bahagi ng 1960's bilang isang resulta ng
trabaho na sinimulan ng Belgian CICM
missionaries sa 1907.
PANITIKAN NG
MGA IFUGAO
EPIKO NG MGA
IFUGAO

A)HUDHUD
B) ALIM
Hudhud ni Aliguyon
ISANG ARAW nuong Unang Panahon, sa nayon ng Hannanga, isang sanggol na
lalaki ang isinilang sa mag-asawang Amtalao at Dumulao. Ang pangalan niya ay
Aliguyon. Siya ay matalino at masipag matuto ng ibat ibang bagay. Katunayan, ang
napag-aralan niyang mahahalaga mula sa mga kasaysayan at pangaral ng kanyang
ama ay marami. Natuto siya kung paano makipag-bakbakan nang mahusay, at
paano umawit ng mga mahiwagang gayuma (encantos, magic spells). Kaya kahit
nuong bata pa, tiningala na siya bilang pinuno, at hanga ang mga tao sa kanya.

Nang mag-binata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si Panga-iwan, ang kaaway


ng kanyang ama, sa nayon ng Daligdigan. Subalit ang sumagot sa kanyang hamon
(reto, challenge) ay hindi si Panga-iwan. Ang humarap sa kanya ay ang mabangis na
anak nito, si Pumbakhayon, marunong ng hiwaga at bihasa rin sa bakbakan tulad ni
Aliguyon.

Hindi naaling, pinukol ni Aliguyon ng sibat si Pumbakhayon. Kasing bilis ng kidlat,


umiktad si Pumbakhayon upang iwasan ang sibat at, kagila-gilalas, sinalo sa hangin
ang sibat ng isa niyang kamay! Wala pang isang kurap ng mata, binaligtad ni
Pumbakhayon ang sibat at hinagis pabalik kay Aliguyon. Umiwas din si Aliguyon at
sinalo rin ng isang kamay sa hangin ang humahagibis na sibat. Binaliktad din niya

at ipinukol uli kay Pumbakhayon.


Pabalik-balik at walang tigil, naghagisan at nagsaluhan ng sibat si
Aliguyon at Pumbakhayon hanggang umabot ng 3 taon, hindi pa rin
tumigil ang bakbakan, at walang nagpakita ng pagod o pagsuko. Subalit sa
bangis at dahas ng kanilang paghahamok, kapwa sila humanga sa giting at
husay ng kalaban, at pagkaraan ng 3 taong bakbakan, natuto silang
igalang ang isat isa.

Biglang bigla, tumigil sina Aliguyon at Pumbakhayon at nahinto, sa wakas,


ang bakbakan. Nag-usap at nagkasundo sila ng payapa (paz, peace) ng
kanilang nayon ng Hannanga at Daligdigan. Buong lugod na sumang-ayon
lahat ng tao sa 2 nayon, at ipinagdiwang nila ang kampihan ng 2 bayani.

Sa paglawak ng katahimikan, umunlad ang 2 nayon. Naging matalik na


magkaibigan sina Aliguyon at Pumbakhayon. Nang sapat na ang gulang ni
Aliguyon, pinili niyang asawa si Bugan, ang batang-batang kapatid na
babae ni Pumbakhayon. Inalagaan niya sa bahay si Bugan hanggang
lumaki itong napaka-gandang dalaga.

Ang pilining asawa naman ni Pumbakhayon ay ang kapatid na babae ni


Aliguyon, si Aginaya. Ang 2 familia nila ay yumaman at iginalang ng lahat
sa Ifugao.
Alim
Noong unang panahon, ang mga tao ay may masagana, maligaya, at tahimik na
pamumuhay. Ang daigdig ay pawang kapatagan ang mamamalas maliban sa
dalawang bundok, ang bundok Amuyaw sa silangan at bundok Kalawitan sa
Kanluran. Doon sila naninirahan sa pagitan ng dalawang bundok na ito. Walang
mga suliranin ang mga tao tungkol sa kabuhayan. Ang mga pagkain ay nasa paligid
lamang nila. Mga biyas ng kawayan ang kanilang pinagsasaingan. Malalaki rin ang
butil ng kanilang bigas.

Ang kanilang inumin ay nanggagaling sa katas ng tubo na kung tawagin ay bayak.


Kung nais nila ng ulam na isda ay sumasalok lamang sila sapa at ilog. Maamo ang
usa at baboy-ramo, kaya madaling hulihin kung nais nilang kumain nito. Anupat
kahit na ano ang maisipan nilang pagkain ay mayroon at sagana.

Subalit dumating sa kanilang buhay ang isang napakalungkot na pangyayari.


Nagkaroon ng tagtuyot. Hindi man lamang pumapatak ang ulan. Namatay ang
lahat ng mga halaman at mga hayop. Nangamatay rin ang lang tao sa uhaw at
gutom. Naisip ng iba na hukayin ang tubig. Dahil sa lakas ng pagbalong ng tubig ay
may mga namatay. Nagdiwang din ang mga tao kahit may nangamatay, sapagkat
silay may tubig na. Subalit hindi naghinto ang patuloy na pagbalong ng tubig
hanggang sa mangalunod ang lahat ng mga tao maliban sa magkapatid na Wigan at
Bugan. Ang lalaki, si Wigan ay napadpad sa bundok ng Amuyaw at ang babae, si
Bugan, ay ipinadpad ng baha sa bundok ng Kalawitan.
Sa wakas ay humupa rin ang baha. Si Bugan ay nakapapaningas ng apoy at itoy nakita ni
Wigan. Sumampa si Wigan sa bundok Kalawitan at nagkita silang magkapatid. Naglakbay sila
sa ibat ibang pook upang maghanap ng mga tao subalit wala silang natagpuang isa man.
Nagtayo si Wigan ng isang kubo at dito niya iniwan si Bugan at siyay nagpatuloy pang muli sa
paghahanap. Sa wakas ay napagtanto niyang sila lamang magkapatid ang natira sa daigdig.
Lumipas ang panahon at naramdaman ni Bugan na siyay nagdadalang-tao. Dala ng kahihiyan
sa sarili ay naisip niyang magpatiwakal subalit hinadlangan siya ng kanilang Bathala, si
Makanungan.

Ikinasal silang magkapatid at sinabing itoy hindi kasalanan sapagkat iyon Iamang ang paraan
upang dumaming muli ang tao sa daigdig.

Nagkaanak sila ng siyam apat na babae at Iimang lalaki. Ikinasal ang apat na babae sa unang
apat na lalaki kayat ang huling lalaki o bunso ay walang naging asawa. Ang ngalan ng bunsong
ito ay Igon.

Sumapit ang panahong nagkaroon ng tagtuyot. Wala silang makain. Naisip nilang dumulog kay
Makanungan. Bilang handog sa Bathala ay nanghuli si Wigan ng isang daga at inihandog sa
Bathala. Nang hindi sila kaawaan ng Bathala ay iginapos si Igon at pinatay upang ihandog na
naman sa Bathalang Makanungan. Nilunasan ni Makanungan ang tagtuyot at dumalo pa sa
kanilang handaan subalit laban sa kanyang kalooban ang ginawa nila kay Igon. Dahil daw sa
ginawa nilang iyon kay Igon ay parurusahan sila, ang angkan nila ay magkakahiwalay. Ang
magkakapatid na mag-asawa ay magtutungo sa hilaga, sa timog, sa silangan, at sa kanluran. At
sa pagkakataong silay magkatagpu-tagpo ay mag-aaway at magpapatayan sila. Ito raw ang
sumpa ni Makanungan na tumalab sapagkat kahit ngayon, ang magkakapatid, mag-aama,
magpipinsan, o magkakamag-anak ay nagpapatayan.
Mga Batas Panlipunan na May
Kaugnayan sa Epiko
1. KUNG MAY IDUDULOG SA DIYOS NA KAHILINGAN,
MAGHANDA NG IAALAY, BUHAY MAN NG TAO O
HINDI.
PATUNAY: SA ALIM, IGINAPOS SI IGON UPANG IALAY KAY
MAKANUNGAN UPANG MAITIGIL ANG TAGTUYOT.

2. KUNG KAILANGAN NG KAPANGYARIHAN, HUMILING


LAMANG SA TANDANG AT IDAO BIRD UPANG
PAGBIGYAN KA NITO AT GABAYAN KA SA IYONG
LABAN.
PATUNAY: SI ALIGUYAN AT PUMBAKHAYON SA HUDHUD
AY HUMINGI PAREHO NG KAPANGYARIHAN SA
TANDANG AT IDAO BIRD, KAYA NANG SILAY
NAGLABAN, WALANG MATALU-TALO DAHIL PANTAY
LAMANG ANG KANILANG KAKAYAHAN.
3. HINDI MAGKAKASUNDO ANG ISANG LUGAR
NA PINAMUMUNUAN NG DALAWANG
MAGKAIBANG PINUNO.
PATUNAY:. SA HUDHUD, ANG DALAWANG TRIBO NA
PINAKAMAIMPLUWENSIYA AY HINDI NATAPOS ANG
PAG-AAWAY DAHIL MAHIRAP NGA NAMANG
MAGKAROON NG DALAWANG MAIMPLUWENSIYANG
PINUNO. DAHIL DITO AY NAGDULOT NG AWAY NA
NAGTAGAL NG ILANG TAON BAGO NATAPOS.

4. ANG LAKAS NG SINUMAN ANG BATAYAN NG


KANYANG PAGKATAO AT LUGAR SA
LIPUNAN.
PATUNAY: DAULAYAN, ANG DAPAT NA BAYAW NI
PUMBAKHAYON, AY NATALO NI ALIGUYAN, NA
NAGDAHILAN UPANG HINDI IPAKASAL ANG KAPATID
NI PUMBAKHAYON NA SI BUGAN SA KANYA. SI
ALIGUYAN NA NANALO, KAHIT KAAWAY NIYA, AY ANG
IPINAKASAL NIYA SA KANYANG KAPATID DAHIL ITO
ANG NARARAPAT PARA RITO.
5. ANG PAG-AAWAY PARA SA KAPANGYARIHAN
AY ISANG NATURAL NA BAGAY.
PATUNAY: NANG MAG-AWAY SINA ALIGUYAN AT
PUMBAKHAYON, NASISIYAHAN LAMANG MANOOD ANG
MGA TAO, LALO NA ANG MGA KABABAIHAN.
PINAPAKITA NITO NA NATURAL NA LAMANG ANG
LABANAN DATI PA PARA SA KAPANGYARIHAN.

6. ANG PAG-AASAWA NG IYONG KADUGO AY


ISANG MASALIMUOT AT NAKAKAHIYANG
BAGAY.
PATUNAY: SA ALIM, SI BUGAN AY NAGDALANG TAO, NA
ANG AMA AY ANG KANYANG KAPATID NA SI WIGAN.
DAHIL DITO, SI BUGAN AY NAHIYA NANG SOBRA KAYA
SINUBUKAN NIYANG MAGPAKAMATAY, NA PINIGILAN
NAMAN NG KANILANG DIYOS NA SI MAKANUNGAN.
7. ANG MGA DIYOS AY NAKAKAAPEKTO NG
MALAKI SA BUHAY NG MGA TAO. SAMBAHIN
AT MANIWALA SA KANILA PARATI.
PATUNAY: SA BUONG HUDHUD AT ALIM, ANG MGA
DIYOS, NA KARANIWAN AY SA ANYO NG MGA HAYOP O
HINDI BUHAY NA BAGAY, AY NAKAKAAPEKTO NG
KINALALABASAN NG MGA PANGYAYARI. TULAD NG
WALANG HANGGANG LABANAN NINA ALIGUYAN AT
PUMBAKHAYON DAHIL SA PANTAY NILANG LAKAS NA
BIGAY NG TANDANG AT IBON. SA ALIM AY NAPIGILAN
NG DIYOS ANG PAGPAPATIWAKAL NG TANGING
NABUBUHAY NA BABAE SA MUNDO NA SI BUGAN.
8. WAG GALITIN ANG MGA DIYOS, UPANG
HINDI MAGDULOT NG MASAMANG
PANGYAYARI.
PATUNAY: SA ALIM, GINALIT NG MAG-ASAWANG BUGAN
AT WIGAN SI MAKANUNGAN SA PAGPATAY SA
INOSENTENG ANAK NILA NA SI IGON. DAHIL DITO AY
PINAG-AWAY-AWAY AT PINAGHIWAHIWALAY NI
MAKANUNGAN ANG BUONG MAG-ANAK NINA BUGAN AT
WIGAN.

You might also like